ดาวน์โหลดแอป
61.19% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 41: Vaughn St. Martin

บท 41: Vaughn St. Martin

Dollar's POV

"Please Dollar! Ikaw na ang pumunta sa Business Ed. Bldg! Parang awa mo na!"

"Wala akong awa!" Napakamot ako sa ulo at nayayamot na inirapan si Breli.

Kaklase ko siya ngayong hapon at kanina pa 'kong pinipilit na mag-abot ng 'love letter' niya daw sa isa sa mga third year student doon.

"Dollar..."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang bruha ginamitan pa 'ko ng teary eyes!

"Bakit ba kasi ako pa! Ni hindi nga tayo close?" Nanggigigil kong tanong sa kanya.

"Ikaw lang kasi ang kilala kong makapal ang mukha!"

Hinawak ko ang kamay ko sa gilid ng upuan para pigilin ang sarili kong masakal ang babaeng 'to.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang magbigay ng love letter sa sinumang lalakeng iyon!?"

Hmn.... Come to think of it...bakit dati ni hindi ko man lang naisip na abutan ng love letter si Rion dati? Could men appreciate things like that? Lalo na at galing pa sa babae?

"Naalala mo pa ba noong first day ng klase ha, Dollar, umuulan noong uwian, at ako ang nagpahiram sa 'yo ng payong!"

Hay... Utang na loob nga naman... Kung hindi lang ako katulad niya na dakilang nanghahabol sa lalake!

"Akina! Kanino ko ba kasi 'to iaabot?"

"M-May pangalan yan sa likod." Sinabi niya na parang naginginig pa habang inaayos ang salamin sa mata. At pagkatapos ay kumaripas na ng takbo palayo.

Basta ko na lang pinasok ang sulat sa backpack ko at lumabas ng classroom.

May connecting bridge sa fourth floor ang building na 'to sa Business Education Building at bago makarating doon ay dadaan muna sa makasaysayang hallway. Pasipol-sipol pa 'ko habang naglalakad sa bridge. At dahil sa sinag ng sunset, anino lang ng makakasalubong ko ang nakikita ko.

Pero nang makita ko ang pamilyar na black leather shoes, pamilyar na lakad, pamilyar na tindig... Si Rion?!

Hindi ko alam kung saan ako susuling! Umupo na lang ako at nagkunwaring inaayos ang sintas ng sapatos ko.

(T_T) Ngek! Nasaan ang sintas na aayusin ko? Naka-black shoes nga pala 'ko. Pinunasan ko na lang ang sapatos ko ng laylayan ng skirt kong sumayad sa sahig. Tss! So unlady-like! Tsk!

Pero sa gilid ng mata ko... inaabangan ko ang pagdaan niya. Hindi ko alam kung nakilala niya 'ko pero saglit siyang huminto sa tapat ko bago naglakad ulit. Bumilang ako ng hanggang sampu bago tumayo. Kaya ang gwapong likod na lang niya ang nakita ko. Hay...

Teka sino nga palang bibigyan ko ng mahiwagang love letter?! Kinuha ko sa bag ang sulat. Eeeeng! Naka-address sa isang Vaughn! Vaughn St. Martin.

Pero marami naman sigurong Vaughn. Hinarang ko ang isang nakasalaming lalake na nagulat sa ginawa ko.

"Pwedeng magtanong kung may kilala kang Vaughn St. Martin? At kung saan siya makikita?"

"D-Doon."

"Sige salamat." Tinapik ko siya sa balikat na ikinagulat niya ulit.

At bago pa 'ko makarating sa room na tinuro ng lalake, may umakbay na agad sa balikat ko.

"I knew it. Tama ang hula kong ikaw na mismo ang lalapit sa'kin."

Nilingon ko ang nagsalita. Nahulaan niya siguro na gusto kong pilipitin ang braso niya kaya inalis niya agad ang kamay niya sa balikat ko.

"Ikaw si Vaughn St. Martin?"

"The one and only. So bakit mo 'ko hinahanap? Ready ka na bang malaman ang mga sasabihin ko. C'mon, dun tayo sa pad ko."

Hmn... mabilis talaga 'tong teroristang 'to ah.

"O!" Inabot ko sa kanya ang sulat ni Breli at takang tiningnan niya lang iyon. "Oops! bago ka mag-isip ng masama, sasabihin ko lang sa 'yong hindi yan galing sakin. Sige, adios!"

"Wait."

"Baket?" Hinintay ko siyang magsalita pero ginusot niya lang ang sulat habang nakatingin sa 'kin. Ni hindi man lang binasa!

Ano ba namang nakita ni Breli sa lalakeng 'to? Pero ano pa nga ba? Karamihan sa mga babae ang naa-attract sa mga bad boy image!

"Ayokong magpaligaw sa ibang babae. Pero kung ikaw ang manliligaw sa'kin, okay lang. But since, hindi mo iyon gagawin... ako na lang ang manliligaw sa'yo."

"Basted ka na."

"Okay. So can we be friends?"

"Hindi. Marami na 'kong kaibigan."

"Really?"

"Oo."

"Gaano mo sila kakilala?"

Nagtaka 'ko sa tanong niya. Ano ba talagang gusto ng lalakeng 'to? Saan talaga siya galing? At saan din galing ang sinabi niya noong nakaraang araw?

"Moi Crisostomo and Zilv Macario... Sila ang mga kaibigan mo di ba?"

"Oo, so anong gusto mong palabasin? Well, alam naman ng mga tao dito na kaibigan ko nga sila kaya di ako magtataka na kilala mo din sila, ganoon sila kasikat."

"Rion Flaviejo."

"Sikat din iyon syempre. Pero hindi ko siya kaibigan."

Namulsa siya at kiniling ang ulo na parang nag-iisip.

"How about this... sa tatlong iyon, dalawa ang kaibigan mo pero ang isa ay kaibigan din ng dalawang iyon."

"Ano 'yan bugtong? Ang gusto mong sabihin... sina Moi, Zilv at Rion ay magkakaibigan din?! Imposible! At anong sunod mong sasabihin? Na kaibigan ka din ng tatlong iyon?"

"Hindi. You know, birds of the same feathers..."

"Hindi kayo magfa-flock together! Bakit ba kita kinakausap?"

"Ask your Uncle Al."

Nahinto ako sa paglalakad ko. Bakit ba habit na ng lalakeng 'to na magbanggit ng salitang makakapagpahinto sa'kin?

"Kilala mo din ang Uncle ko? Baka naman stalker pala kita?"

"Alam kong hindi ka maniniwala sa'kin. Pero alam ko ang kakayahan mo sa pagtuklas ng mga bagay. You're stubborn at hindi ka marunong tumigil hanggat hindi mo nasasagot ang mga tanong mo. Prove to me na kaya mong malaman ang mga clues na sinabi ko... at kapag nangyari iyon...isasama kita sa grupo ko."

"Anong grupo?"

"You will know kapag una mong inalam ang tungkol sa mga code name na sinabi ko sa'yo kahapon."

Sumaludo ulit siya sa'kin at saka naglakad palayo.

Code names? Yung Jaguar, Shrapnel at Cherub? Hindi naman siguro sila sina Zilv, Moi at Rion? Hindi! Imposible...

At bakit naman sila bubuo ng grupo? Para saan? At anong kinalaman ni Uncle? Hay... ang gulo ng lalakeng 'yon! Makauwi na nga lang.


ความคิดของผู้สร้าง
Royal_Esbree Royal_Esbree

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C41
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