Nagising si Eddy at nabaligwas at napasigaw! Inilibot niya ang kanyang mata at nakita niya si Aika na nakatingin sa kanya. Niyakap ni Aika si Eddy at bigla itong napaiyak. Hinagod ni Eddy ang kanyang likod at pinatahan ito sa pag-iyak. Naisip niya ang hirap ni Aika sa panonood sa kanya ngunit di sumagi sa kanya ang kanyang mga paghihirap. Dumating ang kanyang lolo sa kanyang kwarto na matiyagang nag-aantay sa labas.
"Kamusta apo?" Tanong ni lolo.
"Napakagaang ng aking pakiramdam para bang nasa aking katawan ang lahat ng bagay sa aking paligid. "
"Isa ka ng ganap na manlilinang. Kailangan mo ng simulan ang mga pagsasanay upang mapabuti mo ang iyong mga kakayahan." Paliwanag ng lolo.
"Kamusta po ang aking pagsubok? Naging matagumpay po ba?" Usisa niya sa kanyang lolo.
"Ikaw ay aking pinagmamalaki. Isa kang tunay henyo ng paglilinang. Gusto kong ipagsigawang na ang aking apo ay taglay lahat ng elemento at ang kidlat!" napangiti si Eddy sa sinabi ng kanyang lolo.
"Ngunit di ko magagawa yan!" Dagdag ni lolo.
Nagtaka si Eddy sa sinambit ng kanyang lolo at kanyang ikinalito. Bakit ganoon ang kanyang sinabi pagmamaliki nya ba ako o hindi ang tanong niya sa kanyang sarili.
"Nakinig kang Mabuti apo … Ikaw ay nagtataglay ng apat na elemento ng paglilinang. Ang isang manglilinang na may dalawang kakayanan ang kinaiingitan na marami ngunit ikaw ay may apat. Hindi ka lang kakaingitan sa ating mundo kundi ikaw ay kakatakutan lalong-lalo na ikaw ay nagtataglay ng uring kidlat." Paliwanag ng lolo.
"Ang uring kidlat ay natatamo lamang ng mga dugong bughaw. Maari kang katakutan ng mga ito dahil maari mo silang tapatan ang maagawan ng kanilang kapangyarihan. Ang iyong apat na uring tagalay ay maaring katakutan ng mga matataas ang katungkulan sa ating mundo at maaring pag-initan ng ibat-ibang angkan." Babala ng lolo
"Mas mainam na itago mo ang iyong ibang uring kakayanan at isa lang ang iyong ipakita. Sa ngayon ay unahin nating linangin ang iyong uring tubig dahil ito ang aking kakayahan. Maaaring katanggap-tangap ito sa marami at madaling maipaliwag dahil masasabi mo ito ay minana mo ito as ating angkan. Ang iyong ina at mga ninuno ay uring tubig."
"Ikaw ay maghanda upang tumungo sa ating mundo sa kinabukasan. Magpupunta tayo sa Bundok ng Makiling upang makaraan sa pinto ng ating mundo. Daanan na rin natin ang ating negosyong minahan para mapakilala kita sa mga dating tauhan ng iyong ama."
Kinabukasan ay umalis sila bago palang sumikat ang araw. Nakarating sila sa opisina sa ibaba ng bundok at sinalubong sila ng kanilang mga tauhan. May napansin siyang isang tao na nakatingin sa kanya na may pagnanais na sabihin. Napansin niya ang kawalan ng isa nitong braso at pagkasira ng kalahati ng kanyang mukha. Nang mapunta ang pagpapakilala sa taong ito ang agad siyang nagkaroon ng pagnanais na ito ay kanyang makausap ng sarilinan.
"Ito si Mang Berto ang dating personal na alalay ng iyong ama. Kung gusto mong may malaman tungkol sa iyong ama ay hanapin mo lang siya. Kinamayan niya ito at nginitian.
"Maari po ba kayong makakwentuhan tungkol sa aking ama?" tanong ni Eddy
Tumango ang si Mang Berto. Niyakad niya ito na sumunod at nagpahanda siya ng isang kwarto para sila makapag-usap.
Pumasok sila sa isang kwarto at nagpahanda si Eddy ng kanilang maiinom at miryenda. Umupo sa supa si Eddy at itinuro niya ang kabilang bahagi ng supa upang paupuin si Mang Berto.
"Patawad!" ang sambit ni Mang Berto na sinabayan ng kanyang pagluhod.
Nabigla si Eddy sa ginawa ni Mang Bert dahil ang intension nya lang naman ay makilala ang kanyang ama sa pamamagitan niya.
"Wala akong nagawa ng patayin niya ang iyong ama sa aking harapan. Kaka-iba ang kanyang lakas na kahit magkatulong kami ng iyong ama ay wala kaming nagawa. Nilabanan siya ng iyong ina na may kakaibang lakas din ngunit siya ay nadaig din nito kalauanan. Napilitan ang iyong ina na ihabilin ka sa akin upang tumakas. Nang ikaw ay aking hawak na … naglabas ng kakaibang-aura ang iyong ina at naglabasan ang mga tubig mula sa kanya. Minarapat ko ng lisanin ang labanan upang ikaw ay itakas at hindi ko na batid ang mga sumunod na pangyayari sa iyong ina. Ikaw at ang iyong ama ang tukoy ng kalaban kaya kinakailangan kitang itakas. Malayo na ako pero nararamdaman ko na masusundan pa rin nila tayo kaya napilitan akong itago ka sa isang lugar upang iligaw ang mga humahabol sa atin. Malayo na ako at nailigaw sila ng kanila akong naabutan. Sumailalim ako sa matinding parusa ngunit di ko sinabi ang iyong kinaroroonan. Nakaligtas lang ako ng dumating ang iyong lolo ang kanyang lupon. . Ito ang resulta ng pagpapahirap nila sa akin. Sinubukan naming balikan ang lugar na pinaglagyan ko sa iyo ngunit wala ka na doon. Labis ang pag-aalala ng iyong lolo sa iyo at sa iyong ina na nawawala" Buong pagsasalaysay ni Mang Berto.
Tumayo si Eddy at nilapitan si Mang Berto.
"Tumayo po kayo. Wala po kayong kasalanan sa mga pangyayari ako pa nga po ang dapat na magpasalat dahil sa inyong ginawa ay nakaligtas po ako sa kapahamakan." Pinakalma ni Eddy si Mang Ernesto.
"Ang gusto ko pong malaman ang tungkol sa aking ama na di ko nasilayan upang magkaroon po ako ng konting kasiyahan sa aking kalooban." Nangunguli sya sa ama kaya gusto niya itong makilala.
"Kung gusto nyo po makita ang inyong ama ay kailangan niyo lang pong humarap sa salamin. Nang makita ninyo ako kanina ay napansin niyo po ba ang aking panginginig? Yan po ay dahil akala ko ay kayo ang inyong ama. Kamukhang-kamukha po ninyo ang iyong ama sa lahat ng aspeto." Panimula ni Mang Berto.
"Meron po siyang larawan sa loob ng kanyang opisina. Yun po ang ginagamit ng inyong lolo na opisina kapag siya ay nagtutungo dito." Paliwanag ni Mang Berto.
Nagtuloy ng pagkekwento ni Mang Berto tungol sa ama ni Eddy. Naging masaya ang kanyang araw dahil halos lahat ng kanyang gawi ay nababangit ng kanyang kausap. Naging mahaba ang kwentuhan ngunit sila'y napahinto ng patawag ng kanyang lolo upang mananghalian. Nagpaalam ni Eddy at dimeretso sa kwarto ng kanyang lolo. Nakita niya ang larawan ng kanyang ama sa likod ng kanyang lolo.
"Kala mo ba ikaw yan?" Pangiting tanong ng lolo.
"Nabangit na ni Mang Berto ang tungkol sa larawan na yan. Tunay nga palang parang ako ang aking ama." Sambit niya.
"Talaga tong si Mang Berto naunahan pa ako ng supresa sa iyo. Tagal ko tiniis na di pakita sa iyo ang iyong ama para sa supresa nasira naman." Pagsisisi ng lolo.
"Siya ba ang aking ina?" Tanong niya sa lolo habang nakatingin sa larawan.
"Siya nga." Sagot ni lolo.
"Mapakaganda pala ng aking ina! Mabuti at nakuha siya ng aking ama?" Hindi maisip ni Eddy na ang malaangel na babae katulad ng kanyang ina ay umibig sa katulad ng kanyang ama.
May ipagmamalaki naman ang kanyang ama sa itsura pero malayo ito sa kategorya ng ganda ng kanyang ina.
"Masipag, mabait at matalino ang iyong ama." Paliwanag ng lolo.
"Walang gwapo?" Pabiro ni Eddy.
"May itsura naman ang iyong ama mas angat lang ang kanyang mga katangian." Pangiting sagot ng lolo.
"Gusto ko ang iyong ama dahil sa kanyang mga katangian at siya ay aking pinagkakatiwalaan." Dagdag pa nito.
Matapos ang pagpapakilala sa kanyang ama ay ipinakilala naman ng lolo ang kanyang ina.
Isa sa pinaka maganang babae ang kanyang ina. Isa rin siyang napakahusay na malilinang. Walang nakakatalo sa kanya sa grupo ng mga kabataan sa loob ng kanilang lugar. Ipinagmamalaki ng kanyang lolo ang mga tagumpay na nakamit ng kanyang ina sa kanilang mundo.