Unduh Aplikasi
76.19% ONE SHOTS [tagalog] / Chapter 16: [15] PLOTTED

Bab 16: [15] PLOTTED

[15] PLOTTED

          

Tinitignan ko ng masama ang bawat taong bumabangga sa balikat ko. Hindi man lang nag paumanhin.

"Ate.." tila kinakabahang usal ni Lyka. Kagaya ko ay nababahala din s'yang palingon lingon sa paligid namin habang naglalakad kami sa gitna ng maraming tao.

Nagawi ang tingin ko sa isang lalaking naka all black na medyo malayo layo sa kinaroroonan namin. Nakaturo ito sa direksyon namin habang kausap ang iba pang mga lalaking nakaitim. Nanlaki ang mga mata ko napakagat ako ng labi at napatingin kay Lyka na ngayon ay nakatingin na din doon. Napatingin s'ya sa'kin at saka kami nagtanguan.

"5." walang boses na usal ko.

"4." nakita naming nakatingin na din samin ang mga kasamahan nito.

"3." may hawak itong walkie-talkie at nagsimulang magsalita na hindi namin dinig.

"2." patuloy parin kami ni Lyka sa paglalakad ng normal habang pasimpleng lumilingon sa mga ito.

"1." biglang tumakbo ang mga ito papalapit sa gawi namin kaya napamura nalang ako at hinatak si Lyka upang tumakbo.

Madami dami silang tumatakbo na nakasunod sa'min. Nagkakagulo ang lahat. Madami na ring nakitakbo. Sino ba namang hindi mapapatakbo kung may biglang sumusunod sa'yo na mga kalalakihang naka all black? Idagdag pa na mukhang nasa bente ang bilang nila.

Namataan ko ang isang lalaking nakahinto sa gitna ng daan. Mukhang walang kaalam alam sa nangyayari. Tumakbo kami ni Lyka papunta sa gawi nito. Napalingon ako sa likod ko at nakitang may hawak na patalim ang ilan sa mga lalaking naka itim.

Binangga ko ang balikat at nilagpasan ang lalaking walang alam sa nangyayari.

"ATE!" napatigil ako sa pagtakbo nung marinig ko ang sigaw ni Lyka. Napihit ko ang aking katawan para tignan ang aking pinanggalingan. Hindi pa ako ganoong nakakalayo sa lalaking nakatulala.

Nakita kong hawak hawak ng dalawang nakaitim si Lyka at nakatutok sa kanya ang patalim.

Tila napako ako sa kinaroroonan ko. Parang nag slow motion ang pangyayari sa paningin ko. Dalawang lalaking may patalim ang bumangga sa lalaki sa gitna ng daan. Natumba ito. At bago pa gumana ang utak ko upang makapag plano ay naramdaman ko na ang pag damplis ng matigas at malamig na patalim sa tiyan ko.

————

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Blurred ang paningin ko ng mamulat ko na ito. Napakurap kurap ako upang umaayos ang paningin ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid ko. Nakahiga ako sa isang kamang kulay puti. Kulay puti din ang lahat nang nasa paligid ko.

Bumukas ang kulay puting pintuan at pumasok dito ang isang babaeng nakapang doctor. Ngumisi ito sa'kin at lumapit sa kinahihigaan ko. Nilagay nito ang kamay sa bulsa ng kanyang lab gown.

May kasama itong dalawang pulis. Ang isa ay isang lalaki na may hawak ng ballpen at papel. Habang ang isa naman ay isang babae. Naglakad din ito papalapit sa'kin.

"S-si Lyka po? Nasaan siya?" tanong ko sa mga pulis.

"She's safe. Don't worry. Nagkagalos lang s'ya. Kaso hindi nahuli ang mga taong may gawa sa inyo n'yan."

Nakatingin lang ako sa kanila. Tumikhim ang babaeng pulis bago magsalita, "Ehem. May kaunting katanungan lang kami." tumingin ito sa mga mata ko. Ginawa ko lahat upang wala silang mabasa na kahit ano doon maliban sa takot. Hindi ako nagsalita. "Kilala mo ba ang mga lalaking humahabol kanina?"

Ilang sandali akong tahimik bago sumagot, "Hindi." tanging sagot ko.

May sinulat ang lalaki sa kanyang notebook. "Bakit ka tumatakbo kanina?"

"Natatakot ako." sabi ko at suminghap, nanlaki ang mga mata ko at napakagat ako sa labi ko.

Tumango ito, "Bakit ka natatakot?"

Nanginig ako at may tumulong luha sa mga mata ko, "U-uhm. N-nakakatakot sila.." utal ko, "N-nakitakbo lang.." napapikit ako ng mariin at napalunok, "A-ako sa mga t-tao.." humawak ako sa saksak ko at saka dumaing. Inalalayan ako ng doctor.

