Kinabukasan ay nagpahatid siya sa kanyang driver patungo sa kanilang munting tahanan. Gulat na gulat ang mga tao sa pagdating ng sasakyan sa kanilang lugar. Hindi pangkaraniwan na may isang magandang sasakyan sa papasok sa kanilang lugar kayat ito'y kapansin-pansin sa mga kapitbahay. Bumaba ang dalawang body guard at pinagbuksan si Eddy. Lalo ng kinagulat ng mga tao ang kanyang paglabas ng sasakyan.
"Wow! Eddy san mo nanakaw yan?" patuksong tanong ng kapitbahay.
Tinignan ng masama ng kanyang bodyguard ang taong nagsabi nito at bigla itong nanahimik. Napakalakas ng dating ng kanyang mga bodyguard na parang sa isang tingin pa lamang ay ikamamatay na ng taong tinignan. Hindi na nagpatumpik si Eddy sa labas at tinungo na ang kanilang tahanan. Inabutan pa nya ang kanyang ama-amahan at kapatid-kapatiran na nag-aayos para pumasok sa kani-kanilang trabaho.
"Tay, Eric may supresa ako sa inyo." Sabi ni Eddy.
" Ano panis na pansit na naman galing sa tira ng customer mo?" Pabiro ni Eric.
Madalas kasing may dala si Eddy na natirang pagkain na galing sa pinagtratrabahuhan nyang restaurant kaya sanay na sila kay Eddy sa supresa.
"Ikaw talaga parang di mo naman nauubos lahat ng dala kong pagkain." Pangiting sagot ni Eddy.
"Sabi ko na nga ba walang bago malamang pansit na naman yan!" dagdag ni Eric.
"Wag ka ngang magulo dyan at antayin mo muna sabihin ni Eddy kung ano supresa nya!" pagtatangol ng ama-amahan.
"Sumama kayo sa akin at may pupuntahan tayo." Tugon niya.
"Naku! kung magtatagal tayo di ako makakasama at may trabaho pa ako. Sayang lang ang kita ko dyan." Bulalas ni Eric.
"Wag kang mag-alala babayaran ko ang araw mo ng doble sumama ka lang." sabi ni Eddy.
"Doble ha! Parang marami kang na racket ngayon ah. Kakain ba tayo sa labas? Sa makalawa pa birthday mo ah bat nagmamadali kang mag-celebrate?" Tanong ni Eric.
"Basta! Tay tara na ako na rin bahala sa sweldo nyo." Napangiti lang ang tatay niya.
Lumabas at tumungo sa sasakyan ang mag-aama. Ganoon pa rin ang sitwasyon sa labas, lalong dumami ang mga tao na nag-uusyoso sa dumating na sasakyan.
"Balato naman dyan Eddy! Mukhang nanalo ka sa lotto ah." Pabirong asar ng kapitbahay.
Ngumiti lang si Eddy at niyakad niya ang mag-ama na sumakay.
"Eto ba ang supresa mo sa amin anak?" Tanong ng ama-amahan.
"Isa lang to sa supresa itay. May isa pa akong supresa sa inyo." Sagot ni Eddy.
Habang naglalakbay sila patungong villa nagtanong ang ama nya kung ano ang nangyayari. Hindi maarok ng mag-ama kung ano ang kanilang sitwasyon. Nag-aalala na sila at may pangamba na baka gumagawa ng masama si Eddy at nagkaroon siya ng ganitong sasakyan. Di nila maisip na natulog lang sila ay bilag nalang nagkaroon ng sasakyan si Eddy.
"Baka naman nangholdap ka ng banko at madamay pa kami sa kulong dahil sayo?" tanong ni Eric.
"Wag kayong mag-alala wala po akong ginawa at ginagawang masama at ikapapahamak niyo."
