Download App
87.71% Pagdating Ng Panahon / Chapter 50: Chapter 50: Pagdating ng Panahon

Chapter 50: Chapter 50: Pagdating ng Panahon

Dumaan pang muli ang mga linggo. Naghintay ako gaya ng payo ni Bamby. I acted normal. Happy and enjoying my own time. I'm near to being crazy. Heto na rin at parang hangin na lumipas na rin ang mga buwan. Umasa pa rin ako na babalik pa sya kahit mas lamang na sa akin ang wag nang umasa dahil sa tagal na ng panahon na nagdaan. I always reminded myself to not let my ownself get into the situation. Like, I have to live my own life as it is. Na parang walang nangyari at walang nangyayari. Pwede kong sabihin na ayos lang ako. Na masaya ako subalit parang may kulang talaga. Kailan kaya mapupunan ang kulang na ito?. Ang pag-asang meron ako ay hindi nawawala subalit pakiramdam ko, unti unti na itong lumiliit. Baka sa pagsapit ng Disyembre. Ubos na ito bigla ng di ko namamalayan.

"Ate!." heto si Karen na halos liparin ang kinatatayuan ko sa binabaan nya. Kasalukuyan kasi akong nagdidilig ng halaman. At sya. Kakababa nya ng sasakyan ni Kian. They have their own house. Bahay pa yata ni Kian simula nung bata pa sya. I don't know who bought it. Basta ang sabi ni Karen. Pamana pa raw ito ng Angkong nya kay Kian. Without his Mother's knowledge. Pero sa ngayon. Alam na nito at ito ang naging ugat kung bakit nagkaroon ng lamat ang maliit nilang pamilya. Noon pa man naman. Iba na ang relasyon ng mag-asawa. Ang Mommy ni Kian ay taas lagi ang noo para sa kanyang sarili. Hindi inisip ang kanyang pamilya. While Kian and his Dad.. ay pamilya ang priority nila kahit pa na abala ito sa kanyang mga negosyo. How lucky Karen is na mabait ang Father in Law nya. Na iba ang bahay nila sa kanila. Subalit ang kwento ni Karen sakin nung isang araw. Lumipat din daw sa bahay nila ang Mommy ni Kian dahil nga, pinalayas ng Dad nya ito sa sarili mismo nilang bahay. Ang gulo. Sana lang. Okay lang tong kapatid ko kahit ganun ang buhay ng pamilyang natagpuan ng puso nya.

"Bakit?. Emergency ba yan?." para akong baliw. Kulang na nga lang madapa si Karen. Sarkastiko pa tong himig ko. Tsk!.

Bad mood kasi ako. Wala sa tamang hulog dahil sa buwanang dalaw.

"Kita mo to.. ke aga aga eh.." humaba na ngayon ang kanyang nguso. Eksaktong huminto na rin sya sa harapan ko. Namaywang na rin dahil sa sinabi ko.

"Bakit ba kasi?. Di ka pa nga nakakalapit, sumigaw ka na. Anong meron bat kailangan mo pang sumigaw?."

Hindi sya umimik. Naasar na siguro. Nilingon ko ngayon sya. Salubong na ang mga kilay nya't gaya ko ay sumama din ang timpla ng mukha nya.

"Wag na nga lang.." anya sabay iwan sakin. Pumasok ito ng gate at padabog pa itong isinara.

"Hoy!.." sinigawan ko rin sya dahil baka ireklamo kami ng mga kapitbahay sa ingay.

"Anong nangyari dun?." sakto ring sulpot ni Kian sa tabi ko. Pinatay ko na rin ang gripo. At inayos ang hose na ginamit.

"Ewan ko nga e. Tinanong ko lang kung bakit kailangan nyang sumigaw kanina.. tapos ayun, nagwalk out na. Alam mo ba ang dahilan bat sya ganun?." huminto ako sa ginagawa at humarap sa kanya. Nakapamaywang naman syang tumingala sa taas ng bahay. Gawing kwarto nila Karen pag nandito sila.

"Ang alam ko lang." he paused saka nya ako tinignan ng may kahulugan. "Poro is back.."

I froze.

Parang musika ang pagkakasabi nya sa pandinig ko dahilan para magpaulit ulit ito sa sa isip ko.

Saglit akong nabingi. Parang may trumpetang nagbanggaan sa malapit sa magkabilang tenga ko. Pakiramdam ko pa. Nanigas buong katawan ko't hindi makahinga ng husto. Kailangan pa nyang pumalakpak sa harapan mismo ng mukha ko para matinag ako.

"Okay ka lang?." he asked while checking me. I tried walking pero hindi ko maramdaman ang bigat ko saking mga paa.

"He's back and is searching for you.." I heard him clean and clear. I heard every single letter of his words. Naiintindihan ko ang pinupunto nya. Pero bakit hindi na ako excited?. Nawala yung excitement na meron ako dati sa tuwing naririnig ko ang pangalan nya. Bakit ganito?. Bakit ako biglang nagbago?.

