ดาวน์โหลดแอป
72.06% M2M SERIES / Chapter 275: The Stripper (Strip 1)

บท 275: The Stripper (Strip 1)

"C'mon Keeyo! Male-late na tayo!" ang paulit ulit na sinasabi sa akin ng kakambal kong babae,si Keesha.

"Ano ba? Magkaiba tayo ng school at magkaiba tayo ng schedule!" ang sigaw ko dito. Nasa huling year na kami ng college.

"Wow ha? Natutulog ka pa nga talaga! Magkaiba tayo ng school,two years ago! Bahala ka dyan,iiwanan na kita!" aniya at binitawan ako,padabog na lumabas ng aking kwarto.

Agad akong napadilat. Oo nga pala! Ganito ang hirap sa akin pag napapasarap ang tulog,nawawala sa sarili.

Tumayo na ako at tinungo ang banyo. Hindi dapat ako malate sa unang klase,may mga ipapasa akong requirements,next week kasi ay graduation na namin kaya nagpaka puyat talaga ako kagabi.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako,wash day ngayon kaya todo porma. Kinuha ko na ang mga gamit ko. Papalabas na ako ng kwarto ng may mapansin ako. Bumalik ako sa kama,kinuha ko ang wallet at binuksan. Tinitigan ko ang litrato.

"One year na Budz,naka move on na ako at tuluyan na kitang papakawalan." sabi ko,tinanggal sa wallet ang litrato saka ko ito nilamukos at itinapon sa trash can.

Isang taon na ngayon mula ng maghiwalay kami ni Budz,my very first boyfriend,sa kanya ko naranasan ang lahat,but then I found out na may girlfriend pala sya sa lugar nila. Two years din kami,at two years akong nagpaloko,but it doesn't mean na hindi na ulit ako naniniwala sa pag-ibig.

Yes,Im a gay,pero hindi ako crossdresser,sabi nila sayang ang pagiging gwapo ko kung totoong gwapo nga ako. Tanggap ako ng mga magulang ko at ng kakambal ko. Hindi naman kasi ako haliparot,pero makulit ako. Sabi naman ng mga babae naming kakilala,maganda daw ako pag naging babae. Bahala na sila kung paano nila ako titingnan.

Pagbaba ko sa sala ay wala ng tao,nasa trabaho na siguro sina Mama at Papa,at pinanindigan ng impakta kong kapatid ang pang iiwan sa akin. Kaya mahal na mahal ko sya eh!

Ni hindi man lang ako nakapag almusal,ang babait nila talaga.

Lumabas na ako at ini-lock ang pinto. Naglakad na ako papunta sa kalsada,sakto may jeep kaya pinara ko ito at sumakay na.

Huwag lang sana akong ma-late,dahil panigurado,hindi na tatanggapin ang mga requirements na pinaghirapan ko at baka sa October pa ako maka graduate.

Tumigil ang jeep,may bumaba tas may sumakay na lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito pero mukhang schoolmate ko sya dahil sa ID nya na nakatalikod,nakita ko kasi ang tatak. Tumabi ito sa akin at talagang napasinghap ako dahil ang bango nya.

Hindi ako nagpahalata at tumingin na lang sa labas. Kumuha na ako ng barya sa wallet para magbayad ng pasahe ng kalabitin ako nito,kaya nilingon ko.

"Pasabay,mukhang iisa lang naman ang bababaan natin." aniya. Buong buo ang boses,lalaking lalaki,at higit pa dun,sobrang gwapo. Bakit ngayon ko lang sya nakita?

"Okay." kinuha ko ito at ipinaabot na sa mga nasa unahan. Ito rin ang hirap sa jeep kaya ayokong pumwesto malapit sa driver,magkakaroon ka ng sideline job.

"Para!" halos sabay naming sabi nung lalaki ng nasa tapat na kami ng school. Nauna na syang bumaba at sumunod ako.

Ang tangkad pala nya at ang ganda ng hugis ng katawan. Ano kayang course nya?

Madaming nakapila sa gate kaya hindi ko na sya nakitang ulit. Pumila na din ako,at ng makapasok ay tinalunton ko na ang daan papunta sa una kong klase. Hindi dapat ako ma-late!

Nang makarating ako ay nakita ko ng papasok ang prof kaya tumakbo na ako. Nagulat pa ito ng mauna akong makapasok sa room.

"Sorry po Maam!" ang hinging paumanhin ko dito at naupo agad.

"Since simula bukas ay practice na ng graduation,tulad ng sinabi ko last week,ngayon ang deadline ng mga requirements." anito ng nasa platform na. "And since late ka Keeyo--"

"Maam hindi ako late!" ang agad kong sagot.

"Late ka ng 5 seconds." sagot ni Maam nagtawanan tuloy ang lahat. Kinabahan ako dun ah? "Kay Keeyo nyo ibigay ang mga requirements. And Keeyo,pakidala sa faculty room." dagdag nito.

Ganito ba talaga pag bakla? Inaapi? Grabe ha? Kayanin ko kayang buhatin ang lahat ng iyon? Sobra ka na Maam!

"Pakidalian!" sabi ko sa lahat.

"Keeyo,I'll wait for you sa faculty." ani Maam,tumayo at lumabas na ng room. Kahit mabigat ay nagmadali akong sumunod,maaga nya kaming dinismissed kaya kakain muna ako. Mamaya ko na lang din papagalitan ang magaling kong kakambal.

Nang matapos ay agad akong naglakad papunta sa cafeteria,palingon lingon din ako sa paligid baka makita ko ang kapatid ko.

Tahimik na akong kumakain mag isa ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Daanan mo kami mamaya sa shop. Gimik tayo." ani Cris,ang kaibigan at ate atehan kong bading na may ari ng shop ng mga damit,bulaklak,wedding dress,nag memake up din sila at nag a-arrange sa mga okasyon.

"Sige. Ano bang meron?" ani ko habang ngumunguya.

"Basta! Ituloy mo na yang pagsubo mo! Akong bahala sayo." anito at naputol na ang tawag.

Si Cris ay matanda sa akin ng sampung taon,pero napaka ganda nyang bakla,ampon sya nina Mama at Papa. Kaibigan at Ate turing namin ni Keesha sa kanya. Mahal na mahal nya kami at ganon din kami sa kanya,nagkajowa ng hapon kaya iyon,mas mayaman pa sya sa amin ata,pag ginagastusan nya kami ni Keesha wala syang paki kung umabot ng 100 thousand,lalo na kina Mama at Papa. Plano nya ngang ilibot sa buong mundo sina Mama at Papa.

Siguro sa kanya ako nahawa ng pagiging bading? Pero hindi naman ako nagsisisi dun.

Patapos na akong kumain ng may maalala ako. Bakit ako lang? Bakit hindi kasama si Keesha? Bahala na nga,dadalhan ko na lang sya ng pasalubong kung mamamasyal man kami ni ate Cris.

Buong araw yata akong excited sa magiging lakad namin ni Ate Cris. Dissmissal na ng makatanggap ako ng tawag kay Keesha na nasa bahay daw sya ng kablockmate nya.

See? Ganyan ang kapatid ko. Gagawin at gagawin nya ang gusto nya,magpaalam man sya o hindi.

Sumakay na ako ng jeep papunta sa shop ni Ate Cris. Pagdating ko dun ay sakto palabas na sya.

"Pogay na pogay!" aniya at niyakap ako.

"He! San ba tayo pupunta te?" ani ko ng maghiwalay na kami ng yakapan.

"Diba sabi ko nga kanina sa tawag ay gigimik tayo? We will celebrate your one year break up with Budz!" nakangiti nitong sabi at pumalakpak pa.

"Ate Cris naman!" ang bigla kong angal. Nung mga panahong devastated ako,ang mga magulang ko at si Ate Cris ang nagko-comfort sa akin.

"Huwag mo akong paandaran ng ganyan Keeyo. Para sayo ito,one year na kaya dapat makahanap ka na ng ipapalit sa gunggong na Budz na yon. Lets go!" at hinila nya ako papunta sa kotse nyang naka park sa gilid ng kalsada.

"Kaen muna tayo Ate." ani ko ng makasakay sa frontseat. "Mag take out din tayo para kay Keesha."

"Kakain nga muna tayo,pero huwag kang selfish,bibilhan ko din sina Mama at Papa,tapos ay pupunta na tayo sa dapat nating puntahan." aniya at pina andar na ang kotse. Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

Alas diyes na ata ng gabi ng matapos kaming kumain,at ngayon nga ay nasa harap na kami ng sinasabi nyang pupuntahan daw namin. Nakanganga ako at hindi makapaniwala na dito ako dadalhin ni Ate Cris!

"Ate,dito talaga? Puro mga ano nandyan." ang reklamo ko nang nagbabayad na sya para sa entrance fee naming dalawa.

"Huwag maarte. Iba itong Strip Club na ito. If you heard Club Ford,this is the male version." aniya at pumasok na kami. Tama si Ate Cris,mukhang bigtime nga ito,ang daming pumapasok na mga mukhang mayayaman,at ang disenyo ng lugar ay napaka ganda.

"I have a reservation. Cris Montelo." ani Ate Cris sa isang waiter.

"This way po." at iginiya kami nito sa malapit sa stage ngunit madilim na parte.

"Ate,baka magalit asawa mo?" ang kinakabahan kong tanong. Nakakatakot magalit ang hapon na iyon eh. Tapos mas nakaka kaba dahil yung mga tao dito ay parang mga hayok sa laman.

"Bakit sya magagalit? Hindi naman ako manlalalaki. Para sayo ito."

"Ate pwede namang ibang lugar."

"Akong bahala." at tinawag nya ang isa pang waiter. Umorder sya. Namatay ang mga ilaw at bumukas ang spotlight na tumutok sa stage. Naglabasan ang mga lalaki sa stage at sabay sabay na sumayaw.

Literal na napanganga ako. Shit lang! Parang hindi ako mapakali. Bakit hindi? Halos wala na silang saplot habang sumasayaw.

"Ito na po ang drinks nyo." ani ng waiter. Agad akong kumuha ng isang bote ng san mig light at tinungga ito. Para kasing biglang natuyo ang lalamunan ko. Damn,ano bang ginagawa ko sa lugar na ito?

"Just enjoy the view Keeyo Montelo,huwag kang pa virgin,mas malala pa nga ang ginagawa mo kay Budz!" ani ate Cris at tumawa.

"Ate!" suway ko dito ngunit tumawa lang ito.

Nagpalakpakan ang mga tao. Hanggang sa isa-isa ng sumayaw yung mga lalaki. Pasulyap sulyap lang ako habang umiinom dahil nabibigla talaga ako.

Si Ate Cris naman ay may katext ata at hindi din masyadong tumitingin dun sa mga sumasayaw. Nagulat na naman ako ng mamatay ang lahat ng ilaw.

"Everybody! Lets give a big round of applause,to our star dancer! KAZE!!" ang sigaw ng Mc ng Strip Club na iyon.

May lumabas na lalaki sa kurtina,tumutok sa kanya ang spotlight. Nagsimulang tumugtog ang isang erotikong awitin at sinimulan nyang igalaw ang kanyang katawan sa saliw nito.

Napanganga ako. May maskara sya kaya hindi makilala. Pero ang naka agaw pansin dito ay ang ari nya na ni hindi man lang pinagka abalahang takpan.

Ang ingay na ng mga tao,may sumisigaw may sumisipol kaya napatingin ako kay Ate Cris.

"Ganyan talaga dito." ani nya at tumagay. Ngumisi sya,ewan parang kinabahan ako sa pag ngisi nya.

Paglingon ko sa stage ay nagbuhos ng tubig sa katawan ang lalaki habang dahan dahan nitong hinihimas ang malaking pagkalalaki. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga.

"Uwi na tayo ate." ani ko.

"Big night ngayon. Sayang ang binayad natin."

Wala akong nagawa kundi tingnan ulit yung lalaki. Maganda ang katawan nya. Maganda din syang ngumiti. At obvious na obvious na pinainit nya ang gabi ng lahat ng tao dito.

"Biding time! Ang pinaka malaki ang mag uuwi kay Kaze!" sabi ng MC. Nanatiling naka tayo yung lalaki sa stage,tayung tayo din ang kanyang pagkalalaki.

"Now its time Keeyo." dinig kong sabi ni Ate Cris at piniringan ako.

"Para saan ito ate? Sabi ko na nga ba eh."

"Kalma. Hindi ka mapapahamak,huwag mong tatanggalin,magagalit ako." aniya kaya natahimik ako. Wala na akong makita pero nadidinig ko ang mga isinisigaw nila.

"50 thousand pesos!"

"80 thousand pesos!"

"100 thousand pesos!" huh? Boses iyon ni Ate Cris ah?

"100 thousand pesos,may tataas pa ba?" dinig kong sabi ng MC. "Mukhang wala na. Kaze magkita na kayo ng nasa table number 3 sa back stage." dagdag pa ng MC.

"Labas na tayo. At kung ano man ang mangyari. Gusto kong mag enjoy ka." bulong ni Ate Cris,inalalayan akong tumayo at maglakad.

Pati sa pagpasok sa kotse ay inalalayan nya ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay nadinig ko na ang pagpasok nya at pagbukas sara ng pinto sa backseat.

May kasama kami? Sino?

Tahimik lang buong byahe. At ng tumigil ang kotse ay mas lalo akong kinabahan. Anong binabalak ni Ate Cris?

"Ingatan mo yan,kailangan mag enjoy sya,pati na ikaw,sige na labas na. Bayad na din ang room na gagamitin nyo."

"Ate naman!"

"Enjoy your night Keeyo,I love you."

Bumukas ang pinto sa gilid ko. May humawak sa braso ko,kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas. Bakit hindi nagsasalita ang kasama ko? Pipi ba sya?

Naglakad kami habang inaalalayan nya. Hindi ko alam kung pinagtitinginan kami dahil sa nakapiring ako. Pero ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Naramdaman kong pumasok at sumakay kami sa elevator. Tahimik pa din,para na akong mapapanisan ng laway.

Nang bumukas ang elevator ay naglakad ulit kami palabas,hanggang sa tumigil kami. Nadinig ko ang pagbukas ng pinto,inalalayan ako nitong unang makapasok,at ng madinig kong sumara ang pinto ay tinanggal ko ang piring ko at hinarap ito. Para lamang magulat at mapanganga.

"Ikaw?!" gulat kong sabi.

"Oh.. Schoolmate,ikaw pala yan. Lets do it? Sayang ang bayad sa akin." nakangising sabi nito.

Shit! Sya yung gwapo sa jeep kanina,sya din yung huling sumayaw sa Strip Club.

Sya yung Kaze!


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C275
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