Download App
100% Vr Wars / Chapter 10:   Chapter I Burden

Chapter 10:   Chapter I Burden

Maraming player ang nanonood sa sa streaming area at nag abang ng magaganap na event. Sa kabilang banda naman sa isang room na puno nang mga monitor, windows screen, at mga status bar, may isang lalaking naka lab coat ang tinignan ang mga player. Lumapit ito sa salamin upang maka kita ng maayo.May pumasok naman na isang lalaki na naka itim na coat. Dumiretso ito sa upuuan na nasa gitna ng kwarto at naka pangalumbabang umupo. Sinabihan naman nito ang naka lab coat na umalis sya sa salamin para Makita niya ang nangyayari sa laban.

"Tumabi ka nga dyan! Hindi ko makita kung ano na nangyayari sa game!"

Sabi niya sa lalaking naka lab coat at pa biro naman itong sumagot.

"Hmmm hmmm hmmmm..... Ang gara naman gusto ko lang makita yung mga player."

Umalis ang lalaki sa screen at dumiretso sa pinto.

"Ganyan ba trato mo sa akin? Sa gumawa nang laro na ito?"

Sumbat niya sa lalaking naka itim na coat. Lumingon naman ang lalaki sa naka lab coat at tumingin nang masama.

"Tsk, Ikaw nga ang gumawa, pero ako ang namamahala dito sa maliit mong mundo."

Tumawa ang lalaki na naka labcoat at akmang bubuksan ang pinto. Yumuko ito at bumulong sa sarili.

"Namamahala ka nga pero.... Ako ang diyos dito…. Kayang kong baguhin ang lahat sa isang iglap lang… GM."

Tuluyan na ngang lumabas na nang room ang naka lab coat at patuloy namang na nunuod ang lalaki.

"Mga kababayan narito ang inyong host na si Louca para mag hatid nang impormasyon sa first round nang laro. Sa ngayon, 500 players ang nasa loob ng isang map at nag lalaban laban para makakuha ng flag. Ang flag na ito ay mag sisilbing pass para makapasok sa sunod na round, pero limitado lang ang flag na nasa map at may oras ang paghahanap ng flag. Pero! Wag pa kampante dahil pwede maagaw nang ibang groupo ang kanilang flag"

Pagkatapos ng paliwanag ni Louca ay pinakita sa monitoring screen ang groupo nang MAHAROTH na dinidepensahan ang kanilang flag sa mga kalaban. Sa kabila namang screen ay ang Vig4 na kakakuha lang nang flag sa kalaban.

"Mga kaibigan nakikita nyo naman na umuulan nang dugo pero wala naman katulad sa map na maulan."

Sabi ni Louca….. Nanahimik naman ang iba sa stream area at nag bubulugan ang mga ibang player.

"Nag joke ba si Louca? Tawanan nyo nalang."

Narinig ni Louca ang mga player at sinigawan niya ito.

"Pusang gala kayo nag papakahirap ako na mag host tapos gaganyanin nyo ko!!!...."

Habang sumusigaw si Louca napa tingin ang mga players sa isang monitoring screen. Duon nakita nila ang isang player na sunod sunod pagpatay sa mga kalaban. Ang ka takataka lang ay hindi nito kinukuha ang mga flag. May malaki din itong sandata na dala-dala. Sa kabilang banda nasa bundok sila Glenn, Cj, at Nicoh. Pinag usapan nila kung saan sila makakakuha nang flag. Itinuro naman ni Nicoh ang isang tulay, malapit sa kung saan may flag na pwede makuha.

"Kailangan muna natin contact si Kim."

Sabi ni Cj sa dalawa.

"Kaya nga ehh, kaso nga lang di natin ma contact kaya dalwa lang ang pwedeng paraan na naiisip ko."

Sabi ni Nicoh sa dalawa.

"Ano yung dalawang paraan?"

Tanong ni Glenn habang mino-monitor kung may malapit na kalaban.

"Una hanapin natin si Kim at mag hanap nang flag. Pangalwa mag hanap nang flag at hintayin nalang natin si Kim na macontact tayo."

Sabi ni Nicoh. Saglit silang nag isip at mas pinili nila ang pangalawa

"Pangalawa tayo, dahil kung hahanapin natin si Kim mag kukulang tayo sa oras. Isa pa marami tayong makakasagupa na kalaban."

Sabi ni Nicoh.

"Oo nga nasa dulo tayo nang map kaya wala gaanong groupo dito. May flag din dito na malapit at may chance na walang groupo na nagbabantay doon. Malakas si Kim kaya hindi kaagad mapapatay nang kalaban yun."

Sabi ni Glenn kaya agad na kami umalis nang pwesto at pumunta sa tulay. Habang tumatakbo kami papunta sa tulay may narinig kaming malakas na pag sabog sa syudad. Sa sobrang lakas abot hanggang sa kabundukan ang tunog na gawa nang pag sabog. Napatanong naman ako kila Glenn at Nicoh dahil dun.

"Ano yun?"

Tumingin sa windows map si Nicoh at tinantsa kung saan galing ang pag sabog.

"Malamang sa gitna nang map iyon. Siguro may dalawang malakas na team ang nag lalaban."

Hinala niya sa sanhi nang pag sabog. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa aming destinasnyon. Isang tulay na may mga abandonadong kotse na animoy barikada na nag dudugtong papunta sa mga kabahayan. Sa ibaba naman nang tulay ay isang rumaragasang ilog. Sa pagmamasid naming ay nakita na namin ang flag na sinasabi ni Nicoh.

"Ayun na yung flag kita ko na." Sabi ni Nicoh sa green holographic flag. Agad kami pumunta sa sa flag pero biglang may bumaril sa amin.

"MAY KALABAN!!!!!"

Sabi ni Glenn at nagtago sa likod ng truck. Agad rin kami nag tago ni Nicoh sa mga kotse dahil pinaulanan kami nang bala.

"Saan yung kalaban?"

Tanong ko kay Nicoh at tinuro niya ang kabilang dulo nang tulay.

"Dalawang attacker at dalawang shooter nasa mga kotse rin nag tatago"

Sabi ni Glenn habang binabantayan ang mga kalaban gamit ang scope nang kanyiang baril. Nagsalita naman si Nicoh habang bumabaril.

"Cj lumapit ka sa mga kalaban susuportahan ka namain."

"Suicide nananman to?!!!...."

Sabi ni Glenn habang pinapa putukan ang mga kalaban. Walang magawa habang sumagot kay glenn si Cj kaya sumugod siya nang patago. Napansin naman siya ng mga kalaban kaya sumugod rin ang dalawang attacker. Ang isa ay naka mukhang samurai ang avatar. Ang isa naman ay naka bear mascot at ang espda ay isang candy cane. Habang sumusugod ang dalawa ay nailang si Cj sa dalawang attacker.

"Ano bato cosplay party!!!!!!!"

Nang mag kalapit na ang mga attacker ay gumamit nang skill ang tatlo

"slash!!"

"slash!!"

"slash!!"

Hinataw nang dalawang attacker si Cj gamit ang skill pero, sinangga niya ito sa pamamagitan nang skill. Sa sobrang lakas nang impact ay nag karoon nang hangin at lumindol ng mahina sa paligod nang tatlong players. Dahil sa lakas ng hangin ay medyo nahawi ang tubig sa ilog. Umatras si Cj para ilagan ang mga atake nang dalawang attacker. (Synchronize tong dalawa.) Bulong niya sa sarili habang iniilagan ang mga atake. Sa sobrang lakas nito ay nahiwa ang kotse at sumabog. Malapit lang kay Cj ang kotse salamat nalang at nakagamit ito ng shield. Napa atras naman nang malayo si Cj dahil sa impact ng pagsabog. Habang sila Glenn at Nicoh naman ay pinapaputukan ang dalawang shooter. Lumapit naman ang Samurai na attacker sa kasama niya na naka bear mascot.

"Kuya…."

"Magkapatid pala kayo. Yun pala ang dahilan kung bakit alam nyo ang galaw nang bawat isa."

Habang kinakausap ni Cj ang dalawa sumigaw si Nicoh at sinabihan si Cj na kuhanin ang flag. Nang marinig ito ni Cj ay agad siyang tumakbo tapos tumalon sa mga nakaparadang kotse. Inatake kasi siya ng naka bear costume. Tumama ang atake sa kotse na pinatungan ni Cj at sabay nang pag sabog ng kotse ay ang pag takbo ni Cj papunta sa flag. Pero nang malapit na siya sa flag ay sinalubong siya nang espada nang samurai kaya dali dali niya itong sinangga dahilan nang pagtalsik niya papunta sa isang van. Sa sobrang lakas ay halos matiklop ang van. Sinugod pa siya nang naka bear costume at sinaksak.

"Cj!!!!!!!!"

Pasigaw ni Nicoh habang binabaril ang samurai na dapat ay kukunin ang flag. Akala niya ay huli na ang lahat pero biglang humarang si Glenn at nakapag shield. Nagulat si Nicoh at Cj nang biglang nasira ang shield ni Glenn sa lakas nang kalaban. Buti nalang ay na activate na nuon ang shield ni Cj at nasagga ito ng tuluyan. Dahil dito napaatras ang naka bear costume na player. Sa kailang banda naman ay hindi napigilan ni Nicoh ang naka samurai na player na makuha ang flag.

"Umatras na tayo kuya… hindi na natin kailangan I pk pa yan. Nakuha na natin ang flag…"

Sabi nang naka samurai at sabay salita nang naka bear costume na.

