Download App
97.4% When Devil's Fall In Love / Chapter 75: Devil 72: Unforgettable

Chapter 75: Devil 72: Unforgettable

Someone's POV

Three days ago..

DAHAN dahang nagmulat ng mga mata si Jillian matapos siyang barilin sa ulo ng kung sino.

Nanlilisik ang namumula niyang mga mata nang lumingon siya sa taong nakatutok ang baril sa kanya.

Ngunit nang makitang nagising na siya ay napangisi ito. Dagling lumubog ang baril sa braso nito at napalitan iyon ng mga kamay.

"Dobro pozhalovat'! Electro." (Welcome back! Electro.) Anang lalaki na mukhang anino ang katawan sa kanya. Balot na balot ang katawan nito ng kulay itim na kasuutan at meron din itong dalawang katana sa likod nito.

Napabaling pakaliwa at kanan ang ulo ni Jillian habang nakatingin rito. Para bang pinaprocess niya sa utak kung sino ba ang kanyang kausap.

"Gotov'tes' sami, u nas yest' missiya." (Get ready yourself. We have a mission to do.) Dagdag pa nito saka naglakad palayo.

"YA ne budu vinit' vas za to, chto vy pozvolili agentu X sbezhat'. No seychas my dolzhny zakonchit' missiyu." (I won't blame you for letting Agent X escape.But for now we have to finish the mission.)

Ngunit nanatili lamang siyang nakatingin rito habang nagtataka.

Nang hindi siya sumagot ay takang napalingon ito sa kanya at bahagya siyang tinitigan. Ngunit ilang sandali lang ay may kinuha ito sa gilid ng kasuutan nito at walang sabing binaril siya ng kung ano.

Dagling kumalat sa katawan niya ang kulay pulang likido hanggang sa sumakop iyon sa utak niya. At sukat doon ay may kung anong enerhiya ang nag-uutos sa kanya na sumunod na anumang nais ng kaharap.

Napahawak siya sa ulo at leeg na wari mo'y may nakain siyang kung ano na nakabara sa lalamunan niya. Ramdam niya ang paglabas ng malakas na enerhiya na nagmumula sa katawan niya at waring hindi niya iyon makontrol.

"From now on. He is your master. And no one else."

Napasinghap siya sa tinig na bigla niyang narinig sa kailaliman ng utak niya habang nakikita ang malabong larawan na sinasabing master daw niya.

Ilang sandali pa ang naghari nang matahimik siya.

Dahan dahan siyang tumingin sa kanyang mga kamay at nakita roon ang paglabas ng kuryente na kulay pula.

"YA ponimayu, chto vy seychas zaputalis' v vashey nyneshney situatsii. No u nas malo vremeni, poetomu my dolzhny uyti." (I understand that you're confused in your current situation right now. But we don't have much time, so we have to leave.)

Anang lalaki na pinanood lang ang nangyari sa kanya.

Napatingin siya rito nang blanko ang mga mata at mukha.

Hindi na siya nito hinintay na sumagot bagkus ay naglakad na ito paalis.

Napatingin siyang muli sa kanyang mga kamay at sa kung anong enerhiya na bumabalot sa kanya maging ang paglabas ng kuryenteng pula sa kanyang katawan.

Ngunit sa isang pitik lamang ng kanyang mga kamay ay nagbago ang kanyang kasuutan.

Napangisi siya saka naglakad at sumunod sa isa.

***

MATAPOS makita ang lagay ni Zero sa loob ng VIP room nito ay nagpahinga nalang muna sina Shane at Jichell sa labas ng kwarto nito habang nasa loob pa rin ang pamilya nito at sina Cody at Drew.

"Ano na kayang nangyayari kay Jack ngayon?" May pag-aalalang turan ni Shane habang nakatingin sa malayo.

Tiningnan lang naman siya ni Jichell saka tumingin rin sa malayo.

Hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyari kagabi. Ang paggising ng wargon, ang pagbabagong anyo ni Jack. Ang natuklasan nilang nakaraan ni Zero. Ang tungkol sa ginawa ng mommy nito.

Napapikit siya.

Sa isip niya ay tiyak na naghihirap ang kalooban ni Jack ngayon dahil sa kanilang lahat ito lang ang nakakaalam ng mga nangyari.

Nag-aalala rin siya dahil tiyak na may kinalaman ang bead nito at ang pagkabuhay ni Zero kung bakit ito biglang nanghina kaninang umuwi sila.

Pinabalik lamang sila ni Jichell upang magbantay ng posibleng mangyari sa ospital.

Napatingin siya kay Jichell nang bigla itong mapapitlag at napatingin sa paparating.

Takang sinundan niya iyon ng tingin at nakita ang isang nurse na paparating.

Naalarma pa siya nang biglang tumayo sa pagkakaupo si Jichell at galit na humarap sa nurse.

"Uy, teka..bakit?" Takang tanong niya rito subalit hindi siya nito pinansin bagkus ay galit parin itong nakatingin sa nurse na may tulak tulak na tray ng mga gamot.

Natigilan naman ang nurse nang makita ang nakaharang na si Jichell sa harap nito.

"Bitchy ano ba? Ano bang nangyayari sayo?" Kinakabahang tanong niya rito at napatayo narin habang palipat lipat ang tingin sa dalawa.

Ngunit lalo lang siyang kinabahan nang unti unting mapangisi ang nurse kay Jichell saka itinabi ang tray ng mga gamot.

"S-sino ba yan?" Hintatakot na tanong niya kay Jichell. Nakakatakot kasi ang ngisi ng nurse. Ang creepy pa ng hitsura nito. Pakiramdam tuloy niya ay nasa ghost movie sila at sa hospital ang venue.

"Ty kiborg. Teper' ya ponimayu, pochemu ona tak yego pokinula. Potomu chto yego kto-to okhranyayet." (You're a cyborg. Now I understand why she left him just like that. Because there is someone's guarding him.) Anito.

Nagulat si Shane nang magsalita ito ng Russian.

Mas nadagdagan ang kaba niya dahil tiyak na nasa panganib sila ngayon.

"Ye. naneun saibogeu-ibnida. Dangsingwa dalli aleumdaun saibogeu. Jeongmal imijiingayo? Animyeon yeogi ganhosa jung han myeong-egeseo ppaeas assseubnikka?" (Yes. I am a Cyborg. A beautiful Cyborg unlike you. Is that really your image? Or you just snatched it from one of the nurse here?) Sagot naman ni Jichell na napahalukipkip habang sinisipat ang hitsura ng babaeng kaharap.

What? Umiral na naman ang pagkabitchy ng babaeng ito! Mamaya magalit pa yung isa at kainin kami baka madamay pa sina Zero. Aniya sa isip.

Napapaling naman ang ulo ng nurse at mukhang hindi naintindihan ang sinabi ni Jichell.

"Kakogo cherta ty nesesh'?" (What the hell are you talking about?) Tanong nito na bahagyang nanlisik ang mga mata.

Hindi nya nga naintindihan? Sabagay, Russian sya at Korean naman itong isa.

Nagulat pa siya ng biglang matawa ng malakas si Jichell sa sinabi ng kausap.

Takang napatingin siya rito at gusto nya sanang batukan ito dahil lalo lang nitong inaasar ang kausap.

"Khekh! O, u menya bolit zhivotik! Kha-kha! Nu, chto ya dolzhen ozhidat' ot skromnogo okhotnika, kak ty? Okhotnik za temnymi tenyami, kak ty, prosto musor, kotoryy ne imeyet nikakoy tsennosti. Itak, chto za musor, kak ty, delayesh' v etoy prestizhnoy bol'nitse?" (Heh! Oh, my tummy ache! Haha! Well, what should I expect from a lowly hunter like you? A shadow hunter like you are just a trash that has no value. So, what is a trash like you, doing in this prestigious hospital?) Nakangisi pang turan ni Jichell dito. Hindi ito nakaimik maging si Shane. Pinapakiramdam nya lang ang dalawa.

Gusto nyang sabunutan si Jichell at sabihing nasa ospital sila at nasa malapit lang ang kwarto ni Zero. Dahil madadamay ito kapag dito nagkalat ng kapangyarihan ang dalawang ito.

Napatiim bagang ang nurse ngunit nanlaki ang mga mata ni Shane nang biglang magbago ng anyo ang nurse at naging shadow hunter nga ito. Subalit hindi ito pangkaraniwang shadow hunter lang dahil kakaiba ang hitsura nito. At mukhang malakas din ito.

Tinamaan na ng lintik!

Agad niyang kinuha ang cellphone at akmang tatawagan si Tanda nang magsalita ang babaeng shadow hunter.

"Davay pogovorim na kryshe, suka!" (Let's talk at the rooftop, bitch!) Anito at nauna nang tumalikod saka naglakad ngunit nanlaki pa ang mga mata niya nang ilang segundo lang ay nawala na ito sa paningin nila.

Napahinga ng maluwag si Shane.

"God! Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari kagabi, ito na naman? Hindi ka ba nag-iisip bitchy-!"

"The two bastards are coming. I'll tell them to guard here while I'm going to be busy at this moment." Putol sa kanya ni Jichell at humakbang palayo nang mabilis niyang pigilan sa braso ito.

"What the...are you crazy? Don't tell me that you're going to-!"

"Buy me an icecream after this, okay unnie?" Nakangiting putol na naman sa kanya nito. Nagulat pa siya nang magbago na din ang hitsura nito at nagtaka pa siya kung bakit ito nakasuot ng uniform.

Naging pula narin ang mga mata nito at kahit nakangiti ay bakas ang tapang ng mukha nito na para bang kaya nitong patumbahin ang kahit na sino.

At bago pa siya makahuma ay bigla nalang itong nawala sa harap niya sa sobrang bilis ng kilos nito.

Did she just used her vampire power?

Napanganga na lamang siya at napatingin sa gumagalaw pang pinto ng fire exit dahil sa lakas ng impact ng pagbukas niyon.

That bitch! Paano kung may mangyaring masama sa kanya..? Hayst! Anong gagawin ko nito?

Muli niyang kinuha ang cellphone at akmang tatawagan si Tanda nang maisip niya na baka nasa lab na ito kasama si Jack.

Napapikit siya ng mariin sa inis.

Hayst! That brat! Pag lang talaga nasira o namatay na naman sya-! Sabagay, di nga pala namamatay ang bruhang yun. Kaya siguro malakas ang loob nyang mang-asar ng kalaban. Pero pag lang talaga may nangyari sa kanya. Ako mismo papatay sa gagang yun.

"Are you okay?"

"Aaahhh!" Sigaw pa niya at muntik nang mapalundag sa sobrang gulat.

"Pttff.."

Agad siyang napalingon sa nagsalita at nabungaran ang natatawang si Cody at nagtatakang si Drew.

Sinamaan naman niya ng tingin si Cody lalo pa at naisip na naman niya si Jichell dahil dito.

"What happened? Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ni Drew.

"Huh? Ah, w-wala naman." Atubiling sagot niya.

"Teka Shanix, nasaan si Jace?" Tanong naman ni Cody habang nagpapalinga linga.

Napabuntong hininga siya saka sumagot.

"Ayun. Naghanap ng daan papuntang impyerno."

"What!!" Bulalas ni Cody.

"Ba't di mo sinamahan? Paano kung maligaw yun?" May pag-aalala pang dagdag nito.

Aba't loko 'tong-!

Akmang babatukan sana niya ito ngunit naunahan na siya ni Drew.

"Ouch, dude naman." Reklamo nito habang hinihimas ang batok. "Pero seryoso Shanix, nasan na nga si Jichell?" Tanong nitong muli sa kanya.

Hindi tuloy niya alam kung sasabihin ba sa mga ito o hindi.

"Umm..may binili lang sya sa labas." Sagot na lamang niya at napatingin sa tahimik na pasilyo.

Naupo naman sina Cody at Drew sa bench na naroon kaya naupo narin siya.

"Okay ka lang ba talaga?" Muling tanong ni Drew.

"Yeah." Tipid niyang sagot at muling napatingin sa pasilyo kung parating na ba ang dalawang bantay ni Zero. Ngunit bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang kabigin ni Drew ang baba niya at iharap rito saka hinawakan ang kamay niya.

Napapitlag siya sa ginawa nito at napatitig sa malamlam nitong mga mata na medyo namumugto pa dahil sa pag-iyak nito kagabi nang malamang wala na si Zero. Agad na pinamulahan ang mukha niya ngunit hindi naman niya binawi ang kamay rito.

Ever since they had been in Zambales. She noticed that Drew pays more attention to her and even treat her nice. Medyo naiilang siya rito nung una subalit nang nagtagal ay nasanay narin siya pero sa tuwing magkakadikit sila ay hindi parin niya maiwasang mailang at kabahan.

"Just tell me if something's wrong okay?" Masuyong wika nito.

Bahagya siyang napangiti saka tumango. Napangiti rin ito at masuyong ni-rub ang chin niya.

Lalong lumakas ang tibok ng dibdib niya nang mapatingin ito sa labi niya. Napalunok naman siya at di malaman ang gagawin.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang bahagyang lumapit ang mukha nito sa kanya.

"Maghahalikan ba kayong dalawa sa harap ko?" Sabay pa silang mabilis na napalayo sa isa't isa ni Drew nang may pusang nagsalita sa harap nila. Nakasimangot ang mukha ni Cody na noon ay nasa likurang upuan na nila ni Drew habang nakapatong ang baba sa mga kamay nito at palipat lipat ang tingin sa dalawa.

Papano syang nakarating dun? Nasa gilid lang sya ni Drew kanina ah! Anang isip ni Shane.

Nakaramdam tuloy siya ng awkwardness at di makatingin sa mga ito.

Nakita naman niyang marahang binatukan ni Drew si Cody na noon ay mapang-asar silang tiningnan.

"Teka, kayo na ba? Kelan pa? Bakit di nyo sinasabi sakin? Nagkikiss na ba kayo! Pang-ilang beses na yan? Bah! Sinasamantala nyo habang nakaratay si Zero dahil naiinggit kayo sa kanila ni Jack ano? At bakit-!"

"Shut up asshole!" Asik naman sa kanya ni Drew.

"Bakit ba? Eh kelan nga kasi naging kayo? Official na ba yan? Dude naman, baka mamaya katulad ka rin ni Zero at malaman laman ko nalang may nangyari na pala sa inyo-! Ouch! Ouchhh!!" Lalo siyang pinamulahan ng mukha sa mga pinagsasabi ni Cody. Mabilis naman itong sinugod ni Drew at nakipagwrestling dito.

Wala talagang preno ang bibig ng batang yun! Hayst! Nakakahiya! Baka mamaya may maalala pa si Drew sa nangyari!

Hindi niya malaman ang gagawin. Saglit niyang nakalimutan ang pag-aalala kay Jichell at napalitan iyon ng isang alaalang hindi niya makakalimutan kailan man.

Flashback...

"So, how old are you now?"

"I'm 10." Inosenting sagot ni Drew.

Shit...ang cute!! Kagat labing tili ni Shane sa sarili.

"So, do you have a girlfriend?"

"No I don't. I'm still young." Sagot nito at napalabi.

Oh my God! Stop it Mr. Perfect I might bite that lips of yours.

"Really? You're right. But if you grow up what are the characteristic of the girl you'll like?"

Bahagyang napaisip si Drew saka napakagat labi.

"Well, I think... Someone like..." Anitong napapaisip saka tumingin sa kanya.

"...someone like Shane." Anito.

What?? Shane? Who's Shane??

Parang natulala siya sa sinabi nito.

Wait, he's 10 years old now. Who is this Shane na kapangalan ko pa? Naguguluhang isip niya.

Natigilan siya at bahagyang napaisip.

Teka...hindi kaya... This Shane was his childhood friend and the reason why he approached me was because I reminded him of his childhood friend?

Waring may kung anong kumirot sa puso niya sa isiping iyon.

Bahagya siyang napatikhim.

"Well, ha.ha. This Shane, w-who is she? Your first love?" Atubiling tanong niya.

"Yeah. I think." Nakangiting sagot ni Drew saka napayuko at waring inalala pa ang mga nangyari sa kanila ng Shane na sinasabi nito.

Oh My God Mr. Perfect! I never thought you'd be this cruel even though you're drunk! I shouldn't asked you about it. What a karma!

"Well, w-who is this Shane by the way?" Napipilitang tanong niya. Parang pinagsisisihan tuloy niya na nagtanong pa siya.

Napangiti si Drew saka tumingin sa kawalan.

"She's...just a girl I know in school. She was funny and cool and nice. She always annoys me and we're like a puppycat when we're together but... I kinda like her. I don't know when did it start but... I like her."

Tulalang napatitig siya kay Drew na noon ay parang nahihiya habang nagkukwento sa crush nito.

Dugdugdugdugdugdugdug...

Who in the world is he referring to?

"D-do you know her complete name?" Kinakabahang tanong niya.

Tumingin si Drew sa kanya at ngumiti.

"Her name is Andrix Shane Gravalez. Cool name right? I like her name, I like her blonde hair, I like her eyes, I like it when she ride her motorbike. I like eveything about her." Nakangiting turan nito na animoy nagpapantasya at kumikinang pa ang mga mata.

Shane was dumbfounded sa nalaman. Agad na nag init ang mukha niya at wala sa sariling tinungga ang bote ng alak sa tabi niya.

"Teacher, stop it. You'll get drunk." Awat pa sa kanya ni Drew at inagaw ang alak sa kanya.

"You! You brat..!" Hindi makatinging asik niya kay Drew. Pakiramdam niya ay bata talaga ang kausap niya.

Pulang pula ang mukha niya at hindi malaman ang gagawin.

Ngunit natigilan siya nang biglang hawakan ni Drew ang mga kamay niya. Gulat na napatingin siya rito.

"Teacher, you know what? Now that I'm looking at you. I think... You look like her." Anitong halos di makapaniwala.

"Ah..err..ha ha. Really?" Atubiling tanong niya.

"Yes." Agad nitong sagot at bahagyang hinaplos ang hibla ng kanyang buhok.

"Your hair is just like hers." Di makapaniwalang sambit nito at nagulat pa siya ng bigla nitong haplusin ang pisngi niya habang titig na titig sa kanyang mga mata.

"Your eyes were identical with hers. Whoaah..teacher, I think I am dreaming." Hindi makapaniwalang bulalas nito.

"Err...y-yeah.ha ha..right! This is just a dream. I'm not really your teacher coz I'm Shane. You're just dreaming right now. Ha ha!" Tarantang saad niya.

Bahagyang natigilan si Drew.

Napabuga naman siya ng hangin dahil sa pananahimik nito.

"If it's just a dream. Then..." Anito saka nakangiting tumingin sa kanya.

Ehh?? Why is he smiling like that..?

"...then, I'm not gonna restraint myself anymore. I like you Shane!" Anito. And after that her eyes widened when she felt his hand around her waist and the other grasp her chin.

The next thing she knew. Something soft and sweet was now conquering her lips.

Mr. Perfect!!!

Napakurap kurap siya at halos hindi makapaniwala sa nangyayari.

Andrew John Reeze. The cold hearted person she ever met was now kissing her passionately.

Ilang sandali pa bago natanggap ni Shane ang nagaganap.

She didn't pushed Drew.

If it's just a dream, then...let's just dream together.

She said in her mind and slowly closed her eyes and encircled her hand around Drew's neck and deepen the kiss.

The kiss was lasted for about several minutes. Neither of them was unable to cut the sensations they're feeling inside their bodies.

But the moment they parted their lips. Shane gasped for air while gazing at him.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nila habang magkatitig lamang sila sa isa't isa. At ilang sandali pa ang lumipas nang makaramdam ng pag-init ng mukha si Shane nang marealized ang nangyari.

Naisip niya na wala nga pala sa katinuan si Drew kaya malamang na di nito alam ang naganap sa kanila.

Agad siyang humiwalay rito at napainom muli ng alak na naroon.

Nang muli niyang tingnan si Drew ay mataman lang itong nakatingin sa kanya.

"Ah...d-do you want to sleep now?" Atubiling tanong niya rito.

Napaarko ang labi nito.

"Hnm." Tango nito habang nakangiti at nakatitig lang sa kanya.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dito at napalunok. Ngunit natigilan din siya nang makita ang kanyang camera na nakatutok sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya at agad itong pinatay.

Oh shiit!! What to do??! I need to delete it right away!!

Agad niyang kinalikot ang camera upang burahin ang nangyari. Wala kasi sa plano nya ang nangyari kanina. Dapat bibiruin nya lang si Drew para may pang blackmail sya rito kubg sakali ngunit mukhang mas dehado siya kapag nakuha nito ang ebidensyang yun.

Subalit nagulat pa siya nang hablutin nito ang camerang hawak nya.

Takang napatingin naman siya rito.

"I'm sleepy.." Inaantok na turan nito at bahagyang napahikab at kinamot kamot ang pisngi.

Natulala naman siya sa kakyutan nito at waring nalimutan na niya ang camera.

Inayos na niya ang mga kalat nila saka inalalayan itong maglakad.

"You're beautiful." Nagulat pa siya nang halos sumayad na sa teynga niya ang labi nito nang sabihin iyon.

Geez! Lasing na lasing nga sya..hayst! Sana lang talaga wala syang maalala kinabukasan. Kung hindi patay ako nito. Napaka perpekto pa naman nito. Baka sabihin nya pa dinungisan ko ang-!

"I like you Shane." Naputol siya pag-iisip nang muli itong bumulong.

Pakiramdam niya ay may kung anong kuryenteng hatid sa katawan niya ang sinabi nito. Lalo na at dumadampi sa balat niya ang hininga nito.

Atubiling natawa lang sya rito.

Nagtaka pa siya nang makitang sarado ang tent nina Drew kaya naman akmang bubuksan niya ito nang kusa itong bumukas at iniluwa roon si Jack.

"Ehh?? Anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong niya rito.

Bahagya naman itong natawa saka binuksan ng malaki ang tent.

"What the...anong nangyari sa dalawang yan?" Takang tanong pa niya nang makita sina Zero at Third na animo'y mag-ama habang nakadapa sa dibdib ni Zero si Third. At tinatapik tapik naman ni Zero ang likod nito na animo'y nagpapatulog ng sanggol.

Nagkibit balikat lang naman si Jack.

"Dun na kayo sa tent namin. Dito nalang kami." Anito.

"Ah, okay. Goodnig-! Wait...what??!" Bulalas niya nang marealized kung sino ang makakasama niya sa tent. Ngunit hindi na siya hinintay pang makareak ni Jack dahil isinara na nito ang tent.

"Jack..? Jack..?!" Tawag pa niya rito subalit hindi na ito lumabas pa.

Atubili naman siyang napatingin sa kasama na halos kanina pa niya kayakap.

Hayst! Bahala na nga. Pero teka, ibig bang sabihin sina Jichell at Cody ay nasa tent namin?

Napasinghap siya sa naisip at akmang susugurin ang mga ito ngunit bigla niyang naaalala na cyborg nga pala si Jichell.

Wala na siyang nagawa pa kundi dalhin sa tent nila Jack si Drew.

Nang maihiga niya ito ay bahagya pa siyang nagpa-unat unat dahil medyo nangalay siya sa bigat nito kahit nakasandal lang naman ito sa kanya.

Nang tingnan niya ito ay bahagya pa siyang napangiti dahil ang cute nitong matulog.

"Kung sana'y lagi ka nalang ganyan. Ang cute mo rin pala pag di nagsusungit eh." Aniya at marahang hinawi ang buhok na tumatabing sa mata nito.

Naalala niya tuloy bigla ang sinabi nito kanina. "I like you Shane!"

Napapilig siya ng ulo.

"Baka nasabi nya lang yun kasi lasing sya." Aniya sa sarili saka muling sumulyap sa natutulog na adonis sa tabi niya.

Akmang aalis na siya upang ayusin ang higaan niya nang magulat pa siya dahil sa paghila nito sa braso niya.

"Drew! W-what are you doing?!" Bulalas niya.

Ngunit mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya mula sa likod. Hinapit nito ang beywang niya at inilubog ang mukha sa batok niya.

"You smell good Shane." He said in a bedroom voice.

Oh God! This is not good!

--

To be continued..😊


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C75
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login