Download App
98.13% WANTED PROTECTOR / Chapter 105: Chapter 105 - The War

Chapter 105: Chapter 105 - The War

Mansyon ng mga Delavega.

"ANONG SINABI MO!" Dumagundong ang boses ng kausap ni Xander na tiyuhin bunsong kapatid ng ama.

"T-tulungan niyo po ako."

Sa harap ng hapagkainan ay yumuko siya sa mga kamag-anak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumapit siya sa mga Delavega nagbabakasakaling may makakaintindi sa kanila ng ama, lalo na sa sitwasyon ngayon.

"Tulong? Talaga bang humihingi ka ng tulong?" sarkastikong turan ng tiyahin, pangalawa sa magkakapatid.

"Nasa panganib si dad, hawak siya ni Jaime Lopez," mariin niyang tugon.

"Hindi ba nasa korte na siya?" ang tiyuhin 'yon.

"Hindi natuloy dahil dinukot siya."

Natahimik ang lahat.

"That is not our fault," matigas na wika ng tiyahin. "Wala na kayong ginawa sa angkan kundi ang bigyan kami ng kahihiyan."

Kumuyom ang kanyang kamao sa ilalim ng mesa.

"Saan ba nanggaling ang inyong tinatamasa ngayon? Nakalimutan niyo na ba?" sumbat niya sa lahat ng naroon.

Natahimik ang mga ito.

"Lahat ng meron kayo galing sa ama ko! Ang mga tinitirhan ninyo, ang kumpanya! Lahat galing sa kanya! Kung talagang ikinahihiya ninyo ang ama ko bakit hanggang ngayon nandirito pa rin kayo?"

Mas tumahimik ang lahat subalit kitang-kita ang galit sa anyo ng mga ito.

"Sumusobra ka na Alexander!" singhal ng tiyuhin.

Padarag siyang tumayo. "Humingi lang ako ng kaunting tulong dahil akala ko may maasahan ako sa pamilyang ito, nakalimutan ko kayo lang pala ang umaasa sa kanya. Ngayong siya ang nangangailangan sinumbatan niyo pa." Tumalikod siya.

"Nasaan ba si Roman?"

Napalingon siya sa tanong ng tiyahin.

Nang dahil sa narinig ay muli siyang bumalik.

"Hawak ng kalaban," mariin niyang saad.

"Buhay pa hindi ba?" tanong ng tiyuhin.

"Hindi nila magagalaw si dad dahil hawak ko ang kaisa-isang apo ng Jaime Lopez na 'yon."

Nagimbal ang tiyahin sa narinig at napatayo sa kinauupuan.

"ANO! NABABALIW KA NA BA!"

Tumalim ang kanyang tingin at binalibag ang mga pagkaing nasa harapan na ikinaputla ng mga ito.

"Baliw? Huh siguro nga! Sino ba ang hindi mababaliw sa nangyayari ngayon! Pinaghahanap ako ng batas, shoot to kill! At si dad, hawak siya ng mortal na kaaway, isang maling kilos ko lang katapusan ko na!"

"Kayo ang may kasalanan! Bakit kami ang sinisisi mo!" singhal ng tiyahin.

"Georgia!" sita ng kapatid.

"Bakit Norman? Huwag mong sabihing kumakampi ka!"

"Dapat ba hindi? Pamilya ang humihingi ng tulong baka nakalimutan mo?" asik din nito.

Natahimik ito.

"Wanted siya! Baka nakalimutan mo!" balik nito.

Ngayon nakatayo na silang tatlo. Naghahamon ang tingin ng bawat isa.

"O bakit? Huwag niyong sabihing kayo mismo ang magsusuplong sa akin! Ha!" 

Katahimikan.

Tila walang gustong umawat sa kanya.

"Ganyan ba ang humingi ng tulong? Mamamatay ka na nga mayabang ka pa rin!"

Nagtagis ang kanyang bagang.

"Nagpakumbaba ako pero anong ginawa ninyo? Kung wala kayong balak tumulong tumahimik kayong lahat!" Isa-isa niyang pinagmasdan ang tatlo.

"Baka hindi ako makapagpigil iisa-isahin ko kayo!"

Natahimik ang lahat.

Mapait siyang tumalikod at marahang humakbang palayo sa buong kamag-anak. 

Ang ama niya ang panganay sa tatlong magkakapatid, ito ang tumaguyod sa dalawa hanggang sa naabot ng mga ito ang mga pangarap, isang doktor ang babae at ang lalaking tiyuhin ay isang abogado.

Ang mga bahay na tinitirhan ng mga ito ay bigay ng kanyang ama ng walang kapalit. Subalit ngayong walang-wala silang magagawa ay wala rin palang tutulong.

"Paano mo maililigtas ang ama mo?" 

Ang tanong ng tiyuhin na si Norman ang nagpalingon sa kanya. Nag-abot ang kanilang mga tingin.

"Alam ko kung saang ospital siya naroon, na trace ko ang tawag ng tauhan ni Jaime Lopez at nakumpirma kong naroon nga."

"Kung gano'n, susuportahan ka ng pamilya."

"Norman!" singhal  ng tiyahin, bakas ang pagtutol sa anyo nito.

Nilingon ito ni Norman. "Buong pamilya at pwersa ng Delavega ang tutulong para mailigtas si kuya Roman, doktor ka Georgia, kapag nakuha na si kuya sa'yo siya dadalhin, ikaw ang magliligtas sa kanya."

Tahimik lamang si Georgia, ngunit napangiti si Xander, may aasahan pa pala siya.

"Anong plano mo?" tanong ng tiyuhin.

"Unahan ang labanan, uunahan natin sila, kapag makuha ko na si dad, tatapusin ko ang apo ni don Jaime Lopez. "

"Iyan ba ang desisyon mo?"

"Yes. Don't worry tito, kakampi natin ang mga Mondragon, magsasanib ang dalawang pwersa kaya siguradong magtatagumpay tayo."

"Dalawang pwersa rin ang kalaban baka nakalimutan mo?" sarkastikong turan ng tiyahin.

Nagtagis ang kanyang bagang.

"Lopez at Villareal hindi ba?" pagpapatuloy nito. "Una at pangalawa sa pinakamaimpluwensiya ang kalaban mo."

"Wala silang magagawa, hawak natin ang prinsesa nila-"

"At hawak nila si kuya, ang hari natin." 

Natahimik siya.

"Kaya mas dapat magtulungan tayo," saad ni Norman. "Mabuti at kakampi natin ang mga Mondragon."

Nakahinga siya ng maluwag. "Maraming salamat tito." 

"Bakit hindi na lang natin ipaalam sa medya ang pagdukot ng mga Lopez kay kuya?" suhestyon ni Georgia na ikinabahala ni Xander.

"Hindi pwede, kapag pinaalam sa medya ang pagkawala ni dad manganganib siya at maeeskandalo tayo."

"Why? Hindi ba dapat ang mga Lopez ang maeskandalo? In that way mapipilitan silang ibalik si kuya sa atin!" giit ng tiyahin.

"Gamitin mo nga utak mo Georgia!" singhal ni Norman sa kapatid na agad nagdilim ang anyo.

"Bakit ba! Iyan na ang pinakamadaling paraan para-"

"Para mapahamak tayong lahat!" dugtong nito.

"Kapag nalaman ng medya ang nangyari kay kuya siguradong ididiin tayo ng kalaban.

Hawak ni Xander ang apo ng pinakamaimpluwensiyang tao sa buong lugar na ito at sila ang kalaban natin! Malalaman ng buong bayan na hawak ng mga Lopez si kuya pero malalaman din ng buong bayan na dinukot ni Xander ang apo nito. At sa sitwasyon natin tayo ang tagilid dahil wanted sa batas ang pamangkin mo!"

Tuluyang natahimik  si Georgia at humalukipkip.

"Maraming salamat tito, 'yan din ang naiisip ko."

"Babawiin natin si kuya sa isang kundisyon Xander," ngayon sa kanya na nakatuon ang matiim na tingin ng tiyuhin.

"Ano 'yon?" Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

"Kapag makaligtas si kuya, kapag mabubuhay siya, magbabayad siya ng kasalanan. Abogado ako, at ang mga nagkasala dapat parusahan."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan niyang makulong," deretso nitong sagot.

"ANO!"

---

Mansyon ng mga Lopez.

"Anong kailangan niyo?" 

Ang tanong ni don Jaime ay napakasimply lang ngunit hindi magawang sumagot ni Gian.

Nagtitipon sila sa hapagkainan sa mansyon nito kasama ang mga pinsan para hingin ang tulong nito.

Napilitan mang magpakita sa don dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ay isinantabi ng binata ang pride niya.

"Kailangan namin ng tulong ninyo don Jaime," nakayuko niyang tugon.

Tumiim ang tingin ng don sa kanya.

"Ngayon kailangan mo na ang tulong ko, pero noong hindi ka pa nagigipit nagdesisyon ka mag-isa."

 Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Patawad po."

"Gano'n lang ba kadaling sabihin 'yon Gian?" asik ng don.

Nagsalita si Hendrix. "Don Jaime, wala na tayong oras para magsumbatan, bawat oras ay mahalaga rito, nakasalalay sa inyong desisyon ang buhay ng inyong apo. Hindi lang Delavega ang makakabangga rito maging ang mga Mondragon."

"Hindi niyo naiintindihan!" singhal na ng don na ikinatahimik nila.

"Kung hindi dahil sa padalos-dalos na desisyon ng hayop na 'yan hindi aabot sa ganito ang lahat!" dinuro siya ng matanda.

Kumuyom ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa na mabilis pinigilan ni Gabriel.

"Don Jaime, intindihin niyo ho sana si Gian ginawa niya 'yon para hindi na kayo madamay pa-"

"O ngayon nasaan ang apo ko? Si Vince? Hindi ba patay na? At kasalanan mo 'yon!" muli siyang dinuro ng don.

Ipinikit niya ang mga mata.

"Don Jaime-" ani Hendrix na pinutol niya.

"Sir," saad niya na ikinatahimik ng lahat.

Sa pagkakataong ito ay deretso niyang tinitigan ang don.

"Kung namatay man ang kaibigan ko, iyon ay dahil para mabuhay ang apo mo. Iniligtas niya si Ellah, isinakripisyo niya ang buhay niya, kaya kung namatay man si Vince iyon ay dahil sa apo mo, hindi sa akin," matigas niyang tugon.

Katahimikan.

"Kaya niyang iligtas ang sarili niya at iwan si Ellah, kaya niyang mabuhay kapalit ng buhay ng inyong apo, pero hindi niya ginawa, hindi niya ginawa dahil sa akin," nanakit ang kanyang lalamunan sa pagpigil ng luha.

Hinaplos ni Hendrix ang kanyang braso.

"Tatanggapin ko ang paninisi niyo sa akin, pero huwag niyong kalimutan na kung may mortal mang kaaway ang mga Delavega walang iba kundi kayo don Jaime. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi niyo na haharapin ang kasalanan ninyo, ginawa ko ang lahat para kayo ang iligtas ko."

"Hindi ko hiningi ang tulong mo," matigas nitong tugon.

"Matanda ka na para makulong," deretso niyang saad.

Napalunok ang don, ibinaling ang tingin sa kawalan.

"Don Jaime," wika ni Ben na nasa tabi ng don.

"Tama si sir Gian, kayo ang dahilan ng lahat, ang pagiging mortal ninyong magkalaban ni Roman Delavega ang puno't dulo. Sila ang nadamay dito don Jaime, nadamay si sir Gian dahil minahal niya ang inyong apo."

Sa pagkakataong ito, tumingin ang don sa binatang nakayuko.

"Ilang beses ng iniligtas ni sir Gian si Ms. Ellah sa tiyak na kapahamakan, ibinubuwis niya ang buhay niya para sa inyong nag-iisang apo.  Napakalaki ng utang na loob ninyo sa kanya na hindi kayang tumbasan ng panunumbat at paninisi. "

Tumingin ang don sa alalay na may suporta sa balikat gawa ng pagprotekta nito sa kalaban. 

"Kaya pakiusap don Jaime, magtulungan tayo rito. Kailangan niyo ang tulong nila, hindi niyo kaya ito mag-isa, alang-alang kay Ms. Ellah."

Huminga ng malalim ang don. "Papayag na ako, pero ipangako ninyong wala ng magbubuhis ng buhay," matigas na wika ng don sa kanya nakatingin.

Umangat ang kanyang tingin. "Hindi ko 'yan maipapangako don Jaime."

Natahimik ang lahat at umawang ang bibig ng don.

"Lalaban ako magkamatayan man," matatag niyang wika.

"Mangako ka Gian! Mabubuhay ka para sa apo ko," nagbabanta ang tono ng don.

Nagtiim ang kanyang bagang bago sumagot. "Opo, pangako."

"Ang buong pamilya Villareal ay nakasuporta sa labang ito don Jaime," ani Hendrix.

"Ganoon din ako."

Nakaramdam ng saya ang binata, ang buong akala niya haharapin nila ang laban na wala ang tulong nito.

Ngumiti si Hendrix. "Full force Villareal and Lopez versus Delavega and Mondragon!"

"Sa tingin niyo ba hindi magsusumbong si Xander sa medya tungkol sa kanyang ama?" ani Ben.

"Hindi, kapag ginawa niya 'yon mas lalo siyang manganganib," tugon ni Hendrix.

"Alam niyo na ba kung nasaan ang apo ko?"

"Na locate na namin ang area don Jaime." si Hendrix.

"Saan?" sabik na tanong ng don.

"Nasa Ipil siya."

Umawang ang bibig ng don.

"Napakalayo!"

"Tatlong oras ang biyahe papunta roon!" dagdag ni Ben.

"Kaya kailangang kumilos na tayo ngayon pa lang," si Hendrix.

"Siguradong gagawa ng paraan ang mga Delavega para iligtas si Roman," aniya.

"Mga hayop talaga ang mga Delavega na 'yan, mangkidnap pero hindi naman mang ransom!" si Ben.

Iyon ang masaklap, hindi pera ang kapalit!

Tumunog ang cellphone ni don Jaime kaya nagpaalam ito at umalis.

Nagpatuloy ang usapan.

"Why don't we inform this on media? Sabihin nating kinidnap ng mga Delavega si Ellah para maaware sila at kung anuman ang mangyayari alam na kung sino ang-"

"It's useless Gab," putol ni Hendrix na ikinakunot ng noo ni Gabriel.

"What? Why!"

"Kung hindi natin hawak ang isang Delavega pwede 'yan. Pero, hawak natin ang kalaban, hawak naman nila ang apo ni don Jaime. Manganganib si Ellah kapag nangyari 'yon, mapapahamak din si don Jaime."

Ngayon nakatingin kay Gian ang lahat, naghihintay ng sasabihin niya. 

Umayos siya ng pagkakaupo. "Unahan natin ang  kalaban.  Kailangan bago sila gumawa ng paraan para iligtas ang demonyong ama makuha na natin si Ellah. Kapag nasa atin na si Ellah, itutumba ko ang satanas niyang anak."

Natahimik ang lahat. 

Hanggang sa natapos ang usapan at nagpaalam ang mga ito sa don na nasa terasa bago naglabasan.

"Don Jaime," tawag niya.

Nilingon siya nito. "Gian, nakahanda na lahat. Iligtas mo ang apo ko parang awa mo na."

Bumalatay ang sakit at pait sa anyo ng don.

"Pangako, ililigtas ko si Ellah."

"Maraming salamat. Nakipagcoordinate na ako kay Chief Romero, tutulong daw sila."

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Kayo na ang bahala kay Roman Delavega."

"Oo, pangako, pababantayan ko siya ng husto."

Kahit hindi pumayag ang hepe ng pulisya na dalawin ng don si Roman ay pumayag naman itong sasailalim sa pamamahala ni don Jaime dahil isa sa pagmamay-ari ng don ang ospital na pinagdalhan nito.

Kaya sa madaling salita, hawak ni don Jaime ang kalaban.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at tumalim ang tingin sa kawalan.

"Huwag niyong hayaan ang batas ang humusga sa demonyong 'yon. Sa oras na mailigtas na si Ellah, babalikan ko 'yon, ako mismo ang papatay sa kanya."

Sa pagkakataong ito, hindi sila gagamit ng legal na paraan.

Ang gagamitin nila ay kapangyarihan at impluwensiya!

Tumalim ang tingin ng don sa kawalan.

" Sa ginawa nila, ipinapahiwatig nila ang isang giyera! Ibibigay natin 'yon!"

