Download App
32.5% THE PINK STENO DIARY (Completed Novel) / Chapter 13: Thirteen

Chapter 13: Thirteen

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Umaga at nasa private room ako kasama si Callix. Busy siya sa panonood sa akin habang naglalaro ako ng DOTA sa laptop ko. Katatapos lang ng morning classes namin at hinihintay lang namin si Kuya Ruki mula sa cafeteria.

"Cal, bored ka na ba?" ang tanong ko sa kanya.

"Medyo." he said. "Tara tulog tayo."

"Ayoko, di pa ako inaantok eh. DOTA na lang tayo." ang yaya ko sa kanya.

"Ha? Sige, pero saan?" ang tanong pa niya.

"Sa computer shop!" sabay patay ko sa main switch ng laptop ko. "Halika, sumama ka sa akin. Nasa labas lang yun ng school." ang sabi ko sabay hila ko sa kanya palabas ng private room.

(Computer Shop)

(Miyaki's POV)

Noong makarating na kami sa computer shop ay marami ang naglalaro sa loob at puro mga taga-EIAS pa. Nang makita nga kaming mga estudyante ay daig pa namin ang artistang pinagkaguluhan sa loob ng computer shop.

"Ahm Miss, paki-open po yung PC 13 at PC 14." ang sabi ko sa attendant at saka ako nagbayad ng perang panlaro namin ni Callix ng DOTA.

Agad namang binuksan ng attendant ang PC 13 at 14 ng computer shop. Bumili muna ng maiinom si Callix sa attendant bago kami naupo sa harap ng PC's na inarkila namin.

Nang nabuksan na ang computer ay pinindot ko na ang application ng DOTA sa monitor. Ganun din ang ginawa niya.

"Game ka na Cal?" ang tanong ko sa kanya.

"Game na ako." and he smiled.

Pinili kong hero si Viper habang siya naman ay si Traxex. Nag-umpisa na ang paslangan-este labanan sa pagitan namin na tinutukan ng buong EIAS.

(F8 Private Room)

(Ruki's POV)

Pagkarating ko sa private room galing cafeteria ay napansin kong wala sina Miyaki at Callix pero nandirito naman ang kanilang mga gamit.

"Saan kaya nagsuot yung dalawang yun?" ang natanong ko sa sarili ko. "Mahanap nga sila." at lumabas ako ng private room.

Hinanap ko sila sa paligid ng school pero hindi ko naman sila mahagilap. Hanggang sa may nakita akong mga babaing nagtatakbuhan palabas ng school. Hinarang ko sila at tinanong.

"Anong meron at ang bilis nyo yatang makatakbo dyan?" ang tanong ko sa kanila.

"Prince Ruki, may nagaganap na DOTA Battle sa pagitan ni Prince Callix at Miss Miyaki sa computer shop dyan sa labas! Waah! Mauna na kami ha!" at tumakbo na palabas ng gate yung mga babaing tinanong ko kanina. 

Nagulat ako sa sinabi nila.

Si Callix at ang utol ko....

Magkalaban sa DOTA?!!!

GYAAHH!!!

Agad akong tumakbo palabas ng school at dumiretso ako sa computer shop.

Pagpasok ko sa loob ng shop ay halos magka-stampede na sa loob sa dami ng mga taong nanonood. Nakisiksik ako sa mga estudyanteng nanonood kina Miyaki at Callix na kasalukuyang naglalaro ng DOTA.

Habang nagpupumilit akong makipagsiksikan sa mga nakakumpol na mga estudyante ay may biglang sumigaw ng pangalan ko.

"Waah! Si Prince Ruki, nandito!" ang tili ng isang babae na dahilan para magtilian ang lahat sa loob ng shop.

Haay. Naloko na......xD.

Pinilit kong dumaan palapit sa kanilang dalawa at himalang pinadaan ako ng mga estudyanteng nanonood sa kanila, kaya naman mabilis akong nakalapit sa kanilang dalawa. At noong paglapit ko na sa kanilang dalawa ay nakikita kong mapapatay na ni Viper si Traxex.

O-M-Gosh!!!

Callix!!!!

May balak ka bang magpatalo kay Miyaki?!!

Naku naman!

(Computer Shop)

(Miyaki's POV)

Tuwahahahahahahahahahaha!!!!!

Sa wakas, isang bala ka na lang Traxex!

