Download App
79.06% Aprodisiac Love Affair / Chapter 34: Chapter Thirty Four

Chapter 34: Chapter Thirty Four

             Hindi ko alam kung saan dadalhin si Stephanie kaya naman I decided na sa hotel muna kami. Dito ay okey lang kahit umiyak pa siya ng umiyak, kesa doon sa daan. Pinagtitinginan na kami kanina ng mga tao doon eh. Lakas ba naman kasi ng ngawa ng babaeng toh.

             Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala. She's pregnant! Magakakaroon na ako ng pamangkin sa kanya!! Yung pamangkin ko na talaga at hindi lang sa mga pinsan ko. Nakakatuwa syempre but she's still problematic. I asked her a couple of times about the baby's father pero ayaw naman niyang sabihin. Hindi na daw mahalaga.

             "So what's your plan?" tanong ko rito.

             Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nawalan ng plano. This was unexpected. Akala ko mahal niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya pero nagkamali ako. Pinaglaruan niya lang pala ako."

             Natahimik ako. I looked at her like that too but I never think na she's more than that. She flirts, so what? She has the right to do whatever she wants as long as she's not hurting anybody or hurting herself... But this time is different, she's hurting herself just because na-inlove siya sa taong niloko lang pala siya sa huli. I know she's stupid but I never thought she'd be this stupid. Mukhang nasa dugo na nga ata namin ang pagiging tanga.

             "Alam ko namang lahat ng tao, ganun ang tingin sa akin... Na I'm a whore, a happy-go-lucky... But that's just what I was trying to show... Ayaw kong makita nila kung sino talaga ako. I don't want them to see my weakness. I kiss and touch but I never gave anyone permission to do far more than that... Siya lang."

             Huminga siya ng malalim. "I love him... Sobra. Pero hindi ko naman gawaing ipagpilitan ang sarili sa taong tinaboy na ako ng tuluyan. I already did my best. Kung sasabihin ko sa kanya ang kondisyon ko, siguradong hindi rin siya maniniwala. Ayaw kong makarinig ng masamang bagay mula sa kanya.... Masakit kasi... I'd rather not tell him about this. I will not tell him about this."

             Napahawak ako sa noo. Komplikado nga naman ng buhay ng babaeng toh. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya o sasapakin sa sobrang katangahan. She's fucking pregnant with that jerk's baby. Of course she have to tell him. Alangan naman siya lang ang maghirap? But as I see her now, mukhang hindi yan ang nais niyang marinig... She already made up her mind and all she wanted is an approval.

             I sighed. "Do whatever you want... Pero wag na wag kang gagawa ng kahit anong pagsisisihan mo sa huli. I will support you... Kahit anong maging desisyon mo. I will help you raise the child."

             She smiled. Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you, Ken. Wala talaga akong ibang malapitan. I almost jumped in the middle of the traffic kanina. I was so frustrated. Thank you for coming. Thank you for everything."

             Umupo ako sa tabi niya. "Rest, Stephanie. Wala akong alam sa pagbubuntis pero alam kong hindi makakaganda sa dinadala mo ang stress. Matulog ka na muna. Hindi ako aalis. Babantayan kita. Let's just pretend that I am a good sistet."

             Mahina siyang tumawa. Nagpasalamat ulit siya sa akin bago siya humiga sa kama. Hinintay ko na makatulog siya bago ako lumabas ng veranda para magpahangin. Matapos kong makausap si Stephanie, I just realize how pathetic my problem is. She's pregnant at walang ama ang magiging anak niya, ako naman ay naglalasing kanina dahil lang feeling ko tinraydor ako. Feeling ko tuloy ang liit liit ng problema ko. Parang nakakatawa ngang tinatawag ko pa itong problema.

             But I still hate Tyler. Nagmukha akong tanga sa komoanya niya kanina kahihintay tapos ay makikita ko siyang may kasamang babae. Ang sweet sweet pa nila sa isa't isa. May halik pang nalalaman. Sinong hindi magagalit? Client meeting? Hindi makasagot sa tawag ko dahil busy? Ha! Ako pa lolokohin niya.

             After a while, bigla akong nakaramdam ng pagod. Oarang bumigat bigla ang talukap ng mga mata ko. Nahihilo rin ako na para bang ngayon lang ako tinamaan ng lahat ng ininom ko kanina. Hindi ko namalayan, nakatulog na ako.

             When I woke up, sibrang dilim na dito sa labas. Agad akong tumayo at pumasok sa loob. Nakita ko si Stephanie na kumakain sa kama.

             "Pasensya na. Hindi na kita nahintay. Gutom na kasi ako." aniya sabay subo ng hawak na kutsara.

             "Sige lang." wika ko saka nagtungo sa table kung saan andun ang bag ko.

             I expected to receive lots of missed calls from Tyler but I was so disappointed ng makita kong walang kahit isang missed call o text man lang akong natanggap mula sa kanya. It was all from my friends.

             Napapikit ako. Ramdam ko ang dahan-dahang pagkabasag ng puso ko. What the hell is he doing all day na kahit text man lang, di niya magawa? Is it so hard to say hi? Dalawang letra lang naman yun diba? Gaano ba kamahal yang oras niya at pag-iiponan ko?

             Padabog kong binaba ang cellphone ko sa lamesa. Nagulat pa si Stephanie sa ginawa ko. I just faked a smile saka pumasok na sa banyo para ayusin ang sarili ko. Sa loob, hindi ko napigilang maghimutok. I hate him so much. Mukhang wala na siyang pakialam sa akin. Maybe Stephanie's right. They are all the same. Pag may kasamang ibang babae, bigla ka na lang kakalimutan.... Just like my dad. Basta maganda, handang i-risk lahat maikama lang. Motto na ata nila yun eh.

             Naghilamos ako. I tried to calm myself. Nang maramdamang okey na, saka lang ako lumabas.

             "Kain ka na. Uuwi na rin ako mamaya. Ikaw? Saan ka uuwi?"

             I shrugged. "I don't know."

             "Bakit di ka na lang muna sa bahay umuwi?"

             "Kung may balak akong umuwi dun, matagal ko ng ginawa. I really have no plans on going home. I'd probably stay here for tonight." wika ko. "Are you going to tell mom?"

             Napatigil siya. Mukhang ngayon lang nag-sink in sa kanya yun. Malamang ay hindi pa niya naisip ang tungkol sa mga magulang namin. Well, she probably should start thinking about it now dahil siguradong malalaman at malalaman ito ng mga magulang namin. Lakas pa naman ng pang-amoy ng mga yun.

             "Tingin mo ba magagalit sila?"

             I chuckled. "What do you think, Stephanie? But does it matter? You're already pregnant. Sa ayaw at sa gusto nila, kailangan nilang tanggapin iyun."

             She sighed. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin."

             "Then think about it first... Pero wag lang masyadong matagal at baka bago ma pa masabi ay mahalata na nila dahil sa umbok ng tiyan mo."

             Mahina itong natawa. "You are really more mature than me. Ang awkward pala humingi ng advice sa bunso mong kapatid noh? I mean, ako dapat yung nagbibigay ng advice sayo but instead... Well..."

             I rolled my eyes. "Then prepare for your advices dahil baka kailanganin ko rin yan in the near future. Nagkataon lang talaga ngayon na ikaw yung may problema. It'd be more awkward kung ako ang nasa kalagayan mo ngayon."

             "Duh! Kadalasan kaya sa angkan natin, ang bunso ang nauuna."

             We both laugh. She has point. Madalas nga sa amin ay ang bunsong kapatid ang nauunang ikasal o magkaanak. Funny right?


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C34
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login