Nanginginig parin ang dalawa kong tuhod ngayon. Nanatili kaming nakadikit ni Matteo. Alam na alam kong gustong-gusto niya ang posesyon namin ngayon.
"Matteo naman eh, pano na ito?" pagmamaktol ko, mahina syang tumawa bago ako umatras. Kinakabahan na ako dahil kanina pa kumakatok si Rocky. "Kailangan munang umalis dito, please!"
"Okay," aakmang bubuksan niya ang pinto ngunit pinigilan ko agad. Gusto ko ng maiyak ngayon!
"Saan ka pupunta?" singhal kong mahina.
"Lalabas, pinapaalis mo na ako diba?" natatawa niyang sagot. Napahilamos ako saking mukha at gusto ko na talagang umiyak sa galit. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"I'm sorry, Mary." sa pagkakataong ito ay naluha na ako. Tinignan ko syang may luha at takot. "Fine, I have no choice but to jump out of your window." sobrang bilis ng pangyayari, tumalon si Matteo mula sa bintana. Sinundan ko sya at dumungaw ako sa ibaba. Napahawak ako saking bibig dahil pilay syang tumatakbo palayo ng building, sigurado akong nasaktan sya pagtalon niya.
"Mary ano bang ginagawa mo dyan sa loob?" patuloy na kumakatok si Rocky. Dali-dali akong nagtungo sa pinto at inayos ang sarili, hinilod ko ang aking dalawang mata upang magmukhang kagigising lang, ginulo ko ang aking buhok.
Pagbukas ko ay naabotan ko ang galit mukha ni Rocky. Humikab ako sa harap niya!
"Rocky sorry hindi kita narinig!" ang kanyang mukha ay dahan-dahan kumalma. Napapikit ako, naiinis ako saking sarili dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Inikot niya ang kanyang piningin sa buong paligid na para bang nagdududa. Nanginig parin ako dahil baka mahuli niya akong nagsisinungaling. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap, isang mahigpit na yakap.
Napaatras ako at mabilis niyang isinara ang pinto kahit nakayakap parin sya sakin. Niyakap ko sya pabalik, ang dami kong iniisip ngayon. Hindi ko kayang ipagpalit at iwan si Rocky.
"Patawarin mo ako, sorry sa ginawa ko kahapon. Galit na galit ako Mary." wika niyang paos ang boses. Dahan-dahan ko syang itinulak, napaatras ako at nagtungo sa sofa. Napaupo ako!
"Rocky pangalawang pagkakataon muna akong sinaktan. Pano ako makakasigurado kong hindi na iyon mauulit?" isa-isang tumulo ang aking luha. Lumapit sya sakin at napaluhod saking harap. Sinubukan ko syang itayo ngunit ayaw niya.
"Mary mahal na mahal lang talaga kita, ayaw kong mawala ka sakin." sagot niya at ngayon ay umiiyak na saking harapan. "Sobrang takot na takot akong mawala ka!" bakit ganito? May galit ako sa kanya ngunit bakit biglang nawala.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge.
"Naiintindihan ko, alam ko naman na mahal mo ako at alam mo rin kong gano kita kamahal. Rocky, wala ka dapat ikatakot kasi ako natatakot na ako na baka paulit-ulit mo nalang iyong gawin." napayakap sya saking tyan. Humagolgol sya ngayon. Hinimas ko ang kanyang likod.
"Pangako hindi ko na uulitin, please give me a second chance. Hindi ko na gagawin yon. Please!" napapikit ako sa sinabi niya. Literal akong humingos dahil nasasaktan ako ngayon, nasasaktan ako para kay Rocky.
"Tahan na, huwag ka ng umiyak. Pinapatawad na kita!" dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang noo at tinignan ako. Hinawakan niya ang pisnge ko kahit nanatiling nakaluhod.
"Salamat Mary, salamat. Hindi ko na iyon gagawin. Sya nga pala, sasamahan kita bukas sa kasal ni Erika." literal lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit. Sobrang saya ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang aking saya.
