Napamulat ako ng mga mata ng tumunog ang alarm clock ko kaya napakamot ako ng ulo at nagtalukbong ng kumot ko.
"Ano ba Sonata yang alarm mo." Narinig ko na reklamo ni Carla kaya napilitan ko itong kinuha at pinatay.
Napamulat ako at napakamot na lang ng ulo, antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog marahil ay alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako.
"Maliligo ka na ba?" Tanong ni Carla na may hawak na tuwalya kaya inaantok ko siyang tinitigan.
"Sige na ikaw na muna." Sabi ko sa kanya kaya pumasok na ito sa banyo kaya napakamot ulit ako at muling pumikit.
Panay ang hikab ko habang inaayos ko ang mga plato dito sa mahabang lamesa.
"Grabe ang antok mo Sonata." Napatignin ako kay Ate Yoly na inilapag sa gitna ang umuusok na sabaw.
Naamoy ko ito at pakiramdam ko ay gutom na gutom ako.
"Ate may sabaw ka pa na natira?" Bulong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nakangiti na tumango.
"Opo meron pa tinirhan kita." Sagot niya kaya napangiti na rin ako at inayos ng mabuti ang mga nilalagay ko na plato sa lamesa.
"Yoly hindi na ako mag-aagahan dito may meeting ako ng maaga." Napatingin ako sa amo namin na inaayos pa ang necktie.
Napatingin siya sa akin at bigla akong kinabahan sa titig niya kaya napayuko ako.
"Sige Sir. Dito ba kayo maghahapunan?" Narinig ko na tanong ni ate.
"Hindi na siguro susunduin ko ang mga bata mamaya." Sagot nito oo nga pala ngayong araw pala ang dating ng mga anak nito.
Napatingin na lang ako sa papalayong bulto ng amo namin saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Hindi kakain dito si Sir Gabriel kaya kumain na tayo." Sabi ni Ate Yoly saka kinuha ang sabaw at nauna na sa akin bumalik sa kusina.
Masaya kaming nag-agahan at kanya-kanya silang topic ng kwentuhan ako naman ay ti-next ko ang kapatid ko kung kumusta sila.
Ayos naman raw sila kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
"Kumusta ang pamilya mo hija?" Napatingin ako kay tiya at ngumiti.
"Ayos naman raw po sila tiyang." Sagot ko na nakangiti kaya tumango na rin siya.
Humigop ako ng corn soup at kumuha ng kanin at tocino at nagsimula na akong kumain.
Napakasarap talaga lagi ng agahan namin buti na lang at hindi tipid ang pagkain namin dito, dito kahit kailan mo gustuhin na kumain ay pwede dahil masyadong galante ang amo namin.
Maswerte ako dahil kahit papaano ay hindi ako napunta sa malupit na amo at hindi ako nagkaroon ng kasama sa trabaho na pangit ang ugali kaya napangiti na lang ako at nagpatuloy sa masarap na pagkain.
"Ikaw Sonata anong sikreto mo? Kahit malakas kang kumain ay hindi ka tumataba." Reklamo ni Ate Yoly na nagrereklamo na nadagdagan na naman ang timbang kaya tumawa ako.
"Akyat-panaog lang ako sa hagdan at nakikipaghabulan kay Ringo tuwing umaga at hapon." Sagot ko sa kanya kaya tumawa na lang ang mga kasama ko.
"Bata pa kase si Sonata kaya wag ka nang magtaka hindi katulad mo na kaunting lakad lang pagod agad." Sabi sa kanya ni tiya kaya nagtawanan na lang kaming lahat.
Habang naghuhugas ako ng mga plato ay nakita ko na pumasok si tiya na tila may problema kaya pinatay ko ang gripo at napatingin sa kanya.
"May problema po ba?" Tanong ko kaya napatingin sa akin si tiya.
"Naiwan raw ni Gabriel ang dokumento niya at pinapahatid sa opisina niya." Sagot niya kaya napatango lang ako.
"Pwede ba na ikaw ang maghatid nito Sonata?" Natigilan ako ng magtanong si tiya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Syempre naman po ako na po sandali po at magbibihis ako." Napangiti na lang si tiya at tumango.
Hindi naman ako mahihirapan na pumunta sa kumpannya ni Sir Gabriel dahil ihahatid ako ni Manong Tony.
At saka gusto ko rin makarating sa opisina ng gwapo ko na amo kaya medyo na excite ako.
"Malayo ba ang kumpanya ni Sir Gabriel?" Tanong ko kay manong na natawa.
"Hindi naman hija malapit lang." Nakangiti niya na sagot kaya napatango na lang ako at napatingin sa dinaraanan namin.
Nalula ako bigla sa napakataas na mga building sa harap ko at may nakasulat na napakalaking arko sa harap.
G. San Diego Corporation. Ito ang nakalagay at napakataas na building na ito.
"Wow!" Mangha ko na turan kaya napatawa si manong.
"Ang taas at malaki diba?" Tanong ni manong kaya napatingin ako sa kanya at tumango.
"Opo sobra ilang floor po ang building na ito?" Tanong ko kay manong kaya nag-isip pa ito.
"Sa pagkakaalam ko ay thirty-eight floor yan." Sagot niya kaya napatango na lang ako at bumaba na.
"Basta lumapit ka lang sa reception area at sabihin mo sa opisina ng CEO." Bilin sa akin ni manong kaya naparango ako, alam na raw dito na may ihahatid ako kay Sir Gabriel.
Nang makapasok ako ay agad akong pumunta sa reception area at nakangiti akong binati ng dalawang babae.
"Sa opisina po ng CEO may ihahatid po ako." Magalang ko na sabi sa babae na nakangiti.
"Oo hinihintay ka ng boss sakay ka sa private elevator at pindutin mo na lang ang C button at may nag-iisang pintuan doon ang opisina ng CEO." Sabi ni ate kaya tumango ako at pumunta na sa elevator.
Ang galing may sariling elevator papunta sa opisina ng CEO kaya nakakamangha, ganito ba talaga ang mga mayayaman? Hindi ako makapaniwala.
Habang hinihintay ko na huminto ang elevator at kinipkip ko ng mabuti ang envelop na dala ko.
Napatingin ako sa pinto ng huminto ito at bumukas kaya lumabas na ako at namangha ako sa ganda ng hallway.
Napakaliwanag at kitang-kita ang labas at mga kalapit na building na ito napakaganda.
Pero dahil may ihahatid lang ako at hinanap ko ang pinto raw na nag-iisa at lumakad na ako papunta rito at nakita ko ang nakasulat sa gilid.
Pumindot lang ako ng tila doorbell at may tumunog at nagulat ako ng bumukas ito kaya napatingin ako dito kung may tao ba pero wala naman kaya pumasok na lang ako.
"Did you bring my document Sonata?" Nagulat ako ng may magsalita sa lamesa at nakita ko ang amo ko na tila hinihintay ako.
"Opo Sir ito na po." Agad kong binigay sa kanya ang envelop na agad naman niyang kinuha at agad itong inilabas at binasa.
"Hows your tour in my company?" Narinig ko na tanong nito sa akin kaya napangiti ako.
"Napakalaki at napakataas po ng building niyo at nakakalula pero maganda talaga." Excited ko na sagot sa kanya kaya narinig ko siya na tumawa kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm glad you like it." Maikli niya lang na turan kaya napatingin ako sa kanya.
"You can roam around at my office if you want." Sabi niya kaya nagulat ako.
"Pero baka po hanapin na ako sa mansyon." Sabi ko sa kanya kaya tumayo siya kaya napayuko ako.
"I will tell them come on." Sabi niya at kinuha ang cellphone niya.
Napangiti ako habang naglilibot sa napakalaking opisina ni Sir Gabriel may kausap ito kanina pa at halos hindi ko maintindihan.
Napalapit ako sa bintana na kitang-kita ang karagatan kaya napangiti ako.
"Sonata okay lang na maiwan muna kita? May meeting ako babalik ako agad." Napatingin ako sa amo ko na nakalapit na pala sa akin kaya napatingala ako sa kanya.
"Sige po Sir." Sagot ko na lang kaya napatitig siya sa akin.
Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo ko at napatingin na lang ako dito at hinawakan ko ang noo ko na hinalikan niya.
Napangiti ako at parang gusto ko tuloy tumalon sa kilig.
Nainip ako bigla at naghanap ng pwede kong gawin kaya ginawa ko ay inayos ko na lang ang mga papeles ng amo ko na nagkalat sa lamesa niya na sobrang laki.
Nawili ako sa ginagawa ko at para hindi malito si sir ay pinagsama-sama ko ang magkakaparehong mga papeles at sinalansan ko sa lamesa ng maayos.
Linagyan ko rin ng sticky notes para madali niyang ma identified ang mga ito.
Nang matapos ako ay inayos ko naman ang kabilang lamesa na may mga libro pati ang isang shelve na may mga libro.
Nakita ko na hindi na ito maayos kaya pati ito ay inayos ko na rin, nagwalis rin ako ng buong silid dahil may nakita ako na dustpan at walis tambo sa maliit na kusina dito.
Napahinga ako ng maluwag ng makita ko na naging parang malinis na opisina na ang buong silid, hindi tulad kanina ay magulo at maraming nagkalat na papel.
Ang kusina naman niya ang inayos ko may tatlong tasa ang nasa lababo kaya hinugasan ko ito, pati ang balat ng mamahalin na tsaa ay tinapon ko sa basurahan dahil basta lang itong nolapag dito sa sink.
May panis na pagkain sa styro kaya sumama ang mukha ko at tinapon ko rin ito.
Marahil ay limot na niya ito kaya napailing na lang ako at nilinis ko na lang ito.
Napahikab ako at napaupo sa sogmfa ng matapos ako dito sa kabilang bahagi ng opisina at humiga ako.
Inaantok talaga ako akala ko ay mawawala ito pero napagod ako ng slight lang kaya napapikit ako.
Nakakapagod rin pala na mag-ayos ng mga papeles niya kaya medyo sumakit ang balikat ko.
Napapikit ako at napangiti sa inaantok ko na diwa ay may humaplos sa pisngi ko at isang mainit na labi ang dumampi sa akin kaya napangiti ako lalo.