Unduh Aplikasi
71.42% ONE SHOTS [tagalog] / Chapter 15: [14] HALLUCINATION

Bab 15: [14] HALLUCINATION

[14] HALLUCINATION

"QUEEN?" natigil ako sa pakikipag usap kay Lucas at nanlaki ang mga mata nung marinig kong may kumatok at tumawag ng pangalan ko.

Napatingin ako kay Lucas at nanlalaki din ang mga mata n'ya. "Si mama." bulong ko. Natahimik kami ng ilang sandali. Nakarinig ulit kami ng katok kasabay ng pagtawag sa pangalan ko.

Nataranta ako. Hindi n'ya pwedeng makita si Lucas. Walang pwedeng makakita kay Lucas. Napadako ang tingin ko sa medyo kalakihan kong cabinet. Lumapit ako kay Lucas at tinulak s'ya upang magtago sa cabinet.

Sinara ko ito nang maigi. Tumingin ulit at sa pintuan nung bigla iyong bumukas. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Po?" sabi ko. Ngumiti ako at kinusot ang mata. Humikab ako para kunwaring kakagising ko pa lang.

Kahit nagtataka ay ngumiti parin ito sa'kin, muntikan na. "Anak, palagi ka nalang nagkukulong dito sa kwarto mo, ah? 2 years na. Baka naman may tinatago ka dito, anak ha?" alam kong nagbibiro lamang si mama ngunit hindi ko maiwasang kabahan.

Napakamot ako ng ulo ko, "Mapagbiro ka talaga, ma."

Tumawa ito kaya pilit din akong tumawa. "Palagi ka nalang nagkukulong talaga. Pero wala ka talagang tinatago, anak?"

"Ano ka ba naman, ma? Ano namang itatago ko?"

"Biro lang, anak." tumawa ulit ito. Nakagat ko ang labi ko.

"Bakit pala, ma?"

"Ah. Oo. Tara na sa baba. Kakain na." aya nito. Tumango ako.

"Sige po, ma. Susunod po ako. Magaayos lang po."

Ngumiti ito at lumapit sa'kin, "Mukhang masaya ka na, anak. Naka move on kana sa pagkamatay ni Lucas." napapikit ako ng mariin at mahigpit na itinikom ang mga kamay ko. Pinilit kong ngumiti. Ni-tap n'ya ang balikat ko at tumalikod na.

Naiinis na napaupo ako sa kama. Gustong gusto ko isigaw na buhay si Lucas pero hindi ko ito magawa para sa kapakanan n'ya. Hindi naman talaga patay si Lucas. Kakakausap pa nga lang namin, 'diba? Nagpapanggap lang s'ya na patay at ako palang ang nakakaalam na buhay s'ya.

Narinig kong bumukas ang cabinet. Lumabas mula doon si Lucas at saka ngumiti. Parang nawala lahat ng inis ko at kumalma nung makita ang ngiti n'ya.

"Kakain lang ako sa ibaba, ah? Pagdadalhan kita ng pagkain mamaya." ngumiti ako sa kan'ya at saka ako lumabas ng kwarto.

Bumaba ako at nagpunta sa kusina. "Napaka kupad talaga ng batang 'yan." masungit na sabi ni papa.

Napayuko ako at saka umupo. Hinawakan ni mama ang kamay ni papa, "Ano ka ba naman. Hayaan mo si Queen."

"Hayaan? Wala ngang kwenta 'yang anak mo! Palaging nakakulong sa kwarto!" binagsak nito ang hawak na kubyertos.

Nagulat si mama dahil sa pagsigaw ni papa. Pati ako ay nagulat.

"Anak mo din 'yan!" sigaw din ni mama.

"Simula noong namatay iyang Lucas na 'yan. Palagi nalang nagkukulong 'yang si Queen!"

"Mahal n'ya iyong tao!"

"Hindi s'ya maka move on sa pagkamatay nung lalaking iyon?!"

"Umayos ka ng pagkausap sa'kin! Manahimik ka, nasa tapat tayo ng hapag. H'wag mo namang pagsalitaan ng masama ang anak mo!"

"Ano?! Hahayaan mo nalang si Queen na umikot ang mundo n'ya sa iisang--"

"Minahal n'ya 'yong si Lucas! Hindi pa s'ya nakaka move on sa ngayon--!"

"---lalaki na patay na?!"

"---dalawang taon pa lang ang nakakalipas!"

Hindi ko na kinaya ang sigawan nila mama at papa sa isa't isa. Hindi na ako nakapagtimpi at padabog na tumayo. "Hindi pa patay si Lucas!" malakas na sigaw ko na nakapagtahimik sa kanila.

Kumunot parehas ang noo nila. Galit na tumingin si papa kay mama, "Kita mo?! Hindi parin nakaka move on ang anak mo sa pagkamatay nung Lucas---!"

"HINDI PATAY SI LUCAS!" sigaw ko.

"QUEEN!" awat sa'kin ni mama.

"Nagpapanggap lang s'yang patay! Maniwala kayo sa'kin!"

"Queen. Anong sinasabi mo?!" galit na sigaw ni papa. Tumayo s'ya. Tumayo din si mama.

"Gusto n'yo s'yang makita? Nasa kwarto ko s'ya!" umakyat ako papunta sa kwarto ko. Sinundan naman nila ako.

"Nababaliw na yata iyang anak mo!" sabi ni papa kay mama.

"H'wag mong pagsalitaan ng ganyan abg anak mo!" sabi ni mama.

Hindi ko sila pinansin, sa halip ay pumasok ako sa kwarto ko. Nadatnan ko doon si Lucas na natutulog sa kama ko. Kumalma nanaman ako ng makita ang maamo n'yang mukha habang natutulog s'ya.

Inaalog ko s'ya upang gisingin. Unti unti n'yang binuksan ang mata n'ya at ngumiti sa'kin. Napatingin s'ya sa gawi nila mama at papa kaya napakunot ang noo n'ya sa pagtatakha. Tinignan n'ya ako na may halong pagtataka. Umupo s'ya kaya inalalayan ko s'ya. "Lucas. Sorry.  I love you "

Tumingin ako kayla mama at papa, "Naniniwala na po kayo sa'kin?"

Nakatulala lang silang nakatingin sa'kin. Ilang sandali ang lumipas ay lumapit sa'kin si mama at niyakap ako. Umiiyak s'ya. Nakakapagtakha. Tumingin ako kay papa at nakitang umiiyak din s'ya.

"It's okay, Queen. Anak ko." mas hinigpitan nito ang pagyakap sa'kin.

Kumunot ang noo ko, "What, ma?" bakas sa tono ko ang pagtataka.

"You're hallucinating, anak."

"W-what do you mean?" naiiyak na sambit ko.

"Lucas is dead. He died 2 years ago."

"B-but, he's here! Ipinakita ko na sa inyo, 'diba? Ma? Pa? Sabi ko na sa inyo nagpapanggap lang s'yang patay!" hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.

"Anak, we're here. Mama and papa. We love you, Queen."

Napalingon ako kay Lucas pero laking gulat ko na lamang ng wala na si Lucas sa aking tabi.

"M-ma, pa? Lumabas ba si Lucas?"

Nagpatuloy lamang sila sa pag iyak.

———

Akane Daltsuki


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C15
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk