App herunterladen
35.21% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 75: Nag Aalala Na Si Issay

Kapitel 75: Nag Aalala Na Si Issay

Birthday na ni Mama Fe! Ready na ang lahat pero natataranta pa rin silang lahat maliban kay Mama Fe. Kinikilig kasi sya habang palapit ng palapit ang oras. Hindi tuloy maalis ang kanyang mga ngiti.

Maliban sa mga kamaganak at malalapit na kaibigan ni Mama Fe at ng asawa nya, imbitado rin ang mga kasamahan sa trabaho ng magkakapatid.

Isa si Miguel sa kaibigan ni Joel, pareho kasi sila ng sports. At ng malaman nitong taga San Roque sya, inimbitahan nya itong dumalo sa kaarawan ni Mama Fe, pero hindi yun alam ni Anthon. Magkakilala si Anthon at Miguel dahil pareho sila ng trabaho, pero walang nakakaalam sa kanila na naging magkasintahan dati si Issay at Miguel.

Papunta na ng San Roque ngayon si Miguel ng makatanggap ng tawag sa ina.

Wala syang planong sagutin ito dahil gusto na nyang makarating agad ng San Roque.

Nabalitaan nya kasing may posibilidad na andun si Issay at nais nya itong makita. Matagal tagal na rin na wala syang balita sa dating kasintahan matapos syang umalis ng San Roque at magtungo sa amerika ng walang paalam.

'Ano kayang itsura nya? Naalala nya kaya ako!'

Nangingiti ito habang inaalala sa isipan nya ang mukha ng dating kasintahan at nanabik na syang makita ito ng malamang wala pa itong asawa.

Diborsyado na si Anthon sa asawa at may dalawang anak na parehong may pamilya na at naninirahan sa amerika.

Kaya sa status nya, single din sya ngayon.

Nang tumunog ulit ang cellphone sinagot na nya ito.

Miguel: "Hello Ma?"

"Walangiya ka kanina pa ko tumatawag sa'yo ba't ngayon ka lang sumagot?!"

Singhal ng nasa kabilang linya.

Miguel: "Ikaw ang walanghiya!"

"Asan si Mama? Anong ginawa mo sa kanya? Ba't na sa 'yo ang phone nya?"

Sunod sunod nitong tanong.

"Wala kang galang! Ako ang ama mo baka nakakalimutan mo?"

Miguel: "Wala akong pakialam kung sino ka dahil matagal na akong walang ama!"

"Sira ulo ka talaga! Nasa akin ang Mama mo at hindi mo sya makikita pag hindi mo pinakasalan si Belen Perdigoñez! Naintindihan mo!"

Sabay baba ng phone.

Miguel: "Hayop ka ba't dika pa mamatay!"

Ang kausap ni Miguel ay si Oscar Barlameda ang ama ni Miguel. Pinakasalan nito ang Mama niya na si Josefina Saavedra dahil sa kayamanan nito.

Kaya ng magkaroon ng pagkakataong makuha ang negosyo ng pamilya, iniwan ang asawa at anak at sinabing hindi tunay ang kasal nila. Pitong taon lang nuon si Miguel ng mangyari iyon pero nakatanim sa isip nya ang kahayupang ginawa ng lalaking iyon sa kanyang ina.

Lubos na dinamdam ni Josefina ang ginawa ng asawa nya lalo na ng malaman na hindi sila kasal. Lumalabas tuloy na illegitimate child si Miguel, at iyong ang hindi nya matanggap ng lubos, kaya nauwi sa pagiging tulala nya. Dahil dito dinala si Josefina ng ama sa amerika at duon pinagamot.

Sa sobrang galit ng lolo ni Miguel sa ama nito, pinatanggal nya ang pangalan at apelyido ni Oscar Barlameda sa birth certificate ni Miguel. At mula nuon ay naging Miguel Saavedra na sya.

At ngayon, nakuha ni Oscar ang nanay nya, nagdadalawang isip si Miguel kung tutuloy pa ba sya sa birthday o hindi.

Kailangan nyang iligtas ang ina sa walanghiyang lalaking iyon!

****

Sa isang kuwarto ng resort, naruon si Anthon hindi na sya mapakali. Gusto nyang maging perpekto lahat para kay Issay.

Ito na ang araw na pinakakahintay nya, nakahanda na naman ang lahat pero hindi pa rin sya mapakali.

Lahat tuloy sa paligid nya nahahawa sa kanya at natataranta din dahil sa kanya.

Gene: "Bro, relaks ka lang! Kaya mo yan!"

Joel: "Kuya, gusto mo ba ng pampakalma?"

Tiningnan ng matalim ni Gene si Joel.

Joel: "Nakakahawa sya e, pati ako natataranta na rin!"

Anthon: "Pasensya na kayo sa akin

Natatakot lang ako pano kung ...."

Gene: "Bro, wag ka masyadong magisip, naka ready na ang lahat!"

Joel: "Tama Kuya, wagka masyadong magisip! Dapat positive!"

Anthon: "Hindi ko alam ang gagawin pag nawala ulit sa akin si Issay!"

Gene: Hindi mangyayari yun Bro, sisiguraduhin namin ni Joel na walang mangyayaring masama!"

Napa buntunghininga na lang si Joel, kahit ano kasing sabihin nila hindi pa rin mawala ang kaba ng kapatid kaya naisipan nitong tawagan ang kasintahan para makausap si Anthon.

Nasa isang silid din sa resort sila Issay kasama si Vanessa. Hinahanda nila ang gagamitin para mamaya sa party. Sila Issay kasi ang una sa listahan na magpe perform.

Pero ramdam ni Vanessa na hindi mapakali ang kaibigan tila kinakabahan.

Vanessa: "Sis, okey ka lang? Parang kinakabahan ka sa sayaw nyo mamaya?"

Nung praktis, nakita na ni Vanessa kung paano sumayaw ang kaibigan at napahanga sya sa galing nitong sumayaw.

Issay: "Medyo!"

Vanessa: "Medyo? May iniisip ka bang iba?"

Issay: "Haaay!"

"Si Anthon kasi! Kinakabahan kasi ako sa mga kinikilos nya! Para kasing iniiwasan nya ko, hindi naman sya dating ganun!"

Vanessa: "Asus! Akala ko naman kung ano!"

"Wag mo masyadong isipin si Anthon at sobrang naiistress yun!"

"Alam mo naman na may pagka perfectionist ang jowa mo diba!"

Issay: "Oo, pero gusto kong tulungan sya pero parang ayaw naman akong kausapin!"

Nakangusong pang sabi nito, halatang nagtatampo.

Nangingiti naman ng palihim si Vanessa para sa kaibigan.

'Kung alam mo lang kung anong pinaplano ng jowa mo!'

Pinigilan ni Vanessa na kiligin dahil baka makahalata ang kaibigan.

Buti na lang tumawag si Joel.

Joel: "Honey love, si Kuya Anthon masyadong nagaalala di na namin alam ang gagawin!"

Vanessa: "Ay nakakakilig naman pareho silang nagaalala! Hihihi!"

Issay: "Sino yan, si Anthon? Pakausap!"

Sabay agaw ng phone sa kaibigan na ikinagulat ni Vanessa.

Issay: "Hello, Anthon!"

Joel: "Ate ako 'to si Joel!"

Issay: "Asan ang Kuya mo? Gusto ko syang makausap, sige na!"

Pag hindi mo ko pinakausap sa Kuya mo hindi ko rin papakausap sayo si Honey love mo!"

'Grabe sya sa kin!'

Walang nagawa si Joel kung hindi ibigay ang phone kay Anthon.

Joel: "Kuya, si Ate Issay gusto kang makausap!"

Umiiling si Anthon. Kinakabahan na talaga sya. Pero naalala ni Joel ang sinabi ni Issay na hindi nya makakausap si Vanessa pag di nya nakausap si Anthon.

Joel: "Kuya, nagaalala na sa'yo si Ate Issay! Pag hindi mo sya kinausap lulusubin na tayo nun dito. Alam mo naman me pagka amasona ang girlfriend mo!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C75
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen