Download App
89.47% Pagdating Ng Panahon / Chapter 51: Chapter 1: Back

Chapter 51: Chapter 1: Back

I'm too nervous.

Kabada sapagkat it's been, I guess. A year simula nang hindi ako pumunta rito. Nakakatakot sa totoo lang. Natatakot ako dahil baka wala na akong balikan pa rito. I know. I'm a big fat fool back then. Or, siguro. Hanggang ngayon because here I am. Going to their house. Wanting to see her and talk to her but damn! Pakiramdam ko, hindi na ako welcome dito.

"Oh!." Natigil sa ere ang sinabi ni Tita nang nakita ako sa labas ng gate nila. Kasama ko si Dave Angelo. Kakababa namin ng sasakyan. Nang eksaktong lumabas sila ni Karen. Natanaw ko rin kung paano umawang at itinikom ni Karen ang kanyang labi. Parang gusto nyang tumili kanina pero naisip nya biglang, wag nalang pala.

Yung ihi ko. Umurong ng oras na yun.

"Magandang hapon po." And now. I don't know how to address them. Lalo na si Tita. Mas lalong lumaki ang bukol na nakaharang sa lalamunan ko ng lumapit si Tita para pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tapos tumitig na ito sa mukha ko na para bang handa ng sampalin ako.

"Mama.." pigil dito ni Karen na naging dahilan ng paghigit ko ng aking hininga. Tama ba ako sa isiping sasampalin nya ako o hinde?. Ewan ko!

Tinikom ni Tita ang kanyang labi ng mariin. Bago ako tinititigan ng husto sa mata. "Magandang hapon din sa'yo, gwapong batang abogado.." hindi ko alam kung sarkastiko ba ang dinig ko sa dating bansag nya sakin o guni-guni ko lamang. But I can't blame her tho. Aware akong nasaktan ko ang anak nya. Alam ko ring napaasa ko sya. Aware ako sa pagkakamaling nagawa ko. Pero bakit kahit aware ako sa sariling pagkakamali, natatakot pa rin ako't kinakabahan ng todo?.

Aba! Dapat lang na matakot ka Poro! Hindi biro ang iwan mo nalang basta ang taong pinaasa mo! Tapos ngayon, babalik ka! Kapal din ng mukha!

"Namali ka yata ng daan?." Dito ko natanto na sarkastiko nga ang pagkakasabi nya sa gwapong batang abogado na yan.

"Uhm..." Karen cut me off.

"Ahehehe. Mama, honestly po. Dumaan lang po sila dito. Nasabi po kasi namin ni Kian na nandito po kami ngayon." I can sense the nervousness to Karen. Maging sya ay hindi maitago ang lame excuses nya. Gayunman. Sana lang. Tumango si Tita at kagatin ito. Kahit ngayon lang. Tumayo pa nga si Karen sa gitna namin. Kaya medyo napaatras si Tita. Pero hindi pa rin nagbabago ang mukha nyang seryoso.

Natahimik kami. Kung wala ang mga tricycle na dumadaan sa gawi namin. Mabibingi na ako sa katahimikan at sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Sandaling hindi naging normal ang takbo nito.

Matagal bago sya tumango. Subalit. "Ah. Okay.. akala ko na kung ano. Kasi naman. Umalis sya ng hindi nagsasabi kung saan pupunta tapos babalik sya dito na parang walang nangyari diba?. May tao kayang umasa at nasaktan.." anya na kay Karen nakatingin. Hindi direkta sakin. Tapos ay umirap sya't tumalikod paalis. Mukhang sa tindahan ni Aling Mher ang tungo nito.

"Oh sya!. Pumasok na kayo sa loob Kaka. Basta. Huwag lang sa ikalawang palapag." Huling banat nya bago tuluyang umalis.

Hindi ako makapagsalita. Hindi sa wala akong masabi. Sadyang, nahihiya lang akong magbitaw ng salita rito. Kahit pa si Kaka nalang ang kaharap ko't nasa likod naman ang kapatid ko. Para pa rin akong sinampal ng katotohanan na sinaktan ko nga ang anak nila.

"Hehe.. Kuya, pasok na muna tayo.. hayaan na natin si Mama.." Karen make a way para gumaan ang pakiramdam ko. Subalit kahit ano na yatang sabihin nya ngayon dito. Hindi na magbabago ang tingin ko sa sarili ko. Nanakit ako ng tao!

"Kuya.." humakbang na ako ng hawakan ni Angelo ang braso ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Umiling sya. Saying that, I shouldn't do this without saying a word. Si Karen ay nanonood lang samin.

"Angelo.." tawag ko sa pangalan nya. Wanting to add some but I can't take the thought of Karen is disappointed again to me. Pinagtakpan na nga nya ako sa Mama nila. Aatras pa ba ako?. Ano nalang ang sasabihin nya sakin kapag umuwi kami't hindi na pinaunlakan ang imbitasyon nya?. Gayong ginawan na nga nya ng paraan para muli akong makaapak dito. Tapos ako din mismo ang gagawa ng paraan para hindi na muling pumunta dito?. Heck! No. This time. No matter what! I'm gonna risk. Kahit pa madurog ako. I want to talk to her. Or atleast, makita man lang sya. Kahit isang sulyap lang. Iyon na. Sapat na iyon sakin, ngayon.

But when we sat on their sofa. Wala pa rin namang nagbago. Ganun pa rin. Maaliwalas. Malinis at mabango. But my thoughts of her walking down the stairs are... Just... A... Thought. Iyon ang nagbago!. Dahil kahit umakyat na sina Karen at Kian for them to announced to her that I'm back.

Hindi sya bumaba!

"Pagod daw sya bro.. sorry.." malungkot na balita ni Kian sakin.

Nalungkot ako. Pero hindi ko iyon pinakita sa kanila. Imbes. Ginawa kong masaya ang boses ko. Kahit magmukha akong tanga dito. Wala akong pakialam!

"Kailangan nya raw magpahinga Kuya.. pasensya na.." si Karen naman ngayon ang nagsabi nito matapos ilapag ang isang pitsel ng juice at isang supot ng biscuit sa mesang nasa gitna namin. Tapos ay umupo ito sa armrest ng sofa na inuupuan ngayon ni Kian.

Bumuntong hininga ako ng palihim. "It's okay.." yumuko ako't mariing pumikit. "Hindi na rin naman kami magtatagal."

"Akala ko Kuya –.." itinurong muli ni Karen ang itaas kung saan sila galing. Pointing out the way through her sisters room.

"It's okay.. marami pa namang araw Kaka.." alam din kasi nila na ang Ate nila ang sadyang ko rito. Hindi sila. Kaya pa ginawa ni Kaka na ilusot ako sa Mama dahil alam nyang sabik akong makita at makausap ang kapatid nya. Gusto nyang magkaayos muli kami. Gustong gusto nya. Pero kung ayaw naman nung taong hinahanap ko na harapin ako. I have no other choice but to endure that. I think. I deserved that treatment too.

"Babalik nalang siguro ako sa susunod na araw.."

"Kailan iyon Kuya?. After this. Sa Singapore na tayo diba?." ngayon na nga lang nagsalita itong si Angelo. Dumaldal pa ng ganito! Kaasar lang!.

"Can you please stay quiet?." Tumalim ang tingin ko dito. Natahimik naman sya.

Kaya ayokong magsalita itong isang to eh!. Pahamak lagi!.

"Yo.. you're going to Singapore?." Takang tanong na ni Karen. Maging si Kian ay napaayos na rin ng upo.

"You're staying for good there?." Ani Kian na para bang alam na alam na duon na ako titira.

"Not yet sure.. maybe.." gumewang ang ulo ko.

"We are Kuya.. remember?. You promised to Mom?."

Hay....


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C51
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login