"Kendra, gising.. sunduin natin si Papa." panaginip ba ito o hinde. I asked myself dahil ang alam ko, tulog pa ako.
"Kendra Manalo! Ano ba!?. Gising na, huy!.. bruhang to.. sakit sa ulo.. tulog mantika lagi.." saka lang din ako nagmulat ng mata ng yugyugin na nya ako. Bumalikwas ako. Kumurap kurap.
"Bakit ba?." nag-unat ako. Tumagilid. Patalikod sa kanya.
"Lalabas na si Papa.. kailangan natin syang sunduin.."
Agad akong napabangon galing pagkakahiga. Mabuti nalang di ako nahilo o ano. Tsk.
"Talaga?. Sinong nagpalabas sa kanya?. Si Tito Azrael ba?. Si Aron?. Sino?." binato nya lang sakin ang hawak nyang pajama na kasalukuyang tinutupi. At ng pasadahan ko sya ng tingin. Nakapalit na itong panglabas. Isang maong na short. Puting t-shirt na tinuck-in pa nya saka nakamedyas na. Talagang handang handa na. E ako?. Heto palang buhaghag ang buhok. May mabahong hininga. Tamad pang bumangon.
"Wag ka ng magtanong. Basta bumangon ka na dyan at maligo.. wag nating paghintayin pa si Papa."
"I can go with this clothes Ate.. maghihilamos lang ako tapos suklay at toothbrush tapos tara na."
Saka nya lamang ako tinignan. Nakatalikod kasi ito sakin. Abala pa rin sa mga damit.
"Seryoso ka?. Hindi ka na maliligo?."
Humikab ako. Matagal pa iyon. "Hindi na nga.. saka na ako maliligo kapag ka nakauwi na tayo.."
"Bahala ka.. basta.. walang sisihan ha.."
Kumunot ang noo ko. Anong walang sisihan?. Ano namang pagsisisihan ko sa di pagligo bago umalis?. Wala namang mali sa pag-alis ng bahay ng walang ligo ah?. Anong problema nya duon?. Hindi naman sya ako. Tsaka. Wala talaga ako sa mood maligo. Gaya nga ng sab koi. Pag-uwi nalang. Magsusundo lang naman kami kay Papa. Tas uwi na rin agad. Tapos.. Atleast. Pag-uwi ko pa. Fresh pa ako papasok ng school. Hindi yung papasok palang ay haggard na. No way!.
"Oo nga. Si Karen, sasama rin ba?."
"Hinde.. pumunta syang presinto kanina at sinabihan syang pumasok kaya ayun.. hinatid ko ng school nila.." paliwanag nya. Nasa kalsada na rin kami. Sya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero na walang pakialam kung paano umupo. "Tsk.. umayos ka nga dyan Kendra!. Kung di lang ako nagdadrive. Sisipain ko yang paa mo.." inis nyang sita sa magkahiwalay kong mga hita. Suot ko naman ang Doraemon na pajama ah. Ano pinuputok ng butchi nya?.
Mahaba ang nguso kong sinunod na lamang sya. Binaba ko ang paa saka pinagdikit ang mga hita. Tamad din akong sumandal pa. "Bubuksan ko ang bintana." paalam ko. May idudugtong pa sana ako ng sapawan na nya ako.
"Subukan mo lang.." matindi nyang banta. I look at her on my peripheral view. Isang nakakamatay na irap ang binigay nya. "Bruha ka.. umayos ka nga kahit minsan.. kung ayaw mong mahila yang buhok mo.." galit na talaga.
I sigh. Pero tahimik iyon hindi gaya ng nakagawian kong pagsinghal ng malakas. Ano bang ginagawa ko rito?. Bored ako. Inaantok pa. Anong oras ba ako natulog kagabi?. Madaling araw na. Ganun din yata sina Aron o baka nga, wala pang tulog dahil sa kapatid ko. Mabuti nalang at nandyan sya. Naiintindihan nya ang kailangan namin kahit di pa namin sambitin sa kanya ng diretso.
Sa pagtahak ng aming sasakyan. Natanto kong may mali. Teka. Pagkatapos ba namin sunduin si Papa diretsong uwi na kami?. O may lakad pang dadaanan?. Bakit di ko ito naisip kanina?. Kung tatanungin ko naman ito ngayon. Sigurado akong barado na ako. Wala pa mang letra na nabubuo sa labi ko. Mura nya agad ang isasalubong sa tanong ko. Kaya wag nalang.
Bahala na!.
Wala namang masama sa damit ko. Atleast. Hindi nakahubad diba?.
Sa main station. Dito kami bumaba ni Ate. Maraming sasakyan ng pulis sa labas. Tirik na rin ang araw dahil sampung minuto nalang, alas onse na. Mamayang 1pm pa ang pasok ko kaya may oras pa naman. Ewan ko lang kay Ate kung may pasok ba sya o wala.
Pumasok kami sa loob. Binati rin kami ng mga kapwa pulis ni Papa. Pati na rin ng mga ninong namin. Nagmano kami sabay kawala ng simpleng ngiti. Hilaw para sa kawalang kwenta nila! Don't blame me. Galit lang ako sa ginawa nila at pinakita nila nung mga panahong kailangan namin sila. Hindi ako galit, mismo sa kanila.
"Dito, Ken." isa sa ninong ko. Tinuro nila si Papa na kasalukuyang nasa loob pa ng kulungan. May isang pulis din na naglalagay ng susi sa kandado para buksan ang rehas nito.
"Sorry nga pala hija noong nakaraan.. Ayaw lang talaga naming madamay.. pasensya na.." hinging paumanhin nito sa amin. Lalo na kay Ate na talagang nakaseryoso. Nakapamaywang pa. Di ko din sila masisi. Gaya nga ng sabi ko. I don't think, I have the privilege to judge them because who am I in the first place to judge their own decision. Mayamang tao nga naman ang kalaban. Mahirap nang madamay pa ng inosente diba?. Mabuti na ring, ganun ang nangyari.
"Papa.." sinalubong ko ng yakap si Papa dahil ilang gabi rin syang dito tumira. Kingwang bruha yan!. Sya sana makulong rito. Tignan ko lang ang yabang na meron sya. Niyakap din sya ni Ate.
Pagkatapos ay humakbang si Papa palapit sa may information desk. Sumunod din kami. "Kian, salamat.." umawang ang labi ko. Anong?. Wag nyang sabihin na si Kian ang tumulong sa kanyang makalabas?. How amazing that would be huh?. Nagyakapan sila sabay kamayan. Tapos pumirma na si Papa sa releasing paper nya.
But that's not it.
Hindi dito natatapos ang pagkunot ng noo ko. Dahil yung lalaki sa may Rooftop Bar at cafe.. kaharap ko sya ngayon. Nakacross arms habang walang emosyon ang mukha. Teka. Anong ginagawa nya rito?. Stalker ba sya?. Bakit lahat ng pinupuntahan ko, nandun sya?. Sino ba sya?.
"Wag ka nang mag-alala. Ayos na ako." tinapik muli ni Papa ang balikat ni Kian. Tumango lang ito kay Papa saka samin na sya ni Ate tumingin. Bumati pa si Kian samin. Pero wala sa amin ang nagbigay ng tugon. Naglakad si Papa. Humarap naman sya ngayon kay Ninong Jazz. Nag-usap sila. Gusto ko sanang pagtuunan sila ng pansin ng di panawan ng titig ko ang titig ng taong to. Naiinis na ako!.
Lumapit si Kian dito. "Hatid lang natin sila bro tapos diretso na tayong school.." kinausap na sya't lahat ni Kian. Di nya pa rin tinatanggal ang tingin sakin. Napansin na ngayon ni Kian. "Ah.. oo pala. Ate Kiona, Ate Kendra.. si Poro po.. bro, mga ate ni Karen.." laglag ang panga ko. Kilala nya si Karen?. Malamang kasama nya si Kian. Hundred percent sure na iyon Kendra. Pero di pa rin ako kumbinsido na mabait syang tao. Iba kasi kung tumingin. Galit lagi.
Di man lang nagsalita!
Sarap batuhin ng mikropono na naka-speaker pa.
Dito na rin humarap muli samin si Papa. "Tara na. Gutom na ako." anya pa na parang walang nangyari sa kanya. Eto yung ayaw ko na pakiramdam e. Yung maririnig mong, maayos ang lahat. Masaya ako. Walang problema pero sa totoo pala. Kumplikado na. Malala pa at wala ng solusyon. Sana lang, hindi pagpapanggap ang nakikita kong sigla sa kanya. Sana lang totoo ito.
Naunang naglakad si Ate. Inalalayan si Papa. Tas sumunod na din si Kian at ako. Nasa likod lang din si Poro. Poro pala pangalan nya. Parang hango sa isang anime.
"Nice meeting you, Manang.." dinig kong bulong nya bago ako lampasan.
Laglag hanggang sahig ang panga ko. Anong—?. Anong sinabi nya?. Manang?. Ako?. Who the hell is he?. Nanginig ang gilagid ng ngipin ko. Kulang nalang kumagat ako ng tao. Bwiset! Saang lupalop ba sya galing?. Wala ba syang mata?. Kahit pajama ni Doraemon at maluwag na t-shirt ang suot ko. Maganda pa rin ako. Tulog pa yata sya kaya di nya makita ang mukha ko!. Kainis! Palibhasa'y singkit!