Descargar la aplicación
61.53% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 32: Chapter 32

Capítulo 32: Chapter 32

Nagising si Lexi na parang may nakahawak sa dibdib niya. Nang imulat niya ang mata niya ay hindi siya nagkamali. Nanlaki ang mata niya dahil pagtingin niya sa kanyang likod ay nakita niya si Jake na mahimbing ang tulog at nakahawak sa dibdib niya na akala mo ay maaagaw sa kanya. Umakyat ang dugo ni Lexi sa ulo at nakalimutan niya na may sakit ang binata. Walang babalang humarap siya sa binata at sinipa ito na naging dahilan para mahulog 'to mula sa hospital bed. Saka lang parang natauhan si Lexi ng pati ang stand ng dextrose ay bumagasak kasama ni Jake. Nagmamadaling dinaluhan ni Lexi si Jake na mas nagulat kaysa sa nasaktan. Lalong nataranta si Lexi ng makita ang dugo sa dextrose at nakalimutan ang init ng ulo.

"Sorry, sorry, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lexi habang inaalalayan ang binata sa pagtayo. "Ano bang nangyari? Bakit mo ko sinipa?" Tanong ng binata na ikinapula ni Lexi. "Nanaginip kasi ako. May kaaway daw ako ako tapos naglaban kami tapos sinipa ko. Eh, ikaw na pala yung nasipa ko." Sabi ni Lexi na alanganin ngumiti. Gustong matawa ni Jake sa kwento ng dalaga pero pinigil niya ang sarili dahil tiyak na hindi lang sipa ang aabutin niya kapag nalaman ng dalaga ang totoo.

Nagising si Jake na magaan na ang pakiramdam. Ngumiti siya dahil katabi pa din niya ang dalaga pero kumunot bigla ang noo niya ng maramdaman ang kamay niya na nakahawak sa malambot na parte ng katawan ni Lexi. Napalunok siya at nakaramdam ng kakaiba sa katawan niya. Tatanggalin na dapat niya ang kamay sa dibdib ng dalaga pero bigla namang nagising na ito. Pumikit siyang muli at nagtulug-tulugan at ang sumunod na nangyari ay bumagsak na nga siya sa sahig.

"Tatawag lang ako ng nurse." Sabi ni Lexi at mabilis na lumabas ng kwarto. Naabutan naman niya sa kusina sila Nanay Marie, Rhian, at Anthony na kumain na ng almusal at pagkakita sa kanya ay ngumiti ng makahulugan. "Good morning, Ate Lexi." Bati ni Rhian. "Patawag naman ng nurse, Rhian. Dumudugo kasi yung kamay ni kuya mo." Sabi ni Lexi. "Ha? Bakit?" Gulat namang tanong ni Rhian bago hinawakan ang intercom saka tinawagan ang ER. Bumalik naman sa loob ng kwarto si Lexi at nagulat siya na wala na ang dextrose sa kamay ni Jake. "Tinanggal mo na?" Tanong ni Lexi. "Yap, masakit na eh." Sabi ni Jake habang nakadiin ang kamay sa bulak na nakalagay sa kamay niya. "Ano bang nangyari, Dre, at dumugo. Okay naman 'yan kanina nung check ni Dr. Shane ah." Sabi ni Anthony na nakasunod pala kay Lexi papasok sa kwarto. Sabay na tumingin sila Jake at Lexi kay Anthony. "Oh, bakit ganyan reaksyon n'yong dalawa? Para lang naman nakita namin kayong magkatabi at magkayakap kanina." Nakangising sabi ni Anthony na kinapula ni Lexi at kinangiti ni Jake. "Nakita kami ni Shane?" Nakangiting tanong ni Jake. "Oo, Dre, medyo nahiya ngang pumasok nung una kasi baka makaistorbo kami." Sabi ni Anthony. Lalong nagdiwang si Jake sa nalaman na nakita sila ni Shane. "Ah, CR lang ako." Sabi ni Lexi at lumabas na sa kwarto. Nakasalubong naman niya si Rhian na kasama na ang nurse na tinawag. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Rhian. "CR lang." Sabi ni Lexi. "Bakit ang pula nun?" Tanong ni Rhian sa sarili.

"Oh, wala na pala eh." Sabi ni Rhian pagkakita sa kamay ng kuya niya. "Pakibaba na lang ang mga ito." Sabi ni Jake sa nurse na kasama ni Rhian. "Kamusta na pakiramdam mo, Kuya?" Tanong ni Rhian. "Okay na, magaan na ang pakiramdam ko." Sagot ni Jake. "Paano ba naman hindi gagaan eh katabi at kayakap mo ang gamot na kailangan mo. Yakapsul lang pala katapat mo. May kispirin na ba?" Tuksong tanong ni Rhian. "Wala pa nga eh." Nakatawang sagot ni Jake. "Mabuti pa ay kumain na kayo ni Ate Lexi." Sabi ni Rhian pagkakita kay Lexi na papasok na sa kwarto. Tumango ang dalawa at lumabas na silang apat mula sa kwarto.

Nagpaalam na si Rhian at Anthony na bababa na sa opisina. Madami kasing pasyente kaya madami din ang paper works na gagawin nilang dalawa. "Ihahatid na kita pagkakain natin." Sabi ni Jake. "Hindi na, dala ko ang kotse ko. Magpahinga ka na lang." Sabi ni Lexi. "Kamusta na 'yang siko mo?" Tanong ni Jake. "Okay naman." Sagot ni Lexi. "Sorry nga pala ulit kanina." Muling nagsalita si Lexi. Ngumiti si Jake pero hindi makatingin ng deretso sa dalaga. Nagtaka man ang dalaga pero 'di na ulit siya nagsalita pa. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Lexi ng tumayo si Jake pagkatapos kumain. "Maliligo tapos bababa." Sagot ni Jake. "At bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lexi. "Magtatrabaho po, tiyak na tambak na ang mga papel sa lamesa ko. Malapit na ang monthly meeting. Baka magalit ang board sa akin 'pag wala akong mareport sa kanila." Sabi ni Jake at nagpatuloy ng lakad papunta sa kwarto para kumuha ng tuwalya at damit pampalit. Nakasunod naman sa kanya ang dalaga. "Gusto mo bang mabinat? Ang taas ng lagnat mo maghapon kahapon tapos papasok ka na ngayon?" Tanong ni Lexi. "Eto naman parang wala sa medical field. 'Di totoo ang binat noh." Sabi ni Jake. "Mr. OIC, wala pong mawawala kung minsan eh susunod din tayo sa sabi ng mga matatanda. Hala, higa!" Sabi ni Lexi na ikinangisi ni Jake. "Anong gagawin natin?" Nakakalokong tanong ni Jake. "Heh! Magpahinga ka." Mataray na sabi ni Lexi. "Tabi tayo." Sabi ni Jake. "Ayoko! Hinding-hindi na ko tatabi sa'yo.!" Sabi ni Lexi. "Bakit naman? Ang bait-bait ko na pagtulog." Sabi ni Jake. "Kala mo lang!" Sabi ni Lexi. Natawa si Jake sa pamumula ni Lexi. "Lex..." Sabi ni Jake. "Bakit?" Tanong ni Lexi. "Sorry ha?" Sabi ni Jake. "Para saan?" Takang tanong ng dalaga. "Basta." Sagot ni Jake at pinikit na ang mata. Magaan na ang pakiramdam niya pero medyo nanghihina pa siya kaya susundin na lang niya ang dalaga.

Magtatanghalian na ng magising si Jake. Bumangon siya at lumabas. Nakita niya na may nilalabhang damit si Nanay Marie na pamilyar sa kanya. "Damit po ni Lexi 'yan 'di ba?" Takang tanong ni Jake. "Oo, matigas din ang ulo ng batang iyon. Dapat ay pauwi na eh nakitang ang daming ginagawa ng kapatid mo at ni Anthony kaya ayun, nanghiram ng damit kay Rhian. Nagbihis lang pagkatapos ay bumaba na." Sabi ni Marie. Bumalik si Jake sa kwarto, naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na. Pagpasok niya sa loob ng opisina ay nakita niyang subsob sa trabaho ang tatlo pero may isang mukha na di niya kilala at nakatabi ito kay Lexi. Tumikhim siya at sabay-sabay nag-angat ng mga ulo ang apat. "Oh, kuya, gising ka na pala." Sabi ni Rhian pero hindi kumibo si Jake at nakatingin lang sa lalaking katabi ni Lexi.

"Bakit hindi ka umuwi at nagpahinga?" Seryosong tanong ni Jake sa dalaga. Nagtaka si Lexi sa tono ni Jake pero 'di niya pinansin iyon. "Masama siguro ang gising." Sabi ni Lexi sa sarili. "Kawawa naman kasi sila. Wala din naman akong gagawin sa bahay kaya tumulong na lang din ako." Sagot ni Lexi. Tumingin si Jake sa lalaking katabi ng dalaga, ganoon din ang ginawa ng binata. Nagsukatan sila ng tingin. Naramdaman ni Anthony ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki. "Ah, Dre, siya nga pala si Ritchie, bagong ROD. Nag-apply siya nung nasa Palawan kayo ni Lexi. Co-intern siya ni Lexi nung OJT nila sa pagiging medtech." Pagpapakilala ni Anthony. "Ritchie." Pagpapakilala ng binata at inalok ng handshake si Jake. Tinanggap naman ni Jake ang pakikipagkamay ng binata. "Jake." Maikling sabi niya. "Siya pala 'yung kinuwento ko sa'yo na kalaro ko ng billiards noon." Sabi ni Lexi. Kumunot ang noo ni Lexi ng hindi pa nagbibitiw ang ng kamay ang dalawang binata. Nangingiti at nagkatinginan sila Anthony at Rhian. "Baka naman magkadebelopan kayong dalawa niyan." Birong sabi ni Rhian at pagkatapos saka lang nagbitiw ang dalawa na akala mo napaso.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C32
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión