My Demon [Ch. 72]
Nag-text sa'kin si Angelo kanina na hindi daw siya papasok kasi nawawala daw yung kuko niya sa paa. Hahanapin pa daw niya. Nyenyenye. Nag-beau-beauty rest lang yun kasi next week na ang graduation ball namin.
Wala ng masyadong ginagawa ngayon kaya nandito ako sa quadrangle. Ako lang ang mag-isa. Ini-scan ko ng paulit-ulit yung mga stolen pictures ni Demon na kinuha ko noon. May kuha siyang nakanganga pero ang gwapo pa rin. May kuha din siyang mukhang kengkoy pero gwapo pa rin. Ang daya lang.
"Soyunique!"
Mula sa phone, nag-angat ako ng tingin. There I saw Johan. Naglalakad siya papunta sa'kin na may dalang ngiti.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinintay siyang makalapit.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Para sa'yo," sabi niya. In-extend niya yung kamay niyang may hawak na paper bag. "Advance graduation gift ko sa'yo."
"Hala, ayoko, Johan," tanggi ko. "Nakakahiya. Wala akong regalo sa'yo."
"Wag ka nang mahiya." Kinuha niya ang kamay ko tapos nilagay doon ang handle ng paper bag. "Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit e. Gusto lang talaga kitang bigyan ng regalo. At isa pa, balita ko ikaw daw ang valedictorian. Congrats!" Ngumiti siya tapos pinisil ng mahina ang pisngi ko.
Nagpasalamat ako sa kanya.
"Buksan mo," utos niya nang hindi inaalis ang ngiti. "Im sure magugustuhan mo yan."
Sinunod ko ang inutos niya. Naglalaman ito ng ancient greek sandals. Nagningning ang mga mata ko. Ito kasi yung gustong-gusto kong bilhin nung nagpunta kami sa Market! Market! kaso di ko afford. Ang mahal kasi. Di ko inakala na napansin pala 'yon ni Johan.
"Thank you, Johan!" Sa tuwa ko, yayakapin ko sana siya nang...
"Padaan."
Naudlot ang moment ko, na si Demon lang naman ang may dahilan. In fairness sa kanya pumasok siya ngayon.
"Bingi ka ba?" sambit niya habang sinasamaan ako ng tingin.
Sumimangot ako at humakbang paatras. Tinapunan niya muna ng tingin si Johan bago dumaan sa gitna namin. Binunggo pa niya sa balikat si Johan.
Ito namang si Johan mukhang papatulan pa si Demon kaya agad akong lumapit sa kanya at pinigilan siya.
"Hayaan mo na siya. Alam mo naman ugali nun," sabi ko sa kanya habang sinusundan ng tingin si Demon na nakatalikod at naglalakad palayo. Nakapamulsa pa.
"Nagseselos." Umiling-iling siya. "Ako nga dapat ang magselos e," halos bulong na sabi niya pero rinig ko.
Nagkunwari nalang akong hindi yun narinig tutal sa iba naman siya nakatingin.
"Tara, libre kita ng ice cream," offer niya na hindi ko matatanggihan. Hahaha.
Ang bait talaga ni Johan. Niregaluhan na nga niya ako, nilibre pa niya ako sa Gelatissimo. Bumalik rin naman kami sa school kasi hindi namin dala ang mga gamit namin. Atsaka, kakausapin pa daw siya ng coach niya.
Nagpunta ako sa may likod ng Fuentalez High. Dala ko na yung bag ko, kasi ang balak ko, uuwi na ako. Sisilipin ko lang kung nandito pa rin ang motorbike ni Demon. Dahil isa lang ang ibig sabihin nun, nandito pa siya.
Wala yung motor niya. Umuwi na siguro yun. Pumihit ako at nagsimulang maglakad. Napatingin ako sa acacia tree. Especifically sa lalaking nakasandal doon. Nakaupo ito. Hindi ko makita ang mukha kasi nakatalikod ito. Nahaharangan pa ng trunk yung likod. Subalit malakas ang pakiramdam ko na siya ang taong gusto kong makita.
