[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ]
"I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me."
Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search.
Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa.
Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula ang lahat.
===
Isang dalagang tumatakbo sa mga libro para kalimutan ang katotohanang kahit anong gusto niyang gawin ay di niya magagawa dahil iba pa rin ang magdidikta para sa kanya. At isang binatang nahumaling sa kanya kahit na ang tanging ginagawa lamang naman niya ay magbasa sa harap ng bintana. Isang gabi. Isang piging. Paunang salita. Limang minuto.
(1) January : You, Me and the Fireworks of the New Year Sypnosis:
Mag-isang pumunta si Arika sa grand opening ng Villa Montenuma ng bagong taon dahil sayang ang perang ibinayad niya para sa reservation ticket na tutulong sana sa kanyang ayusin ang relationship niya. Now, ang dull lang ng lahat sa kanya, kahit pa maganda naman ang fireworks display ng naturang vacation spot. Until, she found a discarded writer's manuscript after the fireworks lit up the sky. And it belongs to her favorite writer.
(2) March : No One Saved The Princess Sypnosis:
Naghihintay ako ng taong sasagip sa akin.
Iyong parang sa telenovela o sa romance books, yung lalaki na laging susulpot sa tuwing may kailangan ako.
Kaso andami nang naganap, hindi pa rin siya dumarating.
Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutihan sa katawan at may pagkayabang, lagi niya pa ring nakikita ang maganda rito. Until, nalaman nito na may crush siya rito. Bukod sa tahasan siyang ni-reject at pinunit ang kanyang love letter, he avoided her like she's the harbringer of a deadly disease.
Four years later, nagulat na lang siya nang makita ulit ito. Ito kasi ang "sinuhulan" ng kaibigan niya para samahan siya sa three weeks na libreng getaway na napanalunan nila. Talk about awkward.
Inalo na lang niya ang sarili dahil three weeks lang naman niya itong pakikisamahan. Although, dapat hindi niya ji-ni-jinx ang sarili nang maaga, dahil maraming pwedeng mangyari sa loob ng tatlong linggo. Especially, if Ansel the Horrible is actually nice and she can see that without being the naive girl who has been chasing him like a lovesick puppy.