Humihigab akong lumabas ng classroom. Natapos na naman ang buong klase na wala akong naiambag sa katalinuhan ng mga kaklase ko. Palagi pa akong inaantok. Halos wala ng tao sa classroom, nag-unahan na kasi ang magagaling kong classmates para sa pag-uwi. Si Shean ay nagpaalam din na pupunta ng gym para panuorin ang practice ng crush niyang si Yohanne. Ang babaeng iyon, pinagpalit na naman ako sa crush niya. Hindi ko na rin makita si Kelvin, ang asawa ko na iyon hindi man lang marunong magpalaam na aalis na. Hindi ba niya alam na palagi akong nag-aalala sa kan'ya? Baka naman nasa library na naman siya.
Nasa gitna ako ng pag-aayos ng gamit ng may humarang sa aking daraanan. Mabilis na kumunot ang noo ko ng makilala kung sino iyon. Siya yung lalaki na kausap ko kanina. He's smiling from ear to ear as he look at me. Anong problema ng lalaking ito? Sinapian na naman ba siya? Whatever is it I don't care as long as hindi siya gagawa ng ikaiinis ko, but right, he's already meddling with me. Tss.
"Bakit mag-isa ka yata ngayon?" mahihimigan ang saya sa boses nito. Magulo ang kan'yang buhok, hindi ko alam kung normal lang iyon sa kan'ya o nagulo lang iyon but it suits on him. Mas lumutang pa nga ang kaguwapuhan niya.
What the hell are you saying, Stephanie? Scratch that.
"Pakaelam mo ba?" Hindi naman ako mataray sa ibang tao, I actually nice with people pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pagdating sa lalaking ito ay kusang lumalabas ang pagkamaldita ko.
"Mataray ka talaga 'no?" he laughed. Sinabayan niya ang paglalakad ko.
Napairap ako. Hindi ako mataray. Hindi ako maldita. Hindi ko lang talaga gustong nakikita ang pagmumukha niya. Sa anong dahilan? Hindi ko rin alam.
"Sa'yo lang." Totoo naman kasi na sa kan'ya lang ako nagtataray. Kahit sa mga gangster kunno na nakausap ko ay hindi ako naging ganito. Kinausap ko pa nga sila ng ayos and take note, hindi iyon dahil sa takot. Hindi ko lang talaga alam kung anong mayro'n sa lalaking ito at tuwing nakikita ko siya ay inis ang nararamdaman ko.
Weird.
"Bakit? Wala naman akong ginagawa sa'yo a?" he asked that made me stop. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya kung ako mismo ay hindi ko alam ang sagot? Totoo naman na wala siyang ginagawa sa akin, gusto lang naman niya akong kausapin.
Bakit ba kasi ang init ng ulo ko sa lalaking ito? May unfinished business ba ako sa kan'ya nang nakaraang buhay ko? P'wede naman iyon diba? Parang reincarnation lang.
"Psh. Just seeing your face makes me boil in annoyance." I honestly said. Iyon naman kasi ang totoo. Kanina ko lang siya nakilala and yet he was acting like we're already close. Hindi ko nga nagustuhan 'yung mga banat niya kanina. That's so old.
I heard him chuckled a bit. "Cool." Hindi maitatago ang pagkamangha sa kan'yang reaction. What was that? "Ikaw lang ang unang babaeng nainis sa pagmumukha ko."
Napairap ako sa sinabi niyang iyon. Actually, naniniwala ako sa sinabi niyang iyon, baka ako pa nga lang ang unang babae na nainis sa pagmumukha niya. Why? Just look how handsome he is. Mula ulo hanggang paa walang tapon. Kahit sino yatang babaeng tumingin sa kan'ya ay magugustuhan siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko.
Siguro dahil nasanay na ako sa pakikitungo ni Kelvin sa akin. Malamig pa sa antartica ang pakikitungo ng lalaking iyon sa akin, pero ayos lang hindi ko pa rin naman siya susukuan. Atsaka mas gusto ko ang ganoong personality, pa-misteryoso.
"Am I supposed to like every handsome man in this campus? Sorry, I'm faithful." I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko pero ano pang magagawa ko? Iyon na ang kusang lumabas sa bibig ko.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nang-iinsulto siya kahit ang totoo hindi naman. Napaka-soft nga ng paraan niya ng pagtawa. "Bakit hindi ka na lang muna sumama sa akin?" He then suggested.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Is he serious? "No way. Ngayon pa lang tayo nagkausap, aayain mo agad akong sumama sa'yo? No way, baka kung ano pang gawin mo sa akin." I hugged myself made him laughed so hard.
"Funny. Diyan lang naman sa gym kita aayain, nuod ka ng practice namin."
He's basketball player? Kung basketball player siya bakit hindi ko siya nakikita kapag sinasamahan ko si Shean manuod ng practice nila Yohanne?
Paano ko nga naman makikita, hindi naman ako nanunuod? Sa tuwing sumasama ako kay Shean sa gym, palagi namang cellphone ang hawak ko at kinukulit si Kelvin na reply-an ako sa messenger kahit isang beses lang.
Kung sa gym lang naman pala kami pupunta why not? Gusto ko rin namang may mapaglibangan habang iniisip ko kung ano ang susunod kong gagawin para mapansin ako ni Kelvin. Atsaka, sigurado naman akong nandoon din si Shean at nanunuod ng practice nila Yohanne. Iyon pa ba magpapahuli?
Sasagot na sana ako nang makita ko si Kelvin hindi kalayuan sa amin. Matalim ang kan'yang mga mata habang nakatitig sa akin. Halos kurutin ko ang sarili ko upang masiguro kung namamalikmata ako o hindi. But once I pinched my cheeks, nakita ko pa rin siya sa puwestong iyon. Para akong nahipnotismo ng paraan niya ng pagtitig sa akin, hindi ko man lang maigalaw ang sarili ko mula sa aking kinatatayuan. He stared at me like he was ready to send me to hell any seconds now.
Teka? Bakit nandito pa siya at ganoon pa siya makatingin? Bakit may nararamdaman akong emosyon sa ginagawa niya ngayon? Ayaw kong mag-assume pero parang gusto kong isipin na nagseselos siya kay Kurt. Halos matawa ako sa isiping iyon. Asa pa naman ako?
"Huy, ano? Manunuod ka ba?" tila bumalik ako sa reyalidad ng muling magsalita si Kurt. Tinapik din niya ang balikat ko.
Kumunot ang aking noo nang makita ko ang malapad na ngiti ni Kurt. "No, busy ako." tanging sambit ko bago tumakbo papalayo sa kan'ya at papalapit kay Kelvin.
I felt my heart pounding so fast. Pakiramdam ko, ano mang oras ay hihiwalay ang aking puso sa aking katawan. Bakit ba ganito na lang ang epekto ng lalaking ito sa akin? He was like an entire universe.
"Hi?" masigla kong bati sa kan'ya ng tuluyan akong makalapit. Walang pagbabago sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Malamig pa rin iyon at tila hindi p'wedeng madapuan ng kahit kaunting init man lang. Kailan kaya matutunaw ang yelong nakabalot sa pagkatao nito? Sana ako ang babaeng magiging dahilan para sumaya siya muli. "Akala ko umuwi ka na? Hinihintay mo ba ako?" Tumayo ako sa tabi niya. Alam kong feeling close ako kung makipag-usap sa kan'ya pero masama ba ang mag-assume? Siguro hindi naman diba? Masakit nga lang kapag nabigo.
"Psh. Why would I wait for someone I don't know?"
Ouch. Sa halos apat na taon kong pangungulit sa kan'ya, hindi pa rin ba niya ako kilala? Ang sakit naman no'n. Mas lalo lang niyang pinaramdam sa akin na hinding-hindi ko makukuha ang atensyon niya. Ipinamumukha ba niya sa akin na hindi ako ang tipo ng babaeng magugustuhan niya? Sobra na ba akong umaasa na mapapansin ako ng lalaking ito? Hindi man lang ba niya naaalala ang nangyari sa library?
"Nakakasakit ka na ha!" Humawak pa ako sa aking dibdib at umarteng nasasaktan or should I say ipinakita ko sa kan'yang nasasaktan talaga ako?
"Will you please stop pestering me?" I felt a sudden pain inside my chest.
I have been waiting for this for four years. I have been waiting for this time, for him to talk to me dahil akala ko iyon na ang pinakamagandang bagay na maibibigay niya sa akin. Pero hindi ko alam na sa oras na kausapin niya ako iyon na pala 'yung araw na sasabihin niya sa aking tigilan ko na siya.
Bakit ba kasi hindi pa ako nakuntento sa pagtitig lang sa kan'ya? Bakit hindi pa ako nakuntento sa pangarap lang?
Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, sa sobrang amo nga niyon ay hindi mo aakalaing siya ang pinakamabuting tao na makikilala mo sa buong school. But behind those innocent face lies a cold-hearted man. Bakit kaya siya nagkagano'n? Did something happen to him when he's still stranger to me?
"Wala ba talagang pag-asa na magustuhan mo ako?" Iyon ang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan ko siya. Nakita ko kung paano bahagyang bumuka ang kan'yang bibig dahil sa tanong na iyon. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagtaas at baba ng kan'yang adams apple. His reactions, somehow gave chills on me. Parang ipinahihiwatig no'n na huwag akong sumuko sa kan'ya. But, is that what he really wants?
Hindi ko na rin alam. Pero gusto kong umasa.
"Just get out of my sight." He said, not answering my question.
Napangiti ako dahil doon. Imbis na umalis ay lumapit pa ako sa kan'ya. Nakabasa na ako ng mga nobelang may ganitong plot. Katulad sa mga nababasa ko, kinukulit ko rin si Kelvin araw-araw at ito namang crush ko ay halos ipagtabuyan ako. Sana lang tulad din ng mga nobelang nababasa ko, magkakagusto rin siya sa akin at magiging happy ending ang istorya naming dalawa. Kaya rin natutuwa ako sa mga nagiging reaction ni Kelvin ay dahil nababasa ko na iyon sa mga nobela. Baka may gusto na sa akin ang lalaking ito at ayaw lang niyang sabihin. I don't drop the idea since may possibility na mangyari iyon.
"Kelvs." Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang reaction niya nang tawagin ko siyang Kelvs. Actually, nabasa ko lang din sa nobela na kailangan may pangalan kang itatawag sa crush mo para lalo ka nitong mapansin. And, the name should not be used by anyone except you. Mukhang effective naman. "Do you know why I like you?"
He didn't response. I could feel his cold aura again. Mas maganda narin siguro na ganito kaysa naman nagsasalita siya pero nakakasakit naman.
"To be honest, hindi ko rin alam kung bakit kita nagustuhan. Alam mo 'yon, parang magic na lang bigla na nagkagusto ako sa'yo. Funny right? Pero kasi nang tignan kita, I could feel something inside me. Then, boom, my undying love for you started." Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi but that doesn't matter to me now. Siguro naman naririnig niya ako ngayong walang earphone na nakakabit sa kan'ya. Hindi ko nga lang alam kung pinagtutuunan niya ng pansin ang sinasabi ko.
Napatingin pa ako sa ibang estudyanteng dumaraan palabas ng campus. Marami pang estudyante sa loob ng campus dahil katutunog lang din naman ng bell na hudyat na tapos na ang klase para sa araw na ito. Some of the students were couple, holding each other's hand while walking. Siguro ang sayang magkaroon ng kahawak-kamay habang naglalakad 'no? Hindi ko pa kasi nararanasan iyon.
On the other hand, masaya ako na hindi ko pa nagagawa iyon dahil si Kelvin lang naman ang pangarap kong makasama habang buhay.
"Piece of advice..," I turned my gazed to Kelvin. He's still looking away, not minding my presence beside him. Maya-maya pa ay humakbang siya bago tumingin sa akin. Parang tumatagos sa kaluluwa ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi na naman mapakali ang maharot kong puso dahil sa ginawa niya. Damn! Ang lala na ng epekto niya sa akin. "Don't stop liking me." Iyon lang ang sinabi niya pero parang gustong kumawala ng buong kaluluwa ko sa aking katawan. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan dahil sa sinabi niyang iyon. What was that mean?
Wala na sa paningin ko si Kelvin ng makabalik ako sa reyalidad. Malapad akong napangiti nang muli kong maalala ang mga huling salita na binitiwan ni Kelvin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, sigurado akong may nararamdaman din para sa akin si Kelvin, ayaw lang niyang sabihin.
Gusto kong magtatalon sa tuwa ngunit ayaw ko ring umasa dahil baka magising na naman ako at ma-realize na panaginip na naman ang lahat ng ito. Masakit ang umasa 'no.
"Do you really like him huh?" Napalitan nang pagkakunot ng noo ang kaninang masigla kong mukha. Boses pa lang ng lalaking nagsalita ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari no'n. None other than Kurt, a guy who I just met a while ago.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" inis kong singhal dito. Masyado na yata niyang kinareer ang pagiging feeling close sa akin?
"He has a hidden feeling for you." That statement caught my attention. Nakikinig ba siya sa usapan namin ng crush ko? How sure he is?
"Psh. Nakikinig ka ba sa usapan naming dalawa?"
"No. I can sense that he has hidden feelings for you. He likes you."
Gusto ko sanang maniwala sa kan'ya dahil na rin sa huling sinabi sa akin ni Kelvin pero hindi ko magawa. Hanggang pangarap na lang siguro iyon. Baka nga panaginip lang ang lahat ng nangyari ngayon.
"Stop talking as if you know him." Naglakad ako papalayo sa kan'ya ngunit naramdaman ko ang pagsunod niya. Hindi ba talaga ako tatantanan ng lalaking ito? Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?
"You wanna know the truth?" He asked when he finally walked beside me. "Gusto mong malaman kung ano ang nararamdaman niya para sa'yo?"
Again, he caught my attention for the nth time. Napakagaling kumuha ng atensyon ng lalaking ito. Paano niya nagagawa iyon? Baka p'wede ko ring subukan kay Kelvin para makuha ko na ang buong atensyon niya.
At ano naman kayang nasa isip ng lalaking ito? Paano ko mapapatunayan na totoo ang sinasabi niya na may gusto sa akin si Kelvin? May magic tricks ba siya na pwedeng gamitin para malaman namin ang totoo? Ano naman iyon? Damn! He really got me.
"By looking at your reaction, I can see that you're interested." Nanatili akong tahimik at nag-iisip. Sa sobrang okupado ng utak ko, hindi ko namalayan ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko. Naramdaman ko na lang ang hininga niya nang bumulong siya. "Leave it to me."
Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang paglayo niya sa akin. Mabilis ang bawat paghakbang niya parang may hinahabol. Ngayong nakuha niya ang buong atensyon ko sa kaiisip kung ano ang binabalak niyang gawin, hindi ko alam kung makakatulog naman ako nito ng mahimbing.
Pero ano bang balak niya? Anong paraan ang naiisip niya para malaman namin ang nararamdaman ni Kelvin para sa akin? Kung ano man iyon sigurado akong handa kong gawin ang lahat para lang malaman ko ang lahat tungkol sa lalaking gusto ko. Gusto ko rin namang magkaroon ng progress ang relasyon namin ni Kelvin.
— New chapter is coming soon — Write a review