Zero's Pov
"WHAT the fuck did you do that for?!" Inis na sigaw ko sa kanya nang makaahon ako sa tubig.
Ngunit imbis na magsorry ay nginisian nya na naman ako na lalo pang nakadagdag ng asar ko sa kanya.
At ang mas nakakainis pa ay parang balewala lang sa kanya ang nangyari at iginala pa niya ang kanyang paningin.
"So, this is a pool party for you? What a childish eh?" Komento nya pa saka nagtungo sa music area.
"Dude, what in the world is she doing here?" Takang tanong sakin ni Cody.
"So, she is the reason why you make this effort?" Wika naman ni Drew na binigyan ako ng makahulugang tingin.
"What? Dude, nagbago na ba taste mo? Paano na si Angel?" Hysterical namang bulalas ni Cody ngunit ingat na ingat na hindi marinig nina Heart na noon ay takang pinapanood lang ang ginagawa ni Jack.
"It's not what you think guys." Sabi ko nalang saka umahon sa pool at lumapit kina Heart na malapit lang din sa music area.
"Zeck, who is she?" Agad na tanong ni Heart sakin nang makalapit ako.
"Ah.." I look at Jack who's innocently observing the disc player and the speakers.
"...well, her name is Jack. She used to be my classmate." Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda dahil nandito si Jack but whenever I look at her I feel safe at the same time.
"Hey Natsu, this thing is cool. Can I touch it?" Walang reaksyong tanong ni salamander sakin.
Takang napatingin naman ako sa kanya.
'This thing? Hindi nya ba alam ang tawag sa music player and speakers?
"Did I heard it right? She called you Natsu?" Di makapaniwalang tanong naman ni Ashley.
Hindi pa man ako nakakasagot ay umahon na si Ashley at lumapit kay Jack.
Maging sina Drew at Cody ay umahon narin sa pool at lumapit samin. Inalalayan ko naman si Heart na makaahon na din.
And we all headed to music area.
"Hi there, I'm Ashley. I'm Zero's friend." Nakangiting bati pa ni Ashley kay Jack na noon ay nakatingin parin sa player.
She turned to Ashley and stare at her for a second and do her tilting head again.
Bahagya tuloy napaatras si Ashley sa ginawa niya.
"A-ah, w-what's your name?" Alanganing tanong pa ni Ashley kay Jack.
"Jack." Tipid niyang sagot bago tumingin sakin.
"Can I touch it?" Tanong ulit niya na para bang hindi nakikita ang iba kong kasama.
"No." Matapang kong sagot sa kanya saka lumapit.
"Ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba alam ang tungkol sa bagay na yan? Ang tanda tanda mo na para music player lang di mo alam?" Pagkuwa'y sabi ko na may himig panenermon.
She look at me with a blank expression.
At napakunot noo pa ako nang tingnan nya ako mula ulo hanggang paa that gives me shiver in my body.
"Tss, as if you know how to operate this thing." Nakangising sabi nya na para bang sa pamamagitan ng tingin nya ay nahulaan nyang di rin ako marunong mag operate nun.
"Aba't-!"
"Hey Sean, you know this thing right? Can you teach me how to operate this?" Biglang baling nya kay Cody.
What? Bakit naman Sean ang tinawag nya kay Cody?
"W-what?" Gulat na bulalas naman ni Cody saka napatingin sakin at kay Drew.
"Ah, hehe..ang totoo hindi ako masyadong-!"
"You like music. And you can play this thing, besides you're playing it just a while ago." Putol niya kay Cody na namula pa. Waring napahiya.
"You can just say no if you don't want to teach me. I'm not like someone here who doesn't take no for an answer." Dagdag pa niya na tumingin sakin.
Haayst ang yabang talaga!
Napakamot nalang si Cody sa batok.
"Hoy Salamander! H'wag mo ngang ipahiya ang kaibigan ko. Alam mo kung ganyan lang din naman pala ang gagawin mo sana hindi kana lang pumunta dito." Asik ko sa kanya.
Natigilan siya sa gagawin sanang paghawak sa disc player.
Dahan dahan siyang tumingin sakin at halos pangilabutan ako nang makitang unti unting nagiging kulay itim ang purple niyang mga mata.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakita nun dahil wala namang naging reaksyon ang mga kasama ko.
"Is that what you want?" Walang expressiong tanong niya. For a second ay di ako nakasagot sa kanya.
Sandaling tumahimik ang paligid habang nakatingin kaming lahat sa kanya at sya naman sakin.
Hindi ko mabasa ang nasa isip nya pero sya, parang alam na alam nya kung ano ang susunod kong gagawin.
"Ano ka ba Zeck. Bisita mo sya, wag mo naman bastusin ng ganyan." Para akong nagising sa mahabang pagkakatulog nang magsalita si Heart.
"Hi Jack, ako nga pala si Angel. Nice meeting you." Nakangiting pakilala pa ni Heart saka naglahad ng kamay kay Jack.
Sandali syang tiningnan ni Jack bago tinanggap ang kamay nito.
Ngunit para syang natigilan nang mahawakan niya ang kamay ni Heart. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero para syang may nakitang kakaiba nang sandaling maglapat ang mga kamay nila.
"Jack!" Sabay sabay pa kaming napatingin sa nagsalita na kadarating lang.
Bakas sa mukha ni Shane ang pag aalala na ewan. Hindi ko alam kung nainform ba sya ni Salamander na swimming ang gagawin namin dahil naka overall leather suit sya. Mabilis syang lumapit kay Jack na parang hindi kami nakita.
Pareho talaga sila. Parehong weird.
"We have to go. They're here!" Hysterical na bulalas nito saka walang pasubaling hinila si Jack sa kamay.
Ngunit hindi nagpadala sa kanya si Jack.
"What do you mean?" Seryosong tanong nya lang kay Shane.
"Jack, wala na akong time para magpaliwanag. We need to go dahil kung hindi maabutan nila tayo at baka madamay pa ang mga taong nandito."
Bigla akong naalarma sa sinabi ni Shane kaya nakisali narin ako sa usapan nila.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit sino ba yung gusto nyong pagtaguan ni Jack? At may posibilidad pang madamay kami?" Tanong ko kay Shane.
"It's none of your business Montero. Jack let's go." Asik nya sakin na medyo kinagulat ko.
"I can't. Natsu invited me to swim here. Just tell James to prepare anything for them." Walang ganang sagot lang ni Jack at akmang babalik sa music area pero pinigilan sya ni Shane.
"For God's sake Jack. You're life is in danger kapag nahanap nila ang kinaroroonan mo. So please, get your fucking ass out of here NOW!"
Napaatras pa kami sa tindi ng sigaw ni Shane. But Jack just look at her with no expression.
"Then let them be." Seryosong wika nya lang pero parang daig nya pa si Madam na nag utos sa mga tauhan na ipaligpit ang kaaway namin sa negosyo.
"Arrgh! Hindi mo ba talaga naiintindihan na kapag-!"
"Andy. Will you shut your mouth up. I'm just starting to enjoy Natsu's party here and I'm not in the mood to runaway like a cat's scared of a dog. I am the hunter not the one being haunt." Aniya at tinalikuran si Shane saka naglakad sa gilid ng pool.
"Haay, for pete's sake. Bakit ba ako nagkaroon ng kasamang sing tigas ng bato ang ulo!" Gigil na bulalas ni Shane saka ako binalingan.
"Malamig ba ang pool nyo?"
"Why?"
"Can you just answer me Zero?" Naiiritang sabi nya pa.
Aba't. Sumusobra na ang mga ito ah!
"Not untill you tell me what's going on here. Alam mo ang weird nyo talaga ng kaibigan mo. Sana pala hindi nalang kayo pumunta rito. Ginugulo nyo lang ang party eh." Singhal ko rin sa kanya.
Natawa naman siya ng pagak sakin.
"Hah! Sino ba kasi ang nagsabi sayo na imbitahan kami sa isang pool party at si Jack pa talaga ang kinausap mo. Ikaw talaga ang dahilan kung bakit hindi ko sya mapasunod ngayon eh. Dahil sa walang kwentang party mo!" Sigaw nya.
"Bakit pweding pwede naman kayong umalis ah! Walang pumipigil sa inyo! Bukas ang pinto ng bahay ko para lumabas kayo!" Sigaw ko din sa kanya.
Natigilan sya at bahagyang napatingin kay Jack.
"You don't know what you're saying Zero. Once na pumayag na si Jack. Hindi sya umaalis ng hindi natatapos 'to. At kung mahal mo pa ang buhay mo h'wag na h'wag mo syang paaalisin lalo na kung ikaw mismo ang nag imbita. Dahil siguradong may kalalagyan ka." May halong pagbabantang litanya nya.
"Ah talaga? Bakit? Ano bang gagawin nya? Well, sorry to tell you pero nagawa ko na yan dahil kanina ko pa sya pinapaalis sa bahay ko!"
Nagulat sya sa sinabi ko.
"Zee, ano ba tama na yan." Suway na sakin ni Drew habang si Heart naman ay hinawakan ako sa braso.
"Ah, S-Shane, baka gusto mo ng juice. Meron kami dyan. Para kumalma ka." Alanganing alok naman ni Cody.
Hindi sumagot si Shane pero tiningnan nyang muli si Jack na noon ay nasa kabilang dulo na ng pool kung saan ang pinakamalalim. 15 feet ang lalim nun kaya medyo madilim din doon.
"Tawagin mo na ang kaibigan mo at umalis na kayo." Sabi ko nalang kay Shane dahil nabad trip na ako saka siya tinalikuran.
"I told you. H'wag mong sasabihin yan." Sabi niya na waring nagbabanta.
Ngunit hindi ko nalang sya pinansin at nagtungo nalang ako sa isang bench kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
Kinausap na muna ng mga kaibigan ko si Shane at pinapakalma ito.
Akmang magsusuot na sana ako ng damit ng biglang may humila sa paa ko at kasabay niyon ang pagbulusok ko sa tubig. Ni hindi na ako nakasigaw pa sa sobrang bilis ng pangyayari.
I tried to scape from the grip of someone ngunit tila nawalan ako ng lakas lalo pa at napakabilis ng langoy ng taong nakahawak sa leeg ko. Para akong masasakal na ewan at dahil naghysterical ako ay unti unti akong nauubusan ng hininga.
Gusto kong sumigaw sa mga kasama ko at humingi ng tulong ngunit parang matutuluyan ako ng lunod kapag ibinuka ko ang bibig ko.
Nanghihina ako at halos kakapusin na talaga ako ng hininga.
Help!!
Salamander!!
Ewan ko kung bakit ko ba naisigaw sa isip ko ang pangalang iyon gayung nagagalit ako sa kanya.
Halos nanlalabo na ang paningin ko nang bigla kaming huminto. Sa wari ko ay nasa pinakadulong bahagi na kami ng pool kung saan ang pinakamalalim. Madilim ang paligid at wala akong makitang kahit ano.
Hanggang sa may yumakap sa beywang ko ay iniikot ako paharap sa kanya.
Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko pero si Jack ang nakita kong nasa harap ko.
She stare at me at inilapit ang mukha sa mukha ko at bago pa ako makahuma ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng kanyang labi nya sa labi ko.
First kiss ko!!
Nanlaki ang nanlalabo kong mga mata pero mas nagulat ako nang ibuka nya ang bibig ko to sealed with her mouth at bigla ko nalang naramdaman ang hanging nanggagaling sa kanyang bibig.
At dahil kinakapos na ako ng paghinga ay napahawak ako ng mahigpit sa beywang niya at mas humigop ng hangin sa bibig nya.
Hindi ko alam kung paano nyang nagawa iyon pero medyo guminhawa ang paghinga ko. At hindi ko rin alam kung ilang sandali ba kaming nasa ganuong ayos. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagbitiw niya sa labi ko.
Bahagya siyang humiwalay sakin at nginisian ako bago muling inilapit ang mukha niya sakin.
Napapikit nalang ako nang muling maglapat ang mga labi namin.
Shit! Bakit ganito? I've been dreaming that Heart would be my first kiss at wala ng iba pa. Pero ninakaw lang ng isang Salamander. Pero bakit hindi ako nagagalit? Bakit parang nagugustuhan ko na rin na sya nga ang first kiss ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan.
I feel so gay! The fuck!
Para akong nakalutang!
Salitan ang halik at pagbibigay ng hangin ang ginawa naming dalawa at hindi ko alam kung gaano katagal ba kaming ganuon. Naghahalikan sa ilalim ng malalim na pool.
Shit! Parang gusto ko ulit magpapool party bukas at sa susunod na bukas at sa susunod pang bukas!
Napamulat ako ng tumigil sya sa paghalik at tinitigan ako.
I look at her purple eyes na parang kumikinang sa tubig.
Kinulong ng mga kamay niya ang mukha ko at marahang pinagdikit ang aming mga noo.
At sa di ko malamang dahilan ay parang naririnig ko kung ano ang nasa isip nya.
"Natsu, from now on. You will be mine. Mine alone."
Natigilan ako sa sinabi nya.
"You will be my Natsu and I'll be your Salamander. You and I will going to be one. You are the only antidote for my future self."
What is she talking about?
"If I change and can't control anymore. Just call me by your heart and I will listen."
Bahagya niyang inilayo ang kanyang mukha sakin.
And for the first time. I saw her geniune smile. Not a smirk but a beautiful smile shining under the darkness of the water.
Napaawang ang bibig ko sa nakita.
Ngunit bago pa ako makahuma ay muli niyang sinakop ang aking mga labi.
"And from this day forward. You have no right to leave this devil or die before me. Because if you do. No one will ever be alive on this planet ever again."
--