"Pasalamat ka…. Bata"

Mabilis na umatras ang dalawang atacker habang kino koveran nang dalawang shooter na kakampi. Papunta na si Nicoh sa dalawa pero biglang gumuho ang tulay dahil sa pinsala na ginawa nang laban.

"Umalis na kayo dyan!!!! "

Pasigaw na sinabi ni Nicoh at pilit na inabot ang kamay ni Glenn pero huli na ang lahat. Nalaglag ang dalawa kasabay ng mga tipak na bato at mga sasakyan sa rumaragasang ilog. Mabilis na sinundan ni Nicoh ang daloy ng ilog para masundan ang dalawa, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay sina cj at glenn dahil sa isang malaking bato na nasa gitna ng ilog. Sa kabilang banda dinidepensahan nang Vig4 ang kanilang flag. Lamang ang team ng kalaban. Nag hahabulan ang dalawang team sa kabahayan. Hinahabol ng mga kalaban ang Vig4 para ma agaw sa kanila ang flag. Nag salita naman si Escarlet.

"Ano ba naman pati ba naman dito sa game may mga ganitong tao parin na parang uhaw na uhaw."

Pag pasok nila sa eskinita ay nagulat sila dahil may mga nakaabag na sa kanila na mga player. Nang lilisik ang mga mata nito na para bang lobo na papatayin ang kaniyang biktima. Inutusan ni Eskarlet si Mey na manguna at paslangin ang mga nasa harapan. Mabilis na sumugod si Mey at sabay nang pag hugot nang kanyang espada ay ang pag activate ng skill.

"Triplex Splinter"

Sa sobrang bilis nang pag ikot ni Mey ay nahiwa sa tatlo ang mga kalaban at hindi manlang nakagalaw sa kanilang kinatatayuan.

"Nice one… Ace"

Sabi nang shooter nila na si Ivy, kasabay nang pagbaril niya sa mga kalaban na pilit parin humahabol. Matapos iyon ay natanong ni Hicami kay Mey kung sino yung kinawayan niya kanina. Inaasar naman ng tatlo si Mey habang inuubos ang kalaban. Lalo na si Escarlet na panay takbo at tago. Napaisp naman si Mey kung nasaan na yung player na yun, pero hindi niya maalala kung ano ang pangalan nito.

"Sino nga ulit yun Rj... Hindi... M…j…?"

"Mey wag ka dyan pumunta!!!"

"eekk!!! Kyahhhh!!!!!!...."

Dahil sa pag iisip ni Mey natapakan niya ang isang walang takip na manhole. SInubukan siyang balaan ni Hicami pero huli na ang lahat. Sa kabilang panig, isa isang inuubos ni Kim ang mga kalaban gamit ang dala dala niyang scythe. Walang makapigil sa kanya lahat nang madaan niyang team ay hindi manlang makapalag. Mahina pero dahan dahan niyang narinig ang boses ni Nicoh sa R.E.D.

"Kim naririnig mo ba ako? nasaan ka?"

"Sa gitna nang syudad, malapit sa ilog."

Pasagot ni Kim habang nakikipag laban sa mga kalaban. Sinabi ni Nicoh ang nangyari at sinabihan si Kim na kumuha na siya nang flag kung hindi ay hindi sila makakpasok sa sunod na round. Subalit nag matigas si Kim at dahil mas gusto niya na makipag laban sa mga kalaban. "Hindi mo mapaghihiganti ang iyong ama kung ganyang lang ang iyong ginagawa. Alam kong napansin kana nang tunay nating kalaban, pero kung matatalo tayo dito mas malaki ang chance na hindi mo mabawi ang ginawa nang iyong ama."

Galit na sinabi ni Nicoh habang tumatakbo pababa nang kakahuyan. Mula duon ay natatanaw na niya ang siyudad. Huminto naman si Kim sa pag patay sa mga player at umatras para humanap ng flag. Habang tumatakbo ay bumulong sa RED at humingi ng tawad.

"pasensya na"

Nasa ilam nang sewage si Mey at nag lalakad lakad. Hinanap niya ang labasan matapos malaglag sa manhole at matangay nang rumaragasang ilog. Habang nag mamasid ay nakita niya ang isang lalaki na nakasabit sa bakal at walang malay. Namumukhaan niya ito kaya nilapitan niya agad at inabot ang kamay para makuha niya.

"OAHH!!!...eto si pj....hinde rj??...."

Hindi parin niya matandaan ang pangalan nito. Umupo si Mey at tinapik ang mukha ni Cj na nakahiga, pero hindi ito magising kaya sinampal niya ito. Nagising sa sakit si Cj at naubo dahil nakainom ito nang tubig.

"ARA-ugh cough...sino.. ikaw si Mey..."

Napangiti si Mey at nagsalita.

"Woahh natatandaan mo ko."

Tumayo si Cj at napakamot sa ulo. Tinanong niya si Mey kung nasaan sila at kung may nakita pa ba siya na isa pang lalaki.

"May nakita ka pa bang isang lalaki na blue ung buhok???" "Wala ehh ikaw lang ang nakita ko."

Sagot ni Mey at tumayo rin. Sinusubukan ni Cj na macontact ang tatlo pero walang sumasagot sa kanila. Ganun din ang team ni Mey. Napag desisyunan naman ng dalawa na dahan dahang lumakad at mag hanap nang malalabasan. Habang nag lalakad nag salita si Cj patungkol kay Mey.

"Hndi ko na malayan na isa ka palang sikat na player. Tsaka nga pala salamat dahil tinuruan mo ako nung nakaraan araw."

Habang nag sasalita si Cj oo lang nang oo si mey. Sa kanilang pag lalakad ay may natanaw siya na isang bagay na kumikislap. Nakabara ito sa daan ng tubig at nang puntaha nila ito para tignan nakita ni Cj na ang bagay pala na iyon ay ang baril ni Glenn.

"Isang baril !!"

"Sa kasamahan ko yan. Kailangan ko maisauli yan sa kanya."

Sabi ni Cj kay Mey at sinukbit niya ang baril.

"Kasamahan mo?... Ibig sabihin parehas kayo tinangay nang malakas na agos nang ilog?"

Tanong ni Mey kay Cj, tumango si Cj bilang tugon. Nagsimula na ulit mag lakad ang dalawa para makalabas na sa malaking sewage at makapag regroup na sa kanya kanyang grupo. Habang naglalakad may nakita silang isang kumikinang na bagay sa kabilang gilid nang sewage. Nang makita nila iyon isa pala itong holographic flag. Pinuntahan ng dalawa ang flag habang nakangiti si Cj.

"Haha swerte naman"

Biglang pumasok sa isip ni Cj na kalaban si Mey kaya agad niya itong kinuha at dali daling umatras at sabay salita.

"Ako unang nakakita. First look first get. Walang samaan nang loob"

Hindi nag salita si Mey at biglang nag iba ang ihip nang hangin at pasimpleng nitong hinuhugot ni ang kanyang espada.

"T-teka mey mapapag usapan naman natin to… wala ako magagawa kundi labanan ka…"

Nang huhugutin na ni Cj ang kanyang espada ay mabilis na sumugod si Mey. Kala niya ay katapusan nya na pero hinawakan siya ni Mey sa tagiliran at hinawi sa gilid nang malakas sabay nang pagsangga nang bala sa kanyang espada.

"Magpakita ka!"

"ha? ...haha nakapag activate nang skill at nasangga ang bala… imposible namman."

Lumabas ang isang grupo. Isang sniper, dalawang attacker at isang shooter. Tumayo si Cj at nagulat siya na may mga kalaban pala na nakasunod sa kanila ng hindi namamalayan.

"Aray aray...akala ko katapusan ko na teka may mga kalaban."

"Kung ako sa inyo ibigay nyo nalang ung flag para hindi kayo mamatay at makapaghanap pa ulit kayo."

Sabi nang shooter nila na para bang namumukhan si Mey. Habang si Cj naman hinugot niya ang kanyang katana. Napasigaw ang lalaking shooter at tinuturo si Mey.

"Wag nyong patayin yung babae itali naalang natin…Marami pa tayong magagawa sa kanya dito."

Narinig ni Cj ang sinabi nang shooter. Nangigigil habang ang shooter ay kung ano-ano ang sinasabi sa katawan ni Mey. Si Mey naman ay pinag mamasdan ang galaw ng dalawang attacker. Hindi mapigilan nang sniper nila ang ka libugan nang shooter nila. Nilalabas na niya ang kanyang dila na para bang naglalaway . Hindi na matiis ni Cj ang kanyang gigil kaya bigla ito sumagaw nang napakalakas.

"Put*** **a!!!!... Ang dumi-dumi mo!!! Ang libog nang utak mo!!! Iginagalang ang babae, hindi pinaglilibugan lang. Hindi kaba naturuan nang nanay mo pano gumalang nang isang babae? Rereport kita dito sa game!"

Biglang tumawa ang shooter at ang tatlo niyang kakampi ay pilit siyang pinatitigil.

"Ha?... report?? Nag papatawa ka ba? Sa mundong ito walang report report kahit ano pwede ditong gawin. Mandaya, pumatay, at manalo."

Nag salita si Cj.

"Isa tong sirang laro na kung saan pinapaikot lang kayo nang nammamahala dito--"

Hinawakkan ni Mey ang balikat ni Cj kaya napahinto ito sa pagsasalita. Bigla namang nagsalita ang kalaban na sniper at pinasugod ang dalawa.

"Pero sa situawsyon na ito matatalo kayo dahil mas marami kami. Attacker sugod."

"Maraming salamat Dj sa pagtanggol mo saken, kaya ako naman."

"D…j..??"

Pagkatapos na iyon ay sumugod nang mabilis si Mey at kinalaban ang dalawa. Sinabihan ng sniper ang kanilang shooter na backupan ang dalawang attacker. Binaril si Mey ng shooter, at ng mag shield si ito ay nagulat ang kalaban sa kulay nang shield at ang hugis nito na pa bituin

"anong klase shield yan??.."

Nagsalita ang shooter at kasabay naman nuon ang mabilis na pagsugod ni Cj, pero napaatras siya dahil sa sniper. Biglang may ideaya na pumasok sa isipan ni Cj. Dali-dali itong umatras at nagtago sa batuhan.

"Wala ka ng magagawa Vig4 member... Natakot nang parang aso ang kasama mong attacker isa pala syang duwag puro dal dal."

Patawang sinasabi nang shooter habang binabaril si Mey. Habang ito naman ay unti-unti ng nagagalusan sa mga atake ng kaalaban.

"ha??...nag papatawa ka ba? Kahit ako nalang mag isa at mag tulong-tulong pa kayo hindi nyo ko makakaya."

Tumingin nang masama si Mey sa kalaban at biglang sumigaw si Cj.

"Mey atras ka..... hyaaaaaaaa….burst....shot!!"

Nagulat ang lahat nang bumaril si Cj at pinatamaan niya ang kisame nang drainage at nabutas. Nalaglag ang mga bato at kongkreto sa tapat nang mga kalaban at nadagaan nang malaking bato. Pumasok naman agad ang ulan at malamig na hangin.

"Uyy... may labasan na nice one Tj."

Pangiti ang mukha niya sa kanyang ginawa pero na bitawan ni Cj ang baril. Biglang itong napatumba dahil sa hindi niya kinaya ang pag equip nang dalawang main weapon nang sabay. Sumagad sa sukdulan ang kayang mental fatigue. Nagulat si Mey at pupuntuhan na nya dapat si Cj ng biglang gumalaw ang mga tipak ng bato. Mabilis na lumabas at sumugod ang natitirang attacker na galit na galit.

"Aaaaarghhhhh akin kana!!!!!!!!!!"

Pasigaw na sinabi nang atacker. Sa pag lingon naman ni Mey ay kasabay ang paggamit niya nang skill. Ang kanyang espada ay pahiwa sa leeg nang kalaban nang dahan dahan at pagkatapos ay nataggal ang ulo at tumilapon sa tubigan. Ang katawan naman ay iwinasiwas ang espada hanggang sa tumumba at di na makagalaw.

"Slit sword."

Isang skill na kung saan kaya ng player hiwain ang kalaban sa leeg sa pamamagitan nang pagkakaroon ng eyes assistance sa player na dahilan nang pagtaas nang aacuracy nang player sa loob nang ilang Segundo. Maari itong gamitin sa mga hindi inaasahan atake. Napansin ni Mey na buhay pa ang mga kakampi nang atacker kaya dali-dali nitong kinuha si Cj at pinasan sa kanyang likuran at mabilis na pumunta sa butas at lumabas.

Tatlungpung minuto nalang ang natitirang oras para matapos ang unang pagsubok. Pilit na kinokontak ni Nicoh si Glenn at Cj habang nagtatago sa kalaban. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso at bumilis din ang kanyang paghinga. Sinisisi nya ang kaniyang sarili dahil wala siyang maisip na plano agad.

"Argghh sinabi ko pa naman isa akong strategist pero wala talaga akong kwenta. Isa lang talaga ako utusan nang isang matanda."

Habang dahan-dahang pumunta sa kinaroroon ni Kim ay nakita niya ang isang grupo na nagbabantay nang isang flag sa sirang gusali. Wala na siyang maisip na paraan kung hindi nakawin ang flag dahil yun nalang ang huli niyang naisip na paraan.

"Pag nakuha ko to maari kaming makatung tong sa sunod na round. Wala rin naman kasiguraduhan na may flag si Kim dahil gusto nya lamang mag papansin sa gm at creator. Sila Glenn at Cj naman ay hindi ko alam kung nasaan sila at kalahating oras nalang ang natitirang oras. Ito nalang ang huling kong ideya."

Masusi niyang pinagmasdan ang galaw ng kalaban. Apat silang attacker na naka palibot sa flag. Dahan dahan siyang pumasok sa gusali para makalapit at mabilis nag lagay nang mga time bomb sa pundasyon nang gusali at sa iba pang mga haligi. Biglang napansin nang isang attacker ang kaluskus na gawa ni Nicoh kaya naging alert ang tatlo pa nitong kasamahan.

"Kalaban !!!!!"

Nakita ng attacker ang katawan sa dilim at agad na sumugod para siya ay paslangin, pero laking gulat nang attacker dahil isang lumang damit na nakasampay lamang ang nakita niya.

"Rapid rife!!!.."

Agad na pinaputukan ni Nicoh ang attacker na galing sa itaas ng gusali. Nabalot naman makapal na ng usok ang paligid.

"Tatlo nala-.."

Nagulat siya nang nakapag shield ang kalaban at naka ilag sa mga bala.

"Hindi maari ito…"

Sabi ni Nicoh sa kaniyang sarili habang ang attacker ay tinatawag ang kanyang kasamahan sa pamamagitan nang R.E.D. Mabilis naman na tumakas si Nicoh. Ang mga attacker naman ay dali-daling tinangal ang flag sa kinalalagyan nito dahil. Akala nila ay groupo ang umaatake sa kanila kaya naka bind ang flag dahilan kaya hindi kaagad nila makukuha flag.

"Kung pinasabog ko lang sana kaagad ang mga bomba di sana nakuha ko na yung flag napaka bobo ko talaga kainis."

Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang sarili ay agad na pinasabog ni Nicoh ang mga bomba. Gumuho ang gusali kasabay na para bang may lindol. Nag lalaglagan na mga bakal, bato at gumawa ito ng makapal na usok pero huli na ang lahat dahil na alis na ng kalaban ang flag at nakatakas. Labis ang panghihinayang ni Nicoh dahil nakatakas ang kalaban at unti unti na siyang nawawalan ng pag-asa dahil sa mga padalos-dalos niyang disisyon. Kaunti nalang ang natitirang oras kaya agad na siyang pumunta sa pwesto ni Kim sa gitna ng mapa. Sa kabilang banda naman sa panig ni Kim sa gitna nang mapa na sentro ng labanan, walang mahanap na flag si Kim dahil nagsitaguan na ang ibang team o kaya ay naka activate pa ang bind system. Mauubusan pa siya nang oras kung hihintayin niya ito na ma unbind kaya ang hinahanap niya ay flag na wala pang nakakagalaw na ibang team. Palipat lipat siya nang bahay sa pamamagitan ng pagtalon. Matindi parin ang buhos ng ulan at tila ba wala ng hintuan. Di kalaunan may nakita siyang flag sa isang bakanteng lote, pero napahinto siya ng nakita niya si Glenn na nakaluhod at binubogbog ng isang player. Hindi makalaban si Glenn dahil hinahawakan siya ng kasamahan na player nito. Agad sumugod si Kim at balak tulungan si Glenn, pero nang hahatawin na ni Kim ang kalaban biglang nasangga ang scythe ni Kim nang isa pang kakampi nang player. Laking gulat niya na ang player na iyon ay si Macross isang attacker at team leader nang DEMIGODS napaatras si Kim pero alerto parin siya dahil nakatutok sa kanya ang baril ng kakampi ni marcross na isang shooter.

"Anong ginagawa nyo sa leader ko!!??"

Pabalang na tanong ni Kim sa apat.

"Huh...??? Leader ??? Etong mahinang nilalang nato??"

Sabi ng player na bumububog kay glenn. Habang si Macross ay nakangiting gulat niya sa gamit na sandata ni Kim. Binitawan at inihagis naman si Glenn na walang malay ng kalaban na nakahawak sa kanya.

"Sythe?? Grabe ang laki siguro na binayran mo para makagamit ka lang nang ganyang sandata...mmmm teka ikaw si Kim Emphere ahh… Naalala ko inimbitahan kita sumali sa team ko tapos tinangihan mo ko na hindi manlang nag sasalita, tapos makikita kita dito na lumalaban kasama itong mahina na to ni wala manlang dalang sandata."

Sabi ni Macross sa mayabang na pananalita niya kay Kim. Lumapit naman ang isang kasamahan na attacker ni Macross at tinanong kung pwede bang labanan si Kim.

"Boss pwede ko bang labanan yan tipo ko yung mga babaemg player hehe alam mo na slurpp..."

Sabi nang attacker kay Macross habang tinitignan nang malalim si Kim na para bang naglalaway pero hindi halata dahil sa malakas na ulan.

"Ikaw ang bahala rex pero wag kang padalos dalos hindi mo kilala yan sya lang naman tinatawag na rouge player. Isang player na kayang umubos nang team sa isang laban na sya lang mag isa... marami team na gusto siya kaso tignatangihan niya."

Hindi na pinakinggan nang attacker kung ano ang sinasabi ng kanyang leader at agad na siyang sumugod papunta kay Kim. Hinataw niya ng kanyang espada na may disenyo na isang cutlass sword agad na dumepensa si Kim.

"Crescent moon slash!!!!"

Gumamit ng upgrade skill ang attacker kay Kim na kung saan ang normal skill na slash ay nagagamit sa pangmalayuang atake. Agad na umilag si Kim at napatumba. Dali-dali ma,am itong tumayo at ang natamaan ng skill ay isang bahay na nahati sa gita. Sa lakas na atake nabalot nang usok ang kapaligiran kasabay parin ng walang humpay na pag-ulan.

"Uohhh wew hanggang dyan nalang??.... Mahina naman pala to boss ehh??"

Sabi ni Rex sa kanyang leader na si Macross at ang dalawa na nasa likod na naka upo ay tuwang tuwa sa napanood nila at sumisipol pa.

"Wag kang pakampante Rex nakailag nga ehh "

Mayabang na pananalita si Macross at nakita nila si Kim na nakatayo at nanlilisik ang tingin. Agad namang pu mwesto si Rex at nagsalita.

"Round 2??"

Tumakbo si Kim ng mabilis gayundin si Rex. Kasabay noon, ang malakas na hangin at ang ulan ay biglang nawala. Sa bawat pagtama nang kanilang sandata ay kislap nalang ang nakikita nang mga nanood.

"Crescent moon slash x3 "

Tatlong slash ang pinakawalan si Rex sa kanyang espada at isa isa itong inilagan ni Kim. Kasabay nang pag ilag ay pag atake nya naman sa kalaban pero nasasangga ito ni Rex. May napansin kakaiba si Rex kay Kim dahil unti-unting lumalakas ang hangin na nasa paligid nila dahil kada umiilag si Kim sa mga atake ni rex ay umiikot ito nang malakas.

(Huh.. ang hangin??? May binabalak tong babae na to kailangan kailangan ko umatras.)

Sabi niya sa kanyang sarili pero huli na ang lahat. Hindi na siya makalis dahil sa lakas ng hangin na nakapalibot sa kanila na para bang buhawi. Si Kim naman ay parang trumpo na sobrang bilis nang ikot.

"Huuhhh... ginamit nya ang kanyang sycthe bilang pabigat sa pag ikot para makakuha nang bilis parang second law of motion lang hindi katakataka na pinag aagawan ka nang lahat nang team."

Pabulong na sinabi ni Macross. Sa lakas ng hangin ay nagising si Glenn at dahan dahang tumayo. Napansin naman ito nang shooter at kinalabit ang sniper na bumugbog kay Glenn

"Pre yung kapatid mo ohh tumatayo na naman."

Kinaltukan ng sniper ang shooter at lumapit ang sniper kay Glenn.

"Hindi ko kapatid to wala akong pamilya hindi ba?"

Sabi niya habang tini tinitingnangnan si Glenn sa mata. Walang anu anu ay sinuntok niya ito sa tiyan at napaluhod si Glenn. Tinutukan sya sa noo ng sniper. MApapansin din na magkatulad ng baril ang dalawa.

"Matagal ko na kayo kinalimutan kayo nila ama at ina dahil puro kayo maka sarili. Gusto ninyo sainyo nalang lahat hindi nyo napapansin ang nagagawa ko. Puro nalang kamalian tapos ikaw lang ang lagi pinupuri, nasayo lahat nang atensyon."

Pinilit na magsalita ni Glenn kahit bugbog na ang kanyang katawan at hirap na makagalaw.

"Hin...hiHindi dahilan yoonnn.. para saktan... at ...tanggalan .... nang kinabukasan.. si Teresa... arhhhhh hindiii!!! Mo ba ALAM KUNG GAANO KA HIRAP KUNG ANO.... ANO.... ANG PINAGDADAANAN NIYA NGAYON!!!!! TANG**** KA!!!!!"

Sa lakas nang boses ni Glenn narinig ng lahat ang sinabi niya pati narin ang dalawang naglalaban. Biglang malakas na tawa sa sniper.

"Wahahahaha hahahah wala akong pakealam doon sa babae mo! Syempre natutuwa ako dahil nag dudusa ka at wala kang magagawa at pag nakikita ko ang itsura mo ay kinikilabutan ako at napapangiti.... haha kinuha mo sakin ang lahat edi kinuha ko rin ang sayo..."

Nakangiti na para bang isang kriminal ang mukha ng sniper at nanlalaki ang mga mata. Si Glenn naman ay natulala at hindi makapag salita, nabalot ng puot at galit ang puso ni Glenn sa kanyang tinatawag na kuya.

"Hmmm si Teresa ahh naalala ko tuloy ang pag hagulgol niya habang pinapahirapan ko siya haha hehehe ang saaaaraaapp….. sa teenga.... "

Umabot na sa sukdulan si Glenn kaya pilit itong gumalaw pero binaril ng sniper ang mga braso ni Glenn kaya napayuko nalang ito. Tinutok ulit ng sniper ang kanyang baril sa ulo ni Glenn at nag salita.

"Kahit dito ba naman kukunin mo ang aking kaligayahan..."

Dahan dahang kakalibitin nang sniper ang gatilyo at si glenn naman ay nanlalabo na ang kanyang paningin at napapikit pero bago iyon ay nakita niya ang isang braso na nalaglag sa basang lupa at hawak hawak pa nito ang baril sabay noon ang dagungdong nang isang nalaglag na bagay galing sa langit at nang pagtingala si Glenn ay nakita niya ang itim na jacket ay may sukbit na baril na katulad nang nasa sniper.

"C…Cj...?? Hehe ang epic ung entrance mo ahh."

Pangiti na sinasabi Glenn at hindi makagalaw dahil sa tama niya.

"Hindi ko alam na may pinagdadaan ka pala papasensya na ngayon lang ako."

Habang nag sasalita si Cj ay nagulat ang lahat sa kanilang nakita at ang sniper na naputulan ng kamay ay napaatras. Ang reaksyon ng shooter ay di makapaniwala tumingin ang sniper kay Cj at biglang nanginig dahil sa ang mga mata ni Cj ay nanlilisik at nangigigil sa galit. Dahan dahang lumapit si Cj at dahan dahan ding napaatrass ang sniper. Napansin ni Macross ang epic entrance ni Cj at inilabas ang kanyang espada habang ang shooter naman ay balak sanang barilin si Cj pero naunahan siya ni nicoh at dali dali nakapag shield ang shooter at nagtago.

"Magkapatid kayo dapat hindi kayo nag aaway at nagtutulungan sa isat isa."

Sabi ni Cj habang lumalapit at nag salita ang sniper.

"Ang lakas mo naman para sabihin yan. Wala ka namang kinalaman sa nangyare."

"Wala nga pero ngayon na kaibigan ko siya meron na wala ka magagawa doon...Halika dito puputulin ko pa isa mong braso….Diba yun naman sabi mo kung kinuha nya ang sayo kinuha mo rin ang sa kanya?? Kasiyahan?? Kukunin ko rin kamay mo para parehas...."

Nang lumapit si Cj sa sniper ay mabilis na sumugod si Macross kay Cj na hindi nakita ng lahat. Ang mukha ni macross ay di makikilala sa sobrang sama nang tingin niya kay Cj. Bigla namang nasangga ang atake ni Macross at nagulat ang lahat dahil akala nila ay si Cj ang nakasangga pero isang babae pala na naka dress. Ang player na iyon ay si Mey nang Vig4, sa sobrang lakas ay yumanig ang paligid at nagulat si Cj.

"Huuhh anong ginagawa nang isang mukhang cheerleader dito?"

Tanong ni macross habang nag kikis kisan ang dalawa nilang espada at nag kikislapan sa gigil nang dalawa.

"Ha!?? Cheerleader ehh ikaw naman mukhang unggoy humanap ka nang katapat mo "

Sa kabilang banda nakuha lahat ng atensyon nang manonood sa nangyari at nag hihiyawan. Crowd

[Woahhhhh !!!!!!ang lupet ni Mey!!!!!!!] [GO MEY!!!!!!!!!] //Woahh grabe naman ang tensyon na nangyayari unang round palang ito tehe☆// //Sa mga sandaling ito ay malapit na magtapos ang unang pagsubok sabay sabay tayo bumilang.// 10 . . 9

Sa loob naman ng field ay nagpapalakasan ng pwersa ang dalawa, habang si Cj naman ay humakbang at itinutok ang espada sa natitirang braso nang sniper, at sa pag taas nito ay biglang may tumunog na malakas na nagsasabi na natapos na ang unang pagsubok. Ilang beses to inulit ulit habang si Cj ay ibinalik ang kanyang espada sa lalagyanan at ang sniper naman ay napatumba. [Teleporting in 30 sec] Habang nag hihintay mateleport ay pumunta sa kanya kanya groupo ang kanya kanyang team, kaso ang demigods ay tatlo nalang dahil ang isa ay hindi na makilala sa tindi nang pinsala sa katawan.

"Anong nangyari kay Rex???"

"Natalo sa laban nila Kim."

Sagot ni Macross sa shooter at ang sniper ay nakahawak sa kanyang kanang braso habang. Si Kim at Nicoh ay lumapit kila Cj at Glenn, habang si Mey ay isinukbit ang kanyang espada at nag salita si Macross kay Kim.

"Rouge may alam ka ba sa green card na bali balita???"

Ng pagkabanggit ng green card ay agad na nabigla ang tatlo sa narinig at at pati narin si Mey.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Sagot ni Kim kay

Macross at mayabang itong ngumiti at nag salita.

"Hindi na ko makapaghintay baguhin ang lahat." Habang nag uumpisa na ang pag teteleport ay nagsalita rin ang sniper.

"Magbabayad ka sa ginawa mo attacker…. Magbabayad ka magkikita pa tayo"


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login