Nang dahil sa kape nagka kilala kame. Nag kwentuhan lang ng kung ano ano, minsan walang kwenta, minsan malalim, minsan mababaw at minsan naman wala. Simula ng magkakilala kami hindi siya mawala sa isip ko. Kaya pag alis nya non, I grab a chance na kunin ang pinag inuman nya at saka ko tinago iyon sa bag. Parang tanga lang diba?
Hindi ako nagkakamali na hindi pa iyon ang una namin pagkakape.
Nasundan na ng maraming beses, hindi ko na nga mabilang kung ilan beses na eh. Lagi kapag niyayaya nya ako, sama agad ako na kahit minsan parang ayoko na.
May mga gabi na nga din ako na hindi makatulog dahil nasobrahan na ata ako sa iyo, I mean sa kape pala.