Rocky kong mananatili tayong ganito ay sisiguradohin kong walang makakasira sating dalawa.
Rocky Point of Veiw
Kitang-kita sa mata ni Mary ang saya. Kitang-kita sa mga ngiti niya kong gano niya ako kamahal ngayon.
Mary you don't know how much I'm hurt now but I prefer to keep quiet. Mas pinili kong suyuin ka at lambingin ka dahil ayaw kong mawala ka sakin, Mary. Alam kong nandito si Matteo kanina pero binaliwala ko ang lahat. I don't want to make you look like a liar because I don't want you to feel na nag bago ako at naging mapanakit sayo.
May tiwala ako sayo na hindi mo kayang patolan ulit si Matteo, pero wala akong tiwala kay Matteo.
Mary mylove, hindi mo alam kong gaano dinurog ang puso ko ng makita ko kayo ni Matteo na magkausap sa isang wedding shop. Nais ko lang naman sunduin ka pero iyon ang naabotan ko. You don't know how much I'm hurt and I can hardly sleep at night and thinking that one day Matteo will take you away from me. Hindi ako papayag Mary dahil nag tiis at naghintay ako sayo. Ang dami ko ng ginawa at effort upang hindi ka mawala sakin.
Sinakripisyo ko ang lahat ma protektahan ka lang. Mary mylove, huwag ka sanang sumuko sakin, dahil pag nangyari iyon. Makakapatay ako!
Nagpaalam ako kay Mary ng maayos dahil tinawagan ako ng mga kaibigan ko. Tumungo ako sa bar ni Clifford dahil doon ang usapan ng lahat. Kuyom ang kamao ko sa galit dahil sigurado akong nandon si Matteo. Pagdating ko sa bar ay hindi nga ako nagkamali, nasa dulo sila ng mahabang sofa. Kumaway si Robi sa direksyon ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Matteo ng makalapit ako.
"Dude buti nalang at hindi mo kami binigo. Maupo ka!" si Clifford at tumabi ako sa kanya. Kanina pa nila ako pinilit na pumunta dito dahil may pag-uusapan kami at hindi ko alam kong ano iyon.
"Do we have anything to talk about? For what and what?" naging matigas ang boses ko. Nagkatanginan sila.
"Dude, nais lang naman namin na mag kaayos kayo ni Matteo. Dude magkaibigan tayo at nalulungkot kami na umabot kayo sa ganito." unang sambit ni Clifford, natawa ako ng mahina dahil alam kong hindi mangyayari iyon.
"How can Matteo and I get along if he's still bothering Mary. Pano kami magkakaayos kong sinisiraan niya ako kay Mary." nanlaki ang mata ng dalawa. Nagkatinginan si Clifford at Robi, lumagok ako ng alak at ngayon ay hindi makatingin sakij si Matteo.
"Matt bakit mo naman gagawin yon? Buong akala namin ay okay na sayo ang lahat, tanggap muna ang lahat." usal ni Robi. Tinignan niya kami ng walang ekspresyon.
"Walang awayan huh! Ayaw kong magsuntokan kayo sa bar ko." sambit naman ni Clifford.
"Don't force him if he doesn't want to, because I don't want to either. Why would I negotiate if he was just deceiving us. Hindi ako bobo!" galit na sambit ni Matteo bago ako tignan na may ngiti sa gilid ng kanyang labi. Kuyom ang kamao ko, at hindi ko alam kong tama ba itong inisip ko ngayon.
"Dude hindi ka namin maintindihan, bakit mo nasabi yan?" si Clifford sa pagtatakhang isip.
"Why don't you just ask your friend Clifford, tutal kayo lang naman ang gustong magkaayos kami. Sige tanongin nyo yan kong ano ang totoo." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Matteo, marahas akong napatayo at padabog na isinandal ang dalawang kamay sa mesa. Nakayuko akong tumitig sa kanilang lahat.
"Kong ano man ang sinasabi mo, wala akong pakealam, may buhay kang dapat ayosin Matteo. Diba may skin cancer ka? Bakit hindi ka nalang mag pagaling. Bakit sinasayang mo ang oras mo samin ni Mary?" sa sinabi ko ay napatayo rin sya. Sabay napatayo si Clifford at Robi para pigilan kami.
"I told you guys huwag kayong umabot sa pananakit, magkaibigan parin kayo. Hindi namin alam kong ano ang pinagsasabi nyong dalawa at kong anong merong sikreto kayo ngayon. Kong ano man iyon, sana ay hindi makakasakit sa babaeng pinag-aawayan nyo." si Clifford, napatuwid ang tayo ko at ganon din si Matteo.
Ayaw kong mawala sakin si Mary, kahit magka sira-sira kaming lahat ay mas pipiliin kong buo at panatilihing okay kami ni Mary.
"Isa lang naman ang gusto ko, Clifford and Robi. Ang lubayan kami ni Matteo. Alam kong pinupuntahan niya parin si Mary. Respito lang naman ang gusto ko, dahil may sarili din naman syang girlfriend." sagot ko bago tinignan si Matteo. I will never consider you again, as my friend.
"Matt tama si Rocky, I know magagalit ka this time, but Matt masaya na si Mary ngayon, you can be happy with her diba?" usal ni Robi, igting panga akong tinitigan ni Matteo na may ngiti.
Dahan-dahan syang lumabas sa epasyo naming lahat. Nakapamulsa syang lumingon samin.
"I wanted to keep quiet but I couldn't, because I knew Rocky was hiding something from us and Mary. How can I be happy if the person I love has been confused for everything." salaysay niya bago kami tinalikuran pabalik. "Nothing shit won't reveal, Rocky." huli niyang sabi bago kami tuloyang iniwan.
May dalawang question mark na nakaguhit sa dalawa at ngayon ay nakatingin sakin na may pagtataka. Tinanong nila ako at pinilit, kahit anong pilit nila sakin ay hindi ko parin magawang sabihin. Yes I admit I have a secret not to be revealed but I have to keep it until everything is okay.
Umalis ako ng bar at napasigaw sa loob ng aking kotse. Halos suntokin ko ang buong area ng aking kotse. I knew Matteo knew something about me but he didn't make it and tell to everyone, because I knew he had a plan for Mary. Uunahan na kita Matteo at hindi ako papayag na sirain mo ang relasyon namin ni Mary.
Hindi ako masamang tao at mas lalong hindi ko planado ang lahat. May nagawa ako pero hindi ako masamang tao katulad mo Matteo. Oo plano lahat nyong dalawa ni Venus ang ginawa nyo noon kaya ka nagkasakit dahil sabi nga nila karma is a bitch, kaya nagsakit ngayon. Tanging kami lang ang nakakaalam sa lahat kong ano ang pinagdadaan mo ngayon maliban kay Mary na ayaw naming malaman niya na may sakit ka, dahil pag nangyari iyon ay alam na alam kong mag-aalala sya sayo.
Hindi ako papayag Matteo!
Aakmang paandarin ko ang kotse ng tumunog ang aking phone. Dali-dali ko iyong kinuha saking bulsa at sinagot.
"Sir pasensya sa disturbo pero hanggang ngayon ay ayaw niya paring kumain sir." salita ng aking taohan sa kabilang linya. Napahilot ako saking noo.
"Bakit raw? Sabihin nyo kailangan nyang kumain at sabihin nyong nagagalit ako." marahan kong sagot bago napasandal sa backrest. This is one of my problem right now! Fuck!
"Sir ayaw niya talaga, kahapon pa ito umiiyak." sagot niya ulit. Naikuyom ko ang aking kamao. Sobrang layo mo babae ka at bakit mo ako kailangang pahirapan ng ganito.lñ
Kasalanan ko, kong hindi ko nalang sana ginawa.