Download App
76.74% Aprodisiac Love Affair / Chapter 33: Chapter Thirty Three

Chapter 33: Chapter Thirty Three

             "Pormang porma ah? Akala ko tuloy formal party ang napasukan ko." natatawang wika ni Zen ng makita nila akong umiinom sa bar.

             This is Zen's brother's bar. I called her earlier para sabihing pagbuksan niya ako. Glad she let me in. Wala akong ibang maisip na puntahan sa ganitong oras. It's too early. Kung magma-mall naman ako, baka may masapak lang ako doon.

             She called the bartender to ready a drink. "Problem?" tanong niya.

             Umuling ako. I really don't want to tell anyone. I feel pathetic. I got angry because Tyler reminded me of my father. Parang tinraydor ako nilang dalawa. Nakakatawa, right? Masyadong malisyoso ang isip ko. After I saw my father with another woman. Natakot ako. I remembered when I approached him at hindi man lang siya nag-effort na i-deny ang suspicions ko. What if Tyler do that too? What if... Ugh! I can't even say it.

             "I heard everything that's happened to you from April. I was speechless when I heard what you saw. As far as I wanted to talk to you, mukhang mas magandang ikaw na mismo ang umayos ng problema mo and I heard you're with that Tyler guy too so maybe he already helped you... At least."

             I sighed. "I really don't want to talk about it, Zen. I just want to drink." wika ko.

             She pat me in the shoulder. "You're too young to face such problems." aniya.

             "I know right. Tingin ko tatanda ako ng maaga."

             "Well, I guess you're right seeing how you look now. You're more mature than the last time I saw you."

             Tumawa ako. Gusto ko mang sabihin na ginawa ko ito for Tyler... I can't. Kung magsasalita ako ngayon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masabi ko na lahat. Magmumukha akong katawa-tawa sa kanya. I know my friends afterall. Siguradong pagdidiskitahan na naman nila ako. I won't let that happen again.

             "Do you want me to call April and Tanya?" tanong niya pagkuway.

             Umiling ako. "I'd rather be alone."

             "Okey... Mukha nga. If you need anything, just call me. Nasa loob lang ako."

             I smiled. "Thanks, Zen."

             "No problem, Ken. Drink whatever you want. Ako na ang bahala. I need to go back inside. My brother's coming."

             "Sige lang."

             Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakaupo at umiinom sa lugar na toh. Kahit ilang bote na ang nainom ko, hindi pa rin ako malasing lasing. Parang ang lakas ng resistensya ko ngayon na hindi man lang ako tinamaan.

             I was ready for another drink when someone entered the bar. I looked at who it is. Mukhang natigilan rin ito ng makita ako. Who is he? Siya ba yung kapatid ni Zen? Gwapo ha.

             He looked at the bartender like asking who I am. Sumenyas lang ito saka tumango na ang lalaki at naglakad papunta sa loob kung saan pumasok kanina si Zen. Nagpatuloy lang ako ulit sa pag-inom. Siguradong malulugi sila ngayong araw dahil sa akin. I'll just hand Zen half the price ng mga ininom ko. Hindi ko naman kasi kayang bayaran lahat toh. Wala akong pera. Ilang araw na akong hindi umuuwi. Wala akong natatanggap mula sa pamilya ko. I think I should look for a part time job na. Baka wala na akong makain sa susunod na buwan. Pa order order pa naman ako.

             Lumabas si Zen kasama ang lalaki kanina. Napangiti ako sa kanya. Lumapit sila sa akin.

             "Kuya, this is my friend Ken." pakilala ni Zen. "Ken, this is my brother Zacharias."

             I smiled and wave at him "Hi."

             Tumango lang ito. Hindi man lang ngumiti. The hell? Sungit ah? Kabaliktaran siya ni Zen. Kahit na maloko, magaling naman sa pakikisama tong si Zen.

             "I have to go. May kailangan pa akong asikasuhin sa kompanya. Thanks for taking care of my bar." anang lalaki.

             "No problem, bro. Basta ba pwede ako dito lagi."

             Umiling-iling ito. "Just don't get caught."

             She laughed. "Oo naman. Ako pa ba?"

             Tumingin ang lalaki sa akin at tumango ulit saka nagpaalam na sa kapatid niya. Well. Mukhang mabait naman. Hindi ako pinaalis eh.

             "Okey ka lang ba, Ken? Dami na ng nainom mo ah? Baka mapano ka na niyan." anitong nag-aalala ng makaalis na ang kapatid niya ng tuluyan.

             "I'm fine. Hindi pa rin ako natatablan. Tubig lang ata tong iniinom ko eh."

             She chuckled. "You really look problematic right now, Ken. You know... I'm your friend. Ayaw kong nakikitang nagkakaganyan ka. Marami ka ng nainom. Alam kong beer is life, brodi but baka may mangyari na sayo pag iminom ka pa ng isang bote... If you want, I have a place... Pwede ka doon. Magmuni-muni ka muna. Maganda ang lugar. Baka magustuhan mo. Kung hindi pa rin gumaan ang loob mo, ibabalik kita rito at pwede mo na ulit inumin ang kahit anong gusto mong inumin."

             Natawa ako. "I didn't know you're the type to worry, Zen."

             "We should get going. I am sure you'd love the place."

             Zen's now taking me to the place she told me. Bahala na. Sayang naman yung suot ko kung hindi ko mababalandra sa iba diba? Saka feel ko gumala ngayon. Boring kung uuwi ako sa condo... Saka I don't feel like going there. Baka pumunta lang doon ang gagong yun.

             I was just looking outside the window ng mamataan ko si Stephanie na mabilis na naglalakad palabas ng hospital. Napakunot ang noo ko. Ano naman ang ginagawa niya sa loob ng hospital? Did something happen?

             Saktong traffic kaya napagmasdan ko pa siya. Tumigil siya sa kanyang paglalakad at umupo sa tabi ng daan. She cupped her face. Nakita ko ang pagtataas-baba ng balikat niya like she's crying. Seriously, what the hell happened?

             "Zen, I need to get off. I think I saw Stephanie." wika ko sa kaibigan.

             "Are you sure?"

             I nodded. "Umalis ka na lang ng wala ako. Pasensya na sa abala." wika ko rito.

             Bumaba na ako ng sasakyan niya at mabilis na pumunta sa kung saan naroon si Stephanie. Nang nasa harap na niya, mukhang hindi niya ako napansin.

             Umupo ako sa tabi niya at marahan ko siyang tinapik sa balikat. Napabalikwas ito. Halata ang gulat sa mukha ng makita ako.

             "W-what are you doing here?" tanong niya sabay pahid ng mga luha.

             "I was supposed to go somewhere when I saw you here." sagot ko.

             Iniwas niya ang tingin sa akin. She looked like a mess. Ano nga ba ang nangyari sa kanya?

             "Is something wrong?" tanong ko matapos ang ilang minutong walang nagsasalita sa aming dalawa.

             "Wala. Hindi naman mahalaga. Don't mind me."

             "Paanong hindi kung dito ka sa gitna ng daan umiiyak? Gosh. Sabihin mo na kasi ang problema mo habang may paki pa ako."

             She laughed. "You don't need to know. Just go."

             "Come on, Stephanie. I'm your only family now. Both our parents are busy with their lives. So tell me, what is your problem?"

             Mukhang magsisimula na naman itong umiyak. I was never a good sister to here, neither does she to me... But she's still my sister. Oras na maghiwalay na ang mga magulang namin, saan pa ba kami tatakbo kundi sa isa't isa lang?

             Yumuko siya. Mukhang iniisip pa niya kung sasabihin pa sa akin. Magsasalita na sana ako't hindi na lang siya ipe-pressure when she handed me an envelope na hindi ko kitang hawak niya kanina.

             Nakakunot ang noo kong binuksan iyun. Halos mawalan ako ng malay ng makita kung ano iyun. I was speechless.

             "I'm 3 weeks pregnant." aniya. "I don't know what to do."

             Napaakap ako sa kanya. What the hell did she do with her life? I mean, I know what she's doing but paano siyang naging ganito ka-careless?

             "I-I love him... I really love him... He's my first, Ken. Ang sakit..." halos hindi na siya makapagsalita sa sobrang paghikbi. "Niloko niya ako. Parehas lang silang lahat... Puro manloloko... Si daddy.. Siya... They're all the same, Ken."

             Niyakap ko siya ng mahigpit.  I feel sorry for her... At the same time, I feel scared. Parehas lang silang lahat. That will never leave my mind.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login