Habang naglalaro kami ay panay ang kantyawan ng mga supporters namin. Kampi ang mga lalaking estudyante sa akin habang ang mga girls and gays naman ay suportado si Callix. Si Kuya naman ay halos tulungan na si Callix sa battle para lang makaligtas sa execution si Traxex.

"Waah! Ano ka ba naman Callix?! Mamamatay na yang hero mo! Lumaban ka naman!" ang halos mapraning nang sabi ni Kuya kay Callix.

"Tuwahahahahahahahaha!!!! Sumuko na lang kasi kayo! Panigurado namang mamamatay na si Traxex!" ang pakantyaw kong parinig sa dalawang King Kong na ito.

Until....

"Viper wins......"

Waah! Panalo ang hero ko! Panalo ako! Panalo ako!!!

"Gyah.....talo tayo." ang halos maiyak nang sabi ni Kuya Ruki habang si Callix naman ay napakamot na lang sa ulo sabay tapik sa noo ko.

"Congrats Miya, nanalo ka." ang sabi niya sabay yakap niya sa akin.

"Salamat Cal." ang sabi ko naman.

Kaya ang engrandeng ending, maraming mga girls and gays ang natalo sa pustahan at napilitang ibigay ang mga pusta nila sa mga alagad ko na siyang napunta ring lahat sa akin. Wahaha! May pang-meryenda na rin ako mamaya! 

Nang medyo humupa na ang mga tao sa loob ng shop ay magkakasabay na kaming lumabas nina Kuya Ruki at Callix.

(After classes...dismissal time)

(Callix's POV)

Pagkatapos ng mala-misa naming klase sa Foreign Language ay niyaya ako ni Miyaki na magmeryenda sa labas. Naglakad kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang kainang maraming mga customers, maaliwalas at medyo mausok. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang karinderya kami.

"Welcome to Aling Bessy's Carinderia! Dito ako nagmi-meryenda kapag dismissal time natin. Masarap ang dinuguan at mami nila dito! Tsaka wag kang mag-alala, kahit na open space itong karinderya nila ay malinis naman ang paligid at maayos ang food preparation nila." ang sabi niya na medyo okay sa akin dahil nakikita ko naman na malinis at maayos ang paligid pati ang food handling.

"Tara na Callix! Gutomguts na ako!" at pumasok na kami sa loob ng karinderya. Naupo kami sa pandalawahang table. Si Miyaki na ang lumapit sa counter para umorder ng dinuguan at mami.

Nang matapos nang magbayad si Miyaki sa counter ay bumalik na siya sa table namin.

"Nasaan na yung meryenda natin?" ang tanong ko sa kanya.

"Nasa counter pa. Sila na ang bahalang maghatid sa atin ng pagkain." ang sabi naman niya.

"Ah....eh....matanong ko lang, bakit mas gusto mong kumain dito kesa sa mga restaurants." ang curious na tanong ko sa kanya.

"Kasi pakiramdam ko, malaya ako kapag nasa ganitong lugar ako, hindi katulad sa reyalidad na ginagalawan ko, laging magulo, laging mapang-usisa ang mga tao sayo." ang sabi niya na tila akma sa sitwasyon ko sa pang-araw-araw.

Hanggang sa dumating na ang order naming dinuguan at mami.

"Dyaran! Ayan na ang bestseller na meryenda meal ni Aling Bessy, ang dinuguan at mami! Kain na tayo!" ang sabi ni Miyaki sabay kuha na niya ng bowl ng mami at dinuguan. Ako naman ay kinuha ko na rin ang bowl ng mami at dinuguan at sabay na kaming kumain.

Habang kumakain kami ay di ko maiwasang mapasulyap sa napakaamong mukha niya. Napaka-cute niyang tingnan habang kumakain siya, lalo na ka pag ngumunguya siya, talagang litaw na litaw ang dimples niya na lalong nagpapahulog ng loob ko sa kanya. Lalo tuloy akong ginaganahang kumain dahil sa mala-Riyo Mori na kasama ko ngayon.

Bigla nga lang akong nagitla nang mapansin niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya.

"Bakit Cal, gusto mo ba ng tubig?" ang tanong niya sa akin.

"Ha? Ah.....e-eh.....o-oo naman. Gusto ko ng tubig." ang halos mataranta ko nang sabi sa kanya.

Nagsalin si Miyaki ng tubig mula sa pitsel sabay bigay niya sa akin ng basong may lamang tubig.

"Oh ayan, uminom ka na." ang sabi pa niya matapos niyang iabot ang baso sa akin.

"S-salamat." ang sabi ko naman habang pilit kong pinagtatakpan ang hiya at nerbyos ko sa mga sandaling ito.

"Kain lang ng kain Cal! Wag kang mahiya! Kumain ka lang. Magpakabusog ka lang!" ang sabi niya sabay tawa niya ng malakas.

Ako naman ay lalong napangiti nang masilayan ko na naman ang tawa niya na parang isang nakakahalinang musika sa pandinig ko. Sana ay magtuluy-tuloy na ang kanyang pagngiti at pagtawa.....

Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami ng karinderya at hinila na niya ako sa next destination namin, ang Funhouse.

(Funhouse Carnival)

(Callix's POV)

"Cal tara dun tayo oh!" sabay hila sa akin ni Miyaki papunta doon sa booth na may mga stuff toys.

Nasa Funhouse kami ngayon. Pagkarating namin dito ay agad akong nalula sa dami ng mga rides na pwedeng sakyan. Meron pa ngang Haunted House sa loob ng Funhouse eh! At marami pang mga booths na pwedeng pagpilian. At ang ganda ng pagkaka-organize sa carnival kaya naman maraming mga tao ang dumadayo dito sa carnival na ito.

Pumunta kami ni Miyaki sa isang booth kung saan may naka-set up na dart board doon sa gitna. Bibigyan ng dart gun ang player at susubukang asintahin yung pinakagitna nung board. Pag nagawa yun, makukuha ng player ang pinakamalaking stuff toy. Pag hindi naman, may stuff toy ka pa ring makukuha depende sa tatamaan mo.

"Cal, tignan mo, makukuha ko yung pinakamalaking stuff toy na yan!" ang pagyayabang ni Miyaki habang nagbabayad siya sa lalaking nasa booth. Inabutan naman siya ng dart gun at saka na niya ito itinapat sa board. Bago pa man ako mapakurap ay tumira na agad siya. At ang nakakagulat pa, natamaan niya yung middle ring.

"Wow Miyaki! Bull's eye! Ang galing mo talaga!" ang humahanga kong sabi sa kanya.

Iniabot nung lalaki sa kanya ang premyo niyang malaking stuff toy. Niyakap-yakap niya yun at kalauna'y ibinigay sa akin.

"Sayo na lang 'to Cal." ang sabi niya matapos niyang ibigay sa akin yung malaking piggy stuff toy.

"Salamat Miya." ang halos mag-blush ko nang sabi sabay yakap ko sa stuff toy na pinangalangan kong Miya.

"Haunted house naman tayo!" ang yaya ko naman na agad niyang sinang-ayunan.

Habang naglalakad kaming dalawa ay napapangiti ako. Haunted House? Magandang ideya 'to ah! Kahit na may pagka-Hitler itong si Miyaki, babae pa rin siya at alam kong matatakot at matatakot siya sa Haunted House.

"Tara na!" excited na sabi ni Miyaki. I absurdly look at her. Ba't kesa matakot ay excited pa siya? I just shrugged my shoulder. Baka naman nagtatapang-tapangan lang 'to, pero pag nakapasok na kami sa loob, alam kong magtitili rin yan at kakapit sa braso ko.

Pero laking pagkakamali ko nang makapasok na kami sa Haunted House. Imbis na siya ang matakot, ay ako ang halos tumili-tili sa loob at halos maging linta na ako sa kakakapit sa braso niya.

"Waah! Ayoko na! Lumabas na tayo! Ayoko na!" ang halos mahimatay ko nang sabi habang hinahabol kami ng mga zombies sa loob ng Haunted House. Habang si Miyaki, hayun at tawa ng tawa.

Wala ba talagang kinatatakutan ang babaing ito?!

Nang makalabas na kami sa Haunted House ay halos mamaos na ako sa kasisigaw habang si Miyaki naman ay halos hingalin na sa kakatawa.

"Grabe, ang saya! Balik tayo ulit dito ha!" request niya sa akin.

"Ngi! Ayoko na talaga!" ang sabi ko naman.

"Kain muna tayo, dun sa may coffee shop!" sabay turo niya sa coffee shop na malapit lang sa Haunted House.

Pumayag naman ako at pumunta na kami sa coffee shop. Hinayaan ko lang si Miyaki na pumili ng masarap na espresso coffee para sa akin.

"How about pastries?" tanong niya kaya naman tumingin ako sa pastry case.

"Ah, itong chocolate mousse na lang." sabi ko habang nakaturo dun sa cake. Nakakatakam kasi ang itsura niya at parang napakasarap niyang kainin.

Nagulat naman ako nang biglang kumunot ang ulo niya. "Gusto mo ba talaga yan?"

"Oo, bakit? May problema ba?"

Nginitian niya ako. "Wala." Ibinalik niya yung tingin niya sa cashier at inorder niya ang chocolate mousse ko. Inalok din siya ng cashier ng kung gusto niya ng chocolate mousse cake, pero cheesecake ang inorder niya. "I HATE CHOCOLATE CAKES." nadinig ko pang bulong niya.

Habang kumakain kami ni Miyaki ng meryenda ay kinukwentuhan ko siya ng tungkol sa pagiging varsity ko sa basketball, kung paano ako nakapasok doon pati na rin yung mga sinalihan naming tournament. Kinuwento ko din sa kanya yung insidente dati nang natalo ang team namin sa finals ng interschool basketball tournament, inaway ng mga fan girls ko yung kabilang team. Tawa ng tawa si Miyaki habang kinukwento ko yun.

"Ikaw kasi eh, ang dami-dami mong mga fans, daig pa nga ang mga rallyista sa Mendiola!" ang tatawa-tawang sabi ni Miyaki sa akin.

"Haha, ganun talaga pag guwapo." ngingiti-ngiti ko namang sabi.

"Tse! Mas guwapo pa ako sayo!" ang kontra naman niya sa akin sabay tawa niya ng malakas.

Nginitian niya ako at halos matangay na naman ako habang nakatingin kay Miyaki. "Sana palagi ka na lang nakangiti." ang halos wala sa sarili kong sabi sa kanya. Siya naman ay biglang nagulat sa sinabi ko nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Bakit naman?"

"H-ha? W-wala lang! Mas bagay kasi sayo ang nakangiti." medyo natatarantang pagpapaliwanag sa kanya. Waah! Ba't ba kasi ang daldal ko?!!

Pero nakahinga naman ako ng maluwag nang nginitian ulit ako ni Miyaki. "Ganun? Siguro nga ay masayahin ako dati." at tumingin siya sa bintana at napabuntung-hininga. " Ano nga pala ako dati? Hindi ko na maalala."

"M-Miyaki..."

Bigla siyang tumayo. "Mag-ga-gabi na pala. Tara, sakay tayo sa ferris wheel!"

"Sige!" ang pagsang-ayon ko naman.

Lumabas na kami ng coffee shop at pumunta na kami sa ferris wheel. Saktong nagsasakay na ito ng mga pasahero kaya naman agad na kaming sumakay sa cab.

Nang makasakay na kami sa cab ay magkatabi kami ni Miyaki. Habang umaandar ito pataas ay tumayo si Miyaki at tumingin siya sa labas ng cab.

"Wow! Ang ganda pala ng view dito! Hindi ko akalaing ganito pala kalawak ang Pasay City!" manghang-mangha niyang sabi. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya at muli'y pinagsasawa ko na naman ang mga mata ko sa mala-anghel na kagandahan niya.

Maya-maya lang ay biglang tumigil ang ferris wheel at nakita kong na-out balance si Miyaki at matutumba siya kaya naman agad ko siyang sinalo.

"Please be careful Miya." sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang makatayo. Siya naman ay naupo na sa tabi ko sa loob ng cab.

"Salamat." ang sabi naman niya sa akin.

"Look!" sabay turo ko sa kalangitan. Napalingon siya at nakita namin ang napakagandang fireworks display sa kalangitan.

"Wow....amazing." she said.

"Ang ganda ng fireworks noh?" ang sabi ko sa kanya habang nakatanaw lang kami sa fireworks display.

"Oo Cal, ang ganda nilang tignan."

Habang pinapanood lang namin ang fireworks display ay di ko na napigilan pa ang sarili ko. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Siya naman ay umunan sa dibdib ko sabay haplos niya sa kamay ko. Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa matapos ang pag-andar ng ferris wheel.

Nang matapos na ang ride ay bumaba kami na very happy ang heart ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login