Zero's Pov
Para akong natulala nang magtama ang mga mata namin ni Jack na noon ay matamang nakatingin sakin.
What is she doing here?
"Everyone, since we're all here. I'd like to introduce you Dr. James Gravalez. He is one of the student of Dr. Simon Snyder in London." Masayang pakilala ni Madam kay Tanda.
Lumapit sa kanila sina Mom and Dad.
"And Doctor Gravalez, this is my son Enrique Montero and his wife Erin." Pakilala ni Madam kina mom and Dad.
"It's my pleasure to meet you Mr. and Mrs. Montero." Nakangiting bati sa kanila ni Tanda na ginantihan din ng parents ko at nakipagkamay dito. Medyo formal ang suot ni Tanda ngayon at mukha syang bigating tao.
"And this is my grandson Doctor Eros Montero, he was studied in Harvard USA for his Ph.D." Proud na pakilala ni Madam kay Eros.
"It's nice to meet you Doctor Montero." Nakangiting bati ni Tanda kay Kuya Eros.
"It's nice to meet you too Doctor Gravalez." Formal namang sagot ni Kuya Eros.
Hinila naman ni Madam si Erhis upang ipakilala rin kay James.
"And this is my other grandchild Doctor Erhis Montero, she is a surgeon and studied in New Wellington University in US." Ani Madam.
"Hi, my pleasure to meet you Dr. Erhis." Nakangiting bati ni Tanda.
"Please to meet you too Dr. Gravalez." Ani Erhis at tinanggap ang kamay ni Tanda.
"Oh my, I'm glad that you visit our hospital Dr. Gravalez. Oh, please have a sit." Ani Madam at iginiya si Tanda sa sofa. Sumunod naman sina Mom and Dad, Kuya Eros and Erhis sa kanila at naupo rin sa sofa.
Great, mukhang nakalimutan na nila ako.
Napabuntong hininga ako saka bumaling sa pinto kung saan naroon si Jack ngunit muntik pa akong mapasigaw nang makitang nasa tabi ko na sya.
"How are you, Natsu?" Aniya.
Hindi ako agad nakasagot sa pagkagulat.
"Uhm..I..I'm fine." Utal na sagot ko.
Why am I stammering?
Umangat ang sulok ng labi niya na medyo kinainis ko dahil mukhang pinagtatawanan nya ang pagkautal ko.
"What are you doing here?" Medyo mahinang asik ko sa kanya dahil baka mapansin kami ng mga magulang ko at ni Madam. Mukhang nakalimutan narin ni Tanda na ipakilala si Jack sa pamilya ko dahil nawili na ito sa pakikipagkwentuhan sa kanila.
Ngunit parang baliwala lang ito kay Jack dahil hindi naman bakas sa mukha niya ang disappointment.
"Don't be jealous, you knew Tanda first before them." Ani Jack na nakatitig sakin.
"W-what are talking about?" Irap ko sa kanya.
Paano nya naman naisip na yun ang iniisip ko? Ang weird talaga nito.
Naramdaman kong kumilos sya at lumapit sa side table ko.
Nang bumaling sya sakin ay may dala na siyang apple at kutsilyo.
Nagtataka ko lang syang tiningnan at medyo nanlaki pa ang mata ko ng walang gatol niyang balatan ang apple ng sobrang bilis. At ang nakakamangha pa ay nagmukha bulaklak ang balat ng apple na binalatan nya. Saka niya kinagat ng mabilis ang katawan nito.
Napasulyap ako sa mga nasa sofa ngunit mukhang busy silang lahat.
"Want some apple?" Ani Jack at nang tingnan ko sya ay may kagat na siyang apple at nakaumang naman sakin ang isang piraso nito.
Hindi ako nakasagot agad dahil napadako ang tingin ko sa bibig nyang may kagat na apple.
Para kasing ang sexy ng pagkakakagat niya sa apple at mukhang ang sarap tuloy ng apple na kinakagat nya.
Napalunok ako sa isiping iyo saka mabilis na nag iwas ng tingin.
"B-busog pa ako." Sagot ko na di tumitingin kay Jack.
Hindi ko sya narinig na sumagot kaya naman napatingin ako sa kanya at ganun nalang ang gulat ko nang ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin.
Halos maduling ako habang nakatingin sa kumikinang na kulay purple niyang mga mata.
Dugdug..dugdug..dugdug. Dugdug..
Bahagyang bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya naman sunod sunod akong napalunok at bago pa ako makahuma ay hinawakan niya ang baba ko at lalong lumapit sakin.
Akmang itutulak ko sya dahil nag alangan ako na baka makita kami nina Madam nang maramdaman ko ang apple sa bibig ko.
At dun ko lang narealized na gusto nya akong pakainin ng apple na nasa bibig nya.
What the hell is she doing?? Is she out of her mind??
Shit! Baka makita kami nina Madam sa ginagawa nya!
Akmang babaling sana ako ng tingin nang pisilin nya ang baba ko dahilan upang bumuka ang bibig ko. At nanlaki pa ang mga mata ko nang sumayad sa labi ko ang mga labi niya kasabay ng pagpasok ng maliit na piraso ng apple.
Dugdug...dugdug...dugdug..
Pakiramdam ko ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Lalo na ng gumalaw ang mga labi ni Jack na hindi parin binibitiwan ang mga labi ko.
Banayad at masuyo ang mga halik niya. Parang puno ito ng pag iingat. Napapikit ako dala ng sensasyong dulot ng mga halik niya at ang alaala ng gabing iyon ay dagling bumalik sa isip ko.
Ang masuyong halik ni Jack, ang mainit at nag aalab kong halik sa kanyang katawan at ang mapusok at maalab naming pag-iisa.
"I love you Natsu!"
Napamulat ako sa narinig. Napatitig ako sa magaganda niyang mga mata na noon ay nakangiti sakin.
"So, you cherished those memories huh?" Ani Jack habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Pakiramdam ko ay pulang pula na ang buo kong mukha habang nakatitig sa kanya.
"Zero?"
"Will you say 'I love you too, Salamander'?" Nakangiting tanong niya habang palipat lipat sa mata at labi ko ang tingin niya.
Hindi ko rin tuloy maiwasang gayahin ang tingin nya. Napatingin ako sa labi at mga mata niya. Wari na namang nanunukso ang labi niyang halikan ko kaya napalunok ako.
"Say you love me Natsu." Utos niya.
"Zeroin!"
"I..I..!" Hindi ko masabi. Wari akong nahihiya na ewan.
Habang nakangiti namang naghihintay ng sasabihin ko si Jack.
Ibinuka ko ang aking bibig at akmang magsasalita nang manlaki ang aking mga mata sa pagbabagong anyo ni Jack.
She slowly transformed into an hideous monster that I've never been seen before.
"You! I'll kill you!" Aniya at mabilis akong sinugod.
"Aaahhhh!!" Impit kong sigaw kasabay ng isang malakas na sampal na naramdaman ko na syang nagpagising na natutulog kong diwa.
"Zeroin!"
Humihingal akong napabangon at dun ko lang namalayan na kanina pa sa paligid sina Mom, Dad, Erhis na sobrang nag aalala. Si Kuya Eros na kanina pa akong tinatawag dahil bumilis ang tibok ng puso ko at si Madam na bakas din ang pag aalala sa mukha habang nakakapit kay Erhis. Si Tanda na nasa likod at matamang nakatingin sakin at sina Drew at Cody na nasa bandang pintuan na hindi na rin malaman ang gagawin.
They're all look worried.
"Are you alright?" Tanong ni Kuya Eros sakin.
Ngunit hindi ko siya pinansin bagkus ay muli akong tumingin sa paligid ngunit hindi ko nakita si Jack.
"Where is she?" Tanong ko na pinagtaka nila.
"Who are you talking about?" Takang tanong ni Kuya Eros.
Ngunit parang hindi ko sya narinig. Tumingin ako kay Tanda.
"Tanda, where is she? Where is Jack? She was just here and...and she..she!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumigid ang sakit sa ulo ko. Napasapo ako sa ulo ko at di malaman ang gagawin.
"Zero, anak. Eros what's happening to your brother?" Rinig kong umiiyak na tanong ni Mom.
"Bunso.." Humihikbi ring anas ni Erhis.
"He's having a seizures. I need to calm him down." Ani Kuya Eros.
Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sakin pero bigla akong napatigil nang makita ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Jack.
"Jack.." Anas ko.
"Natsu!" Anas niya at naglakad palapit sakin. Subalit habang papalapit siya nagbabago bago na naman ang anyo niya.
What's happening with Jack? Why am I seeing her like this?
Nakaramdam ako ng matinding takot nang bigla siyang lumaki. Naririnig ko ang sigawan sa paligid ko. Ang iyak at takot nina Mom and Erhis maging ang sigaw ni Madam.
They're all in terror seeing the monster in front of us.
"Natsu!"
"S-salamander.." Tanging nasambit ko at ipinikit ang aking mga mata nang akmang susugurin kami ni Jack.
Subalit isang banayad na haplos sa aking pisngi ang naramdaman ko.
At ng imulat ko ang aking mga mata ay ang magaganda niyang mata ang nabungaran ko.
"Jack..?" Anas ko na bahagyang hinihingal.
"I'm not gonna hurt you." Ani Jack na waring may alam sa mga pangitaing nakita ko.
"What...what's happening ...to...me?" Naguguluhang sambit ko.
She held my hands and kissed them.
"I won't let it happen I promise, Natsu." Makahulugang wika niya.
Napakunot noo ako at tumingin sa paligid.
Nasa sofa parin sina Madam, Mom and Dad, Erhis, Kuya Eros at Tanda.
Normal ang paligid na waring walang nangyaring kababalaghan.
Napasapo ako sa aking ulo.
Am I losing my mind? Why am I seeing things like that?
Ngunit bahagya din akong natigilan.
But, what did I saw? Bakit ako nag aalala ng ganito? Ano bang nangyari? Ano bang nakita ko?
Naguguluhan ako. Pakiramdam ko ay may masama akong nakita o napanaginipan subalit wala naman akong maalala kung ano ito.
"Everythings gonna be fine, Natsu. By the way, Sean told me that you have something to tell me. What is it?" Ani Jack na kumakain na ng apple sa harap ko.
"What?" Takang tanong ko nang bigla kong maalala ang sinabi ni Kuya Eros.
"Ah. Please invite your friend Jack to my birthday party this weekend. I want to properly thank her for bringing you here."
Napatingin ako kay Kuya Eros na noon ay nakikinig sa pinag uusapan nina Madam at Tanda.
It seems like they haven't notice yet that there's somebody here except them.
Napailing nalang ako saka bumaling kay Jack.
"My brother want's to invite you to his birthday party this coming Saturday." Sabi ko.
"Really? But why?" Aniya.
"He just wanted to properly thanked you for saving my life." Sagot ko.
"Not that."
"What? What do you mean?" Takang tanong ko.
Bahagya siyang lumapit sakin.
"Why he's the one inviting me and not you?"
Napataas ang kilay ko.
"Well, maybe because its his birthday party and not mine? Besides, why do I have to invite you?" Asik ko.
Napaarko ang gilid ng labi niya.
"Well, maybe because you're the one I've saved and not him? Besides, I almost died saving you." Aniyang ginaya na naman ang paraan ng pagkakasabi ko.
Ang hilig nya talagang gumaya.
Pero sa kabilang banda ay tama naman sya. She saved my life and I owe her my life.
Napabuntong hininga ako saka umayos ng upo.
"Thanks." Maya maya'y sambit ko.
Ayaw ko mang sabihin pero utang ko ang buhay ko sa babaeng ito.
"What?" Kunwaring di nya narinig.
Napairap ako saka tiningnan sya ng masama.
"I can't hear you." Patay malisyang katwiran niya.
Inis na napabuntong hininga ako.
"I said thanks." Medyo iritableng saad ko.
Muli siyang napangisi.
Gezz! I hate that smirk!
"Will you say one more time?" Pang aasar niya.
Matalim akong tumingin sa kanya.
"Do you wanna die?" I gritted my teeth.
Natawa siya sa inasal ko. At waring amused na amused sa hitsura ko.
Sisigawan ko na sana sya ngunit natigilan ako nang mapatitig sa kanya.
Parang nag slowmo ang paligid ko habang nakatitig sa nakangiti niyang mukha at nakaarko niyang labi na waring mas naging kissable dahil nakangiti siya.
Bahagya kong ipinilig ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko.
The f*ck I'm thinking?
Snap it out Zeroin! She's not the girl you should fantasize!
Coz she's a devil!
Suway ko sa sarili ko saka muli tiningnan si Jack at itataboy na sana ito palabas nang muli siyang magsalita.
"I love to die if it's you who will kill me, Natsu!" Aniya.
At bago pa ako makahuma nang bigla akong matulala sa sumunod nyang ginawa.
She just kissed the tip of her index finger and pressed it to my lips and wink at me.
😯😦
--