Baixar aplicativo
89.87% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 71: Chapter 71

Capítulo 71: Chapter 71

My Demon [Ch. 71]

 

Sobra-sobra ang pasasalamat sa'kin ni Tita Juliet kasi daw napauwi ko si Demon. Sa totoo lang, sa tingin ko, hindi ko deserve ang Thank You ni Tita. Kasi dahil naman sa'kin (ayon kay Jia), kaya daw nagkakaganito si Demon.

Nasa living room kami. Si Demon nasa kwarto niya. Nandoon din si Tito Romeo at mga nurse. Ang taas ng second floor nila pero rinig na rinig hanggang dito sa baba ang sigaw ni Demon. Nag-iinarte na naman ang bruho. Puro kasi, "Don't you dare!"

 

Siguro kung wala lang yung tatay niya doon sa taas, malamang kasama doon ang murang fuckin'. Maya-maya, lumitaw si Tito Romeo malapit sa railings sa second floor. Nakatingin siya sa'kin at nag-gesture na umakyat ako.

Nagkatinginan kami ni Tita Juliet. Ngumiti siya, hinaplos ang buhok at tumango. Sabay kaming tumayo at magkasamang umakyat papunta sa kwarto ni Demon.

Habang papaakyat kami, palakas ng palakas ang sigaw ni Demon. Nagwawala.

Sinalubong kami ni Tito Romeo nang marating namin ang second floor. Nasa likuran ko ang mag-asawa. Nag-uusap sila tungkol sa kaartehan ni Demon. Kahit pala noon na bata palang siya, ayaw na ayaw na niyang may ibang taong lumalapit sa kanya. Lalo na kung strangers. At lalo na kung hahawakan siya.

Napakaarte ng mokong na yun. Mas maarte pa sa babae. Daig pa si Chloe ng I Revenged On A Playboy.

Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Demon. Nakahiga siya sa magulong kama (dahil siguro sa pagpupumiglas niya). Yung comforter nakalaylay na sa sahig. Tapos yung isang unan nasa sahig na talaga. Ang mga nurse ay hindi makalapit sa kanya. Pa'no, sinasamaan niya ng tingin.

Mukhang naramdaman niya ang presence namin. Mula sa mga nurse, naglipat ang tingin niya sa'kin pagkatapos sa mga magulang niya na nasa likuran ko. Nag-iwas siya ng tingin tapos sumandal sa headboard. Nagkakaroon na blood stain yung bedsheet mula sa sugat niya sa braso.

"Keyr," nandito na naman ang ma-authority-ng boses ni Tito Romeo. Lumapit siya kay Demon. "Ipagamot mo na 'yang sugat mo. Wag matigas ang ulo."

De javu. Ganito ring ang nangyari noon. Yung na-injure yung braso niya dahil hinarang niya ang kahoy na dapat ay tatama saakin.

Hindi kumibo si Demon. Nakatingin lang siya ng diretso. Seryoso pero magkasalubong ang mga kilay.

Nilingon ako ni Tito Romeo kaya lumapit ako sa kanya. Salitan kaming tiningnan ni Demon. Ako, sa Daddy niya, tapos ako, tapos sa daddy niya na naman. Parang may sinasabi siya sa tatay niya kaso hindi ko maintindihan kung ano.

"Siya nalang ang gagamot sa mga sugat mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tito Romeo. Haluh, ano namang alam ko? Basic lang ang alam ko sa panggagamot ng sugat. Yung lalagyan ng betadine tapos hihipan. "Let's see kung itutulak mo rin siya palayo."

Kitang-kita kong nginisian ni Tito Romeo ang anak pati ang palihim na pagtaas ng sulok ng labi niya. Waaah! Ang kyoot! Para siyang si Demon kapag gumaganun. Like father like son.

Inutusan ako ni Tito na umupo sa gilid ng kama ni Demon. Ako naman, mabilis na sumunod. Sinulyapan ko saglit si Demon. Nakatingin lang siya sa gilid. Pero nakita kong pasimple siyang umusog para makaupo ako ng maayos.

"Mag-iingat ka, hija," sabi pa ni Tito Romeo. Kung kanina strict ang dating niya, ngayon naman parang nang-aasar. Parang inaasar niya si Demon. Tingnan niyo, para sa'kin ang sinabi niyang iyon pero kay Demon siya nakatingin habang nakangiti ng nakakaloko.

Umalis na siya kasama si Tita Juliet na akbay-akbay niya.

Sa gabay ng mga nurse, nagamot ko ang sugat ni Demon. Hindi naman matagal ang panggagamot ng sugat. Mas matagal pa nga ang pag-iinarte e. Naging awkward lang nung habang ginagamot ko ang sugat niya, nararamdaman kong nakatingin siya sa'kin. Tapos kapag titingin ako sa kanya, mahuhuli ko siya sabay iiwas naman siya ng tingin. Ilang ulit nangyari yun. Awkward pero parang... nakakakilig? Hihi. Ang sarap sa feeling na mahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin.

Ngayon, nakaupo kami pareho sa couch. Nilalagyan ko ng ice pack yung pasa niya sa bandang cheek bone.

"Masyado mong sinusunod ang daddy ko."

Napatingin ako kay Demon nang magsalita siya. Nakatingin siya kay Sam na pinapalitan ang bedsheet niya.

"Syempre─" He cut me off.

"Kapag inutusan ka ba niya na pakasalan ako, susunod ka?"

Napa-huh? ako though rinig na rinig ko ang sinabi niya. Maliwanag na maliwanag. Na-shock kasi ako eh. Sino ba namang hindi?

"Wala," tugon niya. Nilayo niya ang kamay kong may hawak ng ice pack sa mukha niya saka tumayo.

Naayos na pala ni Sam ang kama niya. Humiga si Demon doon at pumikit. Ilang segundo akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Bakit naman ako uutusan ni Tito Romeo na pakasalan ang anak niya? Nabuntis ko ba si Demon? Toinks.

Very thanks to Sam na kinuha ang ice pack sa kamay ko. Dahil sa kanya nabalik ako sa earth. Lumapit ako kay Demon tapos kinumutan siya. Hindi naman siya kumilos. Tulog na yata.

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa malambot niyang buhok."Demon, pumasok ka na bukas, ha? Namimiss ka na ng mga babae sa school."

Dumilat ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako sa paghamplos ng buhok niya. "The hell I care with others?"

Binawi ko ang kamay ko at tinago sa likuran. Nagbibiro lang naman ako. Si Demon nga pala siya, isa sa mga lalaking walang hilig sa babae─walang pakialam sa iba.

"Uuwi  na ko," paalam ko sa kanya. Nakatago pa rin ang kamay ko sa aking likuran. Saglit niya lang hinawakan ang kamay ko pero ang tagal mawala ng pakiramdam. Yung feeling na dumapo ang malambot niyang kamay sa'kin. Nakakakilig! Gusto kong batukan ang sarili ko. Masyadong pabebe. Hinila ko pa palayo. Heto tuloy, nagsisisi ako. Hahahaha.

"Edi umuwi ka." Tumagilid siya ng higa patalikod sa'kin. Aba! Tinarayan pa ko ng loko!

Sumimangot ako atsaka pumihit patalikod din sa kanya. Palabas na ko ng kwarto niya nang marinig ko siyang magsalita muli.

"Ingat."

Isang salita na may limang letra. Maiksi ngunit nagpatigil sandali ng mundo ko. Nilingon ko siya matapos kong matigilan. Nakatagilid pa rin siya at nakaharap ang likod sa'kin. Sauce! Kung talikuran niya ko kanina parang wala siyang pakialam sa'kin. Ayun pala, nagki-care din siya. Hihihi. Enebeyen. Kenekeleg na naman ako. Wihihihi.

Kinikinilig pa rin ako habang papalabas ng kwarto ni Demon. Sure naman akong hindi niya ako makikita kasi nakatalikod naman siya.

Napatalon nalang ako sa gulat nung may magsalta sa gilid ko. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Bibiruin ko pa sana si Tito Romeo kaso ang seryoso niya ngayon. "Sige po," yan nalang ang sinabi ko. Sinundan ko siya papunta sa office niya.

***

"Alam mo bang ako ang sinisisi ng anak ko?"

Hindi ako nakasagot. Actually, kanina pa ko walang imik. Kasi naman... nakakatakot talaga maging super seryoso ang taong palabiro. Tama naman ako, hindi ba? Ayan ang sitwasyong kinalulugaran ko ngayon. Napakaseryoso ni Tito Romeo to the point na kinakabahan ako lalo na dyan sa huli niyang sinabi este tinanong.

Nakaupo ako sa tapat ng desk niya habang nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri. Ayokong tumingin sa kanya kasi parang may galit siya sa'kin. Kasi parang ako rin ang sinisisi niya sa pagsisi sa kanya ni Demon. At isa pa sa dahilan kung bakit ayaw ko siyang tingnan ay dahil natatakot akong mahilo. Naglalakad kasi siya ng pabalik-balik sa harapan ko. Ayokong mahilo, 'no! Baka mamaya pag-uwi ko pagkamalan akong lasing ni Mama.

"Bakit daw sa'kin pa siya nagmana," dugtong pa niya.

Obviously ang topic namin ay ang nangyayari kay Demon ngayon. Since sila ang parents, sila ang naapektuhan malamang. Isa pang since siya ang sinisisi ni Demon, siya ang pinakanaaapektuhan sa lahat.

"Hija, may mali ba sa'kin?"

Nag-angat na ako ng tingin tutal nakatayo nalang naman si Tito Romeo. It's like, kung ano ang isasagot ko, damay na si Demon. Gets niyo?

"Tito, wala pong mali sa inyo," tapat na sagot ko sa kanya. "Sobrang gwapo niyo po. Kaya nga po ang daming babae ang nagkakandarapa sa inyo e."

Sandaling kumunot ang noo niya, pagkatapos ay ngumiti dahil sa compliment.

"Kahit passion mo po ang pakikipag-away, kahit ang sungit mo po sa'kin, kahit palagi mo kong binubully, at kahit insultuhin mo man ako ng bonggang-bonggang . . . walang mali sa'yo. Sa katunayan may . . . may tama ako sa'yo─" Tinakpan ni Tito Romeo ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Teka lang, iha."

Tumango ako, at doon niya lang inalis ang kamay niya sa aking bibig.

"Wala ka ata sa wisyo. Ako ang kaharap mo. Hindi ang anak ko."

Nag-pout ako kasabay ng pagbuntong-hininga. "Sinabi ko lang po ang gusto kong sabihin sa anak niyo."

"Na hindi mo masabi sa kanya?"

Tumango ako, aminado. "Kung kaya ko lang po talaga ang anak niyo, sinapak ko na siya. Puro nega kasi ang nakikita niya sa sarili niya. Bukod sa pagiging gwapo at yung . . ." Umiwas ako ng tingin saglit. " . . . abs niya, hindi na niya nakikita pa ang mga positive tungkol sa kanya. Mabait po ang anak niyo, Tito Romeo, in his own way. Thoughtful na dinadaan sa pagmamayabang, caring na sinasamahan ng pang-aasar, at protective na dinadaan sa pang-iinsulto." Napangiti ako ng palihim. Natatandaan niyo ba yung sinabi niyang, he's strong enough to take care of himself. Whom he has to take care with is me. Ang lampa ko daw kasi. (PekengKyoot: referring to Ch. 32)

 

"Isang tanong, isang sagot."

Halos hindi na ako kumarap habang hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"Gusto mo ba ang anak ko?"

"Opo, kaso po─"

Tinaas niya ang isa niyang kamay para pigilan ako.

"Narinig ko na ang gusto kong marinig. I don't need any excuses. You like him, he likes you. The feeling is mutual.

"Alam mo, hija," Wow. Mukhang magbibigay pa ng advice itong si Tito Romeo. "Sa larangan ng pag-ibig, lahat pantay-pantay. At walang hindi pwede: kung gusto mo talaga ang isang tao, maraming paraan. Wala kang dapat ikapanghinayang lalo na't parehas naman kayo ng nararamdaman.

Kung tutuusin walang kontrabida sa love story ninyong dalawa. Kayo lang ang kumokontra. Yung anak ko na pinagpipilitang mas gusto mo si Johan kaysa sa kanya."

Nagulat ako nang banggitin ni Tito Romeo ang pangalan ni Johan. Paano niya kaya nakilala 'yon? Well, pwede nga pala 'yon kasi siya ang may-ari ng school namin. Pero paano niya naman nalaman ang tungkol doon? Knowing Demon, napakaimposibleng magkwento siya sa Daddy niya.

"At ikaw na pinagpipilitang hindi kayo bagay, na hindi ka ang dapat para sa anak ko."

Hindi ako nakapagsalita. Lahat ng sinabi niya tama. At nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang lahat ng 'yon. Biruin niyo, pati POV ko alam niya.

"Bagay kayo ng anak ko. Bagay na bagay," nakangiting wika niya sa'kin.

"Talaga po?"

"Perfect match," aniya. "If I were you, hindi ko siya hahayaan mapunta sa iba. Kakaiba ka rin, iha, ano? Kung yung iba halos maghabol na mapunta lang sa kanila ang taong gusto nila, ikaw naman parang pinagtatabuyan mo, pinamimigay sa iba."

Pout was all I could do. Kasi naman akala ko si Jia ang mas lamang sa heart niya (cheesy!). Marami talagang namamatay sa maling akala.

 

"Wag kang magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao at panghinaan ng loob," patuloy niya. "You have the strongest weapon 'cause my son likes you more than anything. Do the must do before everything's too late. Baka magsisi ka."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C71
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login