ดาวน์โหลดแอป
13.33% The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 2: Chapter two

บท 2: Chapter two

Magtatlong linggo na ako dito sa mansion ng mga San Diego at lahat ng kasama ko rito ay mababait at kasundo ko na.

Madalas tumawag si nanay para kumustahin ako kaya hindi na ako nalukungkot, nandito naman si Tiya Pining kaya hindi na ako umiiyak sa gabi.

Miss na miss ko na kase si tatay at sariwa pa sa akin ang pagkamatay nito, pero dahil sa tulong ng mga kasamahan ko dito ay nababawasan na ang lungkot ko.

Bukas ay darating na ang anak ng amo namin at hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo na at sabi ni Carla ay masusungit ang mga ito.

Sampung taong gulang na ang kambal pero hindi naman ito ganun kasungit hindi tulad ng kanilang ama na lahing pasan ang mundo dahil ni minsan ay hindi raw nila ito nakitang ngumiti man lang, at ang mas hindi nila nagustuhan ay kasama ng mga ito na uuwi dito ay ang asawa ng ama ng amo namin.

Step-mother raw pala dahil pangalawang asawa na ng ama ng amo namin ang babaeng iyon at nag-aastang may-ari ng bahay na ito.

Mukhang may problema ako kaagad kapag nagkataon kaya napailing na lang ako.

Pero dahil sabi ni tiya na siya ang bahala sa amin dahil takot raw ito sa kanya at hindi basta nakakaasta sa harap ni tiya ay nakahinga na rin ako ng maluwag.

Ngayong araw ay naglaba kami at naglinis ng buong bahay kaya nakakapagod pero kaya ko naman sanay na ako sa mabigat na trabaho.

Binuhat ko na ang basket na puno ng mga natuyo na kurtina at pumasok na ako sa loob.

Nang maipasok ko ito sa sala ay nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina.

Nagulat ako ng makita ko ang amo ko na nakahubad baro habang tila may hinahanap sa kabinet kaya dahan-dahan na lang akong pumasok.

"Did you see the spicy venegar here?" Nagulat ako ng bigla itong magsalita at magtanong.

Kaya napaharap na lang ako dito.

"Hindi ko po alam sir." Magalang ko na sagot wala naman akong nakita dahil hindi naman ako nagbubukas ng kabinet.

"Can you ask Carla instead." Sabi na lang nito kaya tumango ako at dali-daling lumabas ng kusina.

Nasalubong ko si Carla na may hawak na dustpan.

"Carla nagtatanong si sir kung na saan daw yong maanghang na suka." Sabi ko kay Carla at natawa siya.

"Para ka naman sira diyan bakit hindi mo hinanap?" Sabi niya kaya napailing lang ako kaya tumango na lang ito at pumunta na ng kusina.

Napahinga na lang ako ng maluwag dahil sa nangyari nakita ko na naman ang amo ko na napakagwapo.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napailing na lang dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako kay Carla na panay ang buntong hininga kanina pa habang nakatingin sa notebook na kung ano ang sinusulat niya.

"Ano ba yang sinusulat mo?" Lumapit ako sa kanya at pinakita sa akin kaya napatingin na lang ako sa kanya.

"Ang hirap mag-budget lalo na at wala akong katulong sa paghahanapbuhay." Mahina niyang turan kaya inalo ko na lang siya.

"Kaunting tiyaga lang Carla makakaluwag rin tayo." Pagpapalubag loob ko na lang sa kanya kaya napangiti na lang siya at nagpatuloy sa paglilista ng mga kailangan niyang unahin na bilhin.

"Ikaw magpapadala ka sa pamilya mo ngayong buwan diba?" Tanong niya sa akin kaya napatango lang ako.

"Lahat ko naman iyon ipapadala sa kanila." Sabi ko pero tinapik niya lang ako.

"Ano ka ba kahit dalawang libo lang mag-tira ka." Sabi niya kaya napangiti ako, kagaya niya na puro lipstick at damit ang binibili.

"Gusto mo ilibre kita?" Tanong ko na lang sa kanya dahil kahit kasi nagbibiro siya ay kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito dahil sa problema.

"Ay babygirl hindi ko yan tatanggihan." Nakatawa na niya na turan.

Sabay pa kaming natawa at inayos ko na lang ang damitan ko at napangiti ako ng makita ko ang litrato namin ng pamilya ko.

Buhay na buhay pa sa litrato ang ngiti ng aking mahal na ama, kasama si nanay at ang mga kapatid ko.

Ito ang huling litrato na buo kami medyo nalungkot ako ng maalala ko na naman si tatay.

Pareho kami ni Carla wala na kaming parehong ama at kumpara sa akin ay kinasaya niya ng mawala ang ama niya.

Kung si tatay ay huwaran at mabait na ama ay iba ang ama ni Carla dahil abusado raw ito at iresponsable kaya maaga siyang nagtrabaho upang may makain sila.

At ng mamatay raw ito tatlong taon na ang nakakaraan ay hindi siya umuwi at kinasaya niya pa ito.

"Miss mo na tatay mo?" Tanong ni Carla at nakalapit na sa akin kaya napangiti ako.

"Oo Carla miss na miss ko na siya." Malungkot ko na sagot kaya niyakap niya na lang ako.

Matapos ang medyo ma drama namin na tagpo ni Carla ay bumalik ako sa trabaho.

Habang nagwawalis ako at pakanta-kanta ay hindi ko namalayan na nakatingin pala at nakaupo sa sofa ang amo kong lalake.

Bakit kaya nandito ito eh may pasok ngayon, kung sa bagay sabi ni tiya ay wala naman oras ang trabaho nito dahil boss ito.

Kinabahan ako at napayuko habang nagpatuloy sa pagwawalis.

"You are the new nanny of my sons right?" Tanong nito bigla kaya napatayo ako ng tuwid at tumango.

"Opo Sir." Magalang ko na sagot sa kanya at sumenyas ito na lumapit ako kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"What is your name again?" Tanong nito may mga papeles sa lamesa sa harap niya na tila nagtatrabaho.

"Sonata po sir ulit." Mahina ko na sagot kaya napatitig siya sa akin kaya nailang ako lalo.

"Okay you may go now." Narinig ko ang paghinga nito ng maluwag kaya napatango na lang ako.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at imbes na umalis dito ay nagpatuloy na lang ako sa paglilinis.

Kumanta na lang ako habang nagpatuloy sa paglilinis sakto naman na napatingin ako sa amo ko na nakatingin pala sa akin kaya nginitian ko na lang ito.

Wala itong naging reaksyon kaya nagpatuloy na lang ako sa paglilinis kahit nandito siya malapit sa akin ay hinayaan ko na lang ito, basta ako nagtrabaho na lang.

Kinagabihan ay mag-isa lang na kumakain ng hapunan ang amo kong lalake.

Tinatanaw ko lang siya mula dito sa kusina at madalas itong may kausap sa telepono, ganito ba talaga ang mayayaman? lagi silang mag-isa at mukhang hindi sila masaya.

"Hoy!" Muntik na akong mapasigaw ng may humawak sa akin at si Carla na nakangiti.

"Ikaw ha kanina pa kita tinatawag pero seryoso kang tinititigan ang amo natin." Nanunudyo niyang turan saka ako kiniliti kaya napatawa ako ng malakas.

"Ano ka ba tama na Carla." Sa kakaiwas ko sa kanya ay tumama ako sa isang matigas na pader kaya nagulat ako.

Pati si Carla ay napalaki ang mata at napatingin sa likod ko.

Nagulat na lang ako ng may humawak sa magkabila kong balikat kaya nagulat ako at kinabahan.

"You laughing lovingly lady." Bulong ng amo kong gwapo kaya napatingin lang ako sa kanya at napatanga na lang.

"Sorry po Sir." Mahina ko na lang na turan sa kanya naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko.

Medyo nailang ako sa paraan ng titig niya kaya lihim akong napabuntong hininga.

"Pasensya ka na talaga Sir Gabriel sa inasal nitong pamangkin ko." Napahinga ako ng maluwag ng dumating si tiya.

"Ayos lang ho manang sa susunod wag kayong magkulitan dito maliwanag ba Sonata?" Sabi niya sabay tingin sa akin kaya napatango ng sunod-sunod.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag.

"Talaga kayong mga bata kayo naku." Napangiti na lang kami pareho ni Carla dahil sa sinabi ni tiya.

"Ikaw ha crush mo talaga yang amo natin." Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Carla at hinampas pa ako sa balikat.

"Aray masakit." Sabi ko sa kanya sabay haplos sa balikat ko.

"Hindi naman masamang magkagusto sa kanya lahat naman kami dito hinahangaan ang gwapo natin na amo, pero Sonata napaka imposible na magustuhan niya tayo." Sabi ni Carla kaya napasimangot ako at napabuntong hininga na lang.

Napaka imposible talaga dahil hanggang pangarap na lang ito na paghanga ko sa kanya at hanggang gusto na lang sa kanya.

Pero sana ay dumating ang araw ay sana kahit isang beses lang, masarap sigurong magpakulong sa mga bisig niya.

Napahinga ako ng maluwag habang nandito ako sa garden at nakaupo ako dito sa duyan at nakatingala sa mga bituin.

Napangiti ako at napahawak sa kwintas ko at pumikit.

"Tay sana ikaw yan na bituin bantayan mo ako lagi ha." Bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Pagmulat ko ay napatingala ako sa langit at ngumiti.

"Is your father is already dead?" Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko at nakita ko si Sir Gabriel na nakapamulsa.

"Kayo po pala sir." Gulat ko na turan kaya napatingin siya sa akin at tila naghihintay sa tanong niya.

"Opo mag-iisang buwan pa lang po mula ng mamatay siya." Sagot ko nagulat ako ng lumapit siya sa akin at dahan-dahan niyang tinuyo ang luha sa pisngi ko.

"Don't cry i know that your father is always by your side even though he is not here anymore." Bulong niya kaya napatingala ako sa kanya.

Seryoso siyang nakatitig sa akin at sinundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad na siya paalis.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko na hinawakan niya kaya napangiti ako at hindi tumigil ang malakas na tibok ng puso ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C2
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