XEÑA🎯
Sa CAFETERIA...
Mahaba-habang pila kaya kailangang magtiis. Habang nakapila, ramdam ko talaga ang napakadaming nakatingin sa akin. Yung mga babaeng parang papatayin ka na sa talas ng tingin nila at ang mga lalaking parang hinahalay na ako sa mga isip nila. Shit! I hate attention but I have no choice because I already caught them!
Now, it's my turn.
"1 pc. of chicken sandwich and a glass of orange juice," order ko.
Maya-maya ay nakuha ko na ang order ko at binayaran ito.
Nakakita ako ng bakanteng upuan sa bandang bintana kaya pumwesto ako roon.
Kakagat ko pa lang sa sandwich ko, pinepeste na ako ng mga bulung-bulungan ng mga malalaking langaw.
"Uyy, kapatid pala siya ni Miss Prez?"
"Ha? Eh, ang pagkakaalam ko sa 10-C siya belong."
"Yeah. My Ghad! Kabaligtaran pala siya ni Miss Prez!"
"Halata naman. Tingnan mo nga manamit."
What the hell! They are really totally judging me! Pati damit ko, basehan na ng low standard? What a nice judgment!
At dahil dyan, wala na akong ganang kumain. Nilapag ko ang sandwich sa mesa at di ko na ginalaw ang juice ko dahil desidido na akong lumabas sa letseng cafeteria na ito. Sinukbit ko na ang bag ko at tumayo tsaka dali-daling lumakad. Pero hindi pa nga ako nakakaisang metro, may papansin namang tumapak sa sapatos ko.
"F*CKSH*T!"
Ang sakit ha! Ramdam ko talagang sinadya ng---wait!
Lalaki?
"Feeling of being stepped on your shoes?" Ha? Feeling? So ibig sabihin sinadya nga talaga at wait, anong pinapakahulugan niya?
"Feeling? Eh kung ikaw kaya ang apakan ko para malaman mo," at ang gago, ngumisi at di pa nakuntento, lumapit pa.
"Then do it, it's gonna be your second try," malalim niyang sabi na cold pa ang pagmumukha.
"What the hell! At kailan pa kita naa---," naapakan?
Kumunot ang noo ko at napaisip. Kanina? Oh no! Wag mong sabihing siya yun, yung naapakan ko habang nagmamadaling pumunta sa opisina. Ok, kasalanan ko nga pero wait, nagsorry naman ako diba?
"Do you remember now?" What the --! Bumulong pa talaga! At dahil sa lalim ng boses niya ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya naitulak ko siya pero nanatili pa rin ang balanse niya.
"Ok, naapakan nga kita pero hindi naman yata tamang sadyaing tapakan mo ako para ipaalala yun especially that it was only an accident and I have a reason and one more thing, did you ever not heard that I mouthed sorry before I rushed in?" Sa lagay na yan ako na ang lumapit sa kanya pero blanko pa rin ang ekspresyon niya.
Napansin ko na rin na center of attraction na pala kami and I hate it very much.
"Aisshh! Sira na nga ang araw ko, dinoble mo pa!" Tumalikod na ako para umalis sana pero the heck, hinawakan niya ang kamay ko at binigyan kami ng audience ng gulat na gulat na ekspresyon lalong lalo na ang mga girls.
Hindi ako humarap sa kanya at hinintay ang gagawin niya.
"It's not right to escape their judgment," malalim niyang sabi at heto kinaladkad ako pabalik sa pwesto ko at ang mga girls mas lumalim pa ang mga tingin.
"Hell! Ano bang ginagawa mo? Baguhan lang ako at ni hindi nga kita kilala. At isa pa, I hate attention but now, you already entered me to that! Who are you to decide over my action?" Bulyaw ko sa kanya at hinila ko ang kamay ko pero hinawakan pa niya ito ng mahigpit.
Pabagsak niya akong pinaupo sa mismong kinauupuan ko kanina.
"Just sit there, or else I will completely ruin your entire school year here," mala-awtoridad niyang sabi.
"Aissshhh!" Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Ba't ba ako napapasunod sa lalaking ito? Umupo naman siya sa upuang nasa tapat ko.
Tumaas siya ng kamay. Pwede pala yun? Ano, restaurant lang?Tss. Tamad!
"Make it two," order niya.
Dahil wala akong magawa pwera na lang sa makipagtitigan sa kanya na sa kung tutuusin, nakakailang na at isa pa, makiramdam sa mga matutulis na tingin ng mga babae, ininom ko na lang ang orange juice ko, yung inorder ko kanina at dahil sa tense ako sa paligid ko, naubos ko ang juice at napasandal na lang. Maya-maya'y dumating na ang order niya.
"Here. Be comfortable eating this," sabay lapag niya sa harapan ko ng pagkaing inorder niya. Tssk. Comfortable? Sa sitwasyong ito, paano ako magiging komportable?
Nagsimula na siyang kumain at ako, napabuntong hininga na lang. Pinaglalaruan ko lang yung pagkaing nasa plato ko. Hell! Paano ako makakain ng maayos kung halos ang mga mata ay sa akin nakapukol habang ako ay pinagtsitsismisan? Marahas na binaba ng kasama ko ang kutsara't tinidor niya na siyang ikinagulat ko.
"Are you going to eat or do gossiping?" Malakas pero may awtoridad niyang tanong sa nakararami pero nasa akin ang paningin niya. Kaya ayan, napabalikwas ang lahat at tinuon ang pokus sa pagkain. Maging ako ay napasubo ng sunod-sunod dahil sa nakatatakot ang boses niya. Naramdaman ko na rin na kumakain na siya ulit. Shit! Sino ba talaga ang lalaking 'to? At hindi na talaga ako matatahimik nito. Patapangan na lang. Whooah! Kaya mo yan! Uminom muna ako ng tubig at umubo-ubo.
"Uhm, can I ask?" Tumingin siya sa akin na parang tutunawin ako. Ok, suko na ako.
"Ay, wag na pala," napayuko ako.
"Just ask it," plain niyang sabi.
"Who are you really? And why did you just pulled me back here?" Sa wakas natanong ko rin. Tumigil siya sa kinakain at tumingin sa akin na iniwasan ko naman.
"Let's just say...you catch my attention."
At dahil sa gulat ko sa klase ng sagot niya, napalunok ako kahit wala naman akong dapat ilunok. Well, laway siguro. Napainom na lamang ako ng tubig pero nabulunan naman ako kaya napaubo-ubo ako. Whooah!!! The hell! Unexpected!
"Besides, I'm your classmate rather your seatmate and if you're curious about my name, figure it out," NGANGA! Classmate? Seatmate ko siya? So siya pala ang may-ari ng itim na aura na iyon. And about his name?
"As if I'm going to find it."
"Let's see."