Napabuntong hininga ang pulis at saka tumango, "Salamat sa pag sagot." tumingin ito sa doctor, "Mauna na kami." tumingin ulit sa'kin, "Magpagaling ka. Kawawa ka naman at nadamay kapa." tumango lang ako at pilit na ngumiti kahit sa isip isip ko ay gusto ko na s'yang irapan. Umalis na ang dalawang pulis.

Umayos ako ng upo pero naramdaman ko nanamang sumakit ang bandang tiyan ko kaya napadaing ako. Bumuntong hininga ang doctor at napailing.

"You're kinda reckless this time, Addison."

Tumingin ako sa kan'ya gamit ang matang nagtatanong.

Napahawak ito sa ulo n'ya, "Muntikan kana mahuli. Mabuti nalang at dito kayo sa hospital na 'to dinala."

"Nasaan si Lyka?" tanong ko dito.

Tumawa ito, "Oh, come on. Alam mo namang walang mangyayaring masama sa kan'ya. Masyado kang nadala."

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at napabuntong hininga sa napagtanto, "Ang target?"

"Nasa kabilang kwarto. Ikaw na ang bahala, Addison." sabi nito at naglakad papunta sa pintuan pero bago pa s'ya makalabas ay may sinabi pa s'yang muli, "Just go if you're already finish."

Ilang minuto akong nakaupo sa kama bago ko maisipang mag ayos. Hindi ko na iniinda ang natamong saksak dahil sanay na ako sa ganito.

Lumabas ako ng kwarto ko at nilibot ang paningin sa paligid, sinisiguradong walang tao.

Napangiti ako, buti nalang at marunong mag isip ng tamang lokasyon ng kwarto si Dra. Shan.

Sinara ko ang pintuan ng kwartong aking pinanggalingan at lumingon sa pinto ng katabi kong kwarto. Sigurado akong tulog pa ang tao dito.

Pumasok ako doon at tama ang hinala ko. Tulog ito at wala itong kasama na kahit sino. Lumapit ako sa kinaroroon ng taong nakaratay sa higaan.

Masama akong nakatingin dito at ramdam ko ang galit sa sistema ko.

Bigla kong naalala ang plano.

————

[FLASHBACK /BEFORE THE START/]

"Damn this guy. Dapat sa mga taong ganito, pinapatay." gigil na sambit ko habang hawak hawak ang cellphone ko at nangigigil na nakatingin sa litrato ng isang lalaki. Sa isip isip ko ay gusto ko na s'yang patayin.

"So. Anong plano, ate Addie?" tanong ni Lyka. Sandali akong nagisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang plano ko.

Huminga ako ng malalim at mahigpit naka tiklop ang aking kamay.

"Magpapanggap tayong biktima." sambit ko at saka ngumisi. Tumingin ako sa iba pa naming kasamahan. "Ang rinig ko ay pupunta s'ya bukas sa sangitan, madaming tao doon. Kailangan n'yo lang kaming habulin ni Lyka. Magdala kayo ng patalim. Kilala n'yo na ang target. Alam n'yo na ang gagawin."

"Addie, paano kung paghinalaan kayo ng pulis kapag nalaman na kayo ang hinahabol."

"Madali lang 'yan." umayos ako ng upo, "Saksakin n'yo din ako."

Nagulat sila sa sinabi ko, "Ate Addison!" gulat na usal ni Lyka.

"Sigurado ka, Addie?"

"Oo. Part of the plan, kailangan n'yong gawin dahil mataas ang tyansa sa mabuhay pa ang target. Kailangan ko ding mahospital upang hindi na din paghinalaan. Doon ko na din s'ya tatapusin kung sakali mang mabuhay pa s'ya."

Tumango lang sila bilang pag sangayon sa aking plano.

[end of flasback]

————

To; My Group

Successful.

Nilagay ko ang cellphone sa bulsa ko ng maisend ko ito.

Naglalakad ako papalayo sa hospital. Nakasuot ako ng hoodie habang nakasuksok sa bulsa ang aking kamay. Napangisi ako ng pumasok sa isip ko ang imahe nung lalaking kaninang nakatula sa gitna ng daanan na s'yang kaninang nakaratay sa hospital bed. Pero mas lalo akong napangisi nang maalala ko ang pagilit ko sa kaniyang leeg at ang pagsirit ng dugo mula rito.

'Ako ang binangga mo

Maling hakbang ang ginawa mo

Kumalaban ng hindi mo kilalang tao

Ayan ang napala mo.'

———

Akane Daltsuki


next chapter
Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk