(Monday morning)
(IV-Dalton's Classroom)
(Miyaki's POV)
Music class namin ngayon at i-a-announce ng teacher namin ang tungkol sa dance festival na gaganapin next month. Yearly ang event na yun at maglalaban-laban each class of the different year levels sa larangan ng sayawan. And every year, may iba't ibang theme sila na ibinibigay. Last year, folk dance ang tema. According to our music teacher, ballroom dance naman daw ngayong taon.
Dahil ballroom dance ang theme namin ngayon, kailangang i-pair up kami sa isa't isa. Na-excite naman ang mga taga bundok kong mga kaklase sa idea na ito at ang daming nagnanais na makapareha ang F8.
Haay.....sana naman si Kuya Ruki o si Callix ang makapartner ko. Pag iba, for sure makakapatay lang ako ng kaklase ko. (hehe.....just kidding.)
Ayon sa teacher namin, si Misha ang magiging leader and at the same time, hahanap ng choreographer namin. As a leader, ang task niya ay ang mag-isip ng plano at kung anu-ano pang pakulo para sa dance festival, pero 'di siya sasayaw. Napatingin kami ni Callix kay Marcus at halata sa mukha niya ang lungkot. Siguro gusto niyang makapartner si Misha sa sayaw.
Inilabas na ng teacher namin yung list ng mga pairs para i-announce.
"Baby Denn, for sure, tayo ang magkapartner!" sabi ni Lexie sabay pulupot ng braso niya kay Dennison.
"Sana hindi!" iritang sabi naman ni Dennison.
I-ni-announce na ni Ma'am isa-isa ang mga magkakapartner. Kabado naman ako for the whole time sa kung sino ba ang makakapartner ko. Natawag na halos lahat sa klase pero hindi pa rin natatawag yung pangalan ko. Hanggang sa ako at ang F8 na lang ang natitirang wala pang ka-partner.
"Ano ba yan, hindi F8 ang ka-partner ko?!" dinig kong reklamo ni Yesha.
"Look oh, si Miss Miyaki, sure nang isa sa F8 ang ka-partner niya! Kakainggit naman!" sabad pa ni Fruitcake.
Tinignan ako ng lahat at para bang nananaghili na naman sila sa akin dahil isa sa F8 ang makakapartner ko.
Haay naku naman, ano bang akala ng mga taga-Timbuktu na 'to, ako ang gumawa ng bwiset na pairings na yan?!
"Class please be quiet!" sigaw ng teacher namin at nanahimik naman sila.
"Now, where were we? Ah, Mr. Dennison Chua and Ms. Monique Khanne Bernardo."
"Alright! Partners tayo Nick!" masayang sabi ni Dennison.
"Let's do our best!" at nag-appear silang dalawa.
"Mr. Marcus Anderson and Ms. Lexie Policarpio."
"WHAT?!" sabay na sabi ni Marcus at Lexie.
Ngek! Giyera na 'to paniguro!
"Ba't ako ang pinartner ninyo sa makulit na yan?!" tumayo si Marcus at tinuru-turo si Lexie.
"Ba't kapartner ko ang alien na yan?!" ganun din ang ginawa ni Lexie kay Marcus
Haay, mukhang magkakagulo na naman sa IV-Dalton. Sa IV-Dalton kasi, yang dalawang Kokey na yan ang pinakamagulo at pinakamaingay sa lahat. Si Misha naman ang kanilang certified dakilang taga-saway.
"Ano ba yan Ma'am! Alam nyo ba ang ginagawa ninyo?!" himutok ni Lexie.
"Gusto nyo bang maghalo ang balat sa tinalupan?!" gatong pa ni Marcus.
Nagtawanan ang buong klase. Haay wag sana silang magpaulan ng bala at bomba sa classroom.
"Okay, Mr. Ruki Miyazako and Ms. Aya Tomines."
Napangiti si Kuya nang marinig niyang si Aya ang kapartner niya habang si Aya naman ay blangko ang expression ng mukha niya.
Naku naman, sino naman kaya ang makakapartner ko?!
Bigla akong natigilan.
Teka lang...
Dalawang tao na lang ang hindi pa natatawag sa classroom na ito.
Ako at si....
"Mr. Callix Jesh Bernardo and Ms. Miyaki Miyazako."
"YEHEY!!! YAHOO!!!" sabay yakap ko sa natutulog na si Callix. "Thank you Ma'am! Si Callix ang partner ko! Tuwahahahahahaha!!!! Huy Callix, alam mo ba, magkapartner tayo sa sayaw!" ang sabi ko sa kanya.
Iniangat ni Callix ang ulo niya at tumingin siya sa akin. "Huh Miya? Saan tayo magkapartner?"
"Sa sayaw! Partners tayo sa sayaw!" ang masayang sabi ko.
Napadilat siya at biglang napayakap sa akin. "Huh?! Talaga?! Partners tayo sa sayaw?!" ang halos mapatalon sa saya niyang sabi sa akin.
"Oo Cal! Partner tayo!" ang sabi ko sa kanya na halos ikatahimik ng klase at lalong ikinagulat ni Callix.
"Talaga?! Waah!! Yes!!" at nagyakap kaming dalawa na dinaig pa ang sira-ulong magdyowa na nanalo sa isang game show.
Napakamot na lang sa ulo si Kuya Ruki habang tatawa-tawa naman sina Marcus, Dennison, Misha, Lexie at Monique. At ang mga kaklase ko, hayun at inggit na inggit na naman sa akin.
"Wow, ang swerte naman niya, si Prince Callix ang ka-partner niya." ang naiinggit na sabi ni Chiqui.
"Oo nga, sana ako na lang siya." sabi naman ni Fruitcake.
Haha, maglaway kayo ngayon sa inggit! Akin lang ang Prince Callix ninyo! Akin lang siya! Tuwahahahahahaha!!!!
"Class, I just remind you, hindi kayo pwedeng magpalit ng partners. Kung kanino kayo naka-assign, that's final." ang sabi ni Ma'am na lalo pa yatang nagpabuwisit kina Marcus at Lexie.
"Waah! Ayaw naming tanggapin yang partnering mo!" ang reklamo pa nina Marcus at Lexie. Habang si Dennison naman ay masaya dahil hindi niya ka-partner si Lexie. Kami naman ni Callix ay pinagtatawanan namin sina Marcus at Lexie at si Kuya naman ay napakamot na lang sa ulo sa sobrang pagkadismaya.
"Class, be quiet! Hindi nga pwede eh!"
Sinubukang patahimikin ni Ma'am sina Marcus at Lexie pero lalo lang nag-ingay ang dalawa. Bigla namang tumayo si Misha at sumigaw.
"SHUT UP! MISS CHRISCHELLE SAID IT'S FINAL! SO STOP RANTING AND COMPLAINING! KUNG AYAW NYO NG KA-PARTNER NINYO, THEN DON'T FREAKING JOIN THIS CONTEST!"
That shuts them up.
(PE Time)
(School Gymnasium)
(Miyaki's POV)
After ng nakakatawang partnering namin para sa dance festival, hinayaan lang kaming mag-"Free Play" ng P.E teacher namin. Niyaya ako ni Callix na maglaro ng basketball pero sinabi kong wala akong gana at manonood na lang muna ako. Habang pinapanood ko ang laro nina Callix ay nilapitan ako nina Monique, Misha at Lexie para yayaing maglaro ng volleyball pero tumanggi rin ako at sinabi kong manonood na lang din ako ng laro nila. Hindi kasi ako magaling mag-volleyball eh, at isa pa, naki-join na sa kanila sina Chiqui, Fruitcake at Yesha kaya naman nanood na lang ako.
Naupo ako doon sa isa sa mga bleachers at pinanood ko sila sa paglalaro. Magka-team sina Monique, Misha at Lexie habang nasa kalabang team naman sila Chiqui, Fruitcake at Yesha. Sa totoo lang, nakakaboring panoorin ang game dahil hindi naman makapuntos si Queen Bee and her alipores at palaging na kina Monique ang bola. Kalabanin ba naman ng tatlong panget na 'to ang team captain ng volleyball team, tiyak na olats sila!
Nang medyo wala na akong makalkal na pag-asa sa mga tatlong pa-trying hard na 'to ay umalis na lang ako sa bleachers at lumapit ako kina Callix na naglalaro naman ng basketball sa kabilang side ng court.
"Cal, tara laro tayo ng basketball. One-on-one." ang yaya ko sa kanya.
"Huh? Ang akala ko ba eh ayaw mong maglaro?" ang gulat na sabi ni Callix pero inagaw ko na agad ang bola sa kanya.
"Haha, hulihin mo ako!" ang pang-aasar ko pa sa kanya habang patakbo na ako sa ring para i-shoot yung bola.
"Ah, ganun ha?! Lagot ka sakin Miya!" at hinabol na ako ni Callix at ang resulta, isang umaatikabong basketball game ang nasaksihan ng mga estudyante sa EIAS.