© xiarls
All rights reserved
**
"Hoy!" Napamura ako sa gulat! "Ano 'yan?" Sabay agaw pa ng librong binabasa ko. "Sus, hindi ka naman Koreana, bakit may libro ka na ganito?"
"Pakialam mo ba?" sigaw ko at aagawin na sana pero mabilis niya itong itinaas! "Akin na kasi! Vien, ano ba!?" Tinalon ko pa pero hindi ko talaga abot. Siya na ang six-footer na hindi kasali sa basketball team ng school. Kaya lagi talo. Ng hindi niya pa binabalik ang libro ko, I kicked the part of him where it hurts the most.
"Fck, Rena! Ugh!" namimilipit siya sa sakit at pulang-pula na ang mukha niya. Tumawa naman ako ng malakas at dinilaan siya. Umakyat ako sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pagbabasa ko nang may maramdaman akong biglang humangin sa kwarto ko. Hindi naman bukas ang mga bintana pati wala ring electric fan ditto. Bigla rin nagtuyuan ang mga balahibo sa braso ko.
"Baka yung kumag na 'yon pinagtitripan na naman ako." Sabi ko at naupo sa kama.
"Sinong kumag?" Fck! Bigla niyang sabi sa may pinto. Hindi ko siya sinagot. Nahiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot. Nilalamig pa rin ako.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Sabado ngayon at wala kaming pasok.
"Bored ako sa bahay," sagot niya. Tiningnan ko siya ng masama. "At balak kong sirain ulit araw mo ngayon!" tumawa pa siya ng malakas. Parang hindi nasaktan sa ginawa ko kanina.
"Pwes, nasira mo na ang araw ko. Pwede ka nang umalis."
Nakalimutan ko atang sabihin na kapit-bahay ko ang kumag na 'to. Pati ako nagulat nang makita ko ko siya noong Biyernes ng gabi sa tapat ng bahay nina Uncle Gu. Kakalabas niya lang sa gate ng bahay. Nasa States sila uncle at walang tao sa bahay. Nagulat rin siya nang Makita ako sa tapat ng gate ng bahay ko. Lumabas siya at nilapitan ko.
"Hi, Miss neighbour." Magiliw niyang sabi. "Saan ka galing?" tanong niya pa.
"Why the hell are you here?" Sigaw ko sa kanya.
"Tahimik naman! Nakakahiya sa mga kapit-bahay!" Sigaw niya rin! "Bakit? Sa 'yo ba 'tong lugar? Pagmamay-ari mo? Aba!"
Aba't! kumulo ang dugo ko kaya tinalikuran ko siya at pumasok sa bahay!
Nakaupo na siya ngayon sa study table ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Masakit ang katawan ko kakalaro ng badminton sa plaza kanina. Hindi ko na kinaya ang antok.
--
Gabi na ng magising ako. Bumangon at nag-inat. Pero napatingin ako sa may couch. Si Vien mahimbing rin ang tulog. Hinayaan ko na lang siya at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nagpunta sa kusina. Nagugutom na rin ako kanina pa pero nawala dahil sa nakatulog ako. Nagluto ako ng noodles, hotdog at kanin. Narinig ko rin ang mga yabag ni Vien pababa. Hindi ko siya pinansin.
"Good evening baby Rren." Sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. Sinuntok ko naman siya sa tiyan niya pero ako ng nasaktan. May abs pala ang loko. Tumawa lang siya ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Biglang tumunog ang phone niya kaya umalis siya sa kusina. Ako naman, naghain nan g pagkain ko. Sobrang gutom na ako kanina pa pero nawala nung natulog ako dahil sa pagod.
"Ren, alis muna ako. Pero babalik ako." Sabi niya habang nilalagay ang phone sa bulsa ng shorts niya. Tumango na lang ako. "I'll be back in few hours."
"Hindi ka kakain muna?" tanong ko. Ngumisi naman siya at lumapit sa akin.
"Hindi na. Sige, eat well. Babalik ako." Ginulo niya pa ang buhok ko bago lumabas ng bahay. Bahala siya. Mukhang importante naman ang lakad niya. Pakialam ko ba kung saan siya pupunta?
--
10 PM na pero wala pa rin siya. Nilock ko na lang ang gate at main door ng bahay. Umaktat na ako sa kwarto at nagbihis. Pinikit ko na ang mga mata ko nang may narinig akong nag-uusap sa labas. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Si Vien, kasama sina Angel at Cyrus. Si Angel, classmate namin siya. Si Cyrus naman, taga HRM dept. sa school. Classmate ko siya last year sa Literature.
Nagtago ako sa kurtina. Medyo mahina ang pag-uusap nila pero rinig pa rin.
"Kailangan pa rin natin mag-ingat. Marami nga sila ngayon. Hindi natin namamalayan, nakasunod na rin sila." Boses ni Cyrus ang narinnig ko. "Sa pagkakaalam ko, nasa school na rin ang iba."
"Bakit ba tayo ang puntirya? Nananahimik na tayo ditto ng ilang taon." Si Angel naman ang nagsalita.
"Yeah, that's why I want to know who's behind of all this mess. Pati tayo nasaktan na 'di ba? Tayo na lang ang natitira. Wala tayong panlaban sa kanila." Biglang tumingin si Vien sa bintana ko. Nakikita niya ba ako?
"I want to protect all of you every single time. I dragged you into this. I don't want you to get hurt." Seryosong sabi niya habang nakatingin pa rin sa bintana ng kwarto ko.
Hindi nagsalita ang dalawa. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Bakit parang ang seryoso nila at ayaw iparinig sa iba? May tinatago ba silang sekreto?
"Kailangan mag-ingat..." napalunok ako at bumalik sa kama ko at nagtalukbong. Pinikit ko na rin ang mga mata ko. Pero bigla akong nakaramdam ng lamig ng hangin sa loon ng kwarto ko. Hindi ko na lang pinansin iyon.
Kung ano man ang sekreto nilang 'yon, malalaman ko rin soon.
--
Author's POV
Umalis si Vien sa bahay ni Rena at pumunta sa lugar kung saan siya hinihintay nina Angel at Cyrus, mga pinsan niya. Hindi pa rin nagbabago ang samahan nilang tatlo matapos ang ilang taon. Sila na lang ang nagdadamayan dahil wala na ang kani-kanilang pamilya.
"Anong nangyari?" Tanong ni Vien nang makita niya ang dalawa.
Tinuro nila ang insidente. Sa isang event ng mga tao sa club, may mga ambulansyang nakaabang sa labas. May mga biktimang nakaratay sa wheel chair, ang iba nasa kalsada – patay at tinakpan na lamang ng itim na tela. Naguguluhan at hindi mapakali si Vien sa mga nakikita. Matagal nang hindi ito nangyari sa bayan.
"Sino ang may gawa nito?" nauutal niyang tanong sa dalawa. Umiling ang mga ito para ipahiwatig na hindi nila alam ang may gawa ng patayan. Alam nilang katulad nila ang may kagagawan dahil sa mga kagat sa leeg ng mga bikitma.
Nagtatago silang tatlo sa likod ng puno malapit sa club. Busy ang mga pulis at rescuers para mailipat sa ambulansya ang mga biktima. Nasa bente ang biktima at puro hindi na gumagalaw. Yung iba patay na dahil sa naubusan ng dugo sa katawan.
Umalis sila sa lugar at nagtungo sa lumang bahay nilang magpinsan. Dito sila lumaki at naging magkatalik na magkaibigan.
Simula bata pa lang ay hindi na sila mapaglayo sa isa'isa. Kung saan ang isa, doon din dapat ang dalawa. Kung busy man sila sa school works o anumang bagay, nagtutulungan pa rin ang tatlo para mabuhay ng maayos bilang mga simpleng tao.
Nakatungo lang si Vien at nakatakip ang mata. Masyadong mahaba ang gabi. May insidente na agad na nangyari na dapat hindi maranasan ng mga mortal.
"Inom ka muna," sabay bigay ni Angel sa kanya ng isang basong inumin sa bahay.
"Thanks," sagot ni Vien at kinuha ang baso. Umupo naman sa harap niya ang dalawa.
Sa kanilang tatlo, si Vien ang mas may alam o nakakatanda sa kung ano mang bagay. Siya ang batas sa lahat dahil siya ang mas pinakamahalaga dahil sa dugong bughaw dumadaloy sa katawan niya. Siya na lang din ang natitira... kahit sabihin man nilang magkapamilya sila, si Vien pa rin ang pinakamataas.
Vien is the only one last prince of the vampire royal family, thousands years ago...
--
"May alam ba kayo kung sino ang may pakana nito?" tanong niya sa dalawa.
"Bro, kanina pa ako hindi mapakali. Kanina kasi sa plaza," napabuntong-hininga si Cyrus bago ituloy ang sasabihin. "Nakita ko si Rena naglalaro ng badminton. Lalapitan ko sana pero parang may naramdaman akong nakasunod sa akin kaya hindi na ako tumuloy." Uminom siya at napayuko.
"Pero may iba talaga eh... habang naglalaro siya kasama ang iba, 'yong lalaking katabi niya ang kakaiba. Hindi ko kilala pero nagkakamabutihan sila..."
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Sht Cyrus! Baka kung ano na ang gagawin nila kay Rena!" Sigaw ni Vien dito.
"Bro, baka kasi magalit ka kaya hindi ko sinabi sa 'yo. Pero okay naman si Rena 'di ba? Nasa bahay siya ngayon—"
"That bitch," bulong ni Angel. Narinig iyon ni Vien kaya napatayo siya!
"Angel, what did you say?"
"She's a bitch! Bakit siya ang lagi mong pinagtatanggol, ha Vien?" sigaw niya, hinila siya ni Cyrus palayo kay Vien!
Hindi sumagot si Vien.
"What the heck is wrong with you?" Sigaw na rin sa kanya ni Cyrus.
Naiiyak na rin si Angel sa nangyayari. Alam ng lahat na matagal nang may gusto si Angel kay Vien pero kapatid at kaibigan lang ang turing niya dito. Magkadugo sila at hanggang doon na lang ang turingan nila sa isa't isa.
"Let's talk!" Seryosong sabi ni Vien sa babae. Iniwan sila ni Cyrus sa sala at lumabas ng bahay. Nag-usap ang dalawa tungkol sa mga panganib na ano mang oras hindi pwedeng mangyari... at naging maayos naman ito.
Pero hindi sila titigil sa paghahanap ng sagot sa mga tanong nila sa isipan... at kailanman hindi magbabago ang pagmamahal na binibigay ni Angel kay Vien... kahit magalit man ito sa kanya.
**
...to be continued