As I'm walking. Di ko namalayan na nasa loob na pala ako ng bahay. And he is following me slowly. "And he's willing to take the risk now just to be with you.." Kian continued. He almost whispered this to me dahil meron sila Mama at Ate sa may sala. Andito naman kami sa kusina.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig. Mabilis ko ring inubos ang laman nun. "Are you not excited?." ngayon nya lang ito napansin.

"Sorry but..." huminto ako't saka lamang sya tinapunan ng tingin. "...yes." tugon ko sa naging tanong nya. Natigilan sya. Hindi makapaniwala na umoo ako sa tanong nya.

I saw him blinking twice at yumuko para magkamot ng batok at ulo. "Why?. I thought you like him?." taka nyang saad.

"I thought it too Kian.. but while I'm waiting too long.. I just realized that.. I don't like him anymore... attracted lang pala ako sa kanya.. it's not that deep.."

"But Karen told me.. you cried almost every night.. waiting for his comeback?."

Maingay din naman akong tumango rito dahil totoo. "Yes.. I cried because he promised me one thing.. siguro napagod na rin ako Kian.. he left me hanging without any hopes for me to hold on.. Yung ipinangako nya noon. I held into that but I'm too tired to still hope for it. Nakakapagod na.. I want to rest and be myself starting today.."

"But Ate Ken.. what will you do if he's here na?. Sinabi nya yun kay Kaka na pupuntahan ka nya rito.."

"Then, entertain him.. but don't hope for me to do that.. siguro sa pagdating ng panahon.. I will.."

"Gagawin mo rin yung ginawa nya sa'yo?." huminto ako sa pagpasok ng cr dahil sa tanong nya.

"Nope.. this time.. sarili ko muna ang iisipin ko.. hindi na ang iba.. please understand me Kian.."

"Pero Ate diba, gusto mo sya?."

"Sinabi ko naman na sa'yo ang dahilan ko diba?. Gusto ko sya, noon yun. Sorry dahil napagod na ako't nawalan na ng pag-asa.."

"He's back Ate Ken.."

Lumapit ako sa kanya para ayusin ang kwelyo ng polo shirt nya. Ang gwapo namang bata. Ano kayang magiging itsura ng magiging anak nila ni Karen?. Excited tuloy ako..

"Ilang beses mo ng sinabi yan.. I know he's back.. but please tell him that I'm sorry.. tapos na akong kahihintay sa pagbabalik nya." tinapik ko ng ilang beses ang balikat nya. He looks at me still confused. "Thanks Kian.." ngitian ko sya for the last time para sa kaibigan nya saka na ako pumasok ng cr.

Sorry Kendra. Like what you've said.. napagod lang rin ako.. Hindi man ako gaano pagod physically. Iba pala talaga pag mentally and psychologically. Tapos bigla mo nalang mararamdaman ang pagod physically pag humiga ka na at umiyak magdamag.

I know this will get hurt me so hard. Malamang magiging pilat na ito sa puso ko habang buhay. Wala e. It's my decision to take this. If kasi pinilit kong maging masayang makita sya. Magpanggap na excited ako for his comeback. Wala. Ako lang rin ang kawawa. I'm too tired on pretending that I'm okay even if I'm not.

"Ate.." I know Karen already know everything. Kaya siguro sya nandito sa silid ko ngayon. Tinawag nya lang naman ako pero hindi na nagsalita muli. I'm not used to that.

"May problema ka?." umiling sya agad sakin.

"Wala.. ikaw, may problema ka ba?." hindi ko sya agad sinagot. Sa malayo ako tumingin at inisip ang mga araw na darating na hindi na sya ang iisipin ko.

"Wala naman.. pagod lang ako at kailangan ng mahabang pahinga.." she looks at me.

Tapos tumayo na sya sa may kama na kinauupuan naming pareho. Ako, nakatanaw sa madilim na labas. Gabi na rin kasi. Habang sya. Sa akin nakatingin. Parang may gustong sabihin pero hindi masabi sabi.

"Mauuna na ako kung ganun.. magpahinga ka na muna.."

Palabas na sya ng magsalita ako ulit. And it's my message to her visitor. "Please tell him. I don't want to see him anymore.."

"Pero Ate..."

I cut him off. "Thank you Kaka.. magpapahinga na ako.." humiga na ako kahit alam kong andyan pa rin sya't pinapanood ako.

Siguro nga. Tama sila Mama. May mga bagay talagang kahit gustuhin mo. Kung hindi pa para sa'yo. Hindi mo talaga ito makukuha sa kahit anong paraan ang gawin mo. Ngayon ko lang ito naiintindihan. At ang hirap palang tanggapin ang ganito. Masyado yata kaming nasanay sa mga bagay na lagi at mabilis naming nakukuha. Hindi tulad nito na. Ang hirap at ang sakit ng proseso. Nakakabaliw masyado.

Umaasa nalang ako. Ay hinde. Ano bang tamang term?. Dapat ba akong umasa o maniwala ang dapat na gawin ko?. Ayoko ng umasa. Nasusuka na ako. Sa ngayon. Naniniwala akong may panahon ang lahat. Hindi man ngayon ang para sa amin. Kung para talaga kami sa isa't isa. May Tamang Panahon na darating. At kung sakali mang darating yun... bahala na.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C50
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login