Download App
57.14% The Phantom Slayers: The Destined Teens / Chapter 8: 07: Weird Happenings

Chapter 8: 07: Weird Happenings

VION

Tahimik lang ako habang patuloy pa rin sa pagpapakilala yung iba. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Lonndin. Ano bang ibig niyang sabihin na ginamit lang ni Hiruu yung posisyon niya para makapasok ako? Ano ba ang meron kay Hiruu? May tinatago ba siya sakin?

"Okay! Tapos na ang lahat. At tapos na rin ang isang oras natin. As what I've said earlier, temporary lang akong history teacher niyo ngayon. Bukas ay yung mismong history teacher niyo na ang makakaharap niyo." Wika ng guro. "Oh, before I go, please get along well the five of you. Thorald, Lonndin, Inari, Areti and Vion. I'm expecting that at the end of the week ay magkakasundo na kayo." Dagdag niya pa bago nagpaalam at saka umalis.

Nagsitayuan naman yung iba habang ako ay nakaupo lang. Naramdaman ko naman na tumayo yung katabi ko kaya napatingin ako rito.

"Hindi ka ba kakain, Vion?" Tanong niya. Umiling lang ako.

"Sige. Mauuna na ako sayo. Hintayin mo na lang kami." Aniya saka umalis dala ang wallet niya. Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong room namin. Malawak ito para sa labin-limang estudyante. May dalawang pinto ito. Isa sa harap at isa sa likuran. Sa may bandang likuran ng silid ay naroon ang ilang bookshelves. Nakaarrange ang mga libro ng naaayon sa kulay. Napansin ko naman ang pader na nasa kaliwa ko. Nasa bandang itaas ang bintana kaya kakaonti lamang ang pumapasok na liwanag. Tanging liwanag lang ng chandelier ang nagbibigay nito.

Napabuga ako ng hangin dahil sa katahimikan. Tatayo sana ako upang kumuha ng libro sa dulong parte ng silid ng makarinig ako ng hagikhik. Katulad ito ng narinig ko sa bahay at sa dorm. Iwinaksi ko na lamang ito at saka lumapit sa mga libro. Kinuha ko ang isang kulay asul na libro. Puno ito ng alikabok. Halatang hindi nagagamit.

"Vion." Napatigil ako sa pagbuklat ng may tumawag sakin. Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Tanging ako lang ang naririto dahil nasa labas yung mga kaklase ko.

"Vion." Muling tawag ng tinig. Magsasalita sana ako ng makarinig ako ng isang malakas na tili na naging dahilan ng pagkakaluhod ko't pagkabitaw ko sa hawak na libro. Tila mabibiyak ang utak ko dahil sa narinig. Ano bang nangyayari?

Palakas ng palakas yung tili. Tila mabibingi ako dahil doon. Napatakip ako sa tenga ko at napayuko. Dumikit ang noo ko sa sahig dahil hindi ko na kaya yung tiling naririnig ko. Maya-maya pa'y bigla itong nawala. Pagkaangat ko ng ulo ay napansin ko ang pambabaeng sapatos sa harapan ko.

"Okay ka lang ba, Vion?" Tanong nito. Napatingala naman ako sa kanya. Si Inari, may hawak-hawak itong sandwich at tubig. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"K-kanina ka pa?" Nauutal kong tanong. Bakit ako nauutal?

"Hindi naman. Actually, kakarating ko lang tapos pagkapasok ko nakita kitang nakaluhod habang nakatakip ang mga kamay mo sa tenga mo kaya nilapitan kita agad." Aniya. Tumayo naman ako at saka inayos ang sarili. Pupulutin ko na sana yung librong kinuha ko ng mapansing wala na ito sa sahig. Napalinga-linga naman ako sa paligid.

"May hinahanap ka ba?" Tanong niya. Hindi ko naman ito sinagot at ibinaling ang paningin ko sa bookshelves. Kumpleto ang mga librong naroon. Pano naging kumpleto yon? Sino ang nagsauli non? Sigurado akong may kinuha akong libro kanina.

"Okay ka lang ba talaga, Vion? Ano ba yung hinahanap mo? Baka makatulong ako." Tanong ulit ni Inari sakin.

"Just don't mind me." Wika ko rito saka bumalik sa upuan. Something's weird goin' on here.

Una yung hagikgik na sinundan ng nakakabinging tili tapos panghuli yung libro. Ano bang nangyayari?

INARI

Pabalik na ako sa room namin ng may mapansin akong bulto ng tao na nakatayo sa may pintuan namin. Babae ito na may maikling itim na buhok. Binilisan ko naman ang paglalakad kaso bigla akong natapilok at pagtingin ko ulit sa may pinto ay wala na yung babae. Weird.

Pagkapasok ko sa room ay hinanap agad ng mga mata ko yung lalaking may pares ng blue na mga mata. Ang gwapo niya at mas lalong nagpadagdag ng kagwapuhan niya ay ang mga mata niya. Mestiso rin siya katulad ko. May nunal sa kanang ibaba ng mata at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang ilong niyang matangos at labi niyang pinkish. Ano ba yang pinag-iisip mo Inari?

Nang mailibot ko ang paningin ay nakita ko siyang nakaluhod at nakayuko sa sahig na tila ba sumasamba ngunit ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang tenga. Nagtataka ko siyang nilapitan.

"Okay ka lang ba, Vion?" Nag-aalala kong tanong. Napaangat naman ang tingin niya sa akin. He seems not fine.

"K-kanina ka pa?" Utal niyang tanong.

"Hindi naman. Actually, kakarating ko lang tapos pagkapasok ko nakita kitang nakaluhod habang nakatakip ang mga kamay mo sa tenga mo kaya nilapitan kita agad." Saad ko. Bigla naman siyang tumayo at tila may hinahanap. Ano naman kaya yun?

"May hinahanap ka ba?" Tanong ko ulit. Hindi naman sa pinapakealam ko siya or ano pero kasi para siyang balisa. Hindi naman niya sinagot yung tanong ko. O-kay, he's getting weird still he's handsome. Argh! Stop that nonsense, Inari.

Pinagmasdan ko lang si Vion na parang may hinahanap. Panay ang tingin niya sa sahig tapos titingin sa bookshelves. Ano ba yung hinahanap niya? May nahulog ba siya? Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko kaya nagtanong ako ulit.

"Okay ka lang ba talaga, Vion? Ano ba yung hinahanap mo? Baka makatulong ako."

"Just don't mind me." Seryoso nitong sabi saka ako nilapsan at umupo sa kanyang upuan. What was that?

Napatingin naman ako sa bookshelves kung saan kanina pa tinitingnan ni Vion. Nagulat ako ng makitang may isang libro ang wala roon. Lalapitan ko na sana ito ng may maapakan ako. Napayuko ako at sa gulat ko ay nakita ko yung librong natanggal sa bookshelves. Pano napunta yun dito? Kinuha ko naman ito at saka ibinalik sa lalagyan. Matapos nun ay pumunta na rin ako sa upuan ko. Ang librong iyon kaya ang hinahanap ni Vion? Bakit hindi niya nakita?

VION

Ano bang nangyayari sakin? Minumulto ba ako? No! It can't be! Ghost aren't real. Bakit biglang nawala yung libro? Wait, yung hagikhik at tili. Is it because of that? Nung marinig ko yung tili ay nabitawan ko yung libro. Then, it must be someone. Pero sino?

Nakarinig naman ako ng mga yabag na papunta sa gawi ko kaya napatingin ako rito. Si Inari na tila ba nag-iisip. Tahimik siyang umupo sa kanyang upuan at saka nagsimulang kumain. Kinuha ko naman yung cellphone at earphone ko saka nagpatugtug. Napapikit na lang ako habang nakikinig.

"I'm postive that guy is a baliw!"

"Lower your voice, Areti. Maririnig niya tayo."

"I don't care!"

"Pano mo naman nasabi yan, Areti?"

"I saw him kanina na parang nababaliw. When I came back dito to get my purse."

"Hindi baliw si Vion!"

Napamulat naman ako dahil sa ingay na narinig ko at dahil na rin sa sigaw. Tapos na pala yung pinapatugtog ko. Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin ang grupo nina Inari. Tila may kung ano silang pinag-uusapan. Nagulat naman ako ng lahat sila ay napatingin sa gawi ko.

"Vion! Gising ka na pala! W-wala na tayong k-klase. Pinatawag yung mga t-teachers na magtuturo satin. Bukas na lang daw ulit ireresume." Utal na sabi ni Inari. Hindi rin siya mapakali.

Tinanguan ko naman siya saka tumayo. Niligpit ko na yung mga gamit ko at handa ng umalis ng biglang may humawak sa kanang braso ko. Matalim ko itong tiningnan. Si Thorald. Matalim din siyang nakatingin sakin.

"Nakita ka raw ni Areti na parang nababaliw kanina. Totoo ba yun?" Tanong niya. Binawi ko naman yung braso ko bago siya sinagot.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niyo."

"Areti! Sabihin mo kung ano yung nakita mo?!" May otoridad niyang utos kay Areti na nakapamaywang.

"I saw him kanina with his mga kamay na nasa tenga. It's like parang may kung ano siyang ayaw na marinig. No one's in here so nagtaka ako sa kanya. I didn't bother to lapit sa kanya. Maybe he's possed that time." Mahaba niyang litanya.

"How can you explain that?" Tanong naman ni Lonndin na nasa likuran ni Thorald.

"Hindi siya baliw, Lonn, Thor. Baka namamalik-mata lang si Areti." Pagsingit naman ni Inari.

Bakit hindi ako makasagot? Tila ba may pumipigil sakin na magsalita.

"Quit defending him, Inari! You don't even know a single information about who he is! He's just a stranger to all of us!" Bulyaw ni Thorald kay Inari na naging dahilan ng pagtakbo niya papalabas ng room. Bigla namang umalis sina Lonndin upang sundan si Inari kaya ang naiwan na lang ay ako at si Thorald. Tinalikuran niya naman ako ngunit bago siya humakbang ay may sinabi pa siya.

"Hindi pa tayo tapos, Vion." May pagbabanta sa boses niyang sabi saka tuluyang umalis ng room. As if I'm scared. Hindi ko na lang ito pinansin at saka bumalik sa dorm namin. Tila pagod akong napahiga sa kama. Pumikit naman ako't nagpahinga.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login