"Nanay!! Tatay!! Ate!! Kuya!!" sigaw ng isang batang lalaki habang nagwawala. Pinipigilan sya ng mga tao dahil nagpupumiglas sya at gusto nyang pasukin ang kanilang bahay.
"Kaze! Makinig ka! Hindi ka pwedeng sumuong dun! Baka pati ikaw ay masunog!" ang awat dito ng isang matandang lalaki.
"Hindi! Hindi pwede! Ililigtas ko sila! Nanay! Tatay!" pagpupumiglas nito. Naghalo na ang luha,pawis at sipon ng walong taong gulang na si Kaze.
"Mapapahamak ka lang!" at binuhat sya ng matandang lalaki. Walang tigil pa din sa pagwawala si Kaze. Hindi na nya alam kung anong gagawin.
Kanina lamang umaga ay masaya pa syang nagpaalam sa pamilya bago pumasok sa paaralan. Ngunit pag uwi nya ay tinutupok na ng apoy ang buong sitio nila.
Hindi na nya alam ngayon kung paano pa ipagpapatuloy ang buhay. Nasa loob ng kanilang barong barong ang pamilya nya ng magkasunog,natutulog daw ang mga ito. Masyado ng malaki ang apoy. Halos lahat sa sitio nila ay nawalan.
Sigawan,pagtangis,ingay ng mga tao at ingay ng sirena ng bumbero ang tanging naririnig ni Kaze. Pero wala dun ang kanyang isipan,gusto nyang balikan ang kanyang pamilya,hindi nya alam kung papaano mabubuhay ng wala ang mga ito. Hindi nya alam kung papa-ano magsisimula sa mura nyang edad.
Agad napabalikwas ng bangon si Kaze. Pawis na pawis sya at hinahabol nya ang kanyang paghinga.
Ayun na naman ang panaginip na yon. Hanggang ngayon ay hindi pa din sya pinapatahimik ng nakaraan. Hanggang ngayon ay dala dala pa din nya ito.
Tumingin sya sa wallclock,alas nueve na pala. Masyado syang napagod sa mga ginawa sa campus kaya pag uwi nya ay nakatulog na agad sya.
Tumayo sya at binuksan ang ilaw. Kinuha sa gilid ng pinto ang tuwalya at dumeretso sa banyo. Papasok na naman sya sa trabaho. Sa trabahong bumuhay sa kanya ng ilang taon,sa trabahong kinasanayan na nya.
Ilang beses syang naghilod at nagsabon. Sinigurado nyang malinis ang lahat ng parte ng kanyang katawan. At ng matapos ay tinungo na nya ulit ang kanyang kwarto.
Habang nakatapis ay tiningnan nya sa salamin ang sariling repleksyon. Napaka laki na ng pinagbago nya. Maganda ang kanyang katawan dahil sa pag ji-gym tuwing sabado. Napaka gwapo na nya ngayon,hindi mo aakalaing dumaan sya sa matinding dagok sa buhay. Mapupungay ang mga expressive nyang mga mata,makakapal ang kilay na binagayan ng mahahaba nyang pilik. Matangos ang ilong at mapupulang labi,mapuputi at pantay pantay na ngipin.
Ito sya,ito ang ginagamit nya para mabuhay,ito ang gabi gabi nyang inihaharap sa mga taong walang ibang alam kundi ang mga makamundong bagay.
Nagbihis na sya at umalis ng bahay na matagal na nyang inuupahan. Akala ng mga kapitbahay nya ay sa callcenter sya nagtatrabaho,pinabayaan nya ang paniniwala ng mga ito,mas mabuti ng walang alam ang mga ito sa tunay nyang trabaho.
Pagdating sa trabaho ay abala na ang lahat,binati nya ang mga kasama at saglit na nakipagkwentuhan.
"Ito na po ang dinner nyo." sabi ng isang waitress ng pumasok sa dressing room nila. Kinindatan nya ito at agad din naman itong lumabas.
"Bignight ngayon tol. Anong pasabog mo?" tanong sa kanya ng kasamahan.
"Basta! Magugulat kayo,hindi ako uuwi ng walang dalang kahit man lang fifty thousand." ang nakangisi nyang sagot at nagsimula ng kumain.
"Okay boys! Magsisimula na. Remember,big night to at bigatin ang mga costumer,dapat sa opening palang maglaway na ang mga matrona at mga bading!" sigaw ng Manager nilang bading na halos nakakalbo na. Napailing na lamang sya. Lumabas na ang mga kasamahan nya,tumayo sya at itinutok sa kanya ang electricfan,hindi dapat syang pagpawisan.
Nang malapit na ang oras ng kanyang performance ay naghubad na sya at isinuot ang kanyang costume ngunit nakalabas ang kanyang puwit,mga utong at malaking ari.
"Everybody! Lets give a big round of applause,to our star dancer! KAZE!!" ang sigaw ng Mc ng Strip Club na iyon.
Lumabas si Kaze sa kurtina,tumutok sa kanya ang spotlight. Nagsimulang tumugtog ang isang erotikong awitin at sinimulan nyang igalaw ang kanyang katawan sa saliw nito.
Hindi magkandamayaw ang mga tao sa pagpalakpak at pagpito,lalo na ng buhusan nya ng tubig ang kanyang katawan at nilaro ang sarili sa harapan ng mga tao,lalong nagwala ang mga ito,bagay na ikina ngiti nya ng husto.
"Ganyan nga mga hangal,mabaliw kayo at sambahin nyo ako."