ดาวน์โหลดแอป
62.68% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 42: Bothered

บท 42: Bothered

The images were blurred and hazy.

At ang tanging maririnig lang ay sigaw ng isang babae, tawanan ng ilang lalake at impit na iyak ng isang batang lalake. Hanggang magkaroon ng linaw ang buong pangyayari.

Sa isang madilim na bodega...

At ang sigaw ay galing sa babaeng walang pakundangang pinagsasamantalahan ng tatlong malaking mga lalake, nakapaligid din sa kanila ang mga tauhan na kumukuha ng litrato at ang iba'y nag-iinuman.

Pumupuno sa buong lugar ang malakas na sigaw ng babae na puno ng galit, hirap at pagmamakaawa. And those scenes were too much for an eight year old boy to take.

Nakatago siya sa gilid ng mga pinatas na kahoy at ang impit na pag-iyak niya ay natabunan na ng boses ng maraming lalake sa harap niya. Gusto niyang sumugod at ipagtanggol ang babaeng nasa harapan niya. Na kanina lang ay nakilala niyang mommy niya. Pero ang takot na nararamdaman niya ay hindi na kaya ng maliit niyang katawan.

Hindi niya maipikit ang mga mata niya na dire-diretso ang pagluha.

Sumunod siya sa mommy niya kanina para makita ulit ito. Pero hindi niya naisip na ang huling mukhang maalala niya ay mukha ng paghihirap at takot.

Nanginginig ang buong katawan ng batang lalake dahil sa takot, gutom, pagod at trauma. Siniksik niya ang katawan niya patago sa tambak ng mga kahoy nang makitang tumayo ang huling lalake.

"Patayin nyo na!" utos ng isa pang lalake na humihithit ng tabako.

"Siguraduhin nyong makakarating kay Danield at Don Marionello ang mga litratong yan! Those fvcking bastards! Hindi nila kilala kung sinong kinalaban nila!"

Narinig niyang pag-uusap ng tatlong lalake na naka-amerikana at siya ring nagsamantala sa mommy niya. Lalo siyang natakot dahil sa narinig. Tiningnan niya ang mommy niya na tulala na at lumuluha pa din. Hindi ito kumikilos, nakasabog ang mahabang buhok sa sahig at punit-punit ang mga damit.

"Huwag...huwag..." bulong ng mommy niya na nakalingon sa direksyon niya.

Hindi niya alam kung siya ang sinasabihan nito na huwag lumabas sa pinagtataguan niya o nakikiusap itong huwag patayin ng mga lalake.

Nakita niyang hinugot ng isang matandang lalake ang baril sa tagiliran niya at balewalang pinaputok sa babaeng nakahandusay sa sahig. Sa mommy niya...

Dalawang tama ng baril sa ulo ang pumatay sa ina niya. Sa babaeng kahapon niya lang nakilala sa walong taong nabubuhay siya. His long-lost mother...

Ilang minuto na mula nang makaalis ang mga lalake. Hindi siya kumikilos sa kinauupuan niya sa sulok. Natuyo na ang mga luha niya at nakakuyom ang maliit na kamay sa magkabilang gilid. At nakatitig sa walang buhay na mata ng mommy niya na nakatingin sa kanya.....

Lumipas ang buong dalawang araw at hindi siya umaalis sa kinauupuan niya. Nakita niya lahat. Ang pagsasamantala at ang pagpatay hanggang sa unti-unting pagbabago ng kulay ng bangkay ng mommy niya. Nararamdaman na niya ang sobrang gutom at panghihina pero mas nararamdaman niya ang malaking galit, galit sa mga taong gumawa ng lahat ng 'to na malinaw na malinaw na nakatatak sa isip niya ang mga mukha.

At galit din sa sarili niya. Dahil hindi niya nagawang ipagtanggol ang importanteng tao sa buhay niya.

Nakarinig siya ng malakas na lagabog sa entrada ng bodega at yabag ng taong paparating. Tumambad sa paningin niya ang isang matangkad na lalake na lumapit sa bangkay ng mommy niya. Mariin nitong pinikit ang mga mata at halos mamuti na ang mga buto sa pagkuyom sa mga kamay.

Hindi niya kilala ang lalake pero parang pamilyar ito sa kanya. Nakita niya ang walang ekspresyong mukha nito na nakatitig sa babae sa harap niya bago marahang naglakad palayo.

Mayamaya pa ay maririnig ang sirena ng mga pulis at ang pagguho ng isang Don Marionello nang makita ang sinapit ng nag-iisang anak na babae.

Marahang lumabas ang batang lalake sa pinagtataguan. At nang makita, mahigpit siyang niyakap ng Lolo niya. Tiningnan niya sa huling pagkakataon ang ina na ngayon ay napapaikutan na ng mga pulis bago siya inakay palabas ng Lolo niya.

At pinangako niya sa sarili na kahit kelan ay hindi niya malilimutan ang paghihirap niyang iyon sa buhay nilang mag-Lolo...

^^^^^^^^

Rion's POV

Inalis ko ang unan sa mukha ko at marahas na bumangon. That dream again!

Kumuha ako sa personal ref ng tubig at diretsong ininom. It's only three in the morning. At siguradong hindi na 'ko makakabalik sa pagtulog. At nakasanayan ko na ang konting oras ng pagtulog sa loob ng labindalawang taon. Every night get even worse. Walang gabi na maganda ang tulog ko. And that's because of those dreams!

No, hindi sila basta panaginip lang. They were memories from my childhood that keep haunting me.

I let out a hard breath. Kinuha ko ng isang puting T-shirt at sinuot. Kukunin ko sana ang key fob ng sasakyan ko nang mapansin ko ang DVD na nakapatong sa night table.

I thought of hours of driving but I suddenly changed my mind when I saw that DVD I bought yesterday. Napahinto ang sasakyan ko kahapon sa gilid ng bangketa at nakita ko iyon.

Binalik ko ang susi at imbes na dumiretso sa pinto ay binuhay ko ang plasma TV sa isang panig ng kwarto. I set up the DVD and sat on the sofa. Nagsimulang mag-play ang palabas at lumabas sa screen ang tatlong cartoon characters na mga bata na pula, berde at dilaw ang kulay ng damit at may malalaking mata. They must be the powerpuff girls. Huli kong nakita ng printed na pangalan ng grupo at ang mga characters sa isang undergarment.

I gave a short laugh for myself when I realized what I've doing. Ngayon lang nagyari na nakaisip akong manood ng cartoon pagkatapos ng isang masamang panaginip. At imbes na bumalik sa isip ko ang napanaginipan, isang pamilyar na mukha ang nakikita ko. A very pretty face...


ความคิดของผู้สร้าง
Royal_Esbree Royal_Esbree

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up!

next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C42
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