ดาวน์โหลดแอป
91.9% M2M SERIES / Chapter 351: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 4)

บท 351: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 4)

"Wow! Ang sweet naman. Pero dapat ako ang gumagawa niyan hindi ibang lalaki."

Nanlaki ang mga mata ko at nabilaukan ako sa lugaw.

Si Chance! Nakatayo sa may pintuan at masama ang tingin sa amin ni Arloo.

Taena! Im dead!

"C-chance!" gulat kong sabi. Tiningnan ako ni Chance at tinaasan ng kilay.

"Nandyan ka na pala." ani Arloo,nilapag sa lamesita ang lugaw,tumayo at hinarap si Chance. "Tama ka,dapat ikaw ang gumagawa nyan,nakaka abala pa ang boyfriend mo sa ibang tao,lalo na sa akin na madaming ginagawa sa school. Kaya next time,talasan mo ang radar mo,and don't you worry,hindi ako gaya mo na pumapatol sa bakla."

"Anong sabi? Gago ka ah?!" biglang kinwelyuhan ni Chance si Arloo pero hindi nagpatinag ang huli.

"Tinamaan ka no?" ani Arloo,tinulak si Chance at saka inayos ang kwelyo at walang sabing lumabas na ng bahay.

Ako naman ay nakanganga lang sa buong pangyayari. Hindi pinoproseso ng utak ko yung nangyari,ganito talaga siguro pag inaapoy ka ng lagnat.

Bumaling sa akin si Chance,sumandal ako sa sofa at pumikit. Nahihilo ako at nanlalambot pa din ako.

"Baka kung hindi pa ako dumating eh narape ka na ng amboy na yon." matigas ang pagkakasabi ni Chance. Hindi ako kumibo.

Naramdaman ko na lang na tumabi sya sa akin sa sofa. Kinapa niya ang leeg at noo ko saka siya bumuntong hininga.

"Gutom ka pa ba? Bumili din ako ng pagkain at gamot,Jiko." ngayon ay malambing ng sabi ni Chance.

"Gamot na lang siguro. Gusto kong magpahinga pa." ang sagot ko naman.

"Sige,sige. Bakit ka ba kasi nilagnat?" ani Chance,tumayo at nagpunta sa kusina.

"Hala siya oh? At nagtanong ka pa talaga? Bakit hindi mo yan itanong sa pututoy mo at sa dalawang bakal na nakakabit dyan!" sabi ko at pinandilatan siya ng mga mata habang palapit na at may dalang baso ng tubig.

Tumawa ang gago,iniabot sa akin ang gamot at ininom ko na ito.

"Pasensya na. Magtitiis muna akong hindi galawin ang big butt mo!"

"Gago ka talaga! Hindi na talaga muna pwede,gago ka Chance,parang nagwawangwang ang butas ko at parang tumitibok tibok,bwisit ka!" sinapak ko siya at tumawa lang ang gago.

"Sorry! Hindi na mauulit! Pagtyagaan ko muna dila mo!"

"Inaka! Tse!"

Ilang minuto ang nakalipas ay dinala na ako ni Chance sa kwarto. Pinahiga na niya ako at tumabi siya sa akin.

"Hindi ako magtatagal Jiko. Uuwi din ako kasi kukunin ko si Baby sa mga lola niya." ani Chance habang hinihimas ang ulo ko.

"Okay lang. Uhm,Chance?"

"Jiko?"

"Kailan ko pwedeng makita ang anak mo?"

"Bago matapos ang semester na ito Jiko. May pinaplano din kasi ako eh." aniya at ngumiti.

Ang gwapo talaga ng gago! Hanggang ngayon,parang panaginip pa din na ako ang minahal niya. Gusto kong manataili lang kaming ganito,sawa na ako sa mga problema.

Ano kaya ang plano niya? Pero teka,kailangan ko din palang humingi ng pasensya kay Arloo,kahit papaano naman ay nakakahiya ang ginawa ni Chance,napaka seloso kasi ng bastos na 'to eh. Pero siyempre nakaka kilig at nakaka proud na nagseselos siya. Matakot na ako pag hindi siya nag selos.

Madami pa kaming napag usapan,pinag usapan din namin na dadalaw sa puntod ni Vane balang araw,nasa states daw kasi nilibing. Na excite naman ako,pero siyempre balang araw pa iyon. Hanggang sa nakatulog na lang ako,at ng pag gising ko eh wala na si Chance at medyo madilim na din ang kwarto.