Tumunog ang kanyang cellphone at nang makita ang hepe ang tumatawag ay tumayo siya at bahagyang lumayo.

" Excuse ho, "paalam niya sa don at dumistansiya.

Kinumusta siya ng hepe at sinabihang tutulong sa pagliligtas sa apo ni don Jaime at ipinagpasalamat niya.

"Ipapadala ko ang Alpha team si Greg na ang team leader."

Bagong team leader. Patunay na wala na nga ang kaibigan.

Napapikit siya sa narinig at bumuga ng hangin.

"Tutulong kami hindi lang dahil sa pagliligtas ng sibilyan, tutulong kami para masugpo ang terorismo."

"Salamat sir. Pero kung tutulong man sila, doon sila kay Roman Delavega, si don Jaime ang dapat kausapin."

Huminahon ang tono ng hepe.

"Sige. Maiba ako, dumalaw ka na ba sa burol ni Vince?"

Unti-unting umahon ang sakit at galit sa kanyang dibdib. Muli siyang huminga ng malalim.

"Hindi pa sir."

"I'm sorry Gian, condolence. Vince is a big lost for us. Kaya bibigyan natin siya ng tamang hustisya."

Tila may nagbara sa kanyang lalamunan at nag-init ang gilid ng mga mata.

"S-salamat sir."

Parang hindi totoong wala na ang kaibigan.

'Sana panaginip lang ang lahat ng ito, sana magising na ako.'

Muling tumunog ang cellphone, sa pagkakataong ito ay hindi niya kilala ang tumatawag ngunit sinagot niya.

"Hell-"

"Villareal, ako 'to nakalimutan mo na?" Kalmado ang tono ng kausap subalit sumabog siya.

"HAYOP NASAAN SI ELLAH!"

"Malapit ng mawala sa mundo, bilisan mo iligtas mo na ang prinsesa," bulong nito na sinundan ng halakhak.

Kumuyom ng husto ang kanyang kamay. "NASAAN SIYA !"

"Sigurista ka talaga Villareal, huwag kang mag-alala buhay pa."

Maya-maya lang ay nakarinig siya ng komosyon.

"HMMMMP!" 

Nilukob siya ng matinding pananabik pagkarinig sa boses na 'yon dahil sigurado siyang si Ellah!

"ELLAH?"

"G-GIAN?"

"ELLAH NASAAN KA? SINAKTAN KA BA NG-"

"Ano Villareal? Nakausap mo na hindi ba?"

Nagtagis ang kanyang mga bagang nang iba na ang kumausap.

"Ibalik mo sa kanya!"

"Iligtas mo siya, iyon ay kung maaabutan mo pa!" kasabay ng paghalakhak nito.

"KAPAG MAY MASAMANG NANGYARI SA KANYA UUNAHIN KO ANG AMA MONG DEMONYO TANDAAN MO 'YAN!"

"MAS DEMONYO KA! TANDAAN MO TATLONG ORAS NA LANG ANG ITATAGAL NIYA!" singhal nito. 

Natigagal ang binata sa narinig.

"HABULIN MO ANG KAMATAYAN NG PRINSESA NI JAIME LOPEZ, VILLAREAL!" Humalakhak ito bago nawala sa linya.

Natigilan siya.

Kung totoong tatlong oras na lang ang itatagal ni Ellah ibig sabihin pagdating niya roon hindi niya ito maaabutan ng buhay!

Bumigat ang kanyang paghinga at buong lakas na isinigaw ang poot at galit.

"PUTANGINA DELAVEGA!" 

---

03:00:00

Naalimpungatan si Ellah nang tila may umilaw sa gilid  sa loob ng silid na kinaroroonan.

Mula sa pagkakaidlip sa inuupuang bakal habang nakatali ang mga kamay ay iminulat niya ang mga mata at nilingon ang bagay na umiilaw na kulay pula na nakakabit sa dingding.

Sa una ay malabo pa ito sa kanyang paningin ngunit ilang sandali pa ay luminaw na ito at tila nanlaki ang kanyang ulo nang mapagtanto kung ano ang bagay na 'yon.

Gumapang ang takot sa buong kalamnan ng dalaga at nanuyo ang lalamunan.

Malinaw ang marka.

Tatlong oras.

Tatlong oras ang itatagal ng  bomba.

Ibig sabihin tatlong oras na lang ang itatagal ng buhay niya!

Mas lalo siyang natigagal  nang magsimulang magbilang ang orasan nito!

02:59:59

"HMMMMPPPP!" 

Saka niya naalalang may takip ang kanyang bibig.

Nilinga niya ang buong paligid nagbabakasakaling may mahingan ng tulong ngunit iba ang nahagip ng kanyang tingin.

Isang mahabang baril ang nakakabit sa pinto at nakapaharap sa kanya!

May nakataling lubid sa gatilyo ng baril, sa oras na may bumukas ng pinto mahihila ito at puputok deretso sa kanyang katawan!

Nangatal ang mga kamay at nanginig ang mga tuhod. 

Naalala niya ang sinabi ni Xander kanina.

"Inaasahan ko ang pagdating ng demonyong Villareal na 'yon kaya hindi muna kita tatapusin..." bahagya itong lumapit at bumulong.

"Dahil siya ang tatapos sa' yo." 

"Mamamatay ka sa mga kamay niya!" matapang niyang tugon na ikinagalit ng husto ni Xander.

Sinampal siya nito gamit ang likod ng palad na ikinabiling niya bago lumabas.

"Jeric, pabantayan mong mabuti ang babaeng 'yan. Siguraduhin mong si Villareal ang papatay sa kanya!"

"Akong bahala."

Nilingon siya ni Xander.  "Kapag hindi dumating ang demonyong 'yon, mamamatay ka mag-isa."

Ngayon naintindihan na niya, walang ibang magbubukas ng pinto kung hindi ang mismong magliligtas sa kanya.

At malaki ang posibilidad na si Gian 'yon kung meron man!

Paano siya nito maililigtas kung ito mismo ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinigurado ng kalaban na hindi siya mabubuhay kahit pa matagpuan na siya!

"MMMPPPP!"

Buong pwersa niyang inangat ang mga brasong may posas na bakal na nakakabit konektado sa inuupuang bakal ngunit hindi siya nakawala. 

Sa bawat hila niya sa posas ay mas lalong humahapdi ang sugat sa kanyang pulso subalit hindi niya ininda ang sakit at tiniis ang hapdi.

Inuga niya ng husto ang upuang bakal na nakadikit sa sahig ngunit walang nangyari.

Nag-init ang kanyang mga mata at nagsimulang pumatak ang mga luha sa kawalan ng pag-asa.

Hindi pa siya handang mamatay!

Kahit halos hindi siya kumakain sa ibinibigay na pagkain ng mga ito ay hindi pa siya handang mamatay!

'Diyos ko! Tulong! Diyos ko, patawad po sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko. Patawad po! Parang awa niyo na Panginoon patawad po!'

Ni hindi niya inakalang aabot sa puntong desperado siyang hihingi ng tulong sa Diyos. 

Sila ang pinakamaimpluwensiyang tao sa buong lugar ngunit walang magagawa sa pagkakataong ito.

' Lolo, patawad po, Gian, Vince, Jen sa lahat mga nagawa kong kasalanan parang awa niyo na patawarin niyo ako! Patawad sa lahat ng mga nagawan ko ng kasalanan! Diyos ko! Patawad po!'

02: 40: 05

Habang papaubos ang oras ay wala na siyang ginawa kung hindi ang paulit-ulit na humingi ng tawad sa Diyos.

' Walang magagawa ang kagaya ko kahit pinakamaimpluwensiya pa sa buong lugar, wala akong magagawa Panginoon kung ito ang kagustuhan mo. Kung hanggang dito na lang ang buhay ko. 

Nagpapasalamat ako dahil sa maiksing panahon, pinaranas mo sa akin ang magkaroon ng ganitong klaseng buhay. Salamat at nakilala ko ang katulad ni Gian na minahal ako sa kabila ng lahat. Salamat sa lolo ko na tanging natirang pamilya ko at gumagabay sa akin...'

Mapait siyang tumingala habang buhos ang mga luha.

'Maraming salamat sa buhay na ibinigay mo Diyos ko.'

---

Sunod-sunod na nagsidating ang sampung sasakyan at nagsipagbabaan ang mga lulan nito kasunod ay ang nakakarinding putok ng mga baril.

Parating na rin ang chopper na magdadala sa kanila ng ama deretso ng Manila palabas ng bansa sa pangangalaga ng tiyahin.

Hinding-hindi siya makakapayag na makulong ang isang Roman Delavega.

Ang kanyang ama ang aahon sa kahirapan ng bansa!

Pulido ang plano ni Xander kaya desidido siyang makuha ang ama.

Habang inililigtas ng kalaban ang bihag nila ay ililigtas niya ang ama.

Sinadya niyang ipaalam na mamamatay na ang prinsesa ng mga ito para tablahan na.

Sinadya niyang sa malayo dalhin para hindi maabutan ng buhay.

At kung maabutan man ng kalaban ay sinigurado niyang ito rin ang papatay!

Sigurado siyang natataranta ang kaaway habang siya ililigtas ang ama nang walang kahirap-hirap!

Walang habas na pinagbabaril ng grupo niya ang ospital na kinaroronan ng ama.

Nagkagulo ang mga tao at nagsigawan sa takot saka nagtakbuhan.

Maging si senior Roman ay nagising mula sa pagkakatulog.

Bagamat kumikirot ang buong katawan ay pinilit nitong bumangon.

Mula sa labas ay nakipagbakbakan ang grupo ni Xander sa mga kalaban.

Nagkasagupaan sa pagitan ng mga pulis at ng grupo ni Xander Delavega.

Ngunit nanalo ang grupo nila.

Malayang nakapasok sina Xander at ang mga tauhan.

Pinagbubuksan ng mga tauhan ang bawat silid.

Hanggang sa nakita niya ang silid na kinaroroonan ng ama.

"DAD!"

"XANDER!"

Agad silang nagyakapan.

"Umalis na tayo rito!"

"Hindi ako makakalakad," mapait na tugon ng senior.

Binuhat niya ang ama at inilipat sa isang wheel chair na nasa tabi.

"You're safe now dad."

Palabas na sila habang tulak niya ang wheel chair ng ama.

Subalit hindi niya inaasahang sobrang dami ng kalabang humarang at pinaulanan sila ng bala!

Hindi na ito mga pulis! 

Bigla silang nahirapan sa paglabas.

Mababagsik ang mga kalaban at tila handang mamatay.

May tatlo na ang tatapang ng dating at ni hindi kumukubli kahit nagliliparan na ang mga bala!

Uminit ang kanyang ulo dahil magtatagal pa ang labanan, gayong tatlong oras lang ang itinakda niya para sa pagdating ng chopper.

Sinigurado niyang kasabay ng kanilang pag-alis sa lugar na ito ay ang pagsabog ng gusaling kinaroroonan ng prinsesa ng isang don Jaime Lopez!

Sinigurado niyang kasabay ng kaligtasan ng ama ay ang pagpanaw ni Ellah!

Walang tigil sa pamamaril ang grupo niya ngunit karamihan sa mga ito ay natutumba na. 

Muli na namang nagkasagupaan at nahiwalay siya sa ama!

---

01: 00: 04

Isang oras na lang!

Iminamarka ng bomba ang oras ng kanyang kamatayan!

Kung dati lagi siyang nagmamadali at napakatagal ng isang oras iba ngayon!

Buhay niya ang ino-orasan!

Kahit dumudugo na ang sugat sa mga pulso ni Ellah ay patuloy pa rin niyang hinihila para lang makaalis sa posas na bakal. 

Kapag nasa bingit ng kamatayan hindi totoong hayaan mo na lang na mamamatay ka.

Iisa lang ang buhay. Kapag namatay ka hindi ka na mabubuhay ulit.

Kaya hangga't hindi nauubos ang oras ay may pag-asa siyang makaligtas. Ang mahalaga hindi siya sumuko at ginawa ang lahat ng makakaya hanggang sa huling hininga.

"HHHHHHMMMMPPP!" Buong lakas niyang hinila ang pulso at mas lalong dumiin ang bakal sa kanyang laman, mas lalong lumalim ang sugat, mas tumindi ang hapdi at sakit ngunit desidido siyang makawala.

Muling bumuhos ang luha niya ngunit patuloy sa paghila ng pulso.

Hanggang sa makarinig nang tila ugong ng elikopter na nagmumula sa itaas.

Hindi niya matiyak kung ilang elikopter ngunit tiyak siyang hindi iisa!

Palapit nang palapit na tila nasa bubong ng kinaroroonan niyang gusali.

Kumabog ang kanyang dibdib sa tindi ng takot subalit may namuong pag-asa sa kanyang puso.

Muli niyang kinalampag ang upuan ngunit natigil nang biglang makarinig ng sunod-sunod na pagsabog kasabay ng mga putok ng baril na tila ginamitan ng machine gun!

---

Nakakarimarim ang mga bombang sumasabog at putukan ng mga baril habang umuulan ng bala.

Literal na umuulan ng bala sa buong lugar dahil nagmumula ang mga ito sa nakapalibot na apat na elikopter sa itaas ng gusali.

Pinalilibutan mula kanan, kaliwa, harapan at likod sa pangunguna nina Gian at Gabriel lulan ang grupo ng pinsan na mga tauhan ni don Manolo.

Nagkagulo ang buong lugar.

Nagkasagupaan laban sa mga tauhan ni Delavega.

Sunod-sunod ang pagdating ng tatlumpong sasakyan lulan ang mga tauhan ni don Jaime at sabay-sabay na pinagbabaril  ang lahat ng mga tauhang nasa labas  sa pangunguna nina Hendrix at Buloy.

Buhos ang pwersa ng Villareal at Lopez upang mailigtas ang apo ng isang Jaime Lopez!

Grupo ni Gabriel ang nagpapasabog, grupo ni Hendrix ang nagpapaulan ng bala at grupo ni Gian ang lumusob sa loob.

Sabay-sabay na naglalakad ang grupo ni Gian habang walang awang pumapatay.

Hindi kababakasan ng takotm

Nakahanda sa pagdating ng kalaban ang grupo ni Xander Delavega sa pamumuno ni Jeric Mondragon  na nakikipagsabayan sa patayan.

Subalit tagilid sila sa pwersa ng umaatake.

Kahit mas marami sila mas magagaling ang mga ito.

Mga dekalibreng armas ang lahat ng dala kumpara sa kanila na pinababayaan na ng among intsik na pinuno ng terorista.

Mula sa sulok  ay desperadong nakikipag-usap si Jeric kay Xander Delavega. 

"Xander inatake kami! Tagilid tayo!"

"Tagilid din kami! Hindi kami makalabas ni dad mga demonyo ang nandito!"

"Paano 'to!"

"Ikaw na ang bahala diyan! Huwag ninyong hayaang mabuhay pa ang babae diyan!"

Nawala na ito sa linya.

Tumalim ang kanyang tingin sa kinaroroonan ng bihag bago ikinasa ang hawak na armas.

"FUCK SHIT!"

---

Deretso ang pasok ni Gian at ng mga tauhan sa naturang gusali habang walang pinalalagpas sa tauhan ng mga Delavega.

Sanay na siyang pumatay mula pa noon, nagbago lang nang makilala ang kasintahan ngunit ngayong nasa panganib ito, at namatayan pa ng kaibigan ay mas lalong nangibabaw ang kanyang pagkahalimaw.

Walang habas nilang pinagbabaril ang lahat ng tauhan ng kalaban.

Nagliparan ang mga bala at sabay-sabay na humahandusay ang mga kalaban.

Sisiguraduhin niyang walang mabubuhay isa man sa mga ito.

Wala!

Nang malinis na ang paligid ay sinimulan na niyang hanapin ang kasintahan.

"ELLAH!" 

"MMMMPPPP!"

Dumagundong ang dibdib ng binata sa kaba nang marinig ang boses ng isang babae sa hindi kalayuan.

"ELLAH NASAAN KA?"

"HMMMMPPPPPP!" Nilakasan nito ang boses.

Napamura ang binata dahil hindi makapagsalita ang kasintahan.

Nang makapangalahati na ng pasilyo ay halos mamutla si Gian sa nakita.

Isang bombang nagbibilang ng oras na nakakabit sa dingding!

00:30:08

Kalahating oras na lang at sasabog na ito!

'Iyon pala ang ibig ng satanas!' 

Tinakbo niya sa napakahabang pasilyo at nang malapit na sa dulo ay

kumabog ang kanyang dibdib dahil malakas ang kutob na nasa pinakadulong silid ang kasintahan.

"ELLAH!" 

"HHMMMPPP!"

Nang makumpirmang tama ang kanyang hinala ay mabilis niya itong tinakbo subalit biglang napakubli sa isang posteng nasa tabi nang biglang salubungin ng mga balang nagliliparan.

"SHIT!" 

Kung kailan ka nagmamadali saka naman may humarang!

"VILLAREAAAL! DEMONYO KA IKAW ANG NAGPABAGSAK SA AMA KO HAYOP KA!"

Kumunot ang noo ng binata at matamang nag-isip.

"MAMAMATAY KA SA MGA KAMAY KO!" Panay ang pamamaril nito at nagtalsikan ang mga bala sa sementadong poste na pinagkukublihan niya. 

Saka niya napagtantong ang anak ni Mondragon ang naka engkwentro ngayon.

Magkasanib pwersa ang mga ito.

Panay ang sulyap niya sa orasan ng bomba, dalawampung minuto na lang papaubos na ang oras ngunit heto siya nagkukubli lang.

"GUSTO MONG ILIGTAS ANG BABAE MO? IKAW ANG PAPATAY SA KANYA!" dagdag pa nito.

Nagpanting ang kanyang tainga at gumanti ng pamamaril, ito naman ang kumubli.

Takot at galit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Takot dahil papaubos na ang oras.

Galit dahil may humahadlang pa!

Sinulyapan niya ang oras.

Labing-limang minuto na lang ang natitira at heto nakikipagbakbakan pa rin siya!

Desperado na ang binata na mailigtas ang kasintahan kaya buong tapang siyang lumapit sa kinaroroonan ng kalaban.

'Bahala na!'

" MAMAMATAY KA SA MGA KAMAY KO!"

Lumabas si Jeric Mondragon ng buong tapang.

Harapan silang naglaban.

Dahil hindi naman siya kumubli  ay tinamaan siya sa balikat na walang bullet vest, ngunit si Jeric Mondragon ay bumulagta nang matamaan sa noo at buong mukha.

Humandusay ang lalaki sa malamig na sahig.

Tiningnan niya ang orasan at muling napamura sa nakita.

00:10:00

"ELLAH!"

"MMMMPPP!" Humagulgol na ito.

Mas lalong tumindi ang kanyang galit at buong lakas na sinipa ang pintong kinaroroonan nito.

"ELLAH!"

"HMMMPPP! HMMMPP! HMP!"

"ANO!" Muli niyang sinipa ang pintuan.

Kasabay ang pagbukas ng pinto ay isang putok ng baril.

Nagimbal si Gian sa narinig at tuluyang binuksan ang pinto.

Nanigas ang binata.

Ang kaninang puno ng pananabik ay napalitan ng matinding takot nang makitang nakayukyok ang dalaga sa upuan habang tumutulo ang dugo sa balikat.

Nang matauhan ay dinaluhong niya ito nang mahigpit na yakap. Bumuhos ang kanyang mga luha.

"ELLAH!" Inangat niya ang mukha nito at inalis ang takip na ducktape sa bibig ng dalaga.

"G-Gian..." nanghihinang tugon nito. 

"Patawad, patawarin mo ako nahuli ako ng dating. Sorry, sorry!"

Kanina, nang bumukas ang pinto ay mabilis na yumuko si Ellah kaya ang balikat ang nabaril.

"Ligtas ka na, ligtas ka na." Nakapa niya ang sugat sa balikat nito.

"S-saan galing 'to?"

"Sa pinto, may baril doon."

Tumayo siya at tiim-bagang na hinablot at ibinalibag ang baril na nasa pintuan.

Subalit nanlaki ang mga mata niya sa nakitang bomba at sa  ibinabadyang oras at higit sa lahat, sa lakas ng klase nito!

00:03:06

"TANGINA!"

Akmang hihilain niya ang dalaga palabas nang mapansin ang kalagayan nito.

Tila ngayon lang tumimo sa isipan niya ang nakikita.

Animo lantang gulay ang dalaga at punong-puno ng pasa ang mukha at malalim ang sugat sa magkabilang pulso.

Gula-gulanit ang suot na damit na nag kulay pula na ngayon dahil sa mantsa ng dugo.

Pumayat din ito ng husto.

Dinudurog ang puso ng binata sa kalagayan ng pinakamamahal na kasintahan.

Nagtagis ang mga bagang niya at nagbabaga ang mga matang nakatingin sa magkabilang pulsong may nakataling bakal na posas.

Hinablot ni Gian mula sa likuran ang isang bagay na nagpatigagal kay Ellah.

"A-anong gagawin mo?"

"Magtiwala ka, walang ibang paraan." Marahas niyang itinutok ang baril na hawak sa bakal na nakakabit sa pulso ng dalaga.

Kung hindi asintado ang babaril ay posibleng matamaan ang pulso.

"N-natatakot ako..."

"Ligtas ka na, nandito ako magtiwala ka sabihin mo lang."

"Oo, nagtitiwala ako..." mahinang tugon ng dalaga.

Iyon ang hudyat upang barilin ni Gian ang naturang posas, tumalsik ito sa sahig.

Nakahinga ng maluwag si Ellah, ngunit may isa pa.

Walang imik na binaril din niya ang kaliwa kasabay ng kanyang pagpikit.

Nang marinig ang pagtalsik ng posas na bakal ay mabilis siyang lumapit sa kasintahan at mahigpit itong niyakap ng mabilisan.

"Umalis na tayo," anang binata.

Hinawakan niya ang kamay nito at nagsimula silang tumakbo.

Nakapangalahati pa lang sila nang marinig ang tunog ng warning ng bomba.

00:00:10

Nanigas ang dalaga at na blangko sa nakita.

Walang sabi-sabing hinila ni Gian ng kasintahan at mabilis na tumakbo.

Sobrang bilis na halos hindi na ito sumasayad sa sahig sa pagkakaladkad niya.

Dinig na dinig ang pagbibilang ng bomba hanggang sa huling tunog nito tanda na sasabog na!

"DAPA!"

Sumabog ang bomba at nagtalsikan ang mga gamit,   naglalagablab ang apoy kasabay ng pagguho ng gusali.

Matapos ang pagsabog ay muli silang tumakbo palabas.

Eksaktong nasa pinto na sila nang magdilim ang paningin ni Ellah at bumagsak sa bisig ng kasintahan.

"ELLAH!"

Karga ni Gian ang dalaga habang sumasabog sa likuran. 

Wala ng pakialam dahil ligtas na ang pinakamamahal na kasintahan!

---

Nahagip ng tingin ni Xander ang ama habang nakakubli sa sulok.

Nakayukong tinungo niya ang kinaroroonan nito.

"Dad!"

Hinayaan niyang ang mga tauhan ang makikipaglaban.

Mas lalo siyang nagwala nang makitang parating na ang chopper subalit hindi pa rin nakukuha ang ama!

Subalit mula sa kung saan ay may lumipad na raket deretso sa chopper, walang kaabog-abog na bigla na lang sumabog.

Nagimbal siya sa nangyari.

Lumitaw ang isang elikopter kung saan lulan nito ang pinakamortal nilang kaaway!

"FUCK!" 

Desperado niyang hinila ang ama sa wheel chair nito palabas sa exit.

Panay ang pakikipaglaban ng mga tauhan habang silang mag-ama ay makakaligtas na!

"Xander anong nangyayari!" kabadong tanong ni senior Roman sa anak.

"Wala na ang chopper dad na magsusundo sa'yo. Hindi bale may sasakyan dito paglabas natin.  Dederetso  tayo ng Luzon dad bago lilipad pa US."

"Salamat anak," tanging wika ng senior.

"Para sa'yo dad, I'll do anything, everything just to save you."

Natahimik ang ama at nilimi ng husto ang mga sinabi niya.

Pagdating sa exit ay mabilis niyang hinila ang pinto ngunit sa halip na sasakyan ang sumalubong ay mga balang nagliliparan mula sa kalaban!

"Shit!"

Napabalik sila sa loob.

"Bakit?" takot na tanong ng ama.

"Nandiyan si Villareal dad, kasama si don Jaime!"

"A-ano!"

Tiningala niya ang buong ospital at naghanap ng paraan paano makaligtas.

Hindi sila makakadaan sa harapan dahil patuloy ang bakbakan doon.

Hindi siya pwedeng dumaan sa bintana dahil sa sitwasyon ng ama.

Ikinasa ni Xander ang hawak na mahabang baril.

"Dito ka lang dad, kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis. Babalik ako."

"Saan ka pupunta?"

Hindi niya sinagot ang ama at muling bumalik sa exit.

Agad niyang pinagbabaril ang nasa labas ngunit wala roon ang kalaban.

Binalikan niya ang ama at hinila ang wheel chair nito.

Desperado na siyang makalabas dito kasama ang ama.

"Dahan-dahan Xander!" asik ng senior na nahihirapan sa sitwasyon.

"Sorry dad, makakalabas tayo rito, makakaligtas tayo!"

Tulak ang wheel chair ng ama ay bumalik sila sa exit.

Subalit...

Hindi napaghandaan ni Xander ang mangyayari.

Sinalubong sila ng mga bala ng kalaban na hindi nila naiwasan!

Nanlamig si Xander nang makitang pinagbabaril ang ama!

Dinaluhong niya ito ngunit siya naman ang binaril.

---

Nakatayo si don Jaime habang pinagbabaril ang nakaupong si Roman Delavega na walang kalaban-laban gamit ang kalibre kwarenta 'y singkong baril.

Habang si Gian ay pinaliliguan ng bala ng kalibre kwarentang baril si Xander Delavega!

Punong-puno ng poot ang dalawa habang walang humpay sa pagpatay.

Nasa likuran nila ang Alpha Team na walang tigil sa pagbaril sa mag-ama!

Ngayon makakamtan na ng mga biktima ang hustisya!

"Para kay Warren!" ani Gian at muling binaril si Xander.

"Para sa mga anak ko!" ani don Jaime at binaril si Roman.

"Para kay Isabel!" si Gian.

"Para sa asawa ko!" si don Jaime.

"Para kay Vince!" sunod-sunod ang pagbaril ni Gian.

"Para kay Roger!" si don Jaime.

"At higit sa lahat para kay Ellah!" inubos  niya ang bala sa katawan ni Xander Delavega.

"Para kay Ellah!" ani don Jaime at inubos ang bala sa katawan ni Roman Delavega!

Sabay na humandusay ang mag-ama na wala ng buhay.

Natapos ang yugto ng mag-amang Delavega!


CREATORS' THOUGHTS
Phinexxx Phinexxx

Hi po,

Kumusta kayong lahat?

Nagpapasalamat po ako sa nanatiling sumusubabay ng kwentong ito.

Malapit na po ang finale.

Kunting chapters na lang matatapos na po ang kwentong ito.

Thank you po.

Please comment, vote and review.

Maraming salamat po.

Keep safe everyone!

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C105
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login