Download App
53.84% Manlilinang - Dios Asura / Chapter 7: Mga Pagbabago

Chapter 7: Mga Pagbabago

Natapos ang mga paalam ay kailangan ng harapin ang mga bagbabago sa kanyang buhay. Nagsimula na ang huling araw bago ang kanya kaarawan at tapos na ang pagpapaalam sa mga importanteng tao sa kanyang buhay.

Dumating ang kanyang lolo sa kanyang tahanan kasama si Aika.

"Kuya namiss kita!" patakbong sinabi ni Aika at sabay yakap kay Eddy.

"Mamayang alas-sais ng gabi ay magpunta ka sa ating hotel at mayroong akong hinadang salo-salo para sa iyo. Imbitado lahat ng matataas na opisyal ng ating mga negosyo. Pagkakataon na rin na mapakilala kita sa lahat." Sabi ng lolo.

Nakahanda na ang agahan kaya niyaya niya ang kanyang lolo at pinsan para kumain. Papaupo na ang kanyang lolo sa kabisera ng pumasok ang mag-ama sa silid-kainan.

"Lolo, Si Eric ang aking kapatid at Edmond ang aking tinuring na ama." Sabay turo sa dalawa.

"Magdang umaga po Don Ernesto." Magkasabay sa sambit ng mag-ama.

"Upo na kayo at para makapagsalo sa agahan." Sabi ng don.

Habang nag-aagahan, ay unti-unting lumiliwanag ang katawan ni Eddy. Napatingin ang lahat kay eddy dahil sa nangyayari. Kitang-kita sa mukha ng mag-ama ang pagtataka ngunit walang mababatid na pag-aalala mula kay Aika at ng lolo. Tinignan ng don ang mag-ama habang nangyayari ang pagliwanag ng katawan ni Eddy. Humigit na sampung minuto ang pagliwanag kanyang katawan bago ito unti-unting humupa. Nagtanong si Eddy sa kanyang lolo

"Ano ang nangyari sa akin lolo bakit may ganito?"

"Sumapit na ang pagbabago sa iyo, ikaw ay nagsimula na sa iyong unang antas bilang manlilinang. Mas malaki ang magiging pagbabago sa iyo mamayang hating gabi kaya kailangan natin itong paghandaan." Paliwanag ng lolo.

"Anong nang-yari sa kanya at ano ang manlilinang?" Tanong ng ama.

Tumigin ang lolo sa mag-ama at sinabi kay Eddy "Kailangan nating burahin sa kanilang isipan ang kanilang nasaksihan. Hindi maaaring mabatid sa inyong mundo ang tungkol sa ating mundo."

Hindi malaman ng mag-ama na kung ano ang gagawin. Natakot sila sa sinabi ng don at bigla silang akmang tatayo sa kanilang upuan. Hindi malaman ng mag-ama kung ano ang nangyayari at hindi sila makatayo kahit anong pilit nilang gawin.

"Wag na kayong magpumilit pa na tumayo at wala kayong magagawa. Kailangan kong burahin ang inyong nasaksihan. Wag kayong mag-alala at di naman kayo masasaktan sa aking gagawin."

Kahit may abiso na ang lolo sa mga mangyayari na di naman sila masasaktan ay gayun pa rin ang kanilang takot.

"Hindi na kailangan at sila ay aking pamilya. Hindi ko ibig na ilihim pa sa kanila kung ano ang aking tunay na pagkatao." Pinigilan ni Eddy ang kanyang lolo.

"Maipapangako ninyo ba na walang kayong sasabihin kahit sinuman sa inyong nasaksihan ngayon? Ang paglabas ng inyong nasakasihan ay katumbas ng inyong kamatayan!" pagbabanta ng don.

Pinaramdam ng don ang kanyang kapangyarihan sa mag-ama. Inilabas niya ang kaunting-lakas na opresyon sa paligid. Lahat ng babasagin ay nadurog ng pino. Lahat ng kagamitan ay nawasak malinban lamang sa kanilang kinauupuan. Ipinahahatid niya sa mag-ama na ang lahat ay kaya niyang wasakin sa pamamagitan lamang ng pag-iisip. Hindi pa nilabas ng lolo ang kanyang tunay na lakas ngunit sobra na ang takot na naramdaman ng mag-ama.

"Makaka-asa po kayo na wala kaming sasabihan ni isa mang kaluluwa sa aming nabatid." Tungon ng mag-ama.

Tinanggal ng lolo ang kanyang opresiba at unti-unting humupa ang panginginig ng mga bagay at tumahimik ang paligid.

"Aasahan ko ang inyong pangako!" pagpapaalala ng don.

Minarapat ng lolo ni Eddy na ipaliwanag ang kanyang nararamdaman upang siya ay maging handa sa mga susunod na pang pagbabago.

May limang uri ng manlilinang. Ang manlilinang ng Hangin, Kahoy, Lupa, Tubig at ang pinaka malakas ay ang Kidlat. Ang kidlat ay natatamo lamang ng mga may dugong bughaw. Ang kanilang angkan ay mula sa dugong bughaw ngunit matagal ng panahon na may naging Manlilinang ng kidlat sa kanilang angkan. Karaniwan sa kanila ay manlilinang ng tubig. Hindi na umaasa ang kanyang lolo maging manlilinang ng kidlat si Eddy dahil siya ay isa lamang MALA at hindi puro ang dugo.

May 4 antas ang manlilinang at bawat antas ay may sampung hakbang. Ang unang antas ang pagiging ordinaryong manlilinang, ang mga batang apat hangang pitong taon gulang lumalabas ang mga tanda. Kakaiba at natural lamang ang paglabas ng tanda sa edad ni Eddy dahil siya ay isang MALA.

Ang mga antas ay ang dakila, ang immortal, ang santo at ang mala-Dios. May mas mataas na antas bukod pa dito, ang Tunay na Dios ngunit wala pang nakakarating sa kanitong antas sa kasalukuyang panahon.

Tinapos ni lolo ang pahapyaw na paliwanag tungkol sa dadatnan ni Eddy na mundo. Kailangan ng umalis ng kanyang lolo upang ayusin ang mga nalalabi pang dapat ayusin para sa kaarawan ng apo. Walang kibo at walang nasasambit ang mag-ama habang hindi pa makaalis ang lolo ni Eddy. Hindi pa rin makapaniwala ang mag-ama sa kanilang nasaksihan at narinig. May ibang mundo na kinabibilangan ni Eddy at ng lolo nya. Kahit na sinong sabihan nila ay talagang di maniniwala kung di nasaksihan ng dalawang mata nila.

Binalikan ni Eddy ang mag-ama na di pa rin tumatayo sa kanilang kinauupuan.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong niya sa mag-ama.

"Sa tagal na ng ating pagsasama ay di sumagi sa akin na ang aking anak ay may kapangyarihang. Wala akong masabi kundi, pag-ingatan mo ang iyong sarili sa mundo na haharapin mo. Inaasahan ko na magagamit mo ang mga bagay na nagpalakas at nagpatatag sa iyo sa pagharap mo sa bago mong mundo. Sana ay wag mo kaming kalimutan." Litanya ng kanyang ama-amahan.

"Wag kayong mag-alala at di ko kayo makakalimutan saka di naman ako magtatagal doon at babalik agad ako. May kailangan lang daw akong pagdaanang pagsubok, sabi ni lolo."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login