Umuusok pa rin ang ilong sa sama ng loob ko. Tinawag ba naman akong Manang?. Bakit?. Ganun na ba ako katanda para sa kana para bansagan nya akong ganun?. Bwiset!. Kung nakinig lang sana ako kay Ate kanina, na maligo at mag-ayos ng sarili. Sana hindi ako ganito ngayon. Parang lobo na malapit nang pumutok dahil sa sobrang hangin. Masama ang loob ko sa sinabi nya kahit una nya palang nagsalita sa harapan ko.
Bagay nga sa kanya ang pangalang Poro.. dahil mukha syang Toro.
"Okay ka lang?. Bat ganyan mukha mo?." napansin din ni Ate ang pagbusangot ko.
Sa liked ng isip ko. Umirap ako. Ayokong irapan sya dahil baka maghilahan lang kami ng buhok dito. Nakakahiya kay Papa.
"Badtip lang yung tao kanina.. kaninis." di ko na talaga naiwasang ibulalas ang sama ng loob . Baka kasi tuluyan na akong pumutok rito. Lumipad pa ang sasakyan namin.
"Sinong tao?." taka pa sya kung sino ang tinutukoy ko. Hindi ako umimik. Ayokong banggitin ang pangalan nya dahil naiinis talaga ako! "Ah.. yung kasama ba ni Kian kanina?. Bakit?. Anong ginawa sa'yo? "
"Ngingitian ko na sana sya eh, kaso kingwa ang kapal ng mukha! Tinawag ba akong Manang?. Bwiset!.." dito na ako napairap sa kawalan.
"Si Poro yun anak.." ani Papa na nasa likod. Nakikinig lang samin. "Baka nagbibiro lang.."
Gumalaw ako at siniringan si Papa. Nakasandal ito sa headrest ng upuan at nakapikit ang mata. Bakas ang pagod sa itsura nya. Dumaan tuloy ang guilty sa lalamunan ko. Tapos heto pa rin ako, naglalabas ng sama ng loob nang dahil lang sa maliit na bagay?. Hay Kendra!. Magtanda ka na nga!. Hindi ka na bata para patulan ang lahat ng naririnig mong hindi ko gusto. Just accept what they said and look upon it. Aralin kung totoo ba o hinde ang sinasabi nila. Wag puro nega ha!
"Pero hindi rin biro ang bansagan nya ng basta ganun ang taong hindi nya pa kilala Papa.. mapapasama sya sa kahit na sino.." random ko na talaga ang paglabas ng mainit na hininga sa ilong ko. Baka mamaya nito. Umapoy na tong kinauupuan ko.
"Baka nang-aasar lang anak.." pagtatanggol pa nya.
Napaisip ako.
Baka nga. Ay hindi. Sadya nya talagang asarin ako dahil eto na. Naaasar na ako to the point na isumpa ko sya sa buwan.
Humaba lang ang nguso ko. Kahit ano pa yatang pagdidiin ko na mali ang taong tinawag nyang Poro. Hindi pa rin magbabago ang imahe nya sa kanya. Na mabait na bata ito at hindi masama. E kung ganun nga. Bakit nya sinabing Manang?. Bakit mukha na ba akong losyang?. Bwiset!. Bwiset talaga!!
"Ikaw naman kasi.. una palang, sinabi ko na sayong mag-ayos ka.. e sa sing tigas ng bato yang ulo mo.."
"Tsk.. pareho lang tayo.." singit ko sa sinasabi nya. Sininghalan nya lamang ako.
"Tinawag ka tuloy Manang.."
"Pwede namang wag nang ulitin diba?." pagtataray ko sa kanya. Kung mataray ako. Mas lalo sya. Tinarayan nya ako ng todo. Kulang nalang mabilaukan ako sa pag-ikot ay irap ng mga mata nya.
"Aminin mo nalang kasi na mali ka rin.. bat mo binubuntong sa iba?. Malay mo kung nagsasabi lang sya ng totoo.." anya na natatawa pa. Kung kanina. Hindi na maipinta ang buong mukha ko. Ngayon, mas lalo pang nadagdagan. Aba! Oo na! Mali na rin ako! Pero tama bang asarin nya ako ng ganun?. Kakakilala palang namin. Ni hindi ko nga alam na kakilala pala sya ni Karen at nung si Kian tapos kung makaasta, parang matagal na nya akong kilala. "O baka, asar ka lang dahil gwapo sya.. haha.." dagdag pa nya.
"Isa pang salita mo Kiona, bababa na ako.."
"Papa oh.. bababa raw sya kahit saan.." sumbong nya pa kay Papa na nakatulog na ata habang natatawa.
Pinagtatawanan ang pagmamaktol ko.. Di naman din ako takot kay Papa. Sadyang, iniisip ko lang na pagod sya kaya ayoko ng dumagdag pa. "Alam mo kasi Manang Ken.."
"Tama na yan Keonna.." suway sa kanya ni Papa. Hindi pala sya tulog. Nakapikit lang. Nakikinig sa mga maktol ko. "At ikaw naman Kendra... hayaan mo na yung tao.."
"Paano ko po hahayaan?. Nasaktan nga po ako.." giit ko pa. Isang malakas na hininga ang pinakawalan nya bago umayos ng upo at sa amin na ni Ate tumingin. Humalukipkip pa sya.
"Nasaktan ka ba talaga o yang ego mo ang hindi kayang tanggapin ang sinabi nya?."
"Both daw Pa.. hahaha.." si Ate. Sinuntok ko ang kamay nya kaya nagreklamo ito.
"Think about it hija.. hindi naman magsasalita ang tao kung wala silang basehan hindi ba?."
"Ahahhahahahahaha!.." humagalpak na ngayon si Ate. Maging si Papa ay di rin naitago ang tawa. Pinagdikit nya nalang ang labi para hindi umunat ang mga ito sa ngiti.
I don't know anymore. I give it. Susuko nalang ako kasi alam kong paulit-ulit lang din ang takbo ng usapan namin. Ako na maktol ang reklamo. Si Papa na tagapagtanggol nya tapos isama mo na rin si Ate, na tawang tawa. Saan pa ako diba?. Mas mabuti nang wag ng magsalita. Bahala na sila kung anong iisipin nila. I'm done now.
"Look.. I'm saying this for you to look at the other perspectives in life hija.. maging sa'yo Keonna.. hindi lang ito para sa kapatid mo. para sa'yo rin to."
"Bat damay ako?. Ken naman kasi.." tampal nya pa sa binti ko. Natatawa pa. Buset!
"Sinambit ko ang mga salitang iyon kanina because I want you two to learn from it. Na hindi porket sinaktan ka nila. Sasaktan mo na rin sila. That's not life goes on mga anak.." lumunok nalang ako. Sa labas ng bintana nakatingin. Hawak ni Papa ang magkabilang dulo ng side ng upuan ni Ate. Trying to let us understand his statement. Pero wala. Sarado ang isip ko ngayon.
Badtrip e!.
"Kaya ba pumayag ka nalang na ikulong nila kahit walang katotohanan ang mga bintang nila ganun ba Pa?." si Ate na naging seryoso.
Dinig ko ang mahinang pagbuntong hininga nya. "Sa bahay nalang natin to pag-usapan.. mamaya.. humarap tayo sa mga bisita.. ha Kendra?."
"Kayo nalang po.."
"Kendra?." ulit nyang tawag sa pangalan ko.
Hay... ano pa nga bang magagawa ko?. Kendra na raw eh. Kailangan nang makinig at sumunod. Kapag Ken lang, pwede pang maglambing at sumuway. Pero dahil sa buo na ang pangalang nabanggit. Sa ayaw at sa gusto. Sumunod nalang.
"Yes Pa.." pinal at singhina ng utot ni Ate ang naging sagot ko. Walang tunog pero malaman. Parang utot. Pag malakas ito at maingay. Pasalamat ka. Wala itong amoy. Pero kapag tahimik at kumulo pa ang tyan mo. Matik nang, pamatay to.
Narating namin ang bahay. Tahimik na kami. Eksaktong paglabas ko pa nga. Nagkabanggaan kami dahil sa maliit na gate na nakabukas.
"Sorry.." dinig kong bulong nya bago ko sya lagpasan.
"Whatever Toro!." inikutan ko sya ng mata bago pumasok ng loob. Bahala sya dyan kung papasok pa ba sya o hinde na. I won't allow him to just ruin my entire day. Di ako papayag.
At ng nasa loob na sya ng sala. Natatawa na syang bumubulong kay Kian. Anuman ang pinag-uusapan nila.
Wala akong pake!