Kumapit ako sa parehong strap ng backpack ko pagkapos nagtungo papunta sa punong iyon. Binagalan at dinahan-dahan ko ang hakbang ko nung malapit na ako. Sumilip ako, at hindi nga ako nagkakamali. Si Demon ito!
Naka-diretso ang isa niyang tuhod habang ang isa ay nakatupi. Naka-cross arms pa tapos nakapikit. Haluh, ang hot!
Ingat na ingat akong humakbang upang hindi makagawa ng anumang ingay. Pagkarating ko sa harapan niya, pinicturan ko siya. Hindi pa ko nakuntento, lumayo pa ako tapos kinunan siya ng tatlong pictures.
Oha. May idadagdag na naman ako sa album niya dito sa phone ko: Sexily Handome ♥
Lumapit ako sa kanya then naupo sa harapan niya nang hindi nakasayad yung butt sa grass. Kinunan ko ulit siya ng picture, close-up. Pagkatapos, pinagmasdan ko siya ng walang sawa. Galit na galit siguro 'to kaninang umaga nung napansin niyang nagkapasa sa mukha niya. Oo, may pasa siya. Sa may bandang cheek bone. Swerte niya hindi masyadong malaki at walang kasamang bukol. Naagapan kasi ng yelo kaya ganyan.
Umihip ang hangin. Hinangin ang mahaba at kulot kong buhok. Pati yung kanya. At dahil dun, napansin kong may sugat sa may noo niya.
Nang hindi umaalis sa posisyon ko, binuksan ko ang bag ko at may nilabas na band-aid. Sorry siya puro may cartoon design ang mga band-aid ko. Panay Hello Kitty pa naman tapos puro kulay pink. May naligaw na kulay black, ayun ang kinuha ko. Kaso may design din na Hello Kitty. Hehehe. Dinikit ko yun sa noo niya na may sugat.
Nangalay na ko sa pwesto ko kaya naman umupo na ako sa tabi niya. Ang bango talaga ng bruhong 'to kahit kelan. Ang sarap tabihan.
Sa totoo lang, ngayong senior year lang ako natutong magpunta dito sa lugar na ito. Hindi naman kasi pwedeng dumaan ang mga estudyante doon sa back gate. Mga faculty members lang ang pwede.
Maraming mga puno at bulaklak dito, parang garden and park. Kung hindi pa dahil kay Demon hindi ko ma-e-experience ang lugar na 'to. Ang sarap magpalipas ng oras dito lalo na kung may problem ka. Tahimik tapos ang ganda pa ng ambiance. Sabayan pa ng sariwang hangin.
Tumingin ako sa natutulog na si Demon. Miss na miss ko na talaga siya. Sa sobrang dami ng gustong sabihin ko sa kanya hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Demon, dati ko pa gustong sabihin sa'yo..." Bumuntong-hininga ako sabay tingin sa harapan. "Gusto kita. Gustong-gusto kita." Sa wakas nasabi ko na rin.
Nagulat nalang ako nung mag-react siya. "Gusto lang? Hindi mahal?" Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ang bewang ko.
"Hoy, ang daya mo! Nagtutulog-tulugan ka lang pala dyan. Lumayo ka nga sa'kin!" Tinutulak-tulak ko siya palayo at paminsan-minsa'y inaalis ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko kaso nagmamatigas siya. Lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakayakap sa'kin.
"Ako lang ang gusto mo. Gustong-gusto. Wala nang bawian yan ah." Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko at pumikit. Gosh, dumadampi ang maiinit niyang hininga sa balat ko.
Tuwing umiihip ang hangin, umaalingasaw lalo ang pabango ni Demon. Bukod pa dun, nakayakap siya sa'kin na para bang ayaw akong pakawalan. Ang sarap lang sa feeling. Kaya nga hinayaan ko na siya at hindi na ako nakipagtalo pa e. Hihi.