Tinantya ko ang pakiramdam ko,medyo magaan na. Bumangon ako at ini on ko ang ilaw sa kwarto ko saka ako lumabas.

Pag labas ko eh nagulat ako at napanganga sa nakita ko.

"SURPRISE!!!" sabay sabay na sigaw ng mga gago.

"Teban? Khaim? Aiko? Karissa?" ang hindi ko makapaniwalang sabi. Bakit nandito ang mga 'to?

"Yes,kami nga? Nagulat ka ba?" nakangising sabi ni Aiko.

"Mukha ngang na surprise. Nakanganga pa din eh." ani naman ni Karissa kaya isinara ko ang bibig ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" ani ko na lumapit na sa mga ito.

"Dinadalaw ka. May nag timbre kasi sa amin na montik ka ma deads. Kaya sumugod agad kami." ani Teban na ang lawak ng ngiti.

"Gusto mong ikaw ang ma deads? Yung seryoso kasi!" ani ko at bumaling kay Khaim,siya ang pinaka matino sa mga kaharap ko ngayon.

"Pinapunta kami ni Chance. Nag set kasi ako ng get together natin. Kaso sabi ni Chance nagkasakit ka at hindi makalakad kaya dito na lang daw sa inyo. Kamusta na? Nakakalakad ka na ah." ang mahabang sagot ni Khaim. Bigla tuloy akong napahawak sa puwit ko.

"H-ha? Ganon ba? Teka,wala pang pagkain eh. Hindi ko kayo mapapakain. Hindi pa ako nakakapag saing tas wala pang ulam,wala pa din sina Mama at Papa." ang taranta kong sabi.

"Its okay. May pagkain na,hintayin na lang natin." sabi ulit ni Khaim. Bigla tuloy kumalam ang ang tyan ko. Gusto kong bumawi ng kain,konti lang yung lugaw na nakain ko kanina eh,diba nga biglang dumating si Chance?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chance. Kasama ang taong sobrang tagal ko ng hindi nakikita. Pareho silang may mga bitbit na pagkain,at kasama din nila si Adz at Mauro.

"O-ohm?" sa wakas ay nasabi ko.

"Kamusta Kiji? Its been a while." ani Ohm,lumapit at niyakap ako kaya napatingin ako kay Chance.

"Ahem." ang kunwaring pagtikhim pa ni Chance.

"Yakap lang yan dude. Huwag kang over acting!" pagsita ni Adz kay Chance. Bumitaw na sa yakap si Ohm na napaka gwapo pa din. Bumaling sa akin si Adz. "Kamusta Kiji?"

"Happy birthday Kiji!" sabi naman ni Mauro na ikinanganga ko. Hindi ko tuloy alam kung sino ang kakausapin ko,si Ohm ba? Si Adz o si Mauro?

"Hindi birthday ni Jiko,ugok ka talaga Mauro!" puna ni Chance at bumaling sa akin. "Magbihis ka muna bago ka humarap sa mga bisita mo. Ang baho mo na,amoy banig ka."

At nagtawanan po silang lahat. Parang gusto ko hugutin ang dila ni Chance,hindi talaga siya nagbago pagdating sa ganyan. Which is,I find it cute dahil hindi siya boring.

"Humanda ka sa aking bastos ka. Magbibihis lang ako." ani ko at nagpaalam na sa tropa.

Masaya ako na nandito silang lahat. Akalain mo iyon? Instant reunion?! Sana lang huwag ng bumalik ang lagnat ko dahil gusto ko talaga sila maka bonding ulit after how many months.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto,nasa hapag na sila lahat at mukhang ako na lang ang hinihintay. Ano kaya magiging reaksyon nina Mama at Papa pag naabutan sila dito?

And so it goes,to the sea,to the sea,to the open home of the sea! Ayun kumain na kami,ang daming putahe,parang fiesta lang. Sobrang nagalak ang bituka ko at lalamunan ko dahil lahat ay gusto ko.

Kamustahan at kwentuhan habang kumakain,binabalikan namin ang High school days kung saan kami nabuo. Parang kailan lang,tas ngayon college na kami. Si Chance nga may anak na,ako kaya?

I mean hello,grabe kaya ang mga honeymoon namin ni Chance,tas walang mabubuo? Aba?! Lagi pa naman akong fertile?! Don't tell me,baog ako?! My gowd! Huwag sana!

"Kamusta naman si Emo boy ha,Teban?" ani ko ng ako naman ang bangka.

"Change,topic!" ani Teban at nagtawanan lahat. "Kiji,balita ko may bagong nahuhumaling sayo ah? Ang lupet ng kamandag mo!"

Hala? Napaka tsismoso talaga nito ni Teban!

"Hoy! Sinasabi mo dyan?! Classmate ko yon no?!" sagot kong ganyan at napatingin ako kay Chance na tinaasan ako ng kanang kilay,amazing!

"Weh? Bakit panay mura ni Chance kanina habang nagkekwento?" pagsabat naman ni Adz. Pagbuhulin ko kaya mga dila ng mga lalaking ito? Sabihin niyong gawa! Aba?!

"Panong hindi ka mapapamura? Naabutan ko nagsusubuan." ani Chance at ngumiwi.

"NAGSUSUBUAN?!" sabay sabay nilang sabi na ikinaluwa ng mga mata ko.

"Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Huwag kayong green minded! Malala pa ang lagnat ko kanina,at nagkataong inutusan nina Summer at Ritz na pumunta dito si Arloo,lugaw ang sinusubo niya! Huwag kayong ano!" ang agad kong dipensa,nagtinginan ang mga animal na parang hindi naniniwala sa akin.

"Syempre. Papayag ba ako na sumubo siya ng iba? Papatayin ko muna kung sino magtangka!" tiim bagang na sabi ni Chance.

"Aaakkk!!" napatingin kami kay Ohm na biglang nasamid. Oh my gowd! Alam ko na kung bakit?!

"Okay ka lang,Ohm?" ani Karissa matapos inumin ang coke na ini abot nito.

"Oo,pasensya na. Bigla akong nasamid." ani Ohm na parang biglang nahiya.

"Tapos na siguro kayong kumain? Inom tayo ng kaunti." ani Adz.

"Pwede ba dito?" tanong ni Khaim,uminom muna ako ng coke bago sumagot.

"Oo,pero sa labas na lang tayo. Dadating na sina Mama at Papa mamaya. Baka hindi makatulog si baby." ang sagot ko naman. Nanlaki ang mga mata ko ng kuhain ni Chance ang kamay ko at ipatong sa dako paroon.

Oh my gowd! Bastos talaga walang kupas.

And so,nag set na kami sa labas ng mga monoblocks at lamesa. Isang case na redhorse ang nakita ko. Sabi nila konti lang? Bakit isang case?

"Group selfie muna tayo mga baliw!" ani Karissa,pumwesto na kami,naka timer ang cam kaya lahat kami kasama sa picture. Inakbayan ako ni Chance at hinapit,saka inamoy.

"Ang baho muna talaga." aniya na ikinanganga ko.

CLICK!

O sige! Pag hindi nila binura yung picture aawayin ko sila! Gagong Chance,tawa ng tawa!

"Eeehhhh! Langya! Sinadya mo yon!" ani ko sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Masakit yon ah?"

"Tse!" at saka ako bumaling kay Karissa. "Bakla burahin mo yan! Pag hindi,hindi na din madadagdagan ang edad mo!"

"NO! NO!" sagot ni Karissa sabay tago sa cam.

"Huwag na Kiji. Ang cute nga eh,walang pinagbago ang mukha mo pag nakanganga!" entrada naman ni Aiko. Kaibigan ko ba talaga ang mga ito?

"Burahin niyo! Pag hindi mag saulian na tayo ng mga kandila!!" sigaw ko pero tumawa lang sila. Pinagkakaisahan talaga ako ng mga ito ah?

"Tama na yan,Jiko." pag awat ni Chance sa akin at hinapit ako.

"Burahin na kasi--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko,hinalikan na ako ni Chance sa harapan nilang lahat.

Chance always know how to handle me.

And Im so loving it.

Pag labi at halik na talaga niya ay nawawala na ako sa sarili. And Im willing to be out of my mind kung si Chance ang dahilan.

I love him with every fiber in my being.

See? Napapa english ako. Taena ni Chance eh.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C351
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