Wala ako sa sarili nang ako'y kanyang ihatid. Sinabi kong sa kanto nalang ng subdivision eh. Pero di nya ako pinakinggan. Imbes, sa harap ng mismong bahay nila tita ako dinala.
Kinapa ko pa ang sealbelt upang tanggalin subalit hindi ko talaga matanggal tanggal dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
"Hahahaha.." bigla syang natawa. Tumagilid sa gawi ko. Tapos sinilip ang mukha ko. Agad ko iyong tinakpan. Naiilang ako. Damn!
"Bakit ka nanginginig?. Relax, okay?.." mahina pa syang humalakhak nang sya na ang nagtanggal ng lock nung seatbelt ko. Damn Joyce!. Bakit ba kasi nanginginig ka?.
Gosh!. Sige nga. Sabihin mo sakin kung paano hindi manginig sa harap ng taong gusto mo. O ng taong gustong gusto mo talaga?. Grrr.. Buti nga, nanginig lamang ako. Hindi nangisay at nanigas sa pintig ng aking puso rito.
Gusto kong maging relax. Iyon nga dapat kasi iyon dahil alam kong ligtas naman ako kapag sya na ang kasama ko. Ligtas nga ba ako?. Tsk. Whatever?. Basta iyon ang nararamdaman ko pagdating sa kanya. Pakiramdam ko pa nga. Hindi ako nakakaramdam ng kahit anong klaseng sakit kapag andyan sya sa tabi o di kaya'y sa paligid ko. Laging magaan na para bang nakalutang ako sa kalangitan.
"See you on Monday.." nagitla ako ng maramdaman ang malamig na dampi ng kanyang labi saking pisngi. Di ko iyon inasahan at lalong di ko iyon alam dahil tulala pa rin ako. Hindi makapag-isip ng tama.
Namutla ako panigurado sa biglaan nyang ginawa. Nabingi. Walang ibang marinig kundi ang malakas na tambol ng aking puso. Kasabay nun ay ang pag-atras ng aking dila. Marami akong naiisip na sabihin ngunit di ko alam kung papaanong sasambitin. Bumaluktot ang dila ko't biglang lumiit.
Tumango na lamang ako. Di makatingin sa mata nya. Alam kong nakangiti pa rin sya. Mabuti pa sya. Nakakayang ngumiti ng maganda?. Kailan naman kaya ako ganun kapag kaharap sya? Kapag pumuti na ba buhok ko?. Tsk!
Hello Joyce!
"Salamat. Una na ako.." maliit ang boses kong sinabi ito bago nagmamadaling bumaba na. Sinarado ang pintuan ng sasakyan nya. Tumakbo patungong gate. Subalit ganun na lamang ang paghinto ko ng madatnan sina kuya Rozen at Ryle doon. Parehong nakatayo at halukipkip ang mga braso. Mukhang nagtataka sa kung sinong may-ari ng sasakyang binabaan ko.
"Kuya.." hanggang dito ba naman. Urong pa rin dila ko?. Kainis talaga!
"Sino yun?.."
"Boyfriend?.." halos sabay nilang tanong. Kinabahan ako ng di pa umaandar ang sasakyan nya. Napalunok ako ng wala sa oras saka sila sinagot.
"Ahmm.. kaibigan lang po kuya.." sagot ko kay Kuya Rozen. Kung si kuya Ryle ay medyo open. SI kuya Rozen naman ay tipo ng istrikto.
"Kaibigan?. Babae o lalaki?.." dagdag nya.
Kabado na talaga ako. Mommy!!
"Lalaki po.."
SI kuya Ryle ang tumango, pero sya?. Matalim ang tingin sa sasakyang di pa rin umaandar hanggang ngayon. Lance, ano ba!?
"I wanna talk to him.." matigas nitong sabi. English pa. Nosebleed na naman ilong ko mamaya sa kanya.
Muntik na nga kay Lance. Mukhang, matutuloy na nga to mamaya.
"Pero kuya?.." sumamo ko. Hindi pa rin sya natinag. Kay kuya Ryle ako humingi ng saklolo. At, walang epek. "Call him. I wanna talk to him too.."
O my gosh!!