App herunterladen
35.68% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 76: Manunuod Ako

Kapitel 76: Manunuod Ako

"Kuya, nagaalala na sa'yo si Ate Issay! Pag hindi mo sya kinausap lulusubin na tayo nun dito! Alam mo naman me pagka amasona ang girlfriend mo!"

Pangungumbinsi ni Joel kay Anthon.

Nangingiti naman si Issay sa kabilang linya, nadidinig nya kasi ang sinasabi ni Joel.

Nang marinig ni Anthon na nagaalala ang kasintahan kinuha nya agad ang phone. Hindi nya rin kasi nais na mag alala si Issay.

Anthon: "Hello, Issay! Mahal!"

Nawala na ang pagaalala ni Issay ng marinig ang boses ng kasintahan.

Pero lalo naman nagaalala si Anthon dahil baka galit si Issay. Ramdam nya na ang kasintahan ang nasa kabilang linya pero bakit hindi siya sumasagot?

Issay: "Alam kong andyan ka, Mahal! Galit ka ba? Sorry na, wag kang masyadong magaalala okey lang ako!"

Promise pagkatapos nito babawi ako!"

Issay: "Hmp!"

Nangiti si Anthon ng madinig ang boses ni Issay, tila lahat ng pagaalala ay nawala.

Anthon: "Wag ka na magtampo, Mahal! Pangako mamaya, pagkatapos ng selebrasyon may sorpresa ako sa'yo!"

Issay: "Ows? Totoo ba yan? Baka niloloko mo lang ako ha, hindi talaga kita kakausapin ng isang buwan!"

Anthon: "Oo, promise ko sa'yo mamaya pagkatapos ng selebrasyon may pupuntahan tayo! At bukas tayong dalawa lang, pangako yan!"

Issay: "Sige na nga naniniwala na ko! Pero ipangako mo muna sa akin na tatawagan mo ako mamya bago kami sumayaw!"

Naglalambing nyang sambit.

Anthon: "Bakit kinakabahan ka ba?"

Issay: "Naalala ko kasi nuon bata pa tayo, bago ako magsayaw nilalapitan mo ako o kaya tinatawagan mo pag dika makalapit. Tapos sinasabi mo sa akin 'galingan mo ha manunuod ako!'"

"Gusto ko ulit madinig na sinasabi mo sa akin yun! Pwede ba?"

Pano ba nya makakalimutan yun? Nuong mga bata pa sila, yun ang simpleng paraan para maiparamdam kung gaano nya kamahal si Issay. At ngayon madinig nyang natatandaan at hinahanap ito ng kasintahan, labis labis ang galak ng kanyang puso.

Anthon: "Pangako pupuntahan kita bago ka sumayaw!"

Nakangiti na at parehong masaya ang dalawa magkasintahan. Ang kaninang pagaalalang nararamdam ng bawat isa ay parang isang bula na naglahong bigla, at napuno ng saya at pagibig ang paligid ng bawat isa.

Walang nagawa ang magkapatid na si Gene at Joel kundi iwan si Anthon dahil hindi na nila matagalan ang pagpapa cute nito sa phone.

******

Pag dating ng ala sinko ng hapon, isa isang nagdatingan ang mga bisita.

May mga nagmula sa pulitika meron din sa militar at mga kilalang negosyante.

Hindi naman ganuon ka impluwensiya ang mga Santiago pero dahil ata sa kasikatan ni General Gene marami ang nagkainteres na dumalo.

Mga alas siyete na ng gabi nagsimula ang selebrasyon.

Pinakilala na ng host ang birthday celebrant.

Host: "Ladies ang Gentlemen, ang birthday celebrant, Mrs. Maria Felisidad Santiago!"

Nagtayuan ang lahat habang pumasok sa venue si Mama Fe kasama ang tatlong naggwagwapuhan nyang mga anak at apo na nagpakilig sa mga kababaihan duon.

Naupo si Mama Fe at ang pamilya nito malapit sa stage.

Ngunit bago naupo hinanap muna ng mga mata nya si Issay at ng hindi makita, nadismaya ito.

Mama Fe: "Anthon, nasaan si Issay?"

Anthon: "Ma, nasa likod po!"

"Sila kasi ang unang sasalang kaya andun sya! Diba ito ang gusto nyo?"

Naalala nga ni Mama Fe na sya ang nagsabing paunahin muna silang sumayaw para makapagbihis ito agad at hindi pagod pagnagpropose si Anthon.

Mama Fe: "Akala ko kasi makikita ko sya pagpasok ko dito!"

Anthon: "Pinapunta kasi sila agad duon ng event coordinator para daw naka ready na!"

Mama Fe: "???"

Napansin ito ni Anthon.

Anthon: "Nagpunta po kasi ako duon Ma, kanikanina lang!"

Kanina bago magsimula ang selebrasyon nagtungo sa backstage si Anthon para tuparin ang pangako nito kay Issay.

Anthon: "Mahal, (sabay hawak sa bewang ng kasintahan at hinalikan sa noo) Galingan mo ha, manunuod ako!"

Kinikilig naman ang mga kaibigan nito na kasama nya sa sayaw.

Issay: "Pangako, gagalingan ko para sa'yo!"

Sabay kawit ng kamay sa leeg ng kasintahan.

Mache: Ay, grabe na 'to!"

Issay: "Sige na Mahal, punta ka na dun at baka inaantay ka na ni Mama Fe!"

Sabay halik sa mga labi ni Issay na tila sinasadya ni Anthon para inggiting ang mga naroon.

Anthon: "Relaks lang po kayo Ma, makikita nyo rin si Issay!"

At ngumiti na ito pero hindi nya inaasahan na hindi kaagad tatawagin ng host ang grupo nila Issay dahil kinausap pa nito ang mga guest.

Host: "Hello po, alam kong gutom na kayo, ako din!"

Natawa sila.

Host: "Pero bago tayo magsikain pwede bang magtanong muna ako kung ano ang wish nyo sa may birthday?"

At lumibot ito sa paligid para maghanap ng matatanong na ikinadismaya naman ng may kaarawan.

'Ang tagal naman! Balak ba nyang tanungin lahat e halos pare pareho naman ang sinasabi nila!'

Nang tila napagod na rin ang host nilapitan nito si Mama Fe at siya naman ang tinanong.

Host: "Mam Fe, ano naman pong masasabi nyo sa mga wish nila sa inyo?"

Seryoso syang tiningnan ni Mama Fe.

Mama Fe: "Nagpapasalamat ako sa kanila pero gutom na rin ako, kaya bilisan mo!"

At nagtawanan ang lahat sa sagot ni Mama Fe na napakamot naman ang ulo ng host.

Nilapitan ni Anthon ang host at sinabi ditong tawagin na ang unang magsasayaw para hindi mainip si Mama Fe.

Host: "Mukhang nagugtom na nga kayo at pakiramdam ko gusto na rin ninyo akong kainin!" Hehe!"

"Mabuti pa tawagin ko na ang unang magpe perform para naman maaliw kayo lalo na ang may birthday na masama na ang tingin sa akin!" Hehe!"

"Bilisan mo na kasi ipakilala mo na!"

Sigaw na ng karamihan.

Nalaman na kasi nilang ang grupo nila Issay ang sasalang at karamihan ng mga taga San Roque kilala sila.

Host: "Oh, sige na eto na!"

"Haaay ang hirap kumita ng pera!"

Sinadya nya ito para lalong manabik ang mga tao roon.

Kaya madidinig mo na ang sigawan nila.

Host: "Mga kasama ipinakilala ko na sa inyo ang pride ng San Roque high school, The Shine Dance Group!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C76
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen