Download App
66.66% The entitled Ending / Chapter 2: Chapter 2:

Chapter 2: Chapter 2:

I'm back. I'll continue to write this story. 🥹

"What's up madlang pips, sinong may assignment?" Iyon agad ang naging bukambibig ko ng makapasok ako ng aming classroom. Inagahan ko talaga ang pagpasok dahil wala akong gawang assignment at kailangan kong mangopya. "Pakopya ako."

"Hala, may assignment?" tanong naman ng isa kong kaklase, magulo pa ang buhok nito at tila hindi pa nagsusuklay. "Bakit wala akong alam?"

"Gaga, wala naman talaga tayong alam kasi wala tayong utak," said by the class president. Nagtawanan ang lahat at nagtanungan na kung saan may assignment.

Araw-araw na senaryo na ito sa loob ng classroom, ngunit tila hindi nakakasawang pagmasdan iyon. Second later, I found myself copying one of my classmates assignment. Nakapalibot din ang iba ko pang kaklase sa akin. Nagtatawanan din ang mga ito habang nagrereklamo sa sulat dahil hindi iyon maintindihan.

"Hoy, Steph." Tinignan ko si Shean na kapapasok lang, magulo pa ang kan'yang buhok at tila hindi pa rin nagsusuklay. Hindi ba talaga uso iyon dito sa loob ng classroom? "Tell me what happened?" she then ask, placing her bag on her chair. Umupo rin siya sa tabi ko.

"What happened? Anong nangyari?" nagtataka kong tanong rito.

"Gaga, tinagalog mo lang." Ipinatong niya ang kan'yang siko sa armchair ko at nangalumbaba. Nakatingin siya ng deretso sa akin na tila nangingilatis. "Akala mo ba makakapagtago ka sa akin? Akala mo hindi ko malalaman ang nangyari sa library kahapon? Buang ka, kalat ang picture ninyo ni Kelvin sa buong campus."

Literal na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon mula sa bibig ni Shean. Hindi ko pa iyon ma-proseso ng ayos sa buong sistema ko, pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng buhay ko.

Then I heard her laugh, halos mabingi ang buong klase sa lakas ng pagtawa niya. "Tanginang mukha iyan, ang dali mong mauto Stephanie." Napahawak pa siya sa kan'yang tiyan habang walang tigil sa pagtawa. "Tingin mo ba makakarating ka pa ng maayos dito kung may kumalat na picture?" She them stop from laughing as if she was realizing something. "I knew it, may nangyari kahapon sa library. Tell me, anong nangyari?" Curiosity filled her eyes.

Doomed.

"Bwisit ka!" Hinampas ko sa kan'ya ang science notebook ko. Isang libong kaba ang naramdaman ko dahil duon tapos hindi naman pala totoo. "P'wede ka namang magtanong ng ayos bakit kailangan mo pang manakot? Chismosang ito."

"Hindi ako nananakot, usapan talaga si Kelvin sa buong campus na he's with a girl inside the library yesterday. Amg sweet pa nga raw nila e. They're looking at each other li—tangina, kayo bang dalawa iyon?"

"What do you think, bitch?" I smirk.

"What the hell, literally hell, nagbunga na ba iyang kalandian mo?" she shouted. Nakisawsaw at nakiasaar na rin ang buong klase. Buti na lang ay wala pa si Kelvin kundi isang malaking kahihiyan ito para sa akin.

Ngunit, iyon ang akala ko, dahil lalo pang lumakas ang hiyawan ng dumating si Kelvin at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa, umiwas din siya agad. He's in his usual self, headphones on, well-combed hair, and intimidating aura.  Hinihiling ko na lang na sana ay malakas ang sound mula sa kan'yang headphones, upang hindi na marinig ang asaran.

"Anong kagulugan ang nangyayari rito? Hanggang sa faculty ay rinig na rinig ang hiyawan ninyo."

Napangiti ako ng dumating ang first subject teacher namin kaya nanahimik ang buong classroom. Umagang-umaga pa lang ay antok na antok na agad ang lahat, ESP kasi ang subject at literal na nakakaantok iyon.

Wala akong maintindihan kaya nagkunwari na lang akong nakikinig. Hindi pa rin kasi maalis sa akin ang kilig dahil sa nangyari kahapon sa library, sana lang ay nagtagal pa iyon kahit ilang minuto pa.

Tumayo ako ng makalabas ang teacher namin at lumapit kay Kelvin. Hindi na ito naka-headphones ngunit may earphone naman sa kan'yang tainga, may libro sa harapan niya at binabasa iyon.

"Kelvin, alam kong kahit papaano ay naririnig mo ako. Tungkol nga pala sa nangyari kahapon—"

"Ohmygash. Totoo nga yung chismis, anong nangyari sa library?" Hindi na ako nagulat nang makita ko si Jannah, palagi itong pumupunta rito as if it's her classroom, tumatabi rin siya kay Kelvin at kinukulit ito. 

She's in her usual attire, school uniform na akala mo ay pinagkaitan ng tela ang palda sa sobrang iksi niyon. Ang mukha niya ay para ng coloring book sa sobrang kapal ng make up, she's beautiful, I can't deny that, pero yung gandang mayroon sila ay ginamitan lang ng pang pinta, hindi makatotohanan.

Kasama rin niya ang kan'yang alagad na si Kyla, kung anong ayos niya ay ganoon din ang ayos ng kan'yang alalay.

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay itinuon ko ang atenyon ko kay Kelvin na taimtim pa ring nagbabasa ngayon, walang pakaelam sa dalawang babaeng nag-aaway sa harapan niga dahil sa kan'ya.

Tinignan niya ako ng masama bago umupo sa tabi ni Kelvin. I just roll my eyes as I watched her clinging at Kelvin's arm. Psh. Akala naman niya papansinin siya ng crush ko kapag ginawa niya iyon.

"Anong nangyari sa library?" she ask again.

"Pakaelam mo?" mataray kong sagot dito, I even raised my eyebrows as she did. Hindi ako magpapatalo sa maharot na ito.

"Palaban ka pala Steph? I didn't know." she smirk.

I glare at her at I heard her called me in my nickname. "Don't yah ever call me Steph, we're not even close. O, hindi mo naintindihan 'no? Hindi ka kasi marunong mag-english."

"Whatever. Kahit ano namang gawin mo, hindi ka pa rin magugustuhan ni Kelvin. You're not his type," she mumble.

"At sinong type niya? Ikaw? Hindi ko alam na joker ka pala?"

"Kelvin is mine at sa oras na may mabalitaan akong nilalandi mo ulit siya makakatikim ka nang mag-asawang sampal mula sa akin," pagbabanta nito.

I laughed. "K. Kahit may anak pa iyang sampal mo, wala akong pakaelam."

Nanggigigil itong tumingin sa akin pero nginisian ko lang siya. She can't make me shiver in fear, siya ang matakot sa akin. At hindi ako papayag na angkinin ng babaeng ito si Kelvin.

"Lezgo girl," maarteng sabi nito at lumabas ng classroom. Psh. Kung makaasta akala mo naman nasa sarili niya siyang classroom. What a shame? Inggit lang ang babaeng iyon 'cause I ended up being Kelvin's classmate.

"Kelvin, kausapin mo naman ako," muli kong pangungulit kay Kelvin.

"Get lost," mahina niyang saad ngunit imbis na umalis ay lalo lang akong lumapit sa kan'ya.

"Kelvin, apat na taon na akong tumitingin lang sa'yo mula sa malayo at ngayon, ngayon pa ba ako susuko kung kailan kinakausap mo na ako kahit papaano?" Napangiti ako ng maalala ko ang nakaraan kung saan nakatingin lang ako sa kan'ya habang mag-isa lang siyang naglalakad o kahit kumakain.

I don't have a courage to talked to him dahil saksi ako sa mga babaeng umuwing luhaan dahil hindi man lang niya iyon tinapunan ng tingin. He's mean, right?

Pero ngayon, nagkaroon na ako ng lakas ng loob and somehow, hindi ako nagsisi na naging malakas ang loob ko para kausapin siya dahil nararamdaman ko na ito na ang simula ng story naming dalawa.

Dumating ang teacher namin kaya agad kaming nagsiayos. Bumalik ako sa pwesto ko, sa tabi ni Shean, mahirap na baka malagyan pa ako ng absent dahil lang sa paglipat ko ng upuan. Kahit gusto kong makatabi si Kelvin ay wala akong magawa takot parin ako sa teacher. Lalo na sa baklang ito.

"Buti naman at naisipan mo pang umupo rito sa tabi ko?" mataray na tanong ni Shean. Nakatingin siya sa unahan ngunit naririnig sa boses nito at pagtagampo.

Nakakunot din ang kan'yang noo nang magbuklat ito ng libro. Ano na naman kayang nagawa ko?

"Sana duon ka na lang din naupo sa tabi ni Kelvin, nahiya ka pa?" Bahagya akong natawa sa kan'yang tinuran. Hindi ako aware na may ganitong ugali rin pala siya, medyo selosa.

"Pinagsasabi mo?" natatawa ko pa ring usal. "Pinagseselosan mo si Kelvin? Wait, ika-crush back na rin ba—Aray!"

