Descargar la aplicación
63.46% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 33: Chapter 33

Capítulo 33: Chapter 33

Kumuha ng upuan si Jake at nilagay sa gitna nila Lexi at Richie. Walang nagawa ang dalawa kungdi bigyan ng space ang binata. "Bakit hindi ka sa table mo maupo?" Takang tanong ni Lexi. "Gusto kong katabi ang future girlfriend ko." Sabi ni Jake na sadyang nilakasan ang boses para madinig ng katabi. Hindi naman siya pinansin ni Richie na busy sa pagsusulat. Nagkatinginan na naman si Anthony at Rhian at nagkangitian pagkatapos. Dahil tambak ang trabaho nila ay 'di nila napansin na oras na ng pananghalian. Kungdi pa kumulo ang tiyan nila dahil sa gutom ay hindi pa nila maiisipang kumain. Pagdating nila sa canteen ng ospital ay halos puno ang loob nito. Nang pumasok sila ay nasa kanila lahat ng attention hindi lang ng mga staff kungdi pati mga pasyente at mga kasama ng mga ito.

"Grabe, ang gwapo talaga ni OIC." "Hindi naman papahuli si Sir Anthony noh." "Pati yung bagong ROD, grabe, makalaglag pati at bra silang tatlo." Sabi ng mga babae na kilig na kilig sa tatlong binata.

"Pare, kungdi lang kapatid ni Ma'am Rhian si OIC, matagal ko ng niligawan 'yan." "As if may pag-asa naman tayo sa kanya." "Si Ma'am Lexi din, kaso, wala tayong binatbat kay OIC." Usap-usapan naman ng mga lalaki.

"Richie, kami ng bahala sa lunch mo kasi tinulungan mo kami." Sabi ni Anthony. "Wala 'yun, basta para kay Lexi." Sabi ni Richie sabay ngiti sa dalaga. Dumilim naman ang mukha ni Jake. Lumakad na silang lima papunta sa nabakanteng lamesa. Magkatabi si Rhian at Anthony. Uupo na sana si Richie sa tabi ni Lexi pero madaling nakaupo si Jake sa upuan kaya ang naging pwesto nila ay nasa gitna si Jake nila Lexi at Richie. Pagkatapos mag-order at makuha ang pagkain ay bumalik na ulit sila sa lamesa. Si Richie naman ang nakipag-unahan sa upuan kaya ang pwesto na nila ngayon ay nasa gitna na ng dalawang binata si Lexi. Walang kamalay-malay si Lexi sa nangyayaring kompetisyon sa dalawang binata. Si Anthony naman at si Rhian ay gustong matawa sa reaksyon ni Jake. "Kung alam mo lang, Dre." Sabi ni Anthony sa sarili.

Nakatulog na si Jake kaya lumabas na din si Lexi mula sa kwarto nila. "Nay Marie, uuwi na po ako." Paalam ni Lexi sa matanda. "Sige iha ng makapagpahinga ka din." Sabi ni Marie. Lumabas na si Lexi mula sa bahay pero bago tuluyang lumabas ng ospital ay dumaan muna siya sa opisina para magpaalam kila Rhian at Anthony. Nang papasok na si Lexi sa opisina ay may sumabay sa kanya sa pagbubukas ng pinto. "Lexi?" "Richie?" Sabay nilang sabi. Lumingon muna si Richie sa paligid at ng walang makitang tao ay saka tumili. "Leeexxxxiiiii, bruha ka! Ang tagal na natin hindi nagkita. Kamusta ka na beks?" Sabi ni Richie sabay yakap sa kaibigan. Natatawa naman si Lexi habang nakayakap sa baklang kaibigan.

Kakaunti lang ang nakakaalam na bakla si Richie. Mga malalapit lang na kaibigan nito at isa si Lexi sa kanila. Nung unang pagkikita nila sa intership sa isang ospital ay hindi pa alam ni Lexi ang tunay na pagkatao ni Richie. Nagkacrush pa nga siya dito ng slight kasi ang gwapo nga ng lalaki pero habang tumatagal ay nakikita niya na may kakaiba sa binatang dalaga. Hanggang sa magkasama sila sa night shift duty, doon napatunayan ni Lexi na lalaki si Richie na may pusong dalaga. Habang umiidlip ang lahat ay si Lexi lang ang gising. Naglakad-lakad siya sa Pathology Section para matanggal ang antok niya. Baka kasi mahimbing siya ng tulog at hindi niya makuhanan ng dugo ang isa sa mga pasyente na nakaschedule ng 3 am. Akala niya ay siya lang ang gising pero ng madaan siya sa Bacteriology Section ay nakita niya na gising din si Richie at halos nakadikit na ang mukha nito sa isa sa mga co-intern nila na gwapong binata. Dahan-dahan siyang lumapit. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Lexi. Sisigaw sana si Richie pero natakpan na ni Lexi ang bibig niya. Hinila niya palabas si Richie para hindi magising ang iba.

"Bakla ka noh?" Walang kaabog-abog na tanong ni Lexi. Imbis na ipagkaila ni Richie ay inamin niya na agad dahil tingin naman niya ay mapagkakatiwalan ang babaeng kaharap niya. Magmula noon ay naging close na sila. Minsan ay pinagkakamalan pa silang mag-jowa dahil sa closeness nila. Minsan din ay talagang kailangan magpanggap ni Lexi na girlfriend ni Richie dahil sa mga babaeng gusto makipaglapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito, Beks?" Nakangiting tanong ni Lexi. "Well, isa na ako sa mga ROD dito." Mayabang na sabi ni Richie. "Wow! Sosyal na ang beks ko." Sabi ni Lexi. "Nemen, pero beks, daming gwapo dito. Lalo na si Sir Anthony. Baka dito ako mabuking." Sabi ni Richie na ikinatawa ni Lexi. "Mas gwapo OIC dito." Sabi ni Lexi. "Ows? Talaga?" Tanong ni Richie na nagniningning ang mga mata. "Pero off limits na." Sabi ni Lexi na kinataas ng kilay ni Richie. "At bakit naman, aber?" Tanong ng binatang dalaga. "Malapit na siyang maging taken." Sabi ni Lexi at deretso ng pumasok sa loob kasunod si Richie pero nagulat silang pareho dahil nag-iintay na pala sila Anthony at Rhian na mukhang nadinig ang usapan nila dahil may mga ngiti itong makahulugan.

"Muntik mo na kaming magoyo Dr. Richie ah." Nakangiting sabi ni Anthony. "Oo nga, nagkacrush pa naman ako sa'yo." Sabi naman ni Rhian na kinakunot ng noo ni Anthony. "Sorry po talaga, Sir, Ma'am." Hinging paumanhin ni Richie. "Madami talagang naloloko sa lalaking 'yan." Nakangiting sabi ni Lexi. "Sige, dahil kaibigan ka naman ni Ate Lexi, pinapatawad na kita pero may papagawa ako sa'yo. Alangan kami lang ang magoyo mo." Sabi ni Rhian kasama ng isang malokong ngiti.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C33
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión