Download App
18.51% When Moon Collides with Sun / Chapter 5: Kabanata 2

Chapter 5: Kabanata 2

Febuarary 05, 3030

Friday

Kadiliman at kawalan..

Nasaan ako?

Wala akong makita buhat nga ng kadiliman, ngunit may nakikita naman ako na kaunting liwanag sa satingin ko ay dulo. Pero malayo.

Malamig pero hindi ko masasabi na kung iyon ba ay dahil sa simoy ng hangin.

Sinubukan kong humakbang papunta sa liwanag na iyon pero nagulat ako ng bago pa ako makahakbang ay may nag lakad na babae sa harap ko at huminto sa tapat ko.

Napakunot ang noo ko.

Pamilyar ang babae sa harap ko ngayon.

Ilang segundo akong nakatingin sakanya para alalahanin kung saan ko 'sya nakita.

Unti unting nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko na kung sino ang babae sa harap ko. 'Sya yung babaeng tumulak sa akin sa pool!

Pinilit kong inalala ang dahilan ng pag tulak 'nya saakin pero wala akong maalala.

Napaatras ako sa takot ng bigla 'syang ngumiti.

Nangilabot ako sa ngiti 'nyang iyon. Napa hawak ako sa magkabila kong braso at hinimas himas iyon. Nag babakasakali na bumaba ang tumitindig na balahibo ko sa lamig na mayroon dito at ang ngiti ng babae na nasa harap ko.

"A-anong ginagawa ko dito? Ikaw paano ka napunta dito? Bakit tayo nandito?" sunod sunod kong tanong dahil unti unti ay natataranta na ako!

Gising Damara, gising!

Kinukurot ko ang braso ko sa pag asang magising na ako.

Sa takot ay nagsimula na akong mag dasal dahil ito na lang ang nakikita kong paraan para magising.

Ama namin, sumasalangit ka—

"Huwag ka ng mag dasal dahil narito lang ako upang ipaalala saiyo ang isa sa mga alaalang nalimutan mo."

Napaatras ako sa gulat at nanlaki ang mga mata.

Nababasa 'nya ang isip ko?!

"Oo, at humanda ka na." pag kasabi 'nya ng mga salitang iyon ay mabilis na sumakit ang ulo ko!

"Ahh!" napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na tinatamo. Hindi ko alam kung saang banda ng ulo ang hahawakan ko dahil sa sakit. Unti unti akong napaluhod at napaupo. Nanghihina na ako.

'Mamatay ka na sana, ngayon na!' isang malabo ngunitpuno ng galit ang tinig na aking narinig.

Nicaise..

Mga katagang bumago sa buhay ko.

Napaluha ako sa nadinig, maging sa sakit ng ulo ko.

'Kung maaari lang sana..' nakita ko ang sarili ko na malungkot na ngumiti at tumalikod upang umalis.

Tuluyan na akong napahagulgol sa alaalang nag balik.

Kahit maiksi at malabo, iyon ay sobrang sakit.

Mang matapos na ang malabong alaala ay hindi agad ako nakaimik at nakagalaw.

"Bakit mo binalik ang mga alaalang iyon?" tanong ko agad nang nakakuha na ako ng lakas.

Sa dinami daming alaala ang pwedeng ibalik bakit ang masakit pa ang pinaalala.

"Nais ko lang na maisip mo na may dahilan kung bakit ka narito sa hinaharap." saryosong ani 'nya.

"Anong ibig mong sabihin?" pinipilit kong pigilan ang aking pag luha upang mas madali kung makapag salita ako.

"Na matutupad na ang nais ninyong magkapatid." sa pag kakataong iyon unti unti ay nawala 'sya sa sa aking paningin dahil pakiramdam ko ay may humihila sa akin pa atras. Bigla na lang ako na hulog mula sa mataas na gusali na kinaroroonan ko kanina!

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan at hinahabol ang hininga.

Nag e-echo saakin ang mga katagang sinabi 'nya..

Matutupad? Ang alin?

Wait..

Yung panaginip ko..

Ang sinabi ni Nicaise..

Mamamatay.. na ba ako?

Naramdaman ko na muling nag init ang sulok ng aking mga mata at nag simula ng tumulo ang mga luha.

Tahimik akong umiyak sa kwarto.

Dahil ba saakin ito? O dahil sa sakit na mayroon si Takara?

Pero kung malapit na ang katapusan ko dapat magawa ko na ang gusto ko.

Because I know that Life is journey. Just enjoy the ride.

Unti-unti ay inayos ko ang lagay ko, pero narito pa rin ang hindi mapigilan na takot.

Kailangan ko ng kumpirmasyon. Hindi dapat ako mag tamang hinala.

Dahan dahan ay nag ayos ako kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Doc. Remirez

Takara:

Doc. Pupunta po ako sa ospital, mag papa-test lang po. 'Wag mo na po sanang sabihin kay kuya. Thanks.

Tumayo na ako at inayos ang hinigaan bago ayusin ang sarili ko.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko doon si manang na nag luluto.

Hindi na ako nag paalam sakanya at pinindot na ang mga buton na binigay saakin ni kuya kahapon.

Iniwan 'nya ito sa lamesa ng kwarto ko at nag iwan ng voicemail na nag sasabi na isuot ko ito. Nakalagay naman sa mga buton kung ano ang dapat na pindutin para bumukas ang pintuan ng bahay at kung paano ito mag sasara. Marami pa 'syang sinabi sa voicemail na sa tingin ko ay ginawa 'nya para hindi ako mag mukhang mang mang dito sa lugar na 'to.

Gaya ng napag alaman ko rin na kaya nakalutang na ang mga bahay, sasakyan o iba ay dahil lahat ng ito ay may naka apply dito na anti gravitational force.

Ang sasakyan naman ay masyado ng moderno kaya ngayon ito ay isa nang self driving cars.

Ito ang gagamitin ko ngayon. Salamat sa modernong teknolohiya dahil hindi ko na kailangan mag drive.

"Tatawagan nalang kita sa maging resulta ng test." Doctor Remirez said.

"Salamat po doc." I smiled then nodded.

Tinanguhan 'nya nalang ako at umalis na. Papunta na ako ng kotse ng may humarang saakin.

"Takara," anya.

Tumagilid ang ulo ko at sinuri 'sya mula ulo hanggang paa.

"Allen?" kamukha 'nya kasi yung lalaking kinausap ni kuya nung first day ko dito.

"Yes,"  parang nagtataka pang sagot 'nya.

"Can I talk to you?" he asked me.

"Uh.. Sure." may mga tao naman dito kaya safe ako.

"Ah.. 'Wag sana dito?" nahihiyang anya. Napakamot pa 'sya sa batok 'nya.

Mukha namang magpapakatiwalaan..

"Sige, saan ba?"

He said we will going to eat on restaurant. He also asked me na sumakay na sakanya. But I refused. Ang sabi ko ay susundan ko na lang ang sasakyan 'nya. Then he agreed.

Nakita ko na huminto 'sya sa isang gusali na napaka ganda!

Kung dati ay glass wall ang ibang restaurant ganoon pa rin naman ito hanggang ngayon. Pero ngayon ay one-way mirror dahilan kung bakit hindi na makita ang mga tao na kumakain sa loob.

Maganda ang ganito 'syempre. Hindi ka maaasiwang kumain.

Allen hop out on his car, so I did the same. Sabay kaming pumasok sa loob.

"I know ang kapal ng mukha ko para humarap 'sayo ngayon." anya pa. Kanina pa 'sya humihingi ng tawad sakin. Hindi ko naman alam kung bakit, kaya hindi nalang ako nag salita.

"Takara, yung nakita mo kasi.. uh mali." maging ang mga katagang iyan. Kanina 'nya pa iyan sinasabi. Pero hindi ko naman maintindihan dahil hindi 'nya kinukwento ng buo.

"Hinatak 'nya ako papunta sa garahe nila para daw ipakita 'nya saakin ang regalo 'nyang sasakyan. Pero nang makarating kami sa garahe ay bigla 'syang napatid. Dahil hawak 'nya ako ay natumba rin ako sakanya sa itaas 'nya, na syang eksaktong pagdating mo." hindi 'sya saakin makatingin.

Ahh, so nag taksil 'sya. Ayun ang akala ni Takara. Hmm Interesting.

Hindi dapat ako makialam sa bagay na ito. Dahil alam ko masyado ko ng aabusuhin ang pagiging si Takara.

Kahit nag uumpisa ko na ngang abusuhin.

"Hindi pa ako ready na pakinggan ang dahilan 'nyo, hayaan 'nyo na muna ako na mag isip. Sa susunod nalang tayo mag usap." tumayo na ako at tumalikod sakanya.

Kailangan kong magpanggap na hindi pa okay. Dahil ayon sa sinabi 'nya akala ni Takara ay nag taksil 'sya. But with whom?

"Naomi sana mapatawad mo rin ang kaibigan mo. Hinihintay 'nya lang din na maging okay ka, para makausap."

Ahh! Kaibigan pala ni Takara ang kasama ng lalaking 'to?! Mga walang 'ya!

Hindi ko na 'sya sinagot at tuloy tuloy na lumabas ng resto. Pumunta sa kotse at umuwi na.

In fairness, ang ganda na talaga ngayon. Akalain mo nga naman na gaganda ng ganito ang Pinas.

Ang mga tao ngayon ay may mga naka appy na merged machine, that can enhance the hearing, eyesight, health, and much more.

Napag alaman ko rin na wala ng bulag sa mga panahon na ito. Dahil naka imbento na sila ng isang uri ng mata na tinatawag na bionic eyes. Pero hindi natin lubhang aakalain na ang teknolohiyang ito ay maaaring maka-kita ng inaakala nating invisible katulad ng energy of light such us infrared and x-rays.

Sa ngayon ang prosthetic ay hindi na lamang para sa mga may karamdaman o kakulangan. Katulad nga ng hearing aids, lahat na ay mayroong ganoon. Ang bionic eyes naman din ay mayroon rin ang lahat. Ang kaliwang mata na bionic eyes ang ka-konektado ng kaliwang tainga.

Pero hindi lang ang panlabas na kaanyuan ang nag bago. Our genes also evolved on microscopic levels to aid out survival.

Sobrang moderno!

Nakakamangha.

Pag ka-uwi ko salubong na kilay ni kuya ang nakita ko sa labas ng bahay. Naandoon 'sya nakatayo sa pinaka pinto ng garahe ng bahay.

Tumingin 'sya sa orasan na nakalagay sa taas. Kasing level na ng ulap. Ganoon 'sya kataas, pero makikita mo pa rin 'sya at mababasa.

"13:48" pag basa 'nya sa oras ngayon.

1:48 na pala? Hindi ko namalayan ang oras. Sabagay ang tagal ko sa ospital pati na rin sa resto.

"7:30 ng umaga ka umalis. Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanaman pumunta?" sinalubong pa ako ng mga nanlilisik 'nyang mata!

Naka limutan ko na hindi pala 'sya tao!

"Ah! Kuya kinausap ko lang si Allen." sabi ko, dahil parang kilala naman ni kuya si Allen at baka mawala na ang galit 'nya. Pero mas lalong yata 'syang nagalit, dahil kung kanina ay nalilisik lang, ngayon ay nag lalagablab na! Parang nakita ko pa na sumilip ang pangil sa mag bibig 'nya.

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napa atras. Pero saaking pag atras ay mukhang doon nahimasmasan si kuya.

"Sorry, nag alala lang ako sayo." napaiwas 'sya ng tingin. Napangiti naman ako.

Pero nawala iyon ng maalala ko ang panaginip ko.

Sana nagsisinungaling lang 'sya.

Pero bakit at para saan pa diba?

Nag simula na kaming umangat paakyat sa tinutuluyan namin.

"Takara saan kayo kumain?" hindi pa 'sya tapos sa mga katanungan 'nya. So possessive brother.

"Sa Glamorous Eatery." hindi ko alam kung saan kasi 'yon. At alam kong alam 'nya na hindi ko alam ang lugar dito. Basta ang alam ko lang ay ang pangalan ng restaurant na pinag kainan namin.

"Okay, I see." tumatango tango pang sabi 'nya.

"Sir, hindi pa po ba kayo kakain? Mag aalas dos na po. Hindi pa po kayo kumakain." salubong ni Rica saamin pag akyat namin. Napakunot ang noo ko.

Nag aalala siguro talaga 'sya para hindi kumain kahihintay.

Tumingin ako sakanya, pero napapaiwas lang ulit 'sya ng tingin.

"Kumain ka na kuya, kakausapin ko pa 'to si Rica." naalala ko kasi na may deal kami.

"Ma'am?" parang nag tataka 'nya pang tanong.

Parang nakalimutan 'nya na agad! Dinaig pa ako.

"Anong pagu-usapan 'nyo?"

"Wala! Kumain ka na 'don!" pag tutulak ko pa sakanya at nag pa tulak naman.

"Tara na Rica! Maha-hot seat ka sakin ngayon!" biniro ko pa 'sya, mukhang dahil doon ay naalala 'nya na ang deal namin. Kinawit ko pa ang braso ko sa braso 'nya at hinatak 'sya.

"Sige po ma'am." parang nag aalangan pa talaga sya.

Pero wala ng atrasan 'to. Napahalikhik ako.

"Ganon ba talaga ang tingin 'nyo sakin?" right now I am amused and surprised.

Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay mayroong taong may ganoong ugali!

Napayuko na lang 'sya sa tanong ko.

"Maarte, matapobre, mataray, grabe naman pala," nakakunot ang noo at wala sa sariling sabi ko.

"Ma'am?" nagtataka pang anya.

"Ah! Wala!." ngumiti lang ako sakanya

"'Wag kang mag alala, susubukan kong mag bago." mahirap mag bago, aaminin ko. Pero ang ugali na mayroon si Takara ay hindi ko ugali kaya masasabi kong mag babago si Takara.

Ngumiti naman 'sya at nag paalam na baka kailangan na 'sya sa kusina.

Kanina pa kami dito dahil sa dami ng tanong ko ukol sa ugali na mayroon si Takara.

"Okay." hinatid ko na 'sya sa pinto. Lumabas na 'sya at dumiretso na ng kusina. Sinara ko na ang pinto at bumalik sa higaan ko.

"M-matapobre po kayo ma'am, kasi po dati yung hardinero po natin ay gusto po sanang bumali sainyo, sa pag kakaalam po namin ay breadwinner 'sya ng pamilya 'nya kaya po hindi malabo na mangangailangan 'sya ng higit pa po sa sweldo na natatanggap 'nya, kahit malaki po ang pasweldo ay may dalawa po 'syang kapatid na pinag aaral, tapos sinubukan 'nya pong sabihin sainyo iyon pero kinabukasan po, nagresign na 'sya. Nang tanungin po namin 'sya ang sabi 'nya ay hindi 'nya na daw po masikmura ang ugali 'nyo at ang tabil ng dila 'nyo dahil sinabihan 'nyo pa daw po 'sya ng masasakit ng salita. Pero sa huli po ay hindi mo pa rin daw po 'sya pinahiram."

Ayan daw ang dahilan kung bakit tinawag na matapobre si Takara.

Napailing na lang ako.

Anong klaseng ugali iyon? Hindi ko lubos akalain na may totoong tao pala na may ganoong ugali.

Ilang saglit pa ay nakadinig ako ng voicemail sa may pinto. Boses ni kuya Lycus ang nadinig ko. Humihingi ng pahintulot na pumasok.

"Kuya," ibinigay 'nya saakin ang isang tray na puno ng pagkain pagkabukas ko ng pinto para sakanya.

Para bukasan ang pinto ay hindi mo na kailangan na tumayo para lumapit. May ginawa dito si kuya kahapon upang sa oras na isipin ko lang buksan ang pinto ay bubukas na 'to. Ayun ang ginawa ko para pag buksan si kuya.

"Kumain kana, ang tagal 'nyong mag-usap, ginabi na kayo. Inumin mo ang gatas at matulog ka na." sabi 'nya pa.

"Salamat kuya," ngumiti lang 'sya saakin at tumango bago umalis.

Nag simula na akong kumain, at ng matapos ay ininom ang gatas. Naligo at nag pahinga saglit habang bino-blower ang buhok.

Naalala ko nanaman ang mga salita sa panaginip ko. Napapaisip tuloy ako.

Kung totoo man anga mga sinabi 'nya..

Paano 'nya iyon nalaman?

At kung totoo man. Kailan mangyayari ang mga sinabi 'nya?


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login