ดาวน์โหลดแอป
92.16% M2M SERIES / Chapter 352: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 5)

บท 352: Ang Bastos Sa Kanto II (Part 5)

Today is the final rehearsal para sa pag imitate namin sa DNP. Nakaka inis lang na yung eksenang iniiwasan ko ang talagang gagawin namin.

"Sa amin tayo magpractice,medyo malayo pero huwag kayong mag alala,may snack naman." ani Arloo habang nakikipag kwentuhan sa mga ka grupo namin.

"Bet ko yan fafa Arloo." dagdag ni Ritz. Lahat naman ay bet niya eh.

"Ang saya niya. Matagal na din simula ng makapunta ako sa bahay ng classmate. Napaka common na kasi ng bahay ni Kiji eh!" sabi ni Summer kaya nilingon ko siya at tinunaw ng aking lazer na mga mata.

"Anong sabi mo gurl? Pagkatapos mong lafangin yung mga cookies,ginaganyan mo ako? How dare you?!" sabi kong ganyan ng lumapit. Nag peace sign ang luka-luka at ngumisi.

"Joke lang! Ang lapit kasi ng bahay mo kaya nasabi kong common."

"I thought you were my friend--"

"Bro,may xbox ka ba?" pamumutol ni Khyerr sa sasabihin ko.

"Oo,maglaro tayo pagkatapos ng rehearsal." sagot ni Arloo dito.

"Ano nga sinasabi mo teh?" nakangising pang iinis ni Ritz. Pag umpugin ko sila ni Summer eh!

"As I was saying--"

"Arloo,pwede ba mag over night sa inyo?!" entrada ni Perry,kung hindi lang sya leader dinukot ko na falopian tube niya! Bakit ayaw nila akong pagsalitain? Why? Why?

"Oo naman! Mas maganda yang naisip mo!" sagot naman ni Arloo. Oh well,hindi ko muna sila kakausapin,baka makatikim lang sila ng powers ko.

"Jiko." sabi ng boses sa labas kaya napatingin ako.

"Chance!!" masaya kong sabi at agad lumabas. Kita ko agad ang take out niyang Jollibee kaya napangiti ako.

Napaka memorable kaya ng Jollibee sa aming dalawa,alam niyo yan!

"Kain na tayo." ani Chance after he kissed me. Oh my he is just sooo sweet!

"Dito na lang tayo sa room,mamaya pa naman ang next class ko eh?!" maligalig kong sabi. Tumingin si Chance sa loob ng room at bumaling sa akin.

"Hindi ba nakakahiya?"

"Bakit ka naman mahihiya? Room namin yan,hindi kanila yan. At isa pa,kakain lang tayo. Keber diba? Edi panoorin nila tayo--"

"Tayo na,gutom na ako." hindi na ako pinatapos ni Chance,hinila nya ako papasok sa room. At ang lahat ng ulo ng mga classmates ko ay nag 360 degree! Ugh! Parang mga exorcist!

And so,pinagharap namin ni Chance ang dalawang upuan at nagsimula kaming kumain. Yung pakiramdam na may mga matang nakatingin sa inyo ay damang dama ko,yung tipong nakakapanindig balahibo,tas biglang tumahimik ang lahat.

Kaya lumingon ako!

Bigla ulit umingay,kanya kanyang kwentuhan. Ipinagkibit balikat ko na lang,baka after shock lang ito ng lagnat ko nung nakaraan.

Pero feel ko talagang may nakatingin eh,hindi ako pwedeng magkamali sa pakiramdam ko,women's instinct! Ahaha!

Lumingon ako ulit.

Nagka iba iba sila ng pwesto,ang weird talaga eh.

"Kung ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo,lalo kang magmumukhang kengkoy,Jiko. Pabayaan mo silang panoorin tayo. Naba-bothered ako sa mukha mo,nagmumukha kang gago." biglang sabi ni Chance kaya natigilan ako. "Eat this."

Sinubuan niya ako kaya kinilig na naman ako. Bahala na silang mga nanonood. Mamatay sila sa inggit.

Busy din sa Chance sa araw na ito dahil may group project din sila. Ni hindi ko nga nasabi sa kanya na kina Arloo ang final rehearsal,e-tetext ko na lang siya mamaya.

"Lahat tayo mag over night! Walang killjoy! Minsan lang ito!" sabi ni Perry. "Kaya ang mabuting gawin ay kunin ang mga phone at magtext sa ating mga parents! Ready set,go!"

Oh,parang mga praning,unahan nga sila sa pagtext,akala mo naman may premyo ang unang makapag send. Bahala sila,mamaya na ako magtetext kina Mama at Papa pati kay Chance!

"Una akong nakapag send!" sabi ng kagroup naming si Mitz.

"At dahil ikaw ang unang nakapag send. May premyo ka,papasahan kita ng fifty load." sabi ni Perry.

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sahig.

Hayup! May premyo nga?! Bwisit na yan! Alien ba tong mga ka group ko?

"Yehey! Thank you so much Perry!" galak na galak na sabi ni Mitz.

At ayun nga,nang uwian na ay naghanda na kami,tinext ko na sina Mama at Papa,at ayun nagpangaral pa sa text. Hayaan mo na,ganyan talaga ang mga mapagmahal na magulang.

Paglabas namin sa napakalaking Pamantasan ng Lungsod Pasig ay nangunguna talaga si Arloo. I wonder,san kaya ang bahay niya? Hindi nya ako masyadong pinapansin kahit nung mga naunang practice,pag tapos na ang practice parang hindi na niya ako kilala. Its not a big deal,I mean hindi naman ako matetegi kung hindi niya ako papansinin,medyo na shock lang ako.

Pumara siya ng jeep at hindi ko nabasa ang destinasyon,basta papunta sa crossing. Tumigil ang jeep na sakto wala pang laman,lumapit si Arloo sa driver at saglit itong kinausap. Pagkatapos ng ilang sandali ay sumenyas na sa amin si Arloo na sumakay na daw kami.

Ang saya lang nung nasa jeep na! Gaguhan! Sabunutan! Sipaan at hilahan ang drama! Patok pa ang jeep kaya sobrang enjoy namin.

Hanggang sa napansin ko na lumampas na kami sa Kapitolyo. Saan ba ang bahay nitong si Arloo?

Hala! Sige,deadma muna. More chika more fun muna with groupmates.

Makalipas ang ilan pang saglit at nasa highway na kami. At maya maya pa tumigil kami sa tapat ng isang subdivision na dati ko pang nadidinig pero ngayon ko lang nakita.

"OW MY GASH?! Taga green meadows ka fafa Arloo?!" sabi ni Ritz. Tumango si Arloo at nagbayad sa driver,I think color yellow ang binayad niya at niyaya na niya kaming bumaba.

Nakakaloka! Pang sobrang mayayaman na subdivision 'to eh?! Bakit sa PLP lang nag aaral si Arloo? Parang si Ohm lang! Sa bagay,mahirap ang maging mayaman,malapit sa mga kidnapping. Kaya siguro nagpapaka low profile si Arloo.

Sumaludo sa kanya yung mga gwardya sa gate,pumasok na kami at sinusundan lang namin siya. Hindi ko alam kung ilang street ang nilikuan namin,basta napanganga na lang ako ng tumigil kami sa harap ng napakalaking bahay,napakalawak,at ang gate ay sobrang taas!

"Dito na tayo." ani Arloo. Nilingon ko mga ka groupmates ko,lahat sila nakaka nganga,maliban kay Khyerr na ang cool pa din ng dating.

Nag doorbell lang si Arloo at bumukas na ang napaka laking gate. Pumasok kami,at feeling ko nag lock na ang jaw ko. May fountain sila sa gitna,at medyo maglalakad ka pa papunta sa mismong bahay,tas ang gaganda ng mga halaman at bulaklak sa paligid.

"Sa likod tayo mag practice,malapit sa pool. May mga pwede din kayong paglibangan dun after ng practice." sabi ni Arloo habang sinusundan namin siya,may sumalubong sa kanyang maid na talagang naka uniform pa. Saglit niya itong kinausap at umalis din ito.

At ng nandun na kami sa sinasabi nya eh na excite ang mga ka groupmates ko ng makita ang napakalaki at napakalawak na pool. Like duh?! May ganyan din kaya sa Pasig! Sa Rainforest nga lang.

"Lets start. At sana,wala ng magkakamali." ani Perry na halatang gusto din maglangoy.

Kaya ayun nga,ginawa na namin yung eksena. Yung last part ng DNP movie.

"Tutunganga ka na lang ba dyan blah blah blah..." linya ni Arloo bilang Cross. Medyo nakaka ilang kasi focus talaga siya.

"Ah..Eh...Ih...Oh...Uh..." at ayun nga teh. Niyakap ko na si Cross,este si Arloo. I feel awkward talaga.

"Yung pinaka last part na! Huwag umarte!" sigaw ni Perry.

Naghiwalay kami ng yakap ni Arloo. Ewan ko ba,ninenerbyos ako.

Dahan dahan lumapit ang mukha ni Arloo sa akin. Napapikit ako at narealized kong halos hindi na ako humihinga.

Lumapat ang labi nya sa labi ko. And I swear to God,sobrang natakot ako,kahit pa play lang ito. Pakiramdam ko nakagawa ako ng sobrang laking kasalanan.

Busy na silang lahat na naliligo sa pool,ang mga lalaki naman ay nagbi-billiard. For some reason,sobrang bothered ako. Hindi ko naman dapat maramdaman ito pero guilty ako. Parang gusto ko ng umuwi at makasama si Chance.

"Ang tahimik mo teh? Pareho kayo ni fafa Arloo. Iniisip niyo ang isa't isa?" pagpukaw ni Ritz sa pagkakatulala ko. Dahan dahan ko siyang nilingon gaya ni Annabelle doll. "Eehhh! Putangena mo teh! Huwag ganyan!"

"Charot lang!" ang agad kong sabi. "Oy,hindi ko iniisip yang si Arloo. Iniisip ko si Chance,hindi niya alam na nandito ako. Hindi ko pa sya tinetext."

"Problema ba yon? Text mo na!" sabi niya kaya napabuntong hininga ako.

"Galit si Arloo kay Chance,at panigurado papauwiin niya ako o di kaya ay susunduin."

"At bakit galit si fafa Chance? Nako ah?! Inggit na talaga ako sa ganda mo!" at hinampas pa ako ng bruhilda kaya nalaglag ako sa lapag.

"Anak ka ba ni Pacquiao?" sabi ko at hinampas din siya. "Basta,long story."

"Nako ah? Tell me something I dont know." nakangising sabi ni Ritz na hindi ko na sinagot dahil saktong nag ring ang phone ko,pagtingin ko ay si Chance ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Hello,Chance?"

"Nasan ka? Kanina pa kitang hinahanap?" napalunok ako,ayaw kong magsinungaling.

"Uhm,nandito kina Arloo,last practice. Over night nga eh." ang kinakabahan kong sagot. Nilingon ko si Ritz pero wala na siya sa tabi ko. Ayun! Hinahaliparot si Khyerr.

"Susunduin kita. Hindi ka pwedeng mag over night. Wala akong tiwala sa Arloo na iyan,Jiko. Give me the address." galit na sabi ni Chance,napabuntong hininga ako. I have no choice.

"Sige,tatanungin ko lang si Arloo,basta nasa GreenMeadows kami."

"Yung boyfriend mo ba ang kausap mo? Tell him na wala siyang magagawa,overnight tayo at kailangan ma polished ang play." nagulat ako sa nagsalita,si Arloo,nasa tabi ko na pala.

"Narinig ko yon Jiko! Sabihin mo sa gagong yan,kung hindi ka niya papauwiin,sasamahan kitang mag over night dyan!" biglang sabi ni Chance,kaya nalito na ako.

"Uhm,ano. Uhm,Arloo sasamahan daw ako ni Chance na mag overnight dito."

"What?!"

Dear diary,sabihin mo nga sa akin. Magkano ba ang ariel talaga? 7.50 o 8 pesos?

Iinumin ko lang para hindi ko masaksihan mamaya ang gyera nina Chance at Arloo.


next chapter
Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C352
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