Parehong nakaramdam ng guilty feeling ang mag asawa! Akala nila masama ang loob ni Eunice dahil kay Jeremy, yun pala dahil sa tampuhan nila.
"Sorry mga anak kung kulang na palagi ang time namin sa inyo lalo na ako! Promise babawi ako this summer!"
Sambit ni Nicole.
"Much better siguro kung mag babakasyon tayo!"
Dugtong naman ni Edmund.
"YES!"
Sabay na sigaw ng mga bata na nagtatalon pa!
"Okey sige, magbabakayon tayo for 1 week!"
Tugon ni Nicole.
"Teka bakit 1 week lang? gawin mo ng 1 month!"
Reklamo ni Edmund
"Grabe sya!"
"Kelan po tayo aalis?"
"Sa birthday ng Tita Nadine nyo para kasama sila!"
"Yehey! Magbabakasyon kami!"
Nagtatalon sa saya si Earl tapos ay biglang huminto ng may maalala.
"Mom, when po ang birthday ni Tita Nadine?"
"Hahaha!"
Natawa silang lahat sa kakulitan ni Earl.
"Teka wait, tawagan ko muna si Tita Nadine nyo para alam nya ang plan natin! Baka may iba syang plan sa birthday nya, hindi natin alam!"
Kasalukuyan na nasa byahe pa si Nadine pauwi ng bahay.
"Hello?"
"Hello Ate, anong plan mo sa birthday mo?"
"Ha? Wala pa bakit?"
"We are planning kasi na magbakasyon sa birthday mo at gusto sana naming magkakasama tayo para mas lalong mapabilis ang recovery ni Kate! Gusto mo ba?"
"Okey! Saan?"
Si Kate na tinawagan na rin pala ni Eunice para ibalita ang napagusapang vacation ay nagsisigaw!
"Sa Zurgau! Sa Zurgau!"
Ni loud speaker ni Eunice para madinig nilang lahat.
"Sa Zurgau daw sabi ng anak mo!"
"Okey!"
"Ninang pwede ko po bang isama si Melabs ko?"
"Yes, pag pinayagan sya ng Mommy nya!"
"Ninang pwede po bang kumbinsihin nyo ang Mama ni Melabs! Please!"
"Ha?"
"Please, po Ninang!"
"Okey, susubukan ko but I can not promise you na papayagan sya!"
"Thanks po!"
Kinabukasan, masayang masaya ang mag inang Nadine at Kate na pinaplano ang mga kailangan nilang dalhin sa darating na vacation.
Birthday yun ni Nadine kaya may ibang plan si Kate para sorpresahin ang Mommy nya. Kakuntsaba nya ang pinsan nyang si Eunice at si Melabs!
Nadinig ni Jaime ang masayang usapan ng kanyang mag ina kaya na curious sya.
'Birthday ni Nadine? Kelan?'
Napakamot sya sa ulo. Hindi nya maalala kung kelan nga ba ang birthday ng asawa nya.
Gusto nyang magtanong pero nahihiya sya. Hindi nya sigurado kung si Nadine nga ang may birthday. Nakalimutan na nya kasi.
Nang umalis na si Nadine, saka nya nilapitan si Kate.
"Kate, parang nadinig ko na may lakad kayo?"
"Yes Dad!"
"Talaga? Ba't di nyo sinasabi sa akin?"
"Po? Bakit po sasama po ba kayo?"
"Saan ba yan?"
"Sa Zurgau po! Dipo ba hindi nyo naman po gusto sa Zurgau?"
Natahimik si Jaime.
Hindi sa hindi nya gusto sa Zurgau, yung dadatnan nila ang ayaw nya!
Matapos kasing pakasalan nito si Nadine, hindi na ito muling nagpakita sa mga in-laws nya maliban kay Nicole. Alam nya kasing ayaw ng Daddy ni Nadine sa kanya.
Kaya natahimik na lang ito saka nangiti.
*****
Pero bago ang vacation, graduation ball muna. At pagkatapos naman ng graduation ball, graduation naman ng high school.
Kaya matagal tagal pa ang hihintayin nila.
Hindi na muling kinulit ni Jeremy si Edmund tungkol kay Eunice, naintindihan na nya! Bilang ama, natural lang na protektahan mo ang iyong anak.
Kaya ngayon nagiisip sya kung papaano ba nya mabibigyan ng special moment si Eunice.
Kinausap nya si Mel.
"Mel my friend, ano bang gagawin ko? Papaano ko ba mabibigyan ng special moment si Eunice bago ako umalis?"
"Jeremy my friend, bakit ngayon ka lang? Andito lang ako oh, nagaantay na tanungin mo!"
"Ibig sabihin matutulungan mo ako, Mel my friend?!"
"Oo naman, my friend!
Hindi mo ba alam na matagal ka ng inaantay ni Sissy pero hanggang ngayon hindi mo pa rin nasasabi sa kanya ang nararamdaman mo!
Bakit ka naman ganyan my friend? Huwag mo naman paasahin ang Sissy ko!"
"Mel my friend, hindi ko naman gustong saktan si Eunice! Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko!"
"Jusmiyo naman my friend, ang simple lang naman ng gagawin mo, sabihin mo kung ano ang totoong nararamdaman mo sa kanya!"
"Simpleng babae lang si Sissy ko at naaappreciate nya ang mga simpleng bagay lalo na at alam nyang mula ito sa puso mo!"
Tila nabuhayan si Jeremy sa sinabi ni Mel.
Kaya kinabukasan araw ng graduation ball, biglang nawala si Jeremy sa kalagitnaan ng party.
Nagpunta ito sa bahay ni Kate. Sa bahay nila Kate ay may daan papasok sa bakuran nila Eunice.
Pagpasok nila kila Eunice, dumiretso ito sa may hardin kung saan tanaw mula roon ang bintana ni Eunice, saka nya ito tinawagan.
"Eunice, matutulog ka na ba?"
"Hindi pa! May pinanonood akong movie!"
"Pwede bang bumaba ka saglit?"
"Ha? Asan ka ba?"
"Andito sa hardin nyo!"
Biglang tayo ni Eunice at nagtungo sa bintana.
"Anong ginagawa mo dyan? Diba dapat nasa grad ball ka?"
"Oo, pero umuwi na ako! Boring yung party eh! Pwedeng samahan mo ako kahit 'sang saglit lang?"
*Unedited*