Download App
84.61% Manlilinang - Dios Asura / Chapter 11: Kabanata 11 – Bagong Mundo

Chapter 11: Kabanata 11 – Bagong Mundo

Matapos ang tanghalian ay nilibot nila ang opisina at nagtungo sa minahan. Ginaygay nila ang malasawang daan patungo sa minahan. Itinuro ni Mang Berto ang lugar kung saan sila tinambanga ng kanilang nakalaban. Minarapat ni Eddy na pahintuin ang sasakyan upang bumaba. Tinignan niya ang paligid at may na pansin siyang may kumikinang sa bandang pababa na di kalayuan.

"Nakikita Ninyo ba ang nakikita ko?" itinuro ni Eddy ang kanyang nakikita.

Lahat ng kanyang kasama ay pinilit na tignan ang kanyang tinuturo ngunit wala silang makitang kakaiba. Pinagbaliwala nalang ni Eddy ang kanyang nakita at bumalik na sa sasakyan. Sa loob lamang ng halos dalawang minuto na paglalakbay ay narating na nila ang minahan.

Marami ang taong abala sa pagpasok at paglabas ng minahan. Hindi na sila pumunta sa loob ng minahan at nagpahinga na lamang sa loob ng opisina ng mga enhiyero. Lumipas ang maghapon bago sumapit ang dilim ay minabuti na ng don na utusan ang kanilang mga tauhan na bumaba na sa kapatagan at sila'y nagpaiwan. Madalas gawin ito ng don kaya hindi na ito pinagtaka ng mga tauhan.

Sumapit ang gabi ay nagyaya na ang don sa sila ay umalis. Tinungo nila ang parteng pabalik ng daanan bago akmang lulusong sa bandang kanan ang kanyang lolo ng siya ay biglang pinigilan ni Eddy.

"Pwede ba nating puntahan ang aking nakita kanina?" Tanong ni Eddy.

"Bakit ka naging interesado sa iyong nakita?" Napahinto at napatanong ang lolo.

"Hindi ko maintindihan din ang aking nararamdaman pero mamaari ba?" Tanong niya.

Hindi naman gaanong kalayuan ang tinutukoy ni Eddy kaya pumayag ang kanyang lolo. Nang mabalikan nila ang lugar ay agad na itinuro ni Eddy ang bagay na makinang. Sinulyapan ng kanyang lolo ang direksyon ngunit di niya pa rin ito napapasin.

"Wala akong makita sa iyong tinuturo kaya maari kong ipalagay na ikaw ay may matang agila. Ang mga mata mo ay may kakayahan makakita ng hindi kayang makita ng iba. Bihira sa isang manlilinang ang iyong kakayahan kaya ito ay iyong hasain." Paliwanag ng lolo.

Pinuntahan nila ang kinaroroonan ng bagay na nakikita ni Eddy. Napatakbo bigla si Eddy ng makita niya ang bagay sa di na kalayuan. Tumalon siya ng malakas pataas ng puno at dinampot ang bagay sa isang sanga nito. Pagkababa niya ng puno ay agad niyang ipinakita ang isang suklay na yari sa ginto sa kanyang lolo. Nabigla ang kanyang lolo.

"Ang suklay na buwan ng iyong ina!"

"Paano nyo po nalaman na sa aking ina ang suklay na ito?" Pagtataka ni Eddy.

"Ako ang may bigay sa kanya ng bagay na iyan! Isa yang kayamanan. Nagtataglay iyan ng kapangyarihan lokasyon. Ibinigay ko yan sa iyong ina upang malaman ko ang kanyang lokasyon ngunit kailangan ay suot nya iyan para gumana. Malaki ang maitutulong ng suklay nayan upang mahanap natin ang iyong ina." Nagkaroon ng pag-asa si Eddy na mahanap ang kanyang ina.

"Paano ito makakatulong?" Tanong ni Eddy.

"Nararamdaman mo ba ang kanyang Aura sa suklay?" Tanong ng lolo.

"May nararamdaman po akong enerhiya mula sa suklay ngunit di ko alam yun ba ang Aura na sinasabi nyo po." Pag-aalangang sinabi ni Eddy.

"Tama yan ang aura ng iyong ina. Lahat ng bagay ang may inilalabas na aura mas malakas nga lang ang aura ng isang manlilinang. Tandaan mo ang iyong nararamdaman. Dahil mararamdaman mo ang iyong ina sa loob ng limang daan metro kuwadrado sa kasalukuyang mong antas. Mas lalaki pa ang sakop ng iyong pakiramdam habang tumataas ang iyong antas. Makakatulong ang suklay na iyan upang mapalawak ng higit doble ang sakop ng iyong pakiramdam para sa iyong ina dahil yan ay nagtataglay ng kanyang aura." Mahaba ang paliwanag ng kanyang lolo pero ito ang tumiim sa kanyang puso.

Nagpatuloy sila sa kanilang talagang lakad at bumalik sa daan kanilang tinahak. Padausdos ang daan ngunit tinahak nila ito na parang natural na daan lamang. Sa dulong ng daan ay may natagpuan silang isang malaking bato na umaabot ng 5 paladag ng isang gudali. Sa gitna ng bato ay may nakasulat na kakaibang guhit na animoy guhit mula sa unang panahon. Hinawakan ito ng kanyang lolo ng kaliwang kamay at gumawa ng mabilis na senyales sa kanyang kanang kamay. Pinanood ito ni Eddy at sinusubukan ang ginawa ng kanyang lolo.

"Maari mong pag-aralan ang senyales ngunit wala ka pang kapangyarihan para mabuksan ang lagusan. Ito'y binibigay na karapatan lamang sa mga pinuno ng isang aklan o sa mga matataas na antas na manlilinang. May kanya kanyang istilo ang senyales ng bawat angkan kaya nalalaman ng mga kinauukulan king sino ang nagbubukas ng lagusan." Mabagal ang paliwanag ng lolo dahil kinakailangan niyang ilipat ang kanyang enerhiya sa bato.

Nagbukas ang lagusan, pumasok ang lolo at sumunod si Eddy. Matapos na makapasok ng lagusan si Eddy ay gumawa muli ang kanyang lolo ng senyales gamit ang kanyang dalawang kamay at muling nagsara ang lagusan. Di na nakita ni Eddy ang ginawa ng kanyang lolo dahil abala siya sa pagmamasid sa kanyang paligid. Natatanaw ni Eddy ang isang malaking tarangkahan na may dalawang taga-bantay. Sa likod nito ay isang bagong mundo na napakalawak. May nakikita siyang bundok na matataas at mayroong itong lumilipad na mga malalaking hayop. Sa itaas ay may nakikita siyang lumulutang na malapasyong gusali. Taalagang kamangha-mangha ang kanyang nakikita.

Naglakad sila papunta sa mga bantay. Nang malapit na sila sa bantay ay huminto si lolo ngunit nakaligtaan niyang pahintuin si Eddy kaya ito ay nagtuloy sa kanyang lakad ng bigla siyang napahinto sa pagkakauntog sa isang matigas na bagay na animoy bakal. Nagulat si Eddy at hinawakan siya ng kanyang lolo para umataras. Humakbang ng isang beses ang mga bantay at itinutok ang kanilang hawak na mga sibat sa maglolo kaya nagulat si Eddy. Pinagdikit ng bantay ang kanilang mga sibat at magmuestra ng malaking arko. Nakita ni Eddy ang malaguhit na baga na unti-unting naghuhugis na malaking pinto saka niya lang napagtanto na may nakaharang sa kanilang daan na hindi nakikita. Pumasok ang maglolo sa pinto at tumango sa mga bantay.

"Maligayang pagbabalik pinunong angkan!" Bati ng mga bantay at itinaas ang kanilang mga sandata upang bigyan saan ang maglolo.

Pagkapasok nila sa loob ay may nag-aantay ng karwahe sa kanila na hatak-hatak ng dalawang hayop na animoy pinaghalong kabayo at agila. Nagmula sila sa sentro ng syudad at tinungo ang direction ng timog. Kahanganga-hanga ang mga nikikita ni Eddy sa paligid kaya nagmistula siyang isang bata na sa unang pagkakataon palang nakapamasyal. Nakarating sila sa dulo ng syudad at umabot sa pantalan. Inakala ni Eddy na sila ay bababa at sasakay sa isang sasakyan pang dagat ng bigla niya naramdaman ang pagtaas ng kanilang sasakyan.

"Ipinagbabawal sa syudad ang paglipag kaya kinakailangan nating makarating muna sa dulong bahagi bago tayo maaring lumipad.

Tinanaw ni Eddy ang kanilang pinanggalingan hangang sa ito ay maglaho na sa kanyang paningin. Napabuntong hininga siya at nagsabing "napakaganda ng mga tanawin at sobrang kahanga-hanaga!"

Nang siya ay papalingon na paharap at bigla siyang napabalikwas. Animoy unti-unting lumiliwanag ang labas ng karwahe. Nararamdaman niya na unti-unting pagbilis ng kanila pag-andar at di na niya makita ang kanilang paligid.

Makalipas lang ang ilang sandal ay naramdaman niya ulit ang pagbagal ng kanilang takbo. Natatanaw na niya ang mga pulo-pulong isla. May malalaki at maliliit na isla ang kanyang nakikita. Bumaba ang kanila karwahe sa isang pantalan at dumeretso itong nagtungo sa isang malawak ng daan.

Kaka-iba ang kanyang napansin sa lugar na ito. Nagtataasan mga puno at bundok. Ang bawat bundok ay may magagandang talon sa paligid nito. May mga bundok din na lumulutang sa ere at nagbabagsak din ng tubig.

Dumating sila sa kanilang destinasyon ang sentro ng Hamidras. Bumungad sa kanila ang napakataas na palasyo na nababalot na cristal na pader. Sa malayo ay mistula itong diyamante na kumikinang sa bawat sulyap ng sinag ng araw. Napapaligiran ito ng mga magagarang bahay na gawa din sa crystal.

Tumigil ang karwahe sa pintuan ng palasyo. Pinagbuksan sila ng mga bantay at inalalayang makababa ng sasakyan.

"Maligayang pagbabalik Raja Habil!!!" Bati ng mga taong nasa paligid nila.

"Ito ang aking apo ai Eddy." Pakilala ng kanyang lolo.

"Maligayang pagdating Batang Maestero!!!". Sabayang pagbati ng lahat ng nasa paligid.

Matapos tumungo ni Eddy sa bati ng nasa paligid ay Nakita niyang may dalawang matandang lalaki ang lumapit sa kanila.

"Ito pala ang ating apo!" pangiting sambit ng isang lalaki.

"Marami kaming nabalitaan mula kay Habil na magagandang katangian na di ko pwedeng sabihin dito. Tara at umakyat na tayo sa bulwagan." Sambit ng isang matanda.

"Eto ay iyong mga lolo, Si Ninunong Baylon at Ninunong Walay." Pakilala ng lolo.

"Magandang umaga mga ninuno!" pagbati ni Eddy.

"Ops wag mo na kaming tawagin ninuno at lolo nalang ang itawag mo sa amin. Ang tumatawag lang sa amin ng ganyan ay ang ating mga nasasakupan. " Ang sabi ng lolo Baylon.

Nagtungo sila sa bulwagan ng palasyo at ipinakilala si Eddy ng kanyang lolo sa kanyang mga nasasakipan.

Inilibot ng kanya lolo si Eddy sa mga importanteng lugar sa kanilang nasasakupan. Tinugno nila ang isang sikretong lugar na napapasok lamang ng matataas na my katungkulang sa kanilang angkan.

"Ito ang templo ng ating angkan. Maliban sa ating ankan ay walang ibang makakapasok dito ng walang pahintulot. " Muestra ng lolo sa isang mala-kristal na talon.

"Ang mga kabataan lamang ang maaaring dumaan sa pagsubok na ito. Ang mga manlilinang na isang daan pababa ay tinuturing na mga kabataan. Ito ay magbibigay sa iyo ng pagsubok sa iyong pisikal na kakayahan. Kailangan mo lang tumayo at lumakad papaloob sa loob ng 3 araw." Paliwanag ng kanyang lolo.

"Tandaan mo! Tatlong araw lang ang ibibigay ko sa iyo at kailangan mo ng sumuko kahit hindi ka pa nakakarating sa dulo. Kailangan mong magsanay sa espiritwal na kakayanan bago ang iyong pagsubok sa Sentrong Lungsod."

"Subukan mong umabante hanggat kaya mong umabante hangang dulo. Sa dulo ay makikita mo ang bilog na kristal na bato. Hawakan mo ito at makakamit mo ang pagtaas ng iyong kakayanang pisikal." Hindi naman inaasahan ng kanyang lolo na umabot siya sa loob ng tatlong araw sa dulo ng pagsubok. Hindi rin minamaliit ng kanyang lolo ang kanyang kakayahan ngunit ang mga dumaan na sa pagsubok na ito ay humigit sa sampung araw bago nakarating sa dulo at lahat sila'y makailang beses na balik-balik para lamang umabante sa pagsumubok bago nagtagumpay.

Lumapit si Eddy sa talon ng mag-isa. Marami siyang tinalunan mga bato patungong talon bago nakarating sa harap nito. Sinubukan niyang hawakan ang tubig ngunit parang mga bato na lumalaglag ang kanyang naramdaman kaya siya ay napaatras. Nilingon niya ang kanyang lolo na may pag-aalinlangan sa kanyang sarili. Makikita sa mata ng kanyang lolo ang antisipasyon sa mga susunod na pangyayari.

Ipinikit ni Eddy ang kanyang mata at sinubukan muli na ilahad ang kanyang kamay sa talon. Napangiwi si siya sa mga tinatamong sakit dulot ng bagsak ng tubig. Tiniis nya ito at kinagat ang kanyang mga ngipin at unti-unting pumasok sa talon.

Sa unang bagsak ng tubig sa kanyang katawan ay muntik na siyang mapaluhod dahil sa patuloy ng pagbagsak nito. Pinilit nyang patatagin ang kanyang tuhod at minabuting ayusin muna ang kanyang balanse at hindi muna humakbang.

Humigit isang oras ng nakuha niya ang kanyang balanse at natatag ang kanyang katawan. Sinubukan niyang humakbang ng isang beses upang masubukan. Sa kanyang unang hakbang ay naramdaman niyang mas lumakas ang pagbagsak ng tubig at ito ay lalung bumigat.

Sinanay niya ang kanyang sarili sa lakas at bigat ng tubig at hindi muna humakbang. Bago mag-isang oras ay nakamit niya ang lakas para sa susunod na hakbang. Humakbang siyang muli at naramdaman niya na mas malakas ang buhos ngunit ito'y kaya ng kanyang katawan. Sinubukan niyang humakbang muli. Mas nadagdagan ang lakad nito kaya nanatili muna siya sa kanyang pagkakatayo.

Matapos ang higit 40 minuto ay naramdaman niyang kaya na niyang humakbang. Sinubukan niyang humakbang at pinakiramdaman ang lakas ng tubig at humakbang ng pangalawa, pangatlo, pang-apat at pagdating ng pang-lima ay muli siyang huminto dahil hindi na niya kayang humakbang pa.

Matapos ang tatlompung minute ay kanyang inihakbang ang kanyang paa at umabot siya ng sumpung hakbang bago siya tumigil. Matapos ang kanyang pagtangap ng mga pagsubok ay naramdaman niyang gumagaang ang kanyang pagtanggap ng patak ng tubig. Biglang lumiwanag ang kanya katawan na tanda ng pagtaas ng kanyang antas. Nakamit n ani Eddy ang unang antas pisikal bilang isang manlilinang.

Pinagpatuloy niya ang pagsagupa sa pagsubok ng tubig. Inihakbang niya ang kanyang paa sa unang pagkakataon ng kanyan unang antas. Naramdaman niya na kakaiba na ang kanyang lakas at kaya na niyang tanggapin ang pagsubok na may kadalian. Humahakbang siya ng isang beses kada sampung Segundo.

Tumagal ang kanyang paghabang ng isang oras at nakamit niya ang paghakbang kada 5 segundo. Matapos ang 30 minuto ay nagawa na niyang makahakbang kada isang Segundo. Dahan-dahan ngunit tuloy-tuloy ang kanyang paghakbang.

Humigit kumulang dalawang oras ang kanyang ginugol ng may makita siyang munting liwanag sa kanyang harapan. Minadali ni Eddy ang kanyang hakbang na parang naglalakad nalang ng natural. Hirap pa rin siya sa paglakad ngunit mas kaya na niyang tiisin ang bawat hagupit ng tubig.

Matapos siyang makalabas sa pagsubok ay tumambad sa kanyang harap ang isang makinang ng hugis bolang kristal. Hinawakan niya ang bolang kristal ng kanyang kanan kamay at ito'y biglang dumikit na pang may humihigop sa kanya. Sinubukan niya na alisin ang kanyang kamay ngunit ayaw nitong matangal. Tinulungan ng kanyang kaliwang kamay ngunit ito'y dumikit din sa kristal.

Nataranta si Eddy ng wala na siyang magawa para makaalis sa kristal. Binigay niya ang kanyang lahat ng lakas pero wala paring nangyayari. Unit-unting nagliwanag ang kristal at naglabas ito ng mala-usok na malamig. Gumapang ito sa kanyang kamay at paikot sa kanyang mga braso. Umabot sa kanyang balikat at bumaba sa hangang paa at umakyat sa kanyang ulo.

"Waahh!!!" Napasigaw si Eddy dahil sa sakit na nararamdaman.

Nagsimulang umatake ang usok at pakiramdam ni Eddy ay hinahatak at pagkatapos at iniipit ang buo niyang katawan. Makailang ulit itong nangyari.

Sa pangyayaring ito ay kaka-iba ang kanyang nararamdaman sakit ngunit may nangyayari din sa kanyang katawan at parang tumitigas ang kanyang mga masel. Nagiging matatag ang kanyang pangangatawan at gumaganda ang kanyang aura.

Matapos ang mga naganap ay lumiwanag na naman ang kanyang katawan. May namumuong ulap sa kanyang ibabaw at nagbabadya ng malakas na bagyo. Ito ang kanyang naranasan ng unang pagsubok ng uring kidlat sa kanya.

Nagsimula ng gumuhit ang ibat-ibang kulay ng kidlat sa ulap. Alam na niya ang mga susunod na pangyayari kayat inihanda na niya ang kanyang saril. Nagsimulang bumagsak ang unang kidlat at ito ay kanyang tinagap habang nakakagat ang kanyang ngipin. Sa bawat pagkidlat ay nagpapasak sa kanya ng lakas ngunit nakadadama din siya ng hagupit ng kuryete na nagpapanginig sa kanyang katawan.

Nagmimistulang nagbabaga ang kanyang katawan sa bawat hagupit ng ibat-ibang kulay ng kidlat.

Matapos ang kidlat ay makikita sa kanyang katawan ang unti-unting Liwanag nito. Nakatamo na naman siya ng pag-angat ng kanyang pisikal na antas bilang malilinang.

Lupaypay ang kanyang katawan ngunit Malaki ang kanyang ngiti. Alam niyang nagtagumpay siya sa kanyang mga pagsubok at umangat na naman ang kanyang antas.

Iminulat ni Eddy ang kanyang mga mata ng maramdam niyang tapos na ang mga pagsubok. Nagulat siya at siya ang muling nasa harapan ng talon na kanyang pinanggalingan. Tumalikod siya at Nakita niyang naghahanda ang kanyang lolo ng kanyang tent at mga kagamitan na panghapunan.

Bumalik si Eddy sa kinaroroonan ng kanyang lolo.

"Lolo!" madyo malakas na bati ni Eddy.

Nagulat ang kanyang lolo at napabulalas "Abay bakit ka nandito? Di mo ba nakayanan?" tanong ng kanyang lolo.

"Ikalawang antas! Nagtagumpay ka agad? Kahanga-hanga! Isa kang henyo!" Bulalas ng kanyang lolo ng maramdaman niya ang antas ng kanyang apo.

"Tagumpay ako lolo! Natutuwa ka bas a akin?" pagmamayabang ni Eddy.

"Hindi lang tuwa apo! Ako'y talagang masayang masaya! Wala pang nakakagawa ng iyong ginawa sa loob ng mahabang panahon. Isa lang ang nakagawa ng iyong nagawa. Siya ang unang Panginoong Harabi!"

Si Panginoong Harabi ay kauna-unahang naging Panginoon ng mga Putting Manglilinang. Siya ang gumapi sa mga Itim ng Malilinang at nag bigay ng kasarinlan sa Sentrong Bayan at paglawak nito na nasasakupan ngayon ng mga bayan ng Hangin, Lupa, Tubig at Apoy.

"Tara na at tayo ay kumain muna para ikaw ay nakapagpahinga na. Inaasahan ko na ako'y kailangan manatili dito ng tatlong araw ngunit maari na tayong umuwi bukas. Makakapagpahinga at makakapamasyal pa ng dalawang araw bago sumapit ang pagbubukas ng esperitual na tarangkahan." Litanya ng lolo habang naghahada ng hapunan nila.

"Esperitual na tarangkahan lolo?" mausisang tanong ni Eddy.

Nagpaliwanag ng ang kanyang lolo tungkol sa esperitual na tarangkahan.

Ang esperitual na tarangkahan ay isang mahiwaga na lagusan sa kanilang lugar. Ang mga kabataan ay nagpupunta dito kada isang buwan upang hasain ang kanilang esperitual na kagalingan. Nagdudulot ito ng pagbukas ng kanilang sarili upang magamit ang mga katangian elemento. Bawat bayan ay may sariling element na nililinang. Ang kanilang bayan ay natatangi sa espiritual na elementong tubig.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login