Download App
50% The Phantom Slayers: The Destined Teens / Chapter 7: 06: Classmates

Chapter 7: 06: Classmates

VION

Matapos ang pagkikipagsuntukan ay sakto namang dumating yung teacher. Masakit ang panga ko dahil sa pagkakasuntok ng isa. Buti na lang nakabawi ako. Hawak pa rin ng lalaki yung class schedule ko. Kukunin ko na sana ito ng bigla niyang ibinigay sa teacher namin.

"Who is Mr. Buencamino?" Tanong nito matapos niyang tingnan yung schedule ko. Tinaas ko naman yung kanang kamay ko upang malaman niya.

"This is not your class." Aniya na pinagtataka ko. Class 1-B to di ba?

"Nasa main building ang klase mo." Wika nito saka ibinigay ang schedule ko.

"Iba ang building ng regulars sa slayers. Nasa main building kayo. Go there."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kahit nagtataka ay kinuha ko na lang yung gamit ko at saka lumabas ng room. Lintek naman. Pero teka, sinabi ng teacher na yon na iba ang room ng regulars sa slayers. Ano ang ibig niyang sabihin? Gulong-gulo ang utak kong naglakad patungo sa main building. Naisipan ko namang tingnan ang oras sa cellphone ko. 7:46 am na. 14 minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil mahuhuli na ako sa klase. Ayoko ng nalelate pagdating sa klase. Isang malaking kawalan sakin kapag nahuli ako. Pagkarating ko sa main building ay agad akong pumasok rito. Hinanap ko yung history room at agad ko naman itong nakita. Pumasok naman ako rito ng hindi kumakatok. Wala pa yung teacher. Bilang lamang sa mga daliri ang mga naroon.

"Hi! Ikaw ba yung transferee?" Tanong sakin ng babaeng papalapit sakin. Pinagmasdan ko ito. Maikli ang blonde niyang buhok. Nasa 5'4-5'6 ang taas. Balingkinitan ang katawan na sa hula ko ay may lahing american. Napatingin ako sa mga mata niya. Kulay purple ito. One of the rarest eyes.

"I'm Yara Inari you can call me Inari, class 1-B." Pagpapakilala niya habang nakalahad ang kanyang kamay. Tiningnan ko lang ito.

"Don't waste your time sa pagpapakilala sa mga taong hindi naman karapat-dapat na narito, Inari." Nagpanting naman ang tenga ko dahil sa narinig. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nasa ikatlong column ng mga upuan, sa bandang gitna.

Naroon nakaupo ang lalaking nagsalita. Mataman niya akong tiningnan. Nakaayos paitaas ang kanyang kulay brown na buhok. May mga piercing din siya sa magkabilang tenga. Sakto lamang ang pangangatawan at may mga freckles siya sa mukha. Magsasalita pa sana ako ng may tumikhim sa likod ko.

"Pwedeng pumasok?" Seryoso niyang saad habang inaayos ang salamin. Bakit parang ang weweird ng mga kaklase ko?

"Hi Lonndin!" Bati ng nagpakilalang Inari sa lalaking pumasok.

"Hi Yara, good morning." Pagbabati nito. Sa pagmamasid ko sa kanila ay hindi ko namalayang nahatak na pala ako ni Inari papunta sa kung saan siya nakaupo.

"Upo ka na." Aniya sakin habang nakangiti. Walang choice akong umupo at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating yung magiging teacher namin. Dahil sa kadaldalan ng katabi ko, nalaman ko na ang mga estudyanteng narito ay nasa dalawang class. Class 1-A at class 1-B. Ang ipinagtataka ko lang, bakit magkasama ang dalawang class? Gayong andami namang rooms dito?

"Good morning class!" Bati ng guro namin. Tumayo naman kami at saka bumati pabalik.

"I'm Ms. Fleur De Dios, you're temporary history teacher." Aniya habang sinusulat ang pangalan sa chalkboard. Seriously? Ano kami? Mga bata?

"Tutal ay unang araw ng ib-" Naputol ang lanyang sasabihin ng may biglang pumasok sa pinto.

"GOOD MORNING PEOPLE! THE EPITOME OF BEAUTY IS HERE!"

Mula sa pinto, nakatayo doon ang babaeng may sling bag na peach. Kulay brown ang buhok na sa tingin ko ay hanggang bewang ang haba. Namumula ang mga labi nito dahil sa makapal na lipstick. Medyo maikli rin ang kanyang uniform.

"You're late Ms. Salazar." Wika ng guro rito. Inirapan lang siya ng babae saka umupo sa unang row. Naiiling ko itong tiningnan bago nakinig sa guro.

"As I was saying earlier, this is the first day here in the academy of some of you, I want all of you to introduce theirselves in front." Aniya. Rinig ko naman ang mga pag-angal ng mga kasama ko.

"Pangbata lang yun Miss." Angal ng isa kong kaklase na sinundan pa ng iba.

"Tumigil nga kayo! Daig niyo pa mga bata kung umangal eh." Bigla namang tumahimik ang roon dahil sa sigaw na iyon. Lahat kami napatingin sa sumigaw. Yung lalaking maraming piercing.

"Ako na ang mauuna. At kayo-" Turo niya sa dalawang lalaking umangal. "-kayo ang susunod sakin." Wika nito. Puno ng otoridad ang bawat salitang binibitawan niya.

Naglakad naman siya papuntang unahan at saka nagpakilala.

"Thorald Matsumoto. 19 years old. Kayang bumali ng ilang buto ng tao. Ayoko sa mga taong hindi naman karapat-dapat na pumasok sa academy na to." Aniya na nakatingin sakin habang binibitawan ang huli niyang sinabi.

"Thank you, Thorald. Next!" Wika ng guro. Naglakad naman pabalik yung Thorald sa upuan niya. Ngumisi muna siya sakin bago tuluyang umupo.

Nagpatuloy naman ang iba sa pagpapakilala hanggang sa yung blonde na lalaki na yung magpapakilala.

"I'm Lonndin Valderama. 18 years old. A lover of mathematics and science. I have a spanish blood running through my arteries and veins. Nice to meet all of you." Pagpapakilala niya habang inaayos ang salamin. Pagkatapos niya ay yung babae naman na pumasok kanina ang nagpakilala.

"I'm the epitome of beauty. Aphrodite is envious because of the beauty I have. The name's Areti Joy Salazar. The only daughter of the Prime Minister of this land. 19 years young." Maarte at may pagyayabang niyang sabi. Sumunod naman ay yung babaeng katabi ko.

"Hello, I'm Yara Inari Delejas. The most youngest among all of you. I'm 17. Just like Lonndin, I have a British blood. Let's be friends." Pagpapakilala niya.

"Thank you, Inari. Now, the new student of this academy. Please introduce yourself." Utos ng guro habang nakatingin sakin. Tumayo naman ako saka pinagpag ang sarili bago nagpakawala ng isang buntong hininga.

This is what I hate. Ayoko ng nagpapakilala ako sa ibang tao. It's just a waste of time but here I am. Nakatayo sa harapan ng halos labin-limang estudyanteng nakaupo. Tumikhim muna ako upang makuha ang atensyon nila kahit ayoko. I just don't want someone asking my name kahit na nagpakilala na ako dahil sa hindi ito nakikinig.

"Vion Gael Buencamino." Maikli kong pagpapakilala.

"Is that all, Mr. Buencamino?" Tanong ng teacher sakin. Tumango lang ako bilang tugol. It's better na kakaunti lang ang alam nila tungkol sakin. Magsasalita pa sana yung teacher namin ng biglang tumaas ng kamay si Inari.

"Ilang taon ka na Vion?" Tanong niya.

"18."

"Kaano-ano mo yung upper classman na si Hiruu?" Tanong naman ni Thorald.

"Kapatid."

"Bakit magkaiba kayo ng colo ng eyes? Are you adopted?" Maarteng tanong ni Areti.

"I gained my father's gene and no, I'm not adopted." Mahaba kong litanya.

"Pano ka nakapasok dito?" Halos lahat ng naroon ay tila nabigla dahil sa tanong na iyon ni Thorald.

"Probably, he use his brother's position to get inside this academy. Wala akong nakikitang dahilan para dito pumasok. I've search some informations about you and I can say that you have a nice life outside." Mahabang litanya naman nung blonde na nangangalang Lonndin. Nakaramdam ako ng biglang pamumuo ng galit mula sa loob ko. How dare he telling this with my brother involved? Susugurin ko na sana ito ng biglang sumigaw si Inari.

"Lonndin! Thorald! Ano bang pinagsasabi niyo?" Hinihingal niyang sigaw.

"Well, I'm just stating the fact Inari. Look at him, he's not even determined to be one of us. He's also clueless about what's happening here. Alam niya ba kung anong klaseng academy ang pinasukan niya?" Napakuyom naman ako sa kamao ko dahil sa narinig.

"Lonndin! Can you just welcome him the way you welcomed us before?" Ani Inari na parang iiyak na.

"Fine. Welcome then, Vion." Aniya saka ako matalim na tiningnan. Napaismid naman si Thorald.

Ano bang problema ng mga yon? May mga sayad ata sa utak eh. Is it my fault na dito ako pinapag-aral ng kapatid ko? Nakaramdam naman ako ng pagtapik sa balikat ko kaya napatingin ako rito.

"You can now take your seat, Mr. Buencamino. Sorry for Lonndin and Thorald's behavior." Paghingi ng paumanhin ng guro namin. Tinanguan ko na lang ito saka bumalik sa upuan ko.

Pagkaupo ko ay agad namang lumapit sakin si Inari at gulat ko itong tiningnan ng hawakan niya ang dalawang kamay ko't itinapat sa may dibdib niya. Ano bang ginagawa niya?

"Sorry sa inasta ni Lonndinn at Thorald, Vion. They didn't mean it. Ngayon lang kasi ulit nagkaroon ng transferee dito sa academy eh." Paghingi niya ng sorry.

"The damage has been done, Inari. You shouldn't be the one asking sorry for what they've done. You're not at fault so why wasting your saliva? Wag kang humingi ng sorry kung wala kang ginawa . I won't buy that." Seryoso kong sabi sa kanya't nakinig sa mga kaklase namin. This is my first day here and I guess it'll be hard dealing with my classmates.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login