Tải xuống ứng dụng
16.66% Love is a Consequence / Chapter 3: Chapter 3: Judged

Chương 3: Chapter 3: Judged

XEÑA🎯

Naglalakad ako habang nasa likod ni Miss Mercado. Ngayon ko lang napagtanto na nasa 2nd floor na kami. Nadaanan na namin ang 10-A. Ibig sabihin, hindi ako sa unang section. Sa section na puro academics ang inaatupag para maging sikat at ang tingin sa sarili ay mga estudyanteng ipinagmamalaki at dapat tularan. Tssk. Oo, isa ako dyan pero noon yun, pero kahit naging isa ako sa kanila, hindi mataas ang tingin ko sa sarili noon.

Nadaanan na rin namin ang 10-B hanggang sa naramdaman kong huminto si Miss Mercado sa isang pintuan. Tiningnan ko ang nakasulat sa ibabaw---10-C. Yeah, I'm belong to the last section. Panibagong sistema ng buhay ko. Ewan ko na lang kung anong magiging reaksyon ng Dad ko kapag nalaman nilang ang anak nilang palaging nasa Section A, ngayon ay nasa last na. Diba nga sabi niya noon, hindi ako bagay sa school na ito at kung mapupunta man ako dito, siguradong sa last section ang bagsak ko. Oh, sinunod ko lang kung anong sinabi niya. Binuksan na ni Miss Mercado ang pinto at pumasok na. Nanatili ako sa labas.

"Good morning class," aniya.

"Good morning, Ma'am."

"Now is the third week of June. At hindi maiwasang madadagdagan na naman tayo. So as expected, there's a transferee in Grade 10 and fortunately she is belong to this class. So let her introduce herself," sabi niya at tumingin siya sa akin bilang hudyat na pumasok na ako.

Pumasok nga ako and as expected, nakatungon ang mga tingin nila sa akin.

"Xeñavrielle Gwayne Q. Fuentella, 16 years old," pagpapakilala ko nang walang kaemo-emosyon at nagsimula na silang magbulung-bulungan.

Paano namang hindi eh, nagbagting sa mga tenga nila ang apelyido ko. Hanggang sa may babaeng nagtaas ng kamay.

"Ma'am, can I ask her a question?" Tumango si ma'am.

"How is she related to the Student Council President?" Sabi ko na nga ba.

"Tss. Obviously," sabay-irap ko.

"So, Ma'am, can I sit now?"tumango naman ito.

Lima pang upuan ang natitira kaya napagdesisyunan kong umupo sa may bintana.

"Hindi ko ine-expect na may kapatid palang ganito ang SC Prez."

"Oo nga, kung gaano siya ka-nice, ganun naman kasalungat ang sa kapatid niya."

Bulung-bulungan yan ng dalawa kong classmate na nakaupo sa harapan ko. Hindi pa ako nakakaupo kaya marahas kong binagsak ang bag ko sa upuan ko na lumikha ng ingay.

"Miss Fuentella, is there any problem?" Tanong ni Ma'am.

"Ah, ma'am, wala po. Mga langaw lang, ang aga-aga kasi, nambibwisit," saad ko at umupo na at siya naman ay nagpatuloy sa pagdi-discuss.

Yan, isa yan sa dahilan kung bakit pinabayaan ko na ang pag-aaral ko. Sino ba naman ang gaganahan kung araw-araw ka na lang kinukumpara sa kapatid mong kung tingnan ng lahat, parang isang diyosang dapat sambahin.

Tss, anyway, math pala ang unang subject, my favorite subject and what's the lesson? Sequences lang naman. Kaya hindi na ako nag-aksayang makinig kasi alam ko na yan. And how? Advance study noong sinisipag pa akong mag-aral. Kaya nilibot ko na lang ang mata ko sa loob ng classroom.

Nakikita ko sa ilan sa kanila na parang mga zombie na kung tingnan. Tssk, ganun ba kaboring ang Math? Ang iba naman ay walang pakialam at nakikipagtsismisan pa. Well, it's a last section so what do you expect?

Ang iba naman ay napapatingin sa kinauupuan ko kaya iniirapan ko na lamang ang mga ito. At sa peripheral vision ko, nakikita kong nakatingin sa akin ang katabi ko at take note, lalaki yan. May binabalak ba 'to? Kaya nga hindi ko magawang tumingin sa direksyon niya kasi nakakailang. Para bang may itim na aura na bumabalot sa pwesto niya. Pero isinawalang bahala ko na lamang ito.

--

Natapos na rin ang pangalawang subject, ang English kaya breaktime na. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa cafeteria.

Mula sa aking paglalakad ay napapansin ko na naman ang mga mata ng mga schoolmate kong nakatingin sa akin.

Am I that too attractive to make them recognize my presence? Or I'm already entering their freaking imaginations? Tss. People nga naman! Meeting you for the first time feeds their curiosity and through that, judgment will be entering their system.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C3
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập