Hindi ako nag tagal sa shop at umalis narin. Nag paalam ako ng maayos saking mga kaibigan. Alam kong naiintindihan nila ako dahil alam nilang iniiwasan ko si Matteo.
Until now ay iniisip ko parin kong bakit nasabi iyon ni Matteo.
Ganito ba talaga ka liit ang mundo at pinsan pa talagan ni Diego ang girlfriend ni Matteo. Kuyom ang kamao ko habang nagalalakad sa hallway patungo saking condo. Kanina ko pa tinitext si Rocky ngunit hindi niya ako magawang replayan.
Marahan kong binuksan ang pintoan ng aking condo, hindi pa ako nakakaapak sa sahig ay may bigla akong naaninag sa sofa. Nanlaki ang mata ko dahil si Rocky iyon habang may hawak na bote ng alak. Nakabahagi ang kanyang magkabilang paa habang nakasandal sa sofa. Napalunok ako at biglang kinabahan.
"R-rocky?" utal kong tawag. Napapikit ako ng itinapon niya ang bote ng alak malapit sakin, halos mapatalon ako sa ginawa niya. Napaatras ako at napahawak saking bibig, isa-isang tumulo ang aking luha. "Rocky bakit? Anong problema?" nanginig ako. Sobrang lalim ng kanyang titig sakin.
"Saan ka galing?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Alam niyang nagpaalam ako.
"I'm texting you Rocky," sagot ko, nanatili akong nakatayo sa harap niya at umiiyak.
"I know, but you didn't tell me that Matteo was there." nanlaki ang mata ko sa wika niya. Napahawak ako saking bibig, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Dont make me fool, Mary." singhal niya at napaatras ako ulit. Hinawi ko ang aking mga luha.
"Rocky let me explain, pakinggan mo muna ako." sa sinagot ko ay mabilis syang nakalapit sakin. Sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan niya ang magkabila kong braso. Napangiwi ako at napapikit, ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Huwag na huwag mo akong subukang lukohin, Mary." niyugyog niya ako ulit. "Huwag na huwag!!!!"
"Rocky nasasaktan ako!" sagot ko at marahan niya akong binitawan. Napaatras ako sa ginawa niya. Niyakap ko ang aking sarili. "Rocky makinig ka sakin, hindi ko alam na nadun si Matteo, I was also shock na yong pinsan ni Diego ay girlfriend niya. Maniwala ka naman sakin!" humagulgol ako ng iyak, natahimik sya sa sinabi ko. Marahan syang tumitig sakin na may galit parin.
Lumapit sya sakin at hinimas ang aking pisnge, napapikit ako dahil hinawi niya ang mga luha ko.
"I would have believe you, Mary. But i saw you and Matteo to the side of the building," namilog ang mata ko sa sinabi niya. Napangiwi ako ng hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ko. Kuyom ang dalawa kong kamao habang tumingala sa ginawa niya. Halos masakal ako ngayon! "Ngayon sabihin mo sakin kong nagkamali ako sa nakita ko, sabihin mo." singhal niya at napaiyak ako lalo. Hinawakan ko ang kamay niya mula saking leeg.
"R-rocky please, I dont know what Matteo wants. He just talked to me!" eksplenasyon ko, agaran akong napahinga ng malalim ng binitawan niya ako. Napaatras ako at napahimas saking leeg. Amoy na amoy ko parin ang mabahong alak sa kanyang bibig.
"I don't want to listen, Mary. Hindi ka pupunta sa kasal." napaiyak ako ng lubosan. Napakapit saking dibdib.
"Rocky naman, kaibigan ko ang ikakasal pwede ka namang sumama diba para matahimik yang pagdududa mo." humagulgol ako ng iyak. Lumapit sya sakin, nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa labi, napangiwi ako dahil kinagat niya ang ibaba kong labi. Itinulak ko sya ng mahina at napahimas saking labi, umiiyak parin ako.
"You can do nothing, no one is going to the wedding." matigas niyang english at agaran akong nilagpasan. Tanging pagsara lang ng pinto ang narinig ko. Dahan-dahan akong napaupo sa sofa at napahilamos.
Humagulgol ako ng iyak, wala akong makausap wala akong mayakap at tanging unan nalang. Hindi ko lubos maisip na aabot si Rocky sa ganitong pananakit. Naramdaman ko ang hapdi saking labi at alam kong nasugatan iyon dahil sa kagat niya.
Tumungo ako sa kwarto ko at agad binuksan ang loptop. Tinawagan ko si Russel and good thing ay sinagot niya agad ang vediocall ko sa messenger.
"Hello Mary I miss you," kaway niyang nakangiti at napahinto sa nakita. Humagulgol ako sa harap niya. "Oh my gosh sis, what happened? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong. Isa-isa kong hinawi ang aking mga luha.
"Russel, bakit ganon? Sa tuwing nagsasabi ako ng totoo kay Rocky sinasaktan niya ako. Hindi ko na sya maintindihan Russel. Natatakot ako!" napahilamos ako saking mukha. Sinabi ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari at sobrang galit na galit si Russel, hindi sya makapaniwala na magagawa iyon ni Rocky.
"Shit!" mura niya pagkatapos kong isalaysay sa kanya ang lahat. "Hindi na maganda ang ginagawa niya, Mary. Iwan muna sya. Hindi mo deserved masaktan physical. Bakit niya naman gagawin iyon? Unless kong may ginawa kang masama." galit na galit niyang sagot.
"Nakita niya kaming mag kausap ni Matteo," napatampal sya sa kanyang noo.
"Isa pa yang Matteo na yan, bakit hindi ka ba nilulubayan ng lalaking yan? Nang dahil sa kanya nagkakaganyan si Rocky dahil alam ni Rocky kong gano ka kabaliw kay Matteo noon. But hindi mo parin deserved saktan, Mary. Kainis aah!" halos sumigaw sya sa kabilang linya.
"Hindi ko kayang iwan si Rocky, dahil sa mga panahong mag-isa ako ay sya lang ang naghanap at nanatili sakin. Hindi niya ako iniwan bagkus nag effort pa syang tulongan ako at bumangon ako ulit." natahimik si Russel sa sinabi ko. Napahilot sya sa kanyang noo.
"Pero mali pa rin yong ginawa niya, Mary. Love does not brag and is not arrogant. Don't tolerate him Mary, huwag mo syang hayaang saktan ka ng paulit-ulit dahil aabusohin ka niya. Tandaan mo yan, Mary." isa-isa kong piniproseso lahat ng sinabi ni Russel.
Nagpaalam ako kay Russel dahil inaantok narin ako. Kinabukasan ay dumirekta agad ako sa opisina. Naging busy ako sa araw na ito, at hindi ko lubos maisip na sa edad kong ito ay dami ko nang responsibilibdad sa buhay. Hindi lang saking sarili pati na sa mga taong nangangailangan sakin. Naging matamlay ako sa araw na ito dahil araw-araw naman akong nakakatanggap ng text ni Rocky, pero ngayon ay wala, palagi nalang kaming nag-aaway ng dahil kay Matteo. Kailangan kong umiwas sa kanya dahil nasisira ang pagsasama namin ni Rocky.
Habang kaharap ko ang aking loptop ay nagbabasa ako ng iilang request collab ng ibang company. Natigilan ako ng may kumatok saking pintoan, tumambad sakin ang sekretarya ko.
"Maam Mary may naghahanap po sainyo, kaibigan nyo po." hindi ko magawang tignan ang aking sekretary, tumango lang ako dahil naging busy sa pagbabasa.
"Papasokin mo," sagot ko. Kalaunan ay narinig ko ang pagsara ng pinto at hindi ko na iyon tinignan, nasanay na ako na baka mga kaibigan ko ang bumisita sakin.
"Your office is beautiful!" nanlaki ang mata ko sa narinig. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga sa kaba.
"Matteo?" singhal ko at nakapamulsa syang nakangiti sakin. "Anong ginagawa mo dito?" saad ko ngunit inilibot niya lang ang tingin sa buong paligid.
"I told you my supplies are very durable, matibay at maganda ang pagkakagawa." dali-dali akong lumapit sa kanya at tinulak sya palapit sa pintoan. Hindi ko sya magawang itulak dahil ang bigat niya.
"get out," turo ko sa pintoan. "Lumabas ka Matteo please lang, ayaw kong malaman ulit ni Rocky na kinakausap mo ako. Labas!!!" sa puntong ito ay napasigaw ako. Natawa sya ng mahina bagkus sya isinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. Sumulyap sya sakin ngayon habang ginagawa iyon.
"Why are you afraid of your boyfriend? Wala naman tayong ginagawang masama dito!" naging marahas ang sagot niya. Napahilot ako saking sentidu, gusto ko syang saktan.
"Matteo please huwag muna kaming gulohin, masaya kami ni Rocky at nag-aaway kami ng dahil sayo. Kong pwede huwag ka nang magpakita sakin. Mag focus ka nalang sa girlfriend mo ngayon." naging maamo ang pananalita ko. Natahimik si Matteo at napatitig sakin. "Please," dugtong ko.
"I'm sorry Mary," napayuko sya pagkatapos sabihin iyon. "I'm sorry i cant do anything with my life. Hindi ko na kasi alam kong ano ang gagawin ko, Mary simula nong mawala ka." napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Kaya ako ang ginugulo mo? Kong wala ka ng magawa sa buhay mo maghanap ka ng ibang paglaruan at pag tripan. Huwag kami ni Rocky dahil masaya kami, Matteo." naging galit ang sagot ko. Malalim syang tumitig sakin. Hindi parin nagbabago ang itsura niya kahit malaki ang pinayat niya.
"Ayaw kong maging masaya ka," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ayaw kong maging masaya ka sa iba, ayaw kong sumaya ka sa isang kasinungalingan, Mary." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napahingal ako at kinabahan, natatakot ako na baka maabotan kami ni Rocky dito.
"Anong ibig mong sabihin, Matteo?" usal ko. Dahan-dahan syang lumapit sakin at paatras ako ng paatras, bakit hindi ako makapalag parang nanigas ang buo kong katawan.
"I am so happy to know everything. Now I have the reason to take you back." namilog ang mata ko sa sinasabi niya. Napaatras ako at naramdaman ang aking mesa mula saking ibabang bewang. Napatukod ako mula sa likuran nang makalapit sakin si Matteo. Ikinulong niya ako ulit sa kanyang magkabilang braso, ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga. "I have to make sure everything is true, because when thats happen I will get you back, Mary." hingal na hingal ako ngayon, para akong nabingi dahil sa bawat salita ni Matteo ay may laman.
"Nagpapatawa ka ba? Naninira ka ng relasyon. Umalis kana kong ayaw mong tumawag ako ng gwardya." itinulak ko sya ngunit hindi sya nagalaw bagkus ay mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sakin. Napapikit ako!
"Matagal na kayong sira, Mary." napadilat ang mata ko sa sinabi niya.
"You lost yourself, Matteo kaya nasasabi mo ang lahat ng yan. Nababaliw kana!" natawa sya sa sinabi ko. Igting panga syang sumulyap sakin.
"Tama ka," lumapit sya ulit sakin na nakangiti. "The day I lost you, I also lost me." napaatras ako ulit at napahawak saking dibdib. "I lost mylife because mylife is you." namilog ang mata ko dahil namumula ang mata niya ngayon. Umiwas sya ng tingin sakin. Hindi ako makasagot, bakit parang ang sakit ng mga pangungusap ni Matteo.
Bakit ginagawa niya ito sakin ngayon?
Napayuko ako, hindi ko sya magawang tignan dahil minsan ko rin syang minahal.
"Sorry for today, Mary." ibinalik ko ang tingin sa kanya. May ngiti na sa kanyang labi. "I cant stop missing you, Mary. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang lahat." umiwas ulit ako ng tingin. Dahan-dahan akong napaupo saking sofa, napahilamos ako.
Nakakapagod narin, nagugulohan na ako at sa totoo lang ay sobrang naiinis na ako kay Matteo.
"Pagod ako Matteo, maari bang umalis kana. Please nagmamakaawa ako sayo, huwag muna akong gulohin." singhal ko at ramdam ko ang buntong hininga niya. Dahan-dahan syang naglakad at tanging ingay ng kanyang mga paa ang narinig ko palapit sa pinto.
Naging tahimik ang lahat subalit...
"Mary?" mabilis akong napatayo ng marinig ko ang boses ni Rocky. Kumakatok sya sa pintoan. "Mary bakit naka lock ang pintoan mo?" katok niya ng ilang ulit.
Tumakbo ako palapit kay Matteo ng aakamang bubuksan niya ang pintoan. Hinila ko ang braso niya at hinawakan ang doorknob na hawak niya. Nanlaki ang mata ko ng magtama ang pisnge ko sa labi niya, napadikit ang katawan ko sa bisig niya dahil halos matumba ako ng inagaw ko ang doorknob na hawak niya.
Napahawak sya saking bewang. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagtagpo ang aming mga ilong. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, ang kulay palubog na mata ni Matteo ay nasilayan ko ulit.
"Huwag mong subukang buksan, please!" hingal kong wika na halos manginig. Napangiti sya ngayon kahit sobrang lapit namin.
"Dont worry, I wouldn't open up. I prefer this all day." matigas niyang salaysay na may ngiti. Bumagsak ang mata niya sa labi ko.
"Mary open the door!" naging malakas ang pagkatok ni Rocky ngayon. Napalunok ako!
Anong gagawin ko?