This kind of relationship can happen in different stages for different reasons. Pwedeng after break up, gusto nyo pang makasama ang isa't isa pero may reason kayo kung bakit kayo nagbreak o kaya gusto mo lang muna mapagisa. Like Jadine! Charot
Pwede naman maging kayo pero habang may jowa yung isa nililigawan kana nya or pwede naman yung gusto nyo na ang isa't isa pero naghihintayan lang kayo kung sino ang gustong maunang magtapat. Diba ang complicated?
This relationship can also be fun lalo na kung kalaro lang naman ang gusto nyo, i mean laro laro lang pala ang gusto.
Remember wag kang mageexpect sa ganyang sitwasyon lalo na kung walang patutunguhan at wala kang kasiguraduhan.
Maraming naghuhulog sa bangin na ito kahit na alam nilang masasaktan lang sila pero iba din naman ang dahilan ng ibang tao kaya nila ito pinapatulan tulad na lang ng gusto lang sumaya o gustong manakit ng damdamin diba?
For those who are not in serious relationship, magisip isip muna kayo kung tama ba ang ginagawa nyo o kung nasasaktan nyo na ang sarili nyo. Marami akong napapansin sa ganyang relationship na hindi pa ready magcommit. May iba ang habol lang talaga eh kilig.
But remember para sa mga babae o lalake man kadalasan kayo lagi ang lugi sa ganitong sitwasyon lalo na at kung kayo ang unang nafall talaga.
Una sa lahat wala kang karapatan na magselos lalo na at wala namang kayo kaya kailangan mo na lang sarilihin ito, hindi ka naman nya kaano ano para magselos diba? For boys minsan wala lang silang pakialam sa nararamdaman ng babae kasi wala nga naman sila, hindi ko naman nilalahat ha yung iba lang.
At pangalawa paano kung mafall kana sa kanya pero sa hindi pala siya sure siya feelings niya para sayo. I'm sure magaassume ka lang hanggang sa mabaliw kana. Real pain lang ang mapapala mo pag pinagpilatan mo yan.
Ang hirap diba? Lalo na kung sa huli ay sarili mo na ang sinasaktan mo.
Pwede naman iwasan yung sakit na yan eh. Just enjoy what you have at hindi mo dapat lahat sineseryo but it's up to you kung gusto mo talaga hindi naman ako yung masasaktan basta pinaalalahanan lang kita.
Just wait for the real one, dahil bihira lang ang nagpapakatotoo sa atin tandaan mo yan!