Nagmamadaling bumaba si Eunice pero maingat ang mga steps dahil baka madinig ng Daddy nya.
Alam nyang hindi pa ito tulog dahil hinihintay ang Mommy nya na nasa grad ball ngayon.
Nangiti si Jeremy ng makita si Eunice na papalapit sa kanya.
"Anong bang ginagawa mo dito, baka makita ka ni Daddy?!"
Nagaalalang tanong ni Eunice pero hindi mapigilan nitong mangiti sa ginawa ni Jeremy.
"Sandali lang ako, may gusto lang akong sabihin sa'yo na matagal ko na dapat sinabi!"
"Ano yun?"
Nagtatakang tanong ni Eunice.
"Eunice, pwede ba kitang .... mahalin forever?"
Hindi alam ni Jeremy kung saan sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, pero natutuwa sya at nasabi na din nya.
Hindi naman nakapagsalita si Eunice, tila huminto ang oras sa mga sandaling iyon.
Dinig na dinig nya ang tibok ng puso nya na parang tambol, hindi nya makontrol.
'Seryoso ba ito?!'
Kita sa mukha ni Eunice ang pagkalito kaya biglang nataranta si Jeremy at nagpaliwang.
"Eunice, hindi naman kita pipiliting sumagot agad, naintindihan ko! Bata ka pa at aalis pa ako!"
"Gusto ko lang malaman mo ang nilalaman ng puso ko, na mahal kita, ikaw lang at wala ng iba!"
Natulala si Eunice sa sinabi ni Jeremy.
Nilapitan sya ni Jeremy saka hinawakan ang mga kamay nya at saka hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ni Eunice. Gulat na gulat!
"Sa pag alis ko, gusto ko sanang dalhin ang puso mo! Pero ayaw kong maging selfish! Gusto kong sumaya ka at mabuhay ng malaya!"
"Pagkatapos kong magaral, uuwi ako! At kung sa panahon na yun malaya ka pa, pakakasalan kita! Pangako!"
Muli nitong hinalikan ang kamay nya.
Bumukas ang bibig ni Eunice na tila may gustong sabihin pero hindi nya maisatinig.
Maya maya hinawakan naman ni Jeremy ang baba nya.
Dugudug dugudug dugudug!
Lumalakas ang kabog ng dibdib ni Eunice.
'Juskolord!'
Hindi sya makakilos pero tumitili ang kalooban nya.
At ngayon magkalapit na ang mga mukha nila napapikit na lang si Eunice habang masayang pinakikiramdaman ang mga haplos ni Jeremy na nagdudulot ng saya sa buo nyang pagkatao.
Ramdam nya ang mga haplos ni Jeremy, sa buhok nya .... sa pisngi nya ....sa ilong....at sa .....
"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?!"
Sigaw ni Edmund mula sa bintana ng kwarto ni Eunice.
Biglang napamulat ang mata ni Eunice ng madinig ang boses ng Daddy nya.
At pagmulat ng mata nya nagulat sya ng ang nakita nya ay ang mga mapupungay na mata ni Jeremy na sobrang lapit sa kanya habang ang kanyang labi ay bahagyang nakalapat sa labi nya.
SHOCKS!!!
Napalunok sya at biglang napaurong sa pagkagulat.
***
Nag report na kay Edmund ang mga security nya sa kanya na nakapasok si Jeremy ng hindi dumaan sa entrance gate kundi sa secret passage papunta sa bahay ng hipag nyang si Nadine.
"Nasaan ngayon ang mokong na yan at anong ginagawa nyan dito? Diba dapat nasa grad ball yan?"
"Nasa hardin po Sir, nakatingin sa bintana ni Ms. Eunice!"
'So, malamang tinatawagan ni Jeremy ang anak ko mula sa hardin!'
Maya maya may nadinig syang may kumikilos sa labas ng silid.
'Malamang si Eunice Yun!'
Pero ng buksan nya ang pinto wala syang nakita.
Bababa na sana sya ng makasalubong nya si Earl paakyat ng hagdan.
"Dad 'san po kayo pupunta?"
Puno ng paborito nyang pagkain ang kamay nito.
"Nakita mo ba ang Daddy mo sa baba?"
"Si Ate? Hindi ko po nakita!"
Sabay iling.
Hindi nya talaga nakita ang Ate nya nadinig nya lang na papalabas ito ng kusina. Sure nya na Ate nya yun dahil kabisado na nya ang mga hakbang ng Ate nya.
So technically hindi talaga sya nagsinungaling sa Daddy nya.
Saka alam din nya kasi na may plan si Jeremy today. Kinausap sya nito the other day dahil nadinig nyang naguusap silang tatlo ni Ate Kate nya at si Mel tungkol sa plano nya.
Hiniling ni Jeremy kay Earl na huwag sabihin sa Daddy nya kapalit ng drum set nya.
"Bakit ang dami mong dalang pagkain? Mauubos mo ba yan?"
Tanong ni Edmund kay Earl.
"Nope Dad! Pag diko po naubos ibinibigay ko po kay Ate Eunice!"
'Asus! Kaya naman pala tumataba ang ate nya, taga ubos ng tira nya!'
'Haist! eto talagang magkapatid na 'to!'
"Pumasok ka na nga ng room mo, Earl, gabi na! Saka hahanapin ko pa ang ate mo!"
Dumiretso na si Earl sa silid nya na katabi ng silid ni Eunice.
Mauuna ang silid ni Earl kay Eunice kaya hinatid sya ng Daddy nya at pagkatapos ay nagtungo naman sa room ni Eunice.
'Sorry Kuya Jeremy, sabi mo lang sa akin huwag kong sabihin kay Daddy, hindi mo naman sinabi na pigilan ko sya kaya bahala ka na!'
Pagdating sa room ni Eunice, hinanap nya ito sa buong silid pero wala.
At nagulat sya mula sa bintana tanaw nya ang dalawang anino.
Nanlaki ang mga mata nya ng mamukhaan kung sino ang dalawang aninong yun! Lalo na ng makita nyang papalapit ng papalapit ang labi nila.
"HOY! ANONG GINAGAWA NYO DYAN?!"