Nagulat ang mag-ama ng biglang lumiko ang sasakyan patungon sa gate ng Forbes Park. Sumaludo ang mga guard ng dumaan ang kanilang sasakyan at pinataas ang barricade. Nagtuloy-tuloy sa pagpasok ng village ang sasakyan at pagdating sa dulo ay pumasok ito patungon sa bahay ni Eddy. Lalong natahimik ang mag-ama dahil lalo silang kinakabahan. Pinagbuksan sila ng isa sa katulong na nag-aantay sa kanila. Tumambad sa kanila ang maraming kasambahay at mga taong para sa seguridad.
"Matiwasay na pagbabalik batang senior!" sambit ng mayor doma.
"Matiwasay na pagbabalik batang senior!" Sabay-sabay na bati ng lahat ng tao.
Kinamangha naman ito ng mag-ama. "Ano ba ang nagyayari Eddy?" Tanong ng ama.
"Eto na po ang ating magiging tahanan mula ngayon." Sabi ni Eddy.
Walang nasabi ang mag-ama at pareho silang napanganga.
"Sige na sarado nyo na ang mga bibig nyo baka pasukan ng langaw." Pangiting sinabi ni Eddy.
Kapareho ng mga reaksyon ng mag-ama sa unang pagkakataon na makapasok siya sa kanilang bahay.
"O di ba!? Ano masasabi nyo?" Tanong ni Eddy.
"Totoo bang dito na tayo titira? Kanino tong bahay na to?" Tanong ng ama.
"Ito po ay akin. Ituring nyong ito na sa inyo na rin. Ituturo ng mga katulong ang inyong sariling silid sa ngayon punta muna tayo sa terahe para makapag … Almusal ba o miryenda ang gusto nyo? Magpapahanda ako."
"Almusal o miryenda? Parang may ganun naman tayo. Hindi naman uso sa atin ang almusal minsan nga kahit kape wala tayo eh." Tugon ni Eric.
"Iba na ngayon. Di na tayo aalis ng bahay na walang laman ang tiyan basta bago tayo umalis ay sabay-sabay tayong mag-aalmusal." Sabi ni Eddy.
"Maari nyong gamitin ang Family Car sa garahe upang pumunta sa trabaho. Ah alam ko na wag muna kayong pumasok. May pupuntahan tayo para dun kayo pumasok. Mamili kayo kung anong trabaho ang nais nyo. Lahat ng klase ng trabaho pwede ko kayong ipasok." Pagmamalaki ni Eddy.
"Ayus ah! Parang anak ng milyunaryo ah!" Bulalas ni Eric.
"Apo! Di lang yata milyunaryo lolo ko. Sa dami ng pinuntahan naming negosyo malamang higit pa sa trilyonaryo siya." Pagmamalaki ni Eddy.
Di na nakakibo ang mag-ama. Para sillang nananaginip ng gising sa mga pangyayari.
"Ayoko naman maging pabigat sa iyo anak. Baka makagalitan ka ng iyo lolo sa pagpapatuloy mo sa amin dito?" May pangambay tinanong ng ama.
"Wag kayong mag-alala at ang bahay na ito ay ibinigay ng aking lolo. Ako daw ang may kapangyarihan sa loob ng tahanan ito kaya kung sino man ang aking gustong papasukin ay ako ang masusunod." Paliwag ni Eddy.
Umalis ng bahay ang mag-aama at una silang tumungo sa kanilang negosyon sa kontruksyon. Ito ang gustong trabaho ni Eric. Siya ay nakatapos ng Civil Engineering ngunit hindi pa nakakakuha ng Board kaya di pa makapasok sa malaking opisina. Nagtitiyaga siya sa isang Designing Firm bilang Junior Designer. Maganda ang titolo pero isa lamang siyang utusan ng mga tunay na Engineers. Nag-dedesign ng magaganda disenyo para lamang angkinin ng kanyang mga senior ang kredito.
Pinakilala ni Eddy si Eric sa General Manager at pinaubaya niya rito ang pagdesisyon kung saan nararapat ilagay si Eric. Inilagay siya ng manager sa Design Department bilang Assistant Supervisor. Nakita ng Manager na may karanasan na siya sa pagdedesenyo. Kailangan niyang maghasa muna sa larangan ng pagdedesenyo at makalipas ang kanyang training bilang assistant ay ilalagay siya sa kunstrukyon bilang supervisor.
Sobra ang galak ni Eric ng kanyang malaman ang kanyang kahihinatnan sa mga sususnod na panahon. Agaran ng inasikaso ng manager ang pagpasok ni Eric sa Opisina kaya minarapat na nila Eddy at ama na magtungo sa iba nilang destinasyon. Isang driver ng taxi ang kanyang ama ay may alam na tungkol sa transpotastyon kaya minarapat niyang ipunta ito sa kanilang Negosyo tungkol sa transportasyon. Nagtungo sila sa Bus transport business nila. Tamang-tama naman na ang head dispatcher nila ay malapit ng magretiro. Ipinasok ang kanyang ama para mag-training upang pumalit bilang head dispatcher. Sa loob ng 3 buwan ay kanyang pagsasanayan ang kaniyang trabaho para pumalit sa magreretirong tao.
Iniwan na niya ang kanyang ama at nagmamadaling tumungo papuntang eskwelahan. Pinahinto ni Eddy ang sasakyan ng malapit na ito sa kanilang eskwelahan. Naisip nya na panatilihin ang kanyang mababang estado upang wala ng komplikasyon at kailangan pang magpaliwanag. Tulad ng araw-araw na pangyayari, si Ester ay nakaabang na naman sa kanyang pagpasok.
"Ano ngangyari kahapon? Di ako mapakali mula kahapon. Di na kita inabutan sa opisina ng ating dekano ng matapos ang klase ko. Hindi ko naman matanong ang ating dekano kasi baka lalo kang mapahamak." Paglalahad ni Ester.
"Wag kang mag-alala wala namang nangyari kahapon kinakailangan ko lang umalis kaagad at may inasikaso akong mahalagang bagay pagkalabas ko ng opisina." Pagpapaliwanag ni Eddy.
"Hindi nga? Ok ka lang ba talaga? Ang balita ko kasama ang ama ni Bobby sa loob ng opisina ng dekano eh." Ulirat pa rin si Ester.
"Wala namang masamang nangyari at kailangan ko lang magpaliwanag kay dean at ama ni Bobby. Naging maayos naman ang aming naging pag-uusap." Di na kinailangang sabihin pa ni Eddy ang buong pangyayari dahil natapos na naman ito ng maayos ang kanyang kalagayan.
Nagpasama si Eddy kay Ester para puntahan ang dekano. Kailangan nyang magpaalam sa dekano upang mabigyan siya ng tempory break sa loob ng 1 linggo upang makapunta sa mundo ng mga manlilinang. Ibang rason ang kanyang sinabi sa dekano ngunit malugod parin siyang pinayagan nito.
Pumasok sila sa kanilang unang klase at nandoon na rin si Bobby.
Napasulyap si Bobby kay Eddy at biglang "Eddy my friend! Dito ka na maupo sa tabi ng tayo naman ay makapag-usap at mapaliwanag ko ang aking sarili."
Sumenyas lang si Eddy ng pagtangi at niyaya si Ester sa dati nilang upuan.
"Wow ha! Ano nangyari kay Bobby parang napaka palakaibingan yata ngayon siya sa iyo." May pagtatakang sabi ni Ester.
Halos lahat ng kanilang kaklase ay labis din ang pagtataka sa kinilos ni Bobby. Alam nila ng isang bully si Bobby at si Eddyy ang pangunahin niyang gustong biktima. Nagdududa tuloy ang karamihan kung may nilulutong kasalbahihan na naman ito.
Mastapos ang una nilang klase ay nagyaya si Bobby ngunit hindi si Ester ang kanyang niyaya na karaniwan ginagawa kundi si Eddy.
Napatingin si Ester kay Bobby at sanabi ng huli na "Wag kang magselos Ester gusto ko lang makausap si Eddy upang humungi ng tawag sa mga pangyayari."
Lahat ng kanilang kaklase ay talagang nabigla. Si Bobby ay hihingi ng tawad? Tama ba ang kanilang naririning?
Napansin ni Bobby ang tingin ng kanyang mga kaklase, para hindi na makatangi pa si Eddy ay nagwika si Bobby. "Kung di tatangi si Eddy na paunlakan ang aking alok na paghingi ng tawag lahat kayo sa klase ay lilibre ko ng lunch!"
Dumagundong ang tuwa sa klase dahil sa libreng lunch na alok ni Bobby. Naghiyawan lahat upang kumbinsihin si Eddy na pumayag na. Napahawak si Ester kay Eddy na para bang sinasabing pumayag na siya kaya di na siya nakatangi pa.
"Ok sige! Payag na ko para sa paghingi ng tawad ni Bobby at para malibre tayong lahat!"
Kung ang alok na ito ay nangyari bago pa lamang ang mga pangyayari kahapon malamang ay lubos ang katuwaan ni Eddy. Ngayon na hindi na siya kapos sa pera at alam niya ang gustong mangyari ni Bobby ay para lang makasipsip sa kanya dahil sa kanyang lolo.
Tumuloy silang lahat sa canteen at pinuno ng klase nila ang lugar. Pinakuha niya ang lahat ng kaklase ng pagkain at charge sa kanya lahat ng bayarin. Naging masaya ang buong canteen at naging maigay sa kasayahan at kulitan. Tumayo si Bobby sa ibabaw ng lamesa at humarap kay Eddy.
"Lahat ng ito ay aking ginagawa upang taos pusong humungi ng tawag kay Eddy sa aking nagawa noong nakaraang araw. Inaamin ko na ako ang nagsimula at ibig manakit sa kanya." Pasigaw ng anunsyo ni Bobby.
"Eddy patawad!" Nagpalakpakan ang mga tao kay Bobby ng kanyang paghingi tawad at pag-amin ng kanyang kasalanan.
Tumango at ngumiti si Eddy upang tangapin ang paumanhin ni Bobby. Di maarok ni Eddy kung tunay nga ba ang paghingi ng tawag ni Bobby pero kanya na rin itong tinangap.
Matapos ang kanilang mga klase ay niyaya ni Eddy si Ester na magpunta sa mall. Agad itong pumayag ng walang pasubali. Madalas na yayain ni Ester si Eddy ng mag mall pero lagi itong bigo. Kadalasang kasi na nagmamadali si Eddy na pumasok sa restaurant o kaya ay walang pera. Kahit na sabihin ni Ester na siya ang bahala sa gastos sa kanilang lakad ay lalo itong tumatangi. Ngayon may kakayahan na siya ay oras na ni Eddy na magyaya kay Ester kaya di na nya ito pinalagpas.
Sa mall unang silang pumunta sa sinehan.
"Ano gusto mong panoorin?' Tanong ni Eddy.
"Gusto ko romantic movie." Paglalambing ni Ester.
Bumili sila ng popcorn at ng maiinom bago pumasok at nanood ng romatic movie. Di humiwalay ang kamay ni Ester sa braso ni Eddy mula sa simula hangang sa wakas ng pelikula. May pakakataon pa itong yumuyuko at umiiyak sa kanyang balikat sa mga nakakaiyak na mga eksena. Matapos ang palabas ay nagyaya si Eddy na kumain.
"May pera ka pa ba? Pwede naman akong makihati sa gastos para di naman nakakahiya." Sabi ni Ester.
"Wag kang mag-alala may pera naman ako. Gustong-gusto kitang makasama sa lakad nakatulad nito kaya lang hindi lang talaga pwede dahil sa sitwasyon ko noon. Ngayon pwede na kitang yayain at ako pwede mo nang yayain anumang oras." Yabang ni Eddy.
"Talaga!" mangiyak-ngiyak na tungon ni Ester.
"Tara na iiyak ka na naman. Malamang gutom ka na sa sobrang iyak mo kanina." Pabiro ni Eddy.
Pumasok sila sa isang Fine Dine-in na Restaurant at agad naman silang pinuntahan ng serbidora. Inihatid sila ng serbidora sa isang bakanteng lamesa para sa mga VIP na customer. Agad napatingin ang manager sa kanila at ito ay lumapit. Unang nilapit ng manager ang serbidora at ito ay pinagalitan.
"Tonta! Bat dito mo dinala ang mga yan alam mo naman sa iba ang rate dito sa lugar na to. Tignan mo nga ang mga yan mukhang mga estudyante lang tas lalagay mo dito." Matapos sabunin ang serbido ay tinungo niya si Eddy at Ester.
"Pasensya na sa inyo pero bago po kasi ang ating serbidora di nya pa alam ang mga patakaran sa restaurant. Eto pong lugar na ito ay ekslusibo lang po sa mga may kakayanan magbayad at hindi kami tumatangkap ng cash payment dito, kailangan card lang ang payment." Paliwanag ng manager na may dating na pang-iinsulto.
Napayuko si Ester sa kahihiyan at napansin ito ni Eddy. Inilabas ni Eddy ang kanyang itim na card at laking gulat ng manager sa kanyang nakita. Nag-alilinlangan ang manager at napatingin kay Eddy. Sinusuri niya mabuti ang itsura ng dalawa kung bakit may itim na card ang mga ito. Naisip nya na baka nakaw ang card na hawak niya. Hindi maaaring magmay-ari ng itim na card ang itsura ng dalawang nasa harapan niya. Ang itim na card ay ginagamit lamang ng mga taong napakayaman at mataas ang pribelehiyo sa lipunan. Sa totoo lang, iilang tao lang ang nagmamay-ari nito.
"Kayo po ba ang may-ari ng card na ito? Maari po bang humingi ng inyong ID para po ma-verify natin?" Naging magalang ng konti ang salita ng manager dahil sa itim na card. Ibinigay ni Eddy ang kanyang ID sa manager.
"Mr. Eddy Palaghoy?" Patanong ng manager at tinignan nya si Eddy upang suriin kung siya nga ba ang nakalarawan. Tumalikod ang manager at inutusan ang serbidora na kunin ang kanilang orders. Daliang pumunta ang manager sa kanyang opisina.
Tumawag ang manager sa opisina ng black card.
"Hello! Kailangan ko ma-verify ang owner ng black card na hawak ko. I'm the manager of Loven Delight Restaurant. The number is ###########. Pwede ko bang malamang kung kanino ito naka-assign na pangalan? May nagpapangap kasi dito may-ari ng black card mukha namang palaboy!" Litanya ng manager sa telepono.
"Wait a moment please…" Sagot ng agent.
"Mr. Palaghoy, pangalan palang ang bantot na ng dating tunog hampaslupa!" Pabulong ng manager habang nag-aantay ng sagot mula sa agent.
"Thank you for patiently waiting! The card owner is Eddy Palaghoy" Tugon agent.
Napatigil sa pagbulong ang manager.
"May I know the affiliated company that issue this card?" ulirat ng manager.
"The card was issued as an extention of Mr. Ernesto Madrigal." Dagdag ng agent.
"This is an extention card of Mr. Madrigal? May I know the relationdhip of the bearer of the card to the principal?" pakabang tanong ng manager.
"According to our record he is the Grandson of the principal." Paliwanag ng agent.
"Do you have any other concern regarding the card?" Tanong ng agent
"Wala na. Salamat!" Nanginig ang manager pagkatapos niya ibaba ang telepono.
"Apo ni Don Ernesto … Ang may-ari ng mall na to? Ang don ay may apo na mukhang pulubi? Sino ba naman makakahula ng ganyan!" Sa sobrang pagkaagulat kung ano-ano na ang kanyang nasabi at lumabas ang kanyang pagkabading.
Tinawag ng manager ang lahat ng waiters at cook. At lahat sila ay nag-tungo sa lugar ni Eddy. Nagulat sina Eddy sa mga pangyayari.
"Pagpaumanhin po Mr. Palaghoy pero gusto lang po naming maserbisyuhan kayo ng pikana best namin." Magalang na paliwanag ng manager na ibang-iba na pakitungo sa kanya kumpara noong una.
"Nakapamili na po ba kayo ng inyong makakain? Kung hindi pa po ay maari po ba ako nalang ang magrekumenda ng inyong makakain mula sa appetizer hanggang desert? Pinapangako ko na ibibigay ko ang lahat ng best meal sa inyo at higit sa lahat libre!"
"Libre!?" napatanong si Este sa pagkabila.
"The best at libre para mapasaya ko lang po kayo at mapatawad sa aking ginawa ngayong araw." Pagsumamo ng manager. Sumenyas si Eddy tangda ng pagpayag sa suhensyon ng manager.
Agadan nagpulasan ang mga waiter upang maghanda para sa order ng manager.
"Kaloka ngayong araw na toh! Una si Bobby ngayon tong manager naman! A weird talaga! Araw ba ng paghingi ng tawad ngayon! Kaloka talaga!!!" sambit ni Ester na sobra nagtataka sa gawi ng manager.
Matapos nila ang pagkain ay hinatid sila ng lahat ng staff ng restaurant sa utos ng manager. Nagmamadaling hinatak ni Ester si Eddy
"Tara na Edz maloloka na ko sa mga tao dito." Nakangiting sumunod si Eddy kay Ester.
Tumuloy sila sa isang lugar sa mall na parang parke upang magkwentuhan at magpahinga. "Masaya ka ba ngayon?" Tanong ni Eddy kay Ester.
"Sobrang saya ko ngayon araw na toh, napuno ng lahat ng kawirduhan. Una, pagdating mo ng umaga na nakasakay sa magarang kotse." Nagulat si Eddy at Nakita pala ni Ester ang kanyang pagbaba.
"Pangalawa, Si Bobby. Pangatlo, bilag mo kong niyaya mag mall at ikaw pa ang taya. Pang-apat, sa restaurant di lang yung mga staff ha pati yung black card mo." Litanya ni Ester.
"San nga ba galing ang black card mo?" Tanong ni Ester.
Hindi nagpaligoy-ligoy si Eddy. "Sa lolo ko. Si Don Ernesto." Sabi ni Eddy.
"Don Ernesto? Ang may-ari ng mall at maraming business sa Pilipinas?" napasigaw si Ester at napalingon sa paligid.
Tumango lang si Eddy. Biglang nagbago ang mood ni Ester sa mga nalaman.
"Wag kang mag-alala, ako pa rin ito ang dating Eddy na nagmamahal sayo." Nabigla ng sabi si Eddy at gayun din ang pagkabigla ni Ester.
"Ano mahal mo ko? Hoy nanliligaw ka ba? Wag na wag mo kong liligawan at ako ang dapat nanliligaw sayo." Pabirong sinabi ni Ester.
"Ibig sabihin mahal mo din ako?" Tanong ni Eddy.
"Ah! Eh! Hindi pa ba halata sa araw-araw na paghihintay ko sayo?" tanong ni Ester.
"Alam ko naman yun! Ayoko lang sabihin sayo na mahal kita dahil may mga kailangan pa akong patunayan sa aking sarili para nagging karapat-dapat ako sa iyo." Tugon ni Eddy.
Tumahimik ang paligid, pinakiramdaman nila ang isa't-isa hangang maglapat ang kanilang mga labi.
Matapos ang pamamahinga ay nagpunta sila sa bilihan ng mga gadgets. Namili sila ng Cellphone na pareho ang modelo upang maging couple phone nila. Namili sila ng magkasunod na numero para mas madali nila itong matandaan. Naalala ni Eddy ang tarheta na binigay ng kanyang lolo upang ito ay ilagay sa kanyang telepono. Napansin niya na numero lang at pangalang Ernesto ang nakalagay sa tarheta na ngayon niya lang tinignan. Naisip ni Eddy na malamang na ayaw ng kanyang lolo na magbigay ng kanyang pagkakakilanlan kung kani-kaninong lang.
Naglibot sila sa mall at pinamili nya ng mga damit ang kanyang ama at kapatid. Ibinili din niya si Ester ng mga damit na kahit anong tangi ay napilitan ding sumangayon. Matapos ang kanilang pamamasyal ay sumenyas siya sa kanyang bodyguard na alam niyang nakamatyag lamang sa kanila. Lumapit ang isa sa kanila upang di masyadong makahalata ang mga tao sa paligid. Inutusan nyang maghanda sa pag-uwi. Inimbitahan niya si Ester sa kanyang tahanan at agad itong pumayag. Nagtungo sila sa tahanan ni Eddy at inantay ang mag-ama habang nagpahanda ng kanilang hapunan.
"Malamang ikaw si Ester!" sambit ni Eric habang papasok ng bahay.
"Pano mo nalaman?" Tanong ni Ester.
"Pano di ko malalaman? Sa araw-araw na kwento ni Eddy sayo kahit hindi pa kita nakikita alam ko na ang itsura mo." Patukso ni Eric.
Ngumiti lang sa Eddy sa mga tingin ni Ester. Maya-maya lang ay dumating din ang kanilang ama.
"Ikaw ba si Ester?" Ngumiti lang si Ester sa tanong ng ama dahil alam nya na pareho lang ang rason ng mag-ama.
Nagsimula silang maghapunan at nagkwentuhan na parang isang buong pamilya na madalas magsabay sa kainan. Matapos ang hapunan ay hinatid na ni Eddy si Ester sa kanyang tirahan.
Matapos na mahatid si Ester, agad siyang natungo sa restaurant na kanyang pinapasukan.
Nasalubong nya si Justin at nagbabala. "Kahapon ka pa hinihitay ni manager. Ano ba nangyari sayo wala ka na kahapon sobrang late mo pa ngayon?" Pabulong na tanong ni Justin.
Ngumiti lang si Eddy at nagtungo sa kanyang manager. "Aba! Buhay ka pa pala? Ano nangyari sayo at di ka nakapasok kahapon? Pinahirapan mo ang mga kasama mo kahapon kaya mamaya ikaw ang cleaning!" Madiing utos ng manager.
Naging Maganda naman ang trabaho ni Eddy sa restaurant kaya di siya masyadong napapagalitan. Alam ng manager ang kanyang hirap sa pagpasok sa pagtratrabaho kasabay ng pag-aaral kaya medyo maluwag siya kay Eddy.
"Kailangan ko na pong mag-resign ngayon. Salamat po sa lahat ng pang-unawa ninyo at pasensya na sa mga sakit ng ulo ng dinulot ko sa inyo." Sabay pasa ng kanyang resignation letter.
"Hmm, aalis ka na pala. Pwede ko bang malaman ang rason ng iyong pag-reresign?" malungkot na tugon ng manager.
"May personal matters po akong kailangan ayusin at matatagalan ang aking balik sa Manila. Pasensya po sa biglaan paalam, bilaan din po ang mga pangyayari eh." Paliwanag ni Eddy.
"Salamat po sa pangunawa Ninyo." Inabot ni Eddy ang kanyang regalo sa manager bilang pamamaalam. Tinanggap ng manager ang regalo at ngumiti.
"Sya kung di ka na mapigilan eh paalam sayo." Matapos makausap ni Eddy ang kanyang manager ay nagpaalam na rin siya sa kanyang mga kasamahan. Binigyan niya ng mga simple regalo ang lahat pati ang mga nakaliban sa araw na ito. Pinuntahan nya ang kanyang kaibigan at binigyan ng espesyal na regalo.
"Buksan mo! Ikaw lang ang naging tunay kong kaibigan dito kaya espesyal ang sayo." Pasupresa ni Eddy.
"Wow! Narami kang pera! Kelan ka ba magreresign ulit?" Pabiro ni Justin.