"Shu—"

"Kayong dalawang magkaibigan hindi ba talaga kayo makikinig sa akin? O, baka gusto ninyong i-share sa amin ang pinag-uusapan ninyo?" Natahimik kaming pareho ng magsalita ang teacher namin. Maarte itong nakatingin sa amin. Akala naman kinaganda niya iyon.

"Sir, nagseselos po kasi si Shean kay Kelvin. Palagi raw po kasing na kay Kelvin ang atensyon ko." Narinig ko ang tawanan ng buong classroom. They're all cheering me, right, nasa akin na naman ang atensyon nila.

Pero yung isang taong gusto ko hindi man lang ako mabigyan ng attention. Medyo masakit iyon sa heart.

"Whatever. So, class be reminded na tomorrow we have a quiz. Ms. Alferez, ang daldal mo. Class dismiss." He then walk out the classroom.

Nang makalabas ang teacher namin ay malakas na halakhakan ang narinig ko at pang-aasar sa akin. Ano pa bang bago? Araw-araw ganito ako sa school, nakikinig konti tapos makikipagdaldalan na sa katabi. At kapag napapagalitan ako syempre damay ang katabi ko, walang iba kundi si Shean. Siya lang naman karamay ko sa lahat.

Wala na si Kelvin nang iwanan ako ng mga magagaling kong kaklase, akala mo naman ay perpekto kung mang-asar.

"Shean, anong bibilhin mo?" tanong ko rito nang makarating kami sa school canteen. Nagtingin-tingin din ako sa paligid ngunit wala akong makitang masarap kainin.

"Pagkain. Nakakabili ba ng martilyo rito?" sarkastikong saad nito habang palinga-linga sa paligid, tila may hinahanap.

"Bitch, of course I'm talking about food. Common sense."

"Bitch, mukha ba akong may bibilhin?" I knew it.

Tinignan ko ang paligid at sa 'di kalayuan ay nakita ko si Yohanne kasama ang mga barkada niya. Nagtatawanan ang mga ito habang nasa harapan ng pagkain.

"Pumunta ka lang pala rito para sumilay ang dami mo pang say." I rolled my eyes as I roamed my eyes again.

"Ikaw may bibilhin ka ba?"

Tumingin ako sa mga paninda at bahagyang sumimangot. "Wala rin e, may pagkain ka naman sa bag mo iyon na lang ang kainin natin." I then smiled.

"As I expected. Napakapakaelamero mo Stephanie Al—Aray!" reklamong sigaw nito nang mag bumunggo sa kan'ya. "Hindi ka ba marunong tumingin..," he paused as she realizes who's in front of her. "...sa akin?" Biting her lips she added.

Pinigilan kong matawa matapos kong makita ang reaksyon niya, kung paanong ang mataray niyang mukha ay naging maamo ng makita si Yohanne, ang nakabangga sa kanya. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagpalit anyo ang bruha.

"Sorry miss," he apologize. Ngumiti rin ito nang malapad, revealing his perfect white teeth. At ang magaling kong kaibigan halos mamula na ang mukha sa sobrang kilig.

"A-ayos lang." Hindi ko na napigilan ang pagtawa habang pinagmamasdan ang kaibigan kong nakikipag-usap sa crush niya. Wala na akong pakaelam kung mapahiya siya sa harap ni Yohanne, hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko.

"Sigurado ka?" tanong nito ng may pag-aalala.

"Y-yes," she giggled.

Aalis na sana ang mga ito ng muling lingunin ni Yohanne si Shean na kilig na kilig ngayon. "By the way, what's your name?" tanong nito, wala pa ring pagbabago sa kan'yang aura.  Too warm, huh?

"A-ako?" she pointed herself. "I'm your wife, I mean, I'm Shean Enrile."

Flirting skill 101.

"Oh, beautiful name." Tumalikod ito at naglakad nang ilang hakbang bago muling tumingin kay Shean. Sumusobra na sa atensyon ang babaeng ito. "By the way, I have eyes so, hi wife."

I was speechless so as she? Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Yohanne na he have eyes but calling my friend as a wife is too much. That Yohanne!

"Hi wife." I mock her, mimicking Yohanne's voice.

Nagmumukha na siyang living tomatoes sa sobrang pula ng kan'yang mukha. She gave me a death glare bago ako batukan. Ang babaeng ito napakabrutal.

"Para kang baliw Stephanie, pinagtitinginan na tayo." Tumingin ako sa paligid and she's right, kami nga ang center of attraction dito sa canteen.

"Shunga, pagtitinginan talaga tayo. Baka nakakalimutan mong maraming may gusto riyan sa lalaking tumawag sa'yong wife," pinagdiinan ko pa ang huling salita.

"Shut up. Bumalik na nga lang ta'yo ng classroom, baka mamatay tayo sa titig dito."

"Ikaw lang bitch."

Naabutan ko si Janah kasama ang kan'yang alalay sa loob ng classroom and of course, nakaupo siya sa tabi ni Kelvin. Inihilig niya ang kan'yang ulo sa armchair habang tinitignan ang maamong mukha ni Kelvin habang nagbabasa. But, Kelvin doesn't even dare to look at her. Sa sakin nga ay hindi siya tumingin, sa kanila pa kayang mukhang coloring book?

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Kelvin ngunit mabilis pa sa alas-kuwatro ang naging pagkilos ng crush ko, iniwas niya ang kan'yang kamay. Serve that bitch.

"Anong feeling?" tanong ko kay Shean nang ibalik ko ang atensyon dito. Mukhang hindi pa rin siya nakaka-get over sa nangyari kanina and I can't blame her.

"Steph, ang sarap sa feeling. P'wede na a—"

Bago pa niya matuloy ang sasabihin ay binatukan ko na siya. "Gaga, tinawag ka lang na 'wife' akala mo naman prinsesa ka na."

"Inggit ka lang, wala kasi kayong progress ng crush mo. Look, pinagpipi—"

"Whatever. Magiging akin din si Kelvin."

"Gege, mangarap ka lang."

Muli kong tinignan si Kelvin na hanggang ngayon ay hinaharot pa rin ni Janah. She even smirk at me like she won this day. Napangisi ako, bitch, I'm just respecting the mistress.

Lumabas na lang ako ng classroom bago pa mawala ang respeto ko sa kan'ya at maibalibag ko siya. I'm not kidding. Tumambay ako sa corridor.

Huminga ako ng malalim, dinama ko ang tahimik na paligid habang pinagmamasdan ang kapwa ko estudyante na nagtatawanan mula sa baba. Some are couples, some are alone but surely enough not lonely pero kadalasan sa mga nakikita ko ay mga grupo.

"That's deep." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Malapad ang kan'yang ngiti habang nakatingin sa akin. My eyebrows arch. Ako ba kinakausap nito?

"Ang ganda nila tignan 'no?" Pinagmasdan niya rin ang mga estudyante sa baba. His smile is genuine, I can say. Mapupungay ang kan'yang mga mata at medyo magulo ang buhok. "Nakikita mo ba yung couple sa garden?" I automatically look at where his finger pointed. I saw a couple laughingly like there's tomorrow.

Staring at them make me feel like staring at my future with Kelvin. A simple yet lovely relationship. Basta magkasama lang kaming dalawa alam kong magiging maayos ang lahat.

"Nakakainggit ang mga ngiti nila 'no?" tanong nito na para bang magkakilala kaming dalawa. I used to talk to people pero ngayon lang ako nakaranas na ako ang unang kausapin. And he looks friendly.

"Kilala ba kita?" wala akong intensyon na magboses mataray ngunit gano'n ang nangyari.

"Then let me introduce myself to you, I am Kurt Grande and you're Stephanie Alferez, right?"

"At paano mo nalaman ang pangalan ko?" I tap my shoulder as I glance at him. Hindi ko maitatangging nagkakalapit ang itsura nila ni Kelvin but still wala pa ring makakatalo sa crush ko.

"I always watch you—"

"Stalker ka?" I panick but he just laugh. Like hell, anong nakakatawa?

"As expected, palagi ko kayong nakikita ng kaibigan mo and I don't mean to eavesdrop your conversation everytime you walk in this corridor pero masyadong malakas ang boses ninyo so, I always heard you," he explains.

He heard my conversation with my friend? Gano'n na ba talaga kalakas ang boses naming dalawa?

"Nagrereklamo na niyan?" tanong ko na lang rito.

"I actually love hearing you voice and laughs," he said without any hesitation.

I laugh. "Are you one of my admirer?"

"If I say yes, would you mind if I call you mine?"

Tinignan kong mabuti ang lalaking nasa harapan ko. Gusto kong malaman kung seryoso siya sa mga pinagsasabi niya o sinapian siya ni Lucifer para paibigin at saktan ako? Well, sorry na lang siya dahil hindi uubra sa akin ang mga salita niya. Atsaka, matagal na rin akong nasasaktan dahil kay Kelvin.

"Stephanie ang pangalan ko at iyon lang ang p'wede mong itawag sa akin," rolling my eyes, I demand.

"Alright. See you around, mine." He then turn his back and walk away.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login