下載應用程式
11.34% No More Promises / Chapter 32: Chapter 31: Tita

章節 32: Chapter 31: Tita

Pinapasok nila ako nang pababain ni kuya Rozen si Lance sa sasakyan nito. 'Kung bakit kasi di pa umalis eh.'

Bulong ko sa sarili. 'Ang sarap nya lang tuktukan sa noo.'

Nagtataka pa nga ako nung natanaw ko sya kanina na bumaba, nakangiti pa. Ang lakas ng kumpyansa. Sana lang di masapak. Nakapamulsa pa, na para bang wala syang makakaharap na dalawang tigre.

Noong una, Hindi ko sinunod ang utos nila. Saka lamang ako naglakad nang itulak ako papasok ni kuya Ryle. "Don't worry. we got you dude.." anya sa matigas na English.

Nagdadalawang isip talaga akong pumasok. Baka kasi mapano. O di kaya'y suntukin o worst ay pagbantaan. Ugh!. Normal naman siguro ang ganito sa mga lalaki. Pero I'm not used to it. Wala kasi akong mga kapatid lalo na ng mga lalaking kapatid na magtatanggol sakin. Ngayon lang. At dalawa pa. How I wish na magkaroon nga ako ng kapatid na mas panganay sakin.

"Hija, bat ang aga mo yata?.." sinalubong ako ni mommy. Galing syang kusina. Hawak ko ang strap ng bag. Kabado pa rin sa kung anong pwedeng mangyari sa labas. Lumabas din kalaunan si tita at sinalubong ako ng halik sa pisngi. Lagi nya iyong ginagawa pag nakikita ako.

"Ah.. maaga pong nagpauwi ang mga teacher's po mommy.." sagot ko sabay halik at yakap sa kanya. Inakay na nya ako papuntang kusina. Kasabay ni tita.

"Where's your cousin?. Bat wala pa?.." si tita. Nasa harapan na ng oven. Nagbebake yata sila.

"Ahm.. di ko sya napansin tita. pasensya na po.." iyon naman talaga ang totoo. Di ko mahagilap ang kahit anong kahibla ng buhok nya. Baka nagditch na naman o sumama sa mga bad influence nyang barkada.

Di ko pa pala nasasabi. Kaya nalipat sya sa school namin ay dahil pinatanggal na sya sa school nya dati. Lagi kasi itong absent o di kaya ay, nagcucutting classes. Papasok pa ng lasing. Makikipag-away sa loob ng room. At ang malala. Gumagamit ng pinagbabawal na gamot pag kasama ang barkada. Ganun ka wild. Kabaligtaran ng kanyang mga kuya.

I don't know kung ganun pa rin sya ngayon, after nyang marehab in a couple of months.

"Yang batang iyon oo.. Kailan kaya nya maiisip ang magtino?.. Lagi nalang pinapasakit ulo ko." namomroblemang anya. "E kung, sana gayahin ka nalang nya.." malungkot nya akong nginitian. Nagbaba ng tingin sa kamay nyang suot ang gloves upang di mapaso pag nagluluto. "Sana, tulad ka din nya. Mabait. Masipag mag-aral. Marunong sa gawaing bahay. Lahat ng gusto kong katangian ng isang anak. Nasa sa'yo na.."

"Tita..." iyon lang ang naisip kong sabihin. I don't what to say. Gusto kong matuwa sa narinig ngunit kasabay noon ay ang lungkot na aking nadama. Hindi nya dapat ikumpara ang anak nya sakin. Oo at mabait ako pero, malay natin. May natitira pang kabaitan sa kanya. Ayaw nya lang ipakita sa buo nyang pamilya. May dahilan si Denise kung bakit sya naging ganun. Hindi ko man alam sa ngayon. Ramdam kong malalim ang dahilan nya. Kung bakit sya nagrerebelde sa kabila ng masagana nyang buhay. Kung bakit sya ganun sakin at kay tita. Basta. May dahilan sya. Ramdam ko. Hindi nila iyon nalalaman dahil ayaw nyang sabihin. O baka naman may idea na si tita pero ayaw nya lang rin syang kausapin. Basta kumplikado. Dapat ayusin nila iyon bago mahuli ang lahat. Gusto ko syang tulungan. Pero paano?. Di naman sya nagsasabi sakin. Paano naman iyon magsasabi sa'yo Joyce kung laging mainit ang ulo nya sa'yo?.

Tsk. Sana lang. Marealize nya ng maaga ang mga maling ginagawa nya ngayon. Para di sya magsisi sa huli.

Mahirap kasing magsisi sa huli e. Noon mo lamang matatanto ang halaga ng isang tao kapag wala na ito. O wala na kayong ugnayan o higit sa lahat. Wala na talaga. Mahirap nang ibalik ang dating ugnayan. Mahirap iyon. Tulad nalang samin ni Daddy. How I wish, pwede ko pang ibalik ang takbo ng oras. Noong mga panahon na kasama pa namin sya. Masaya.

Mangangarap nalang yata ako ng gising neto. Tsk. Kung saan na sya masaya. Bahala na. Basta okay kami ni mommy. Okay na rin ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C32